Nokia 2.3 User guide

Nokia 2.3
User guide
Isyu 2020-04-11 fil-PH
Nokia 2.3 User guide
1 Tungkol sa gabay para user na ito
Mahalaga: Para sa mahalagang impormasyon tungkol sa ligtas na paggamit ng iyong device at
baterya, basahin ang impormasyong “Para sa iyong kaligtasan” at “Kaligtasan ng Produkto” sa naka-print na gabay para sa user, o sa www.nokia.com/support bago mo gamitin ang device. Alamin kung paano magsimula sa iyong bagong device, basahin ang naka-print na gabay para sa user.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 2
Nokia 2.3 User guide

Index

1 Tungkol sa gabay para user na ito 2
2 Index 3
3 Magsimula 6
Panatilihing napapanahon ang telepono mo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6
Mga key at piyesa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6
Ilagay ang SIM at mga memory card . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7
I-charge ang iyong telepono . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8
I-on at i-set up ang iyong telepono . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8
Mga setting ng Dual SIM . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9
I-lock o i-unlock ang iyong telepono . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
Gamitin ang touch screen . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10
4 Mga Pangunahing Kaalaman 14
I-personalize ang iyong telepono . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14
Mga Abiso . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14
Kontrolin ang volume . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15
Awtomatikong pagwawasto ng teksto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16
Ang Google Assistant . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 17
Tagal ng baterya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 17
Accessibility . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 18
FM Radio . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 19
5 Kumonekta sa iyong mga kaibigan at kapamilya 20
Mga Tawag . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Mga Contact . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Magpadala ng mensahe . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21
Mail . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21
Mag-social . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 22
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 3
Nokia 2.3 User guide
6 Camera 23
Mga pangunahing kaalaman sa camera . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 23
Mga Video . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24
Iyong mga larawan at video . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24
7 Internet at mga koneksyon 26
I-activate ang Wi-Fi . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 26
Gumamit ng koneksyon sa mobile data . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 26
I-browse ang web . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 27
Bluetooth® . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 28
VPN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 29
8 Isaayos ang iyong araw 31
Petsa at oras . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 31
Alarm clock . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 31
Kalendaryo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 32
9 Mga Mapa 33
Maghanap ng mga lugar at kumuha ng mga direksyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 33
Mag-download at mag-update ng mga mapa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 34
Gamitin ang mga serbisyo sa lokasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 34
10 Mga app, update, at backup 36
Kumuha ng mga app mula sa Google Play . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36
Magbakante ng espasyo sa iyong telepono . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36
I-update ang software ng iyong telepono . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37
I-back up ang iyong data . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37
Ipanumbalik ang mga orihinal na setting at tanggalin ang pribadong nilalaman mula sa
iyong telepono . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 38
Imbakan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 38
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 4
Nokia 2.3 User guide
11 Protektahan ang iyong telepono 40
Protektahan ang iyong telepono gamit ang isang lock ng screen . . . . . . . . . . . . . . 40
Protektahan ang iyong telepono gamit ang iyong mukha . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40
Palitan ang PIN code ng iyong SIM . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 41
Mga access code . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 41
12 Impormasyon ng produkto at kaligtasan 44
Para sa iyong kaligtasan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 44
Mga serbisyo ng at mga gastusin sa network . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 47
Mga emergency na tawag . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 47
Pangangalagaan ang iyong device . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 48
Recycle . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49
Simbolo ng nakaekis na wheelie bin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49
Impormasyon sa baterya at charger . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49
Maliliit na bata . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 51
Mga medical na device . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 51
Mga naka-implant na medical na device . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 51
Pandinig . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 51
Protektahan ang iyong device mula sa mapaminsalang nilalaman . . . . . . . . . . . . . 52
Mga Sasakyan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 52
Mga kapaligirang potensyal na sumasabog . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 52
Impormasyon sa sertipikasyon (SAR) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 53
Tungkol sa Digital Rights Management . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 54
Mga copyright at iba pang mga abiso . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 54
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 5
Nokia 2.3 User guide
3 Magsimula

PANATILIHING NAPAPANAHON ANG TELEPONO MO

Ang software ng telepono mo
Panatilihing napapanahon ang telepono mo at tumanggap ng mga available na update sa software para makakuha ng mga bago at pinahusay na tampok para sa telepono mo. Kapag na-update ang software, maaari ding humusay ang paggana ng telepono mo.

