Mahalaga: Para sa mahalagang impormasyon tungkol sa ligtas na paggamit ng iyong device at
baterya, basahin ang impormasyong “Para sa iyong kaligtasan” at “Kaligtasan ng Produkto” sa
naka-print na gabay para sa user, o sa www.nokia.com/support bago mo gamitin ang device.
Alamin kung paano magsimula sa iyong bagong device, basahin ang naka-print na gabay para
sa user.
Panatilihing napapanahon ang telepono mo at tumanggap ng mga available na update sa
software para makakuha ng mga bago at pinahusay na tampok para sa telepono mo. Kapag
na-update ang software, maaari ding humusay ang paggana ng telepono mo.
MGA KEY AT PIYESA
I-explore ang mga key at piyesa ng iyong bagong telepono.
Telepono mo
Magagamit ang user guide na ito para sa mga sumusunod na modelo: TA-1188, TA-1191, TA1179, at TA-1183.
Maaaring hiwalay na ibinebenta ang ilan sa mga accessory na nabanggit sa user guide na ito,
tulad ng charger, headset, o data cable.
*Ang Google Assistant ay available sa mga piling market at wika. Ang Google Assistant ay
pinapalitan ng Google Search kung saan hindi ito available.
Mga piyesa at connector, magnetism
Huwag kumonekta sa mga produktong naglalabas ng signal, dahil maaari nitong masira ang
device. Huwag magkakabit ng anumang pinagmumulan ng boltahe sa connector ng audio. Kung
magkakabit ka ng panlabas na device o headset, bukod sa mga naaprubahan para gamitin sa
device na ito, sa connector ng audio, bigyan ng pansin ang lakas ng volume.
Magnetic ang mga piyesa ng device. Maaaring mahila sa device ang mga materyal na gawa sa
metal. Huwag maglagay ng mga credit card o iba pang magnetic stripe card malapit sa device
nang matagal, dahil maaaring masira ang card.
1. Habang nakaharap pababa ang telepono, ipasok ang iyong kuko sa slot sa gilid ng telepono,
iangat pabukas ang takip sa likuran, at alisin ito.
2. I-slide ang nano-SIM sa slot 1 nang nakaharap sa ibaba ang contact area. Kung mayroon
kang pangalawang SIM, i-slide ito sa slot 2.
3. Kung mayroon kang microSD memory card, i-slide ang card sa memory card slot.
Para alisin ang SIM1 card, i-slide ang lever sa SIM1 slot patungo sa kaliwa at alisin ang card.
Para alisin ang SIM2 at memory card, i-slide lang nang palabas ang mga iyon.
Gumamit lang ng mga orihinal na nano-SIM card. Maaaring makasira sa card o sa device ang
paggamit ng mga hindi akmang SIM card, at maaari nitong masira ang data na nakaimbak sa
card.
Gumamit lang ng mga tugmang memory card na inaprubahan para gamitin sa device na ito.
Maaaring masira ng mga hindi akmang card ang card at ang device at masira ang data na
nakaimbak sa card.
Mahalaga: Huwag alisin ang memory card kapag ginagamit ito ng isang app. Kapag ginawa ito,
maaaring masira ang memory card at ang device at masira ang data na nakaimbak sa card.
Tip: Gumamit ng mabilis at hanggang 400 GB na microSD memory card mula sa isang kilalang
manufacturer.
I-CHARGE ANG IYONG TELEPONO
I-charge ang baterya
1. Magsaksak ng isang angkop na charger sa isang saksakan.
2. Ikabit ang cable sa iyong telepono.
Sinusuportahan ng iyong telepono ang USB micro-B cable. Maaari mo ring i-charge ang iyong
telepono mula sa isang computer gamit ang isang USB cable, ngunit maaaring mas magtagal
ito.
Kung ganap na nadiskarga ang baterya, maaaring tumagal nang ilang minuto bago lumabas ang
indicator ng pag-charge.
Kapag in-on mo ang iyong telepono sa unang pagkakataon, gagabayan ka ng iyong telepono sa
pag-set up ng iyong mga koneksyon sa network at mga setting ng telepono.
I-on ang iyong telepono
1. Para i-on ang iyong telepono, pindutin nang matagal ang power key.
2. Kapag na-on ang iyong telepono, piliin ang iyong wika at rehiyon.
3. Sundin ang mga tagubilin na ipinapakita sa telepono mo.
Maglipat ng data mula sa dati mong telepono
Maaari kang maglipat ng data mula sa isang lumang telepono papunta sa bagong telepono mo
gamit ang iyong Google account.
Para mag-back up ng data sa lumang telepono mo papunta sa Google account mo, sumangguni
sa user guide ng lumang telepono mo.
