Sa pamamagitan nito, ipinapahayag ng NOKIA CORPORATION na
itong produktong RM-364, RM-365 at RM-366 ay sumusunod sa
mga mahahalagang itinatakda at mga naaangkop na tuntunin ng
Directive 1999/5/EC. Ang kopya ng Declaration of Conformity ay
matatagpuan sa
http://www.nokia.com/phones/declaration_of_conformity/.
Ang Nokia, Nokia Connecting People, Navi at Visual Radio ay mga
tatak-pangkalakal o rehistradong tatak-pangkalakal ng Nokia
Corporation. Ang Nokia tune ay isang tunog na tatak ng Nokia
Corporation. Ang iba pang mga pangalan ng produkto at kompanya
na nabanggit dito ay maaaring mga tatak-pangkalakal o
pangalang-pangkalakal ng kani-kaniyang mga nag-aari.
Ang pagkokopya, paglilipat, pamamahagi, o pag-iimbak ng
bahagi o lahat ng nilalaman ng dokumentong ito sa anumang
anyo nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Nokia
ay ipinagbabawal.
US Patent No 5818437 at iba pang mga nakabimbing patente. T9
text input software Karapatang-maglathala (C) 1997-2008.
Tegic Communications, Inc. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
May kasamang RSA BSAFE cryptographic o security
protocol software mula sa RSA Security.
Ang Java ay isang tatak-pangkalakal ng Sun
Microsystems, Inc.
This product is licensed under the MPEG-4 Visual Patent Portfolio
License (i) for personal and noncommercial use in connection with
information which has been encoded in compliance with the
MPEG-4 Visual Standard by a consumer engaged in a personal and
noncommercial activity and (ii) for use in connection with MPEG-4
video provided by a licensed video provider. No license is granted or
shall be implied for any other use. Additional information, including
that related to promotional, internal, and commercial uses, may be
obtained from MPEG LA, LLC. See http://www.mpegla.com.
Ang produktong ito ay lisensiyado sa ilalim ng MPEG-4 Visual Patent
Portfolio License (i) para sa personal at di-pangkomersiyong
paggamit na may kaugnayan sa impormasyon na inilagay sa code na
sumusunod sa MPEG-4 Visual Standard ng isang tagagamit na
gumagawa ng isang personal at di-pangkomersiyong aktibidad at
(ii) para sa paggamit na may kaugnayan sa MPEG-4 video na
ipinagkaloob ng isang lisensiyadong video provider. Walang lisensiya
ang iginagawad o ipapahiwatig para sa anumang ibang paggamit.
Ang karagdagang impormasyon kabilang ang may kinalaman sa
pagtataguyod, panloob at pangkomersiyong paggamit ay
maaaring makuha mula sa MPEG LA, LLC. Tingnan ang
http://www.mpegla.com.
Patakaran ng Nokia ang patuloy na pagpapaunlad. Nasa Nokia ang
karapatang gumawa ng mga pagbabago at pagpapahusay sa
alinmang produktong inilarawan sa dokumentong ito nang walang
paunang paunawa.
HANGGANG SA SUKDULANG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG
NAAANGKOP NA BATAS, SA ILALIM NG ANUMANG SITWASYON AY
HINDI MAAARING MAGKAROON NG SAGUTIN ANG NOKIA O ANG
SINUMAN SA MGA TAGAPAGLISENSYA NITO PARA SA ANUMANG
PAGKAWALA NG DATA O NG KITA O NG ANUMANG MGA
PINSALANG ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHINATNAN O DI-DIREKTA
KAHIT PAANO MAN ITO NAIDULOT.
ANG MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO AY
IPINAGKAKALOOB NANG “AS IS“. MALIBAN KUNG KINAKAILANGAN
NG NAAANGKOP NA BATAS, WALANG ANUMANG GARANTIYA,
TAHASAN MANG ISINAAD O IPINAHAYAG, KABILANG ANG, NGUNIT
HINDI LIMITADO SA, MGA IPINAHAYAG NA GARANTIYA NG
KAKAYAHANG MAIBENTA AT KAANGKUPAN PARA SA ISANG
PARTIKULAR NA LAYUNIN, ANG ISINASAGAWA PATUNGKOL
SA KAWASTUHAN, PAGIGING MAASAHAN, O MGA NILALAMAN NG
DOKUMENTONG ITO. TAGLAY NG NOKIA ANG KARAPATANG
BAGUHIN ANG DOKMENTONG ITO O IURONG ITO ANUMANG ORAS
NANG WALANG PAUNANG ABISO.