MGA KEY AT PIYESA

Telepono mo
Magagamit ang user guide na ito para sa mga sumusunod na modelo: TA-1206, TA-1211, TA­1214, TA-1194, TA-1209.
1. Flash
2. Camera
3. Slot ng SIM at memory card
4. Key ng Google Assistant/Google Search*
5. Camera sa harap
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 6
6. Earpiece
7. Headset connector
8. Mga volume key
9. Power/Lock key
10. USB connector
Nokia 2.3 User guide
11. Mikropono 12. Loudspeaker
Maaaring hiwalay na ibinebenta ang ilan sa mga accessory na nabanggit sa user guide na ito, tulad ng charger, headset, o data cable.
*Ang Google Assistant ay available sa mga piling market at wika. Ang Google Assistant ay pinapalitan ng Google Search kung saan hindi ito available. Tingnan ang availability sa https://support.google.com/assistant.
Mga piyesa at connector, magnetism
Huwag kumonekta sa mga produktong naglalabas ng signal, dahil maaari nitong masira ang device. Huwag magkakabit ng anumang pinagmumulan ng boltahe sa connector ng audio. Kung magkakabit ka ng panlabas na device o headset, bukod sa mga naaprubahan para gamitin sa device na ito, sa connector ng audio, bigyan ng pansin ang lakas ng volume.
Magnetic ang mga piyesa ng device. Maaaring mahila sa device ang mga materyal na gawa sa metal. Huwag maglagay ng mga credit card o iba pang magnetic stripe card malapit sa device nang matagal, dahil maaaring masira ang card.

ILAGAY ANG SIM AT MGA MEMORY CARD

Ilagay ang mga card
1. Buksan ang tray ng SIM card: itulak ang pin na pambukas ng tray sa butas ng tray at i-slide ang tray palabas.
2. Ilagay ang nano-SIM sa slot 1 sa tray nang nakaharap sa ibaba ang contact area. Kung mayroon kang dual-SIM na telepono, ilagay ang pangalawang SIM sa slot 2.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 7
Nokia 2.3 User guide
3. Kung mayroon kang memory card, ilagay ito sa slot ng memory card.
4. I-slide ang tray pabalik.
Gumamit lang ng mga orihinal na nano-SIM card. Maaaring makasira sa card o sa device ang paggamit ng mga hindi akmang SIM card, at maaari nitong masira ang data na nakaimbak sa card.
Gumamit lang ng mga tugmang memory card na inaprubahan para gamitin sa device na ito. Maaaring masira ng mga hindi akmang card ang card at ang device at masira ang data na nakaimbak sa card.

I-CHARGE ANG IYONG TELEPONO

I-charge ang baterya
1. Magsaksak ng isang angkop na charger sa isang saksakan.
2. Ikabit ang cable sa iyong telepono.
Sinusuportahan ng iyong telepono ang USB micro-B cable. Maaari mo ring i-charge ang iyong telepono mula sa isang computer gamit ang isang USB cable, ngunit maaaring mas magtagal ito.
Kung ganap na nadiskarga ang baterya, maaaring tumagal nang ilang minuto bago lumabas ang indicator ng pag-charge.

I-ON AT I-SET UP ANG IYONG TELEPONO

Kapag in-on mo ang iyong telepono sa unang pagkakataon, gagabayan ka ng iyong telepono sa pag-set up ng iyong mga koneksyon sa network at mga setting ng telepono.
I-on ang iyong telepono
1. Para i-on ang iyong telepono, pindutin nang matagal ang power key hanggang sa mag­vibrate ang telepono.
2. Kapag na-on ang iyong telepono, piliin ang iyong wika at rehiyon.
3. Sundin ang mga tagubilin na ipinapakita sa telepono mo.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 8
Nokia 2.3 User guide
Maglipat ng data mula sa dati mong telepono
Maaari kang maglipat ng data mula sa isang lumang telepono papunta sa bagong telepono mo gamit ang iyong Google account.
Para mag-back up ng data sa lumang telepono mo papunta sa Google account mo, sumangguni sa user guide ng lumang telepono mo.
1. I-tap ang Mga Setting > Mga Account > Magdagdag ng account > Google .
2. Piliin kung aling data ang gusto mong i-restore sa bago mong telepono. Awtomatikong magsisimula ang pag-sync kapag nakakonekta ang telepono mo sa internet.
I-restore ang mga setting ng app mula sa nakaraan mong Android™ phone
Kung Android ang dati mong telepono, at naka-enable dito ang pag-back up sa Google account, maaari mong i-restore ang iyong mga setting ng app at mga password ng Wi-Fi.
1. I-tap ang Mga Setting > System > Pag-backup .
2. I-on ang I-back up sa Google Drive .