1. I-tap ang Mga Setting > Mga Account > Magdagdag ng account > Google .
2. Piliin kung aling data ang gusto mong i-restore sa bago mong telepono. Awtomatikong
magsisimula ang pag-sync kapag nakakonekta ang telepono mo sa internet.
I-restore ang mga setting ng app mula sa nakaraan mong Android™ phone
Kung Android ang dati mong telepono, at naka-enable dito ang pag-back up sa Google account,
maaari mong i-restore ang iyong mga setting ng app at mga password ng Wi-Fi.
1. I-tap ang Mga Setting > System > Pag-backup .
2. I-on ang I-back up sa Google Drive .
MGA SETTING NG DUAL SIM
Kung mayroon kang dual SIM na variant, maaari kang magkaroon ng 2 SIM sa iyong telepono,
halimbawa, isa para sa iyong trabaho at isa para sa personal na paggamit.
Halimbawa, kapag tumatawag ka, maaari mong piliin kung aling SIM ang gagamitin sa
pamamagitan ng pag-tap sa akmang button ng SIM 1 o SIM 2 pagkatapos mong i-dial ang
numero.
Ipinapakita ng iyong telepono ang status ng network para sa parehong SIM nang magkahiwalay.
Available nang sabay ang parehong SIM card kapag hindi ginagamit ang device, ngunit habang
aktibo ang isang SIM card, halimbawa, kapag tumatawag, maaaring hindi available ang isa pa.
Pamahalaan ang iyong mga SIM
Ayaw mo bang magambala ng trabaho ang iyong bakanteng oras? O may mas mura ka bang
koneksyon sa data sa isang SIM? Maaari kang magpasya kung aling SIM ang gusto mong
gamitin.
I-tap ang Mga Setting > Network at Internet > Mga SIM Card .
Palitan ang pangalan ng isang SIM card
I-tap ang SIM na gusto mong palitan ang pangalan, at i-type ang pangalang gusto mo.
Piliin kung aling SIM ang gagamitin para sa mga tawag o koneksyon sa data
Sa ilalim ng Gustong SIM para sa , i-tap ag setting na gusto mong palitan at piliin ang SIM.
I-LOCK O I-UNLOCK ANG IYONG TELEPONO
I-lock ang iyong telepono
Kung gusto mong maiwasang aksidenteng makagawa ng tawag kapag nasa bulsa o nasa bag
ang iyong telepono, maaari mong i-lock ang iyong mga key at screen.
Para i-lock ang iyong mga key at screen, pindutin ang power key.
I-unlock ang mga key at screen
Pindutin ang power key, at mag-swipe pataas sa screen. Kung hiniling, ibigay ang mga
karagdagang kredensyal.
Ilagay ang iyong daliri sa screen, at i-slide ang iyong daliri sa gusto mong direksyon.
Mag-scroll sa isang mahabang listahan o menu
Mabilis na i-slide ang iyong daliri sa mosyon na papitik pataas o pababa sa screen, at iangat ang
iyong daliri. Para ihinto ang pag-scroll, i-tap ang screen.
Alamin kung paano i-personalize ang home screen at paano magpalit ng ringtone.
Palitan ang wallpaper mo
I-tap ang Mga Setting > Display > Wallpaper .
Baguhin ang ringtone ng telepono mo
1. I-tap ang Mga Setting > Tunog .
2. I-tap ang Ringtone ng telepono sim1 o > Ringtone ng telepono sim2 para piliin ang
ringtone para sa kani-kanilang mga SIM.
Palitan ang itong tunog ng abiso ng mensahe
I-tap ang Mga Setting > Tunog > Advanced > Default na tunog ng notification .
MGA ABISO
Palaging malaman kung anong nangyayari sa iyong telepono gamit ang mga abiso.
Gamitin ang notification panel
Kapag makakatanggap ka ng mga bagong notification, tulad ng mga mensahe o hindi nasagot
na tawag, may lalabas na mga icon ng indicator sa status bar sa itaas ng screen. Para makakita
ng higit pang impormasyon tungkol sa mga notification, i-drag ang status bar pababa. Para
isara ang view, mag-swipe pataas sa screen.
Para buksan ang notification panel, i-drag ang status bar pababa. Para isara ang notification
panel, mag-swipe pataas sa screen.
Upang baguhin ang mga setting ng notification ng app, i-tap ang Mga Setting >
Mga notification at i-tap ang pangalan ng app upang buksan ang mga setting ng app. Mga
Notification . Maaari mong i-off o i-on ang mga notification sa bawat app nang indibidwal.