Ang kakayahang makuha ang mga partikular na produkto at
aplikasyon at ang mga serbisyo para sa mga produkto na ito ay
maaaring magkaiba ayon sa rehiyon. Paki-alam sa iyong
tagapagbenta ng Nokia para sa mga detalye, at kakayahang
makagamit ng mga pagpipilian sa wika.
Mga Pagkontrol sa Pagluwas
Ang aparatong ito ay maaaring magtaglay ng mga kalakal,
teknolohiya o software na napapailalim sa mga batas sa pagluwas at
mga regulasyon mula sa Estados Unidos at ibang mga bansa. Ang
paglihis na kontra sa batas ay ipinagbabawal.
Ang mga aplikasyon na mula sa ikatlong partido na ibinigay kasama
ang iyong aparato ay binuo at maaaring pinagmamay-arian ng mga
tao o samahan na hindi kaugnay sa o walang kinalaman sa Nokia.
Hindi ang Nokia ang may-ari ng karapatang-maglathala o mga
karapatan sa ari-ariang intelektwal sa mga ikatlong-partidong
aplikasyon na ito. Dahil dito, ang Nokia ay walang responsibilidad
para sa anumang pagsuporta sa mismong gumagamit, sa pagganap
ng mga aplikasyon, sa impormasyon sa mga aplikasyon o sa mga
materyal na ito. Ang Nokia ay hindi nagkakaloob ng garantiya para
sa mga aplikasyon ng ikatlong partido.
SA PAGGAMIT NG MGA APLIKASYON KINILALA MO NA ANG MGA
APLIKASYON AY IPINAGKALOOB NANG "AS IS" NANG WALANG
ANUMANG URI NG GARANTIYA, IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG,
HANGGANG SA ABOT-SAKLAW NG PINAHIHINTULUTAN NG
UMIIRAL NA BATAS, LALO MO PANG KINILALA NA ALINMAN SA
NOKIA O SA MGA KASAPI NITO AY HINDI GUMAGAWA NG
ANUMANG MGA REPRESENTASYON O GARANTIYA NG TITULO,
KAKAYAHANG MAIBENTA O KAANGKUPAN PARA SA ISANG
PARTIKULAR NA LAYUNIN, O NA ANG MGA APLIKASYON
AY HINDI LALABAG SA ANUMANG MGA PATENTE,
KARAPATANG-MAGLATHALA, TATAK-PANGKALAKAL,
O IBA PANG MGA KARAPATAN NG IKATLONG-PARTIDO.
Basahin itong mga simpleng patnubay. Ang paglabag sa mga ito ay
maaaring mapanganib o labag sa batas. Basahin ang kumpletong
patnubay sa gumagamit para sa ibayong impormasyon.
BUKSAN NANG LIGTAS
Huwag bubuksan ang aparato kapag ang paggamit ng
wireless na telepono ay ipinagbabawal o kapag
maaaring maging sanhi ng interference
(pagkagambala) o panganib.
UNA MUNA ANG KALIGTASAN SA DAAN
Sundin ang lahat ng lokal na batas. Laging tiyakin na
malayang magpatakbo ng sasakyan ang iyong mga
kamay habang nagmamaneho. Ang unang dapat mong
isaaalang-alang habang nagmamaneho ay ang
kaligtasan sa daan.
INTERFERENCE (PAGKAKAGAMBALA)
Lahat ng mga aparatong wireless ay maaaring
makaranas ng pagkagambala, na makakaapekto sa
pagganap.
Sundin ang anumang mga pagtatakda. Patayin ang
aparto sa loob ng sasakyang panghimpapawid,
malapit sa kagamitang medikal, panggatong, mga
kemikal, o mga lugar na pinasasabog.
KWALIPIKADONG PAGKUMPUNI
Tanging ang mga kuwalipikadong tauhan ang
maaaring mag-instala o magkumpuni ng produktong
ito.
MGA PAGPAPAHUSAY AT BATERYA
Gamitin lamang ang mga inaprobahang pagpapahusay
at baterya. Huwag ikunekta ang mga produktong hindi
kabagay.
PANLABAN SA TUBIG
Ang iyong aparato ay walang panlaban sa tubig.