MGA SETTING NG DUAL SIM

Kung mayroon kang dual SIM na variant, maaari kang magkaroon ng 2 SIM sa iyong telepono, halimbawa, isa para sa iyong trabaho at isa para sa personal na paggamit.
Tandaan: Sa mga dual SIM capable na device, sinusuportahan ng SIM1 at SIM2 slot ang mga 4G network. Gayunpaman, kung parehong LTE SIM card ang SIM1 at SIM2, sinusuportahan ng pangunahing SIM ang mga 4G/3G/2G network, habang mga 3G/2G network lang ang sinusuportahan ng pangalawang SIM. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iyong mga SIM card, makipag-ugnayan sa iyong service provider.
Piliin kung aling SIM ang gagamitin
Halimbawa, kapag tumatawag ka, maaari mong piliin kung aling SIM ang gagamitin sa pamamagitan ng pag-tap sa akmang button ng SIM 1 o SIM 2 pagkatapos mong i-dial ang numero.
Ipinapakita ng iyong telepono ang status ng network para sa parehong SIM nang magkahiwalay. Available nang sabay ang parehong SIM card kapag hindi ginagamit ang device, ngunit habang aktibo ang isang SIM card, halimbawa, kapag tumatawag, maaaring hindi available ang isa pa.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 9
Nokia 2.3 User guide
Pamahalaan ang iyong mga SIM
Ayaw mo bang magambala ng trabaho ang iyong bakanteng oras? O may mas mura ka bang koneksyon sa data sa isang SIM? Maaari kang magpasya kung aling SIM ang gusto mong gamitin.
I-tap ang Mga Setting > Network at Internet > Mga SIM Card .
Palitan ang pangalan ng isang SIM card
I-tap ang SIM na gusto mong palitan ang pangalan, at i-type ang pangalang gusto mo.
Piliin kung aling SIM ang gagamitin para sa mga tawag o koneksyon sa data
Sa ilalim ng Gustong SIM para sa , i-tap ag setting na gusto mong palitan at piliin ang SIM.

I-LOCK O I-UNLOCK ANG IYONG TELEPONO

I-lock ang iyong telepono
Kung gusto mong maiwasang aksidenteng makagawa ng tawag kapag nasa bulsa o nasa bag ang iyong telepono, maaari mong i-lock ang iyong mga key at screen.
Para i-lock ang iyong mga key at screen, pindutin ang power key.
I-unlock ang mga key at screen
Pindutin ang power key, at mag-swipe pataas sa screen. Kung hiniling, ibigay ang mga karagdagang kredensyal.

GAMITIN ANG TOUCH SCREEN

Mahalaga: Iwasang magasgas ang touch screen. Huwag kailanman gumamit ng aktwal na pen,
lapis, o iba pang matulis na bagay sa touch screen.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 10
Nokia 2.3 User guide
I-tap nang matagal para mag-drag ng item
Ilagay ang iyong daliri sa ibabaw ng item nang ilang segundo, at i-slide pahalang ang iyong daliri sa screen.
Mag-swipe
Ilagay ang iyong daliri sa screen, at i-slide ang iyong daliri sa gusto mong direksyon.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 11
Nokia 2.3 User guide
Mag-scroll sa isang mahabang listahan o menu
Mabilis na i-slide ang iyong daliri sa mosyon na papitik pataas o pababa sa screen, at iangat ang iyong daliri. Para ihinto ang pag-scroll, i-tap ang screen.
Mag-zoom in o out
Maglagay ng 2 daliri sa ibabaw ng isang item, tulad ng mapa, litrato, o web page, at i-slide palayo o palapit sa isa’t isa ang iyong mga daliri.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 12
Nokia 2.3 User guide
I-lock ang orientation ng screen
Awtomatikong iikot ang screen kapag ipinihit mo ang telepono nang 90 degrees.
Para i-lock ang screen sa portrait mode, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen, at i-tap ang Auto-rotate .
Gamitin ang mga navigation key
• Para makita ang lahat ng iyong app, i-swipe
pataas ang home key at pagkatapos ay i-swipe ito ulit pataas.
• Para pumunta sa home screen, i-tap ang home key. Mananatiling nakabukas sa background ang app na ginamit mo.
• Para makita kung aling mga app ang nabuksan mo, i-swipe pataas ang home key.
• Para lumipat sa ibang bukas na app, mag­swipe pakanan.
• Para magsara ng app, i-swipe ito pataas.
• Para isara ang lahat ng bukas na app, mag­swipe pakanan sa lahat ng app, at i-tap ang
I-CLEAR LAHAT .
• Para bumalik sa nakaraang screen kung nasaan ka, i-tap ang back key . Natatandaan ng telepono mo ang lahat ng app at website na binisita mo mula noong huling beses na na-lock ang screen mo.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 13
Nokia 2.3 User guide
4 Mga Pangunahing Kaalaman