Tip: Para makita ang mga notification dot, i-tap ang Mga Setting > Mga app at notification
> Mga Notification at i-on ang Payagan ang mga notification dot . Lalabas ang isang maliit
na tuldok sa icon ng app, kung nakakuha ka ng notification, ngunit hindi mo pa ito natitingnan.
I-tap nang matagal ang icon para makita ang mga available na opsyon. Maaari mong i-tap ang
notification para buksan ito, o i-swipe para i-dismiss ito.
Para mag-activate ng mga tampok, i-tap ang mga icon ng mga mabilisang setting sa
notification panel. Para makakita ng higit pang icon, i-drag ang menu pababa.
Para muling isaayos ang mga icon, i-tap ang , i-tap nang matagal ang isang icon, at
pagkatapos ay i-drag ito papunta sa ibang lokasyon.
KONTROLIN ANG VOLUME
Baguhin ang volume
Kung nahihirapan kang marinig ang pag-ring ng iyong telepono sa maiingay na lugar, o
masyadong malakas ang mga tawag, maaari mong baguhin ang volume sa gusto mong lakas
sa pamamagitan ng paggamit sa mga volume key sa gilid ng iyong telepono.
Huwag kumonekta sa mga produktong naglalabas ng signal, dahil maaari nitong masira ang
device. Huwag magkakabit ng anumang pinagmumulan ng boltahe sa connector ng audio. Kung
magkakabit ka ng panlabas na device o headset, bukod sa mga naaprubahan para gamitin sa
device na ito, sa connector ng audio, bigyan ng pansin ang lakas ng volume.
Baguhin ang volume para sa media at mga app
Pumindot ng volume key sa gilid ng iyong telepono para makita ang status bar ng volume, i-tap
ang , at i-drag pakaliwa o pakanan ang slider sa volume bar para sa media at mga app.
Ilagay sa silent ang telepono
Para gawing silent ang telepono, pindutin ang volume down key, i-tap ang para gawing
vibrate only ang iyong telepono at i-tap ang para gawin itong silent.
Tip: Ayaw mong ilagay sa silent mode ang iyong telepono, pero hindi ka makakasagot sa
ngayon? Para mag-silent ng papasok na tawag, pindutin ang volume down key. Maaari mo
ring itakda ang telepono mo na i-mute ang pag-ring kapag pinulot mo ang telepono: i-tap ang
Mga Setting > System > Mga Galaw > Ang volume ay tahimik sa pag-angat , at i-on.
Kung gusto mong matanggihan ang isang papasok na tawag sa pamamagitan
ng pagtaob sa telepono, i-tap ang Mga Setting > System > Mga Galaw >
Itaob upang tanggihan ang tawag , at i-on.
AWTOMATIKONG PAGWAWASTO NG TEKSTO
Alamin kung paano mabilis at mainam na magsulat ng teksto gamit ang pagwawasto ng teksto
ng keyboard.
Gamitin ang mga iminumungkahing salita ng keyboard
Magmumungkahi ang iyong telepono ng mga salita habang nagsusulat ka, para tulungan kang
magsulat nang mabilis at mas tumpak. Maaaring hindi available sa lahat ng wika ang mga
iminumungkahing salita.
Kapag nagsimula kang magsulat ng salita, magmumungkahi ang iyong telepono ng mga
posibleng salita. Kapag ipinapakita ang salita na gusto mo sa suggestion bar, piliin ang salita.
Para makakita ng higit pang mga mungkahi, i-tap nang matagal ang mungkahi.
Tip: Kung naka-bold ang iminumungkahing salita, awtomatiko itong gagamitin ng iyong
telepono para palitan ang salitang isinulat mo. Kung mali ang salita, i-tap ito nang matagal
para makakita ng ilan pang ibang mungkahi.
Kung ayaw mong magmungkahi ng mga salita ang keyboard habang nagta-type, i-off
ang mga pagwawasto ng teksto. I-tap ang Mga Setting > System > Mga wika at input
> Virtual na keyboard . Piliin ang keyboard na karaniwan mong ginagamit. I-tap ang
Pagwawasto ng teksto at i-off ang mga paraan ng pagwawasto ng teksto na ayaw mong
gamitin.
Magwasto ng salita
Kung mapansin mong mali ang naging spelling mo ng isang salita, i-tap ito para makakita ng
mga mungkahi sa pagwawasto sa salita.
I-off ang spell checker
I-tap ang Mga Setting > System > Mga wika at input > Advanced > Spell checker , at i-off
ang Gamitin ang spell checker .