Panatilihin itong tuyo.
Ang aparatong wireless na inilalarawan sa gabay na ito ay
inaprubahan para gamitin sa WCDMA 850 at 2100
(RM-364), WCDMA 900 at 2100 (RM-365), WCDMA 850 at
1900 (RM-366), at GSM 850, 900,1800, at 1900 na mga
network. Makipag-ugnay sa iyong service provider para sa
karagdagang impormasyon tungkol sa mga network.
Kapag ginagamit ang mga katangian sa aparatong ito,
sundin ang lahat ng batas at igalang ang mga lokal na gawi,
pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng iba pa,
kabilang ang mga karapatang-maglathala.
Ang proteksyon ng karapatang-maglathala ay maaaring
pumigil sa ilang imahe, musika at makopya ang iba pang
nilalaman, mabago, o mailipat.
Ang iyong aparato ay maaaring mayroon nang mga
naka-install na pantanda at link para sa mga Internet site
ng ikatlong partido. Maaari mo ding mapuntahan ang mga
website ng ikatlong partido sa pamamagitan ng iyong
aparato. Ang mga website ng ikatlong partido ay walang
kaugnayan sa Nokia, at hindi iniendorso ng Nokia ang mga
ito o umaako ng pananagutan para sa mga ito. Kung pipiliin
mong puntahan ang gayong mga site, kailangan mong
mag-ingat para sa kaligtasan o nilalaman.
Babala: Upang magamit ang mga katangian sa
aparatong ito, bukod sa alarmang orasan,
ang aparato ay dapat buksan. Huwag
papaandarin ang aparato kapag ang aparatong
wireless ay maaaring maging sanhi ng
pagkagambala o panganib.
Tandaan na gumawa ng mga pamalit na kopya o magtabi
ng isang nakasulat na tala ng lahat ng mahalagang
impormasyon na nakaimbak sa iyong aparato.
Kapag kumukunekta sa anumang iba pang aparato, basahin
ang mga patnubay nito para sa detalyadong tagubiling
pangkaligtasan. Huwag magkunekta ng mga produktong
hindi kabagay.
Upang magamit ang telepono kailangang mayroon kang
serbisyo mula sa isang wireless service provider. Marami sa
mga tampok ay nangangailangan ng mga espesyal na
tampok ng network. Ang mga tampok na ito ay hindi
makukuha sa lahat ng mga network; kinakailangan ng
ibang mga network na magsagawa ka ng mga tiyak na
pakikipag-ayos sa iyong service provider bago mo magamit
ang mga serbisyong pang-network. Ang iyong service
provider ay maaaring magbigay sa iyo ng mga tagubilin at
maipapaliwanag nila kung anu-anong mga singil ang
ipapataw. May mga network na maaaring may mga
limitasyon na nakakaapekto kung paano mo magagamit
ang network services. Bilang halimbawa, ang ilang mga
network ay maaaring hindi suportahan ang lahat ng
umaasa-sa-wikang mga karakter at serbisyo.
Maaaring hiniling sa service provider na huwag paganahin
ang mga tiyak na tampok o huwag isaaktibo sa iyong
telepono. Kung ganito, ang mga tamok na ito ay hindi
lilitaw sa iyong menu sa telepono. Ang inyong telepono ay
mayroon ding isang espesyal na pagsasaayos tulad ng mga
pagpalit ng mga pangalan sa menu, pagkakasunod sunod
ng menu at mga icon. Makipag-ugnay sa iyong service
provider para sa mga karagdagang impormasyon.
Ang aparatong ito ay sumusuporta sa mga WAP 2.0 na
protocol (HTTP at SSL) na tumatakbo sa mga TCP/IP na
protocol. Ang ilang mga tampok ng aparatong ito, tulad ng
multimedia messaging (MMS), pag-browse, e-mail
application, instant messaging, malayuang pagtutumbas, at
pag-download ng nilalaman gamit ang browser o MMS, na
kinakailangan ng suporta ng network para sa mga
teknolohiyang ito.
■
Mga pagpapahusay
Babala: Gumamit lamang ng mga baterya,
charger, at pagpapahusay na inaprobahan ng
Nokia para gamitin sa partikular na modelong ito.
Ang paggamit ng ibang mga klase ay maaaring
magpawalang-bisa sa anumang pag-aproba o
garantiya, at maaaring mapanganib.