I-PERSONALIZE ANG IYONG TELEPONO

Palitan ang wallpaper mo
I-tap ang Mga Setting > Display > Wallpaper .
Baguhin ang ringtone ng telepono mo
1. I-tap ang Mga Setting > Tunog .
2. I-tap ang SIM1 Ringtone ng telepono o > SIM2 Ringtone ng telepono para piliin ang ringtone para sa kani-kanilang mga SIM.
Palitan ang tunog ng notification ng mensahe mo
I-tap ang Mga Setting > Tunog > Default na tunog ng notification .

MGA ABISO

Palaging malaman kung anong nangyayari sa iyong telepono gamit ang mga abiso.
Gamitin ang notification panel
Kapag makakatanggap ka ng mga bagong notification, tulad ng mga mensahe o hindi nasagot na tawag, may lalabas na mga icon ng indicator sa status bar sa itaas ng screen. Para makakita ng higit pang impormasyon tungkol sa mga notification, i-drag ang status bar pababa. Para isara ang view, mag-swipe pataas sa screen.
Para buksan ang notification panel, i-drag ang status bar pababa. Para isara ang notification panel, mag-swipe pataas sa screen.
Upang baguhin ang mga setting ng notification ng app, i-tap ang Mga Setting >
Mga notification at i-tap ang pangalan ng app upang buksan ang mga setting ng app. Mga Notification . Maaari mong i-off o i-on ang mga notification sa bawat app nang indibidwal.
Tip: Para makita ang mga notification dot, i-tap ang Mga Setting > Mga app at notification > Mga Notification at i-on ang Payagan ang mga notification dot . Lalabas ang isang maliit na tuldok sa icon ng app, kung nakakuha ka ng notification, ngunit hindi mo pa ito natitingnan. I-tap nang matagal ang icon para makita ang mga available na opsyon. Maaari mong i-tap ang notification para buksan ito, o i-swipe para i-dismiss ito.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 14
Nokia 2.3 User guide
Gamitin ang mga icon ng mabilisang setting
Para mag-activate ng mga tampok, i-tap ang mga icon ng mga mabilisang setting sa notification panel. Para makakita ng higit pang icon, i-drag ang menu pababa.
Para muling isaayos ang mga icon, i-tap ang , i-tap nang matagal ang isang icon, at pagkatapos ay i-drag ito papunta sa ibang lokasyon.

KONTROLIN ANG VOLUME

Baguhin ang volume
Kung nahihirapan kang marinig ang pag-ring ng iyong telepono sa maiingay na lugar, o masyadong malakas ang mga tawag, maaari mong baguhin ang volume sa gusto mong lakas sa pamamagitan ng paggamit sa mga volume key sa gilid ng iyong telepono.
Huwag kumonekta sa mga produktong naglalabas ng signal, dahil maaari nitong masira ang device. Huwag magkakabit ng anumang pinagmumulan ng boltahe sa connector ng audio. Kung magkakabit ka ng panlabas na device o headset, bukod sa mga naaprubahan para gamitin sa device na ito, sa connector ng audio, bigyan ng pansin ang lakas ng volume.
Baguhin ang volume para sa media at mga app
Pumindot ng volume key sa gilid ng iyong telepono para makita ang status bar ng volume, i-tap ang , at i-drag pakaliwa o pakanan ang slider sa volume bar para sa media at mga app.
Ilagay sa silent ang telepono
Para gawing silent ang telepono, pindutin ang volume down key, i-tap ang para gawing vibrate only ang iyong telepono at i-tap ang para gawin itong silent.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 15
Nokia 2.3 User guide
Tip: Ayaw mong ilagay sa silent mode ang iyong telepono, pero hindi ka makakasagot sa ngayon? Para mag-silent ng papasok na tawag, pindutin ang volume down key. Maaari mo ring itakda ang telepono mo na i-mute ang pag-ring kapag pinulot mo ang telepono: i-tap ang
Mga Setting > System > Mga Galaw > Ang volume ay tahimik sa pag-angat , at i-on. Kung gusto mong matanggihan ang isang papasok na tawag sa pamamagitan ng pagtaob sa telepono, i-tap ang Mga Setting > System > Mga Galaw >
Itaob upang tanggihan ang tawag , at i-on.