Ang Google Assistant ay available lang sa mga piling market at wika. Ang Google Assistant
ay pinapalitan ng Google Search kung saan hindi ito available. Ang Google Assistant ay
makakatulong sa iyo na maghanap ng impormasyon online, mag-translate ng mga salita at
pangungusap, magsulat ng mga note at mga appointment sa kalendaryo, halimbawa. Maaari
mong gamitin ang Google Assistant kahit na naka-lock ang iyong telepono. Gayunpaman,
hinihiling sa iyo ng Google Assistant na i-unlock ang iyong telepono bago i-access ang pribado
mong data.
Gamitin ang Google Assistant key
Para i-access ang mga serbisyo ng Google Assistant, gamitin ang Google Assistant key sa gilid
ng iyong telepono:
• Pindutin ang key nang isang beses para simulan ang Google Assistant. Kapag pinindot mo
ang key sa unang pagkakataon, hihilingin sa iyong mag-sign in sa iyong Google account o
gumawa ng bagong account.
• Pindutin ang key nang dalawang beses para makakita ng bagong visual na pangkalahatangideya ng iyong araw, makakuha ng mga suhestiyon at naka-personalize na impormasyon
• Pindutin nang matagal ang key para kausapin ang Google Assistant. Magtanong at bitawan
ang key. Makikita mo ang sagot ng Google Assistant sa display ng iyong telepono.
Kung hindi sinusuportahan ng iyong bansa o rehiyon ang Google Assistant, magagamit mo pa
rin ang Google Assistant key:
• Pindutin ang key nang isang beses para buksan ang Google Search.
• Pindutin ang key nang dalawang beses para simulan ang Google visual snapshot na
nagpapakita sa iyong agenda para sa araw na ito
• Pindutin nang matagal ang key para gamitin ang Google voice search. Magtanong at bitawan
ang key. Makikita mo ang sagot ng Google sa display ng iyong telepono.
TAGAL NG BATERYA
Sulitin ang iyong telepono habang nakukuha ang tagal ng baterya na kailangan mo. May mga
hakbang na maaari mong gawin para makatipid ng baterya sa iyong telepono.
2. I-mute ang mga hindi kailangang
tunog, tulad ng mga tunog sa
pagpindot. I-tap ang Mga Setting >
Tunog > Advanced , at sa ilalim ng
Iba pang mga tunog at vibration , piliin
kung aling mga tunog ang papanatilihin.
3. Gumamit ng mga wired headphone, sa
halip na loudspeaker.
4. Itakda ang screen ng telepono na mag-off
pagkatapos ng maikling oras. I-tap ang
Mga Setting > Display > Advanced >
Sleep at piliin ang oras.
5. I-tap ang Mga Setting > Display >
Antas ng brightness . Para isaayos ang
brightness, i-drag ang slider ng antas ng
brightness. Tiyaking naka-disable ang
Adaptive na brightness .
6. Pigilan ang mga app sa pagtakbo sa
background: i-swipe pataas ang home
key at i-swipe pataas ang app na gusto
mong isara.
7. I-on ang power saver: i-tap
ang Mga Setting > Baterya >
Pangtipid sa baterya , at I-on .
8. Maingat na gamitin ang mga serbisyo
ng lokasyon: i-off ang mga serbisyo
ng lokasyon kapag hindi mo kailangan
ang mga ito. I-tap ang Mga Setting >
Seguridad at Lokasyon > Lokasyon , at
i-disable ang Gamitin ang lokasyon .
9. Maingat na gumamit ng mga koneksyon sa
network: i-on lamang ang Bluetooth kapag
kinakailangan. Gumamit ng koneksyong
Wi-Fi para kumonekta sa internet, sa halip
na sa isang mobile data na koneksyon.
Pigilan ang telepono mo sa pag-scan ng
mga available na wireless network. I-tap
ang Mga Setting > Network at Internet >
Wi-Fi , at i-disable ang Gamitin ang Wi-Fi .
Kung nakikinig ka sa musika o ginagamit
mo ang telepono mo, ngunit ayaw
mong tumawag o makatanggap ng mga
tawag, i-on ang airplane mode. I-tap ang
Mga Setting > Network at Internet >
Advanced > Airplane mode . Isinasara
ng Airplane mode ang mga koneksyon sa
mobile network at ino-off nito ang mga
wireless na tampok ng device mo.
ACCESSIBILITY
Maaari mong baguhin ang iba’t ibang setting para maging mas madali ang paggamit ng iyong
telepono.
Palakihin o paliitin ang font
Gusto mo bang magkaroon ng mas malaking mga font sa iyong telepono?
1. I-tap ang Mga Setting > Accessibility .
2. I-tap ang Laki ng font . Para palakihin o paliitin ang font, i-drag ang slider ng antas ng laki
ng font.
Palakihin o paliitin ang sukat ng display
Gusto mo bang paliitin o palakihin ang mga item sa iyong screen?