Para malaman ang mga inaprobahang pagpapahusay,
mangyaring magtanong sa iyong pinagbilhan. Kapag
tinatanggal mo ang kurdon ng koryente ng anumang
pagpapahusay, mahigpit na hawakan at hilahin ang plug,
hindi ang kurdon.
■
Mga Access code
Piliin ang Menu > Mga Setting > Seguridad upang itakda
kung paano gagamitin ang iyong telepono na ma-access
ang mga code at mga setting sa seguridad.
• Upang maiwasan ang mga aksidenteng pagpindot,
gamitin ang keypad lock (keyguard).
Piliin ang Menu > Mga setting > Telepono >
Awtomatik keyguard o Keyguard ng seg. > Bukas o
Sarado. Kung ang Keyguard ng seg. ay nakatakda
Bukas, ipasok ang security code ng iyong napili kapag
hiniling.
Upang i-unlock ang keypad, piliin ang I-unlock at
Upang sagutin ang isang tawag kapag ang keyguard ay
nakabukas, pindutin ang pindutan ng tawag. Kapag
tinapos mo o tinanggihan ang tawag, awtomatikong
magla-lock ang mga keypad.
• Ang security code ay tutulong na protektahan ang iyong
telepono laban sa hindi awtorisadong gumagamit.
• Ang PIN code, ay kasama sa SIM card, upang
makatulong na protektahan ang card laban sa hindi
awtorisadong paggamit.
• Ang PIN2 code,ay kasama sa mga ilang SIM card, ay
kinakailanga i-accesss ang naturang mga serbisyo.
• Ang mga PUK at PUK2 code ay maaring kasama sa SIM
card. Kapag ipinasok mo ang PIN o PIN2 code hindi
wasto sa tatlong beses na magkakasunod, ikaw ay
hihingian ng PUK o PUK2 code. Kung wala ka nang mga
ito, makipag-ugnay sa iyong service provider.
• Ang password sa paghahadlang (4 na bilang) ay
kailangan habang ginagamit ang Serbis., hadlang twg.
upang rendahan ang mga tawag mula sa iyong telepono
(serbisyo sa network).
• Upang tingnan at baguhin ang mga setting ng module
ng seguridad, kung naka-install, piliin ang Menu > Mga
Setting > Seguridad > Sett., module ng seg..
■
Mga nai-update sa software
Mahalaga: Gamitin lamang ang mga serbisyo na
pinagkakatiwalaan mo at mag-alok ng sapat na
seguridad at proteksyon laban sa nakakapinsalang
software.
Ang Nokia ay maaaring gumawa ng mga software update
na mag-aalok ng mga bagong tampok, pagbutihin na
pag-andar o paghusay sa pagganap. Maaari mong hilingin
ang mga update na ito sa pamamagitan ng Nokia Software
Updater PC application. Upang i-update ang aparato ng
software, kailangan mo ang Nokia Software Updater
application at ang isang katugmang PC na may Microsoft
Windows 2000, XP, o Vista operating system, broadband
internet access, at isang katugmang data cable upang
ikonekta ang iyong aparato sa PC.
Upang makakuha ng karagdagang impormasyon at
mai-download ang Nokia Software Updater application,
bisitahin ang www.nokia-asia.com/softwareupdate o ang
iyong lokal na web site ng Nokia.
Ang pag-download ng mga software update ay maaaring
may kasangkot na pagpapadala ng maramihang data sa
pamamagitan ng network ng iyong service provider.
Makipag-ugnay sa iyong service provider para sa
karagdagang impormasyon tungkol sa mga singil ng
pagpapadala ng mga data.
Siguraduhin na ang baterya ng aparato ay may sapat na
kuryente, o isaksak ang charger bago simulan ang
pag-update.
Kung sinusuportahan ng iyong network ang mga
pag-update ng software sa pamamagitan ng himpapawid,
maaari ka ding makapaghiling ng mga update sa
pamamagitan ng aparato. Tingnan ang “Telepono,” p. 74.
Laging isara ang aparato, at idiskonekta ang charger bago
alisin ang baterya.
Ang SIM card at ang mga contact nito ay madaling masisira
ng paggasgas o pagkakabaluktot, kung kaya’t mag-ingat sa
paghawak, pagpasok o pag-alis ng card. Ipasok ang SIM
card na may ginintuang kulay na contact ay nakadapa (6-7).