AWTOMATIKONG PAGWAWASTO NG TEKSTO

Alamin kung paano mabilis at mainam na magsulat ng teksto gamit ang pagwawasto ng teksto ng keyboard.
Gamitin ang mga iminumungkahing salita ng keyboard
Magmumungkahi ang iyong telepono ng mga salita habang nagsusulat ka, para tulungan kang magsulat nang mabilis at mas tumpak. Maaaring hindi available sa lahat ng wika ang mga iminumungkahing salita.
Kapag nagsimula kang magsulat ng salita, magmumungkahi ang iyong telepono ng mga posibleng salita. Kapag ipinapakita ang salita na gusto mo sa suggestion bar, piliin ang salita. Para makakita ng higit pang mga mungkahi, i-tap nang matagal ang mungkahi.
Tip: Kung naka-bold ang iminumungkahing salita, awtomatiko itong gagamitin ng iyong telepono para palitan ang salitang isinulat mo. Kung mali ang salita, i-tap ito nang matagal para makakita ng ilan pang ibang mungkahi. Kung ayaw mong magmungkahi ng mga salita ang keyboard habang nagta-type, i-off ang mga pagwawasto ng teksto. I-tap ang Mga Setting > System > Mga wika at input > Virtual na keyboard . Piliin ang keyboard na karaniwan mong ginagamit. I-tap ang
Pagwawasto ng teksto at i-off ang mga paraan ng pagwawasto ng teksto na ayaw mong gamitin.
Magwasto ng salita
Kung mapansin mong mali ang naging spelling mo ng isang salita, i-tap ito para makakita ng mga mungkahi sa pagwawasto sa salita.
I-off ang spell checker
I-tap ang Mga Setting > System > Mga wika at input > Advanced > Spell checker , at i-off ang Gamitin ang spell checker .
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 16
Nokia 2.3 User guide

ANG GOOGLE ASSISTANT

Ang Google Assistant ay available lang sa mga piling market at wika. Ang Google Assistant ay pinapalitan ng Google Search kung saan hindi ito available. Ang Google Assistant ay makakatulong sa iyo na maghanap ng impormasyon online, mag-translate ng mga salita at pangungusap, magsulat ng mga note at mga appointment sa kalendaryo, halimbawa. Maaari mong gamitin ang Google Assistant kahit na naka-lock ang iyong telepono. Gayunpaman, hinihiling sa iyo ng Google Assistant na i-unlock ang iyong telepono bago i-access ang pribado mong data.
Gamitin ang Google Assistant key
Para i-access ang mga serbisyo ng Google Assistant, gamitin ang Google Assistant key sa gilid ng iyong telepono:
• Pindutin ang key nang isang beses para simulan ang Google Assistant. Kapag pinindot mo ang key sa unang pagkakataon, hihilingin sa iyong mag-sign in sa iyong Google account o gumawa ng bagong account.
• Pindutin nang matagal ang key para kausapin ang Google Assistant. Magtanong at bitawan ang key. Makikita mo ang sagot ng Google Assistant sa display ng iyong telepono.
Kung hindi sinusuportahan ng iyong bansa o rehiyon ang Google Assistant, magagamit mo pa rin ang key ng Google Assistant:
• Pindutin ang key nang isang beses para buksan ang Google Search
• Pindutin nang matagal ang key para gamitin ang paghahanap gamit ang boses sa Google. Magtanong at bitawan ang key. Makikita mo ang sagot ng Google sa display ng iyong telepono.
I-off ang Google Assistant key
Para i-off ang key ng Google Assistant, i-tap ang Mga Setting > System > Mga Gesture >
Button ng Google Assistant , at i-off ang Button ng Google Assistant .

TAGAL NG BATERYA

Sulitin ang iyong telepono habang nakukuha ang tagal ng baterya na kailangan mo. May mga hakbang na maaari mong gawin para makatipid ng baterya sa iyong telepono.
Pahabain ang itatagal ng baterya
Para makatipid ng baterya:
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 17
Loading...
+ 38 hidden pages