Ang pagkarga ng BL-4U na baterya sa pamamagitan ng
AC-3 na charger ay tumatagal ng humigit-kumulang na
2 oras at 15 minuto habang ang telepono ay nasa standby
mode.
1. Ikonekta ang charger sa
pandingding na saksakang
kuryente.
2. Ikonekta ang lead mula sa
charger sa saksakan ng
charger nasa ilalim ng iyong
telepono.
Kung ang baterya ay lubos na diskargado, maaaring
tumagal ng ilang minuto bago lumitaw ang indicator ng
pagkarga sa display o bago magawa ang mga anumang
pagtawag.
isang UPIN code, ipasok ang code (halimbawa,
ipinakita bilang ****), at piliin ang OK.
Kapag bubuksan mo ang iyong telepono sa unang
pagkakataon, at ang telepono ay nasa standby
mode, ikaw ay hihilingang kumuha ng mga
setting ng pagsasaayos mula sa iyong service provider
(serbisyo sa network). Kumpirmahin o tanggihan ang
pagtatanong. Tingnan ang “Pagsasaayos,” p. 77, at
“Serbisyo sa mga setting ng pagsasaayos,” p. 26.
■
Itakda ang oras, zone, at petsa
Kapag bubuksan mo ang iyong telepono sa unang
pagkakataon, at ang telepono ay nasa standby mode, ikaw
ay hihilingang magtakda ng oras at petsa. Punan ang mga
patlang, at piliin ang I-save.
Upang makapasok sa Petsa at oras mamaya, piliin ang
Menu > Mga setting > Petsa at oras > Sett. ng petsa at
oras, Format, petsa at oras, o Awto-update oras (serbisyo
sa network) upang mabago ang oras, time zone, at mga
setting ng petsa.
■
Serbisyo sa mga setting ng
pagsasaayos
Upang magamit ang ilang mga serbisyo sa network, gaya ng
mga serbisyo ng mobile internet, MMS, mensaheng audio
ng Nokia Xpress, o malayong pagtutumbas ng tagapagbigay
ng serbisyo ng internet, ang iyong telepono ay
nangangailangan ng mga wastong setting sa pagsasaayos.
Para sa karagdagang impormasyon sa kakayahang
magamit, makipag-ugnay sa iyong network operator,
service provider, pinakamalapit na awtorisadong Nokia
dealer, o bumisita sa support area sa website ng Nokia,
www.nokia-asia.com/3120classic/support.
Kung natanggap mo na ang mga setting bilang mensahe sa
pagsasaayos, at ang mga setting ay hindi awtomatikong
natanggap ay ipapakita. Piliin ang Ipakita > I-save. Kung
kinakailangan, ipasok ang PIN code na ibinigay ng service
provider.
■
Antenna
Ang iyong aparato ay maaaring may
mga panloob at panlabas ng antenna.
Tulad ng sa kahit anong aparato na
nagsasahimpapawid ng radyo, iwasang
madikit sa bahagi ng antenna nang hindi
kinakailangan habang ang antenna ay
nagpapadala o tumatanggap. Ang
pagkakadikit sa anumang ganoong
antenna ay nakakaapekto sa kalidad ng komunikasyon at
maaaring maging sanhi upang ang aparato ay gumana sa
mas mataas na antas ng lakas baterya kaysa sa kailangan,
at maaaring makabawas sa ikatatagal ng buhay ng baterya.
Ang memory card ng microSD, na ipinasok
sa iyong telepono, ay maaring may lamang
data gaya ng mga ring tone, mga tema,
mga tono, mga imahe at mga video. Kung iyong
tinanggalan, nilamanang muli, o ibinalik ang card na ito,
ang mga gamit at mga tampok na katangian ay maaring
hindi magamit nang wasto.
Maari mong tanggalin o palitan ang isang card ng microSD
habang umaandar ang telepono nang hindi pinapatay ang
telepono.
Gumamit lamang ng mga katugmang microSD card na
inaprubahan ng Nokia para gamitin sa aparatong ito. Ang
Nokia ay gumagamit ng mga naaprobahang pamantayan ng
industriya para sa mga memory card. ngunit di lahat ng
ibang brand ay gagana ng maayos o lubos na maitutugma
sa aparatong ito. Ang hindi katugmang mga kard ay
maaaring makapinsala sa card at sa aparato at maaaring
manira sa mga data na nakatago sa card.