Ang pagkokopya, paglilipat, pamamahagi o pag-iimbak ng bahagi o lahat
ng nilalaman ng dokumentong ito sa anumang anyo nang walang
nakasulat na pahintulot ng Nokia ay ipinagbabawal.
Ang Nokia, Nokia Connecting People, Xpress-on, at Navi ay mga tatakpangkalakal o mga rehistradong tatak-pangkalakal ng Nokia Corporation.
Ang Nokia tune ay isang tunog na tatak ng Nokia Corporation. Ang ibang
mga pangalan ng produkto at kompanya na nabanggit dito ay maaaring
mga tatak-pangkalakal o pangalang-pangkalakal ng mga nag-aari sa
mga ito.
May kasamang RSA BSAFE cryptographic o security protocol
software mula sa RSA Security.
pamamagitan nito, ang NOKIA CORPORATION
ay nagpapahayag na ang produktong RM-258
na ito ay sumusunod sa mga mahahalagang
kailangan at iba pang may-kaugnayang mga
kondisyon ng Direktibang 1999/5/EC. Ang
isang kopya ng Pahayag ng Pagsunod ay
matatagpuan sa http://www.nokia.com/
phones/declaration_of_conformity/.
Ang Java at lahat ng mga tatak na Java-based ay mga tatakpangkalakal ng Sun Microsystems, Inc.
Ang produktong ito ay lisensiyado sa ilalim ng MPEG-4 Visual Patent
Portfolio License (i) para sa personal at di-pangkomersiyong paggamit na
may kaugnayan sa impormasyon na nai-code sa pagsunod sa MPEG-4
Visual Standard ng isang parukyano na abala sa isang personal at dipangkomersiyong aktibidad at (ii) para gamitin na may kaugnayan sa
MPEG-4 video na ipinagkaloob ng isang lisensiyadong tagapaglaan ng
video. Walang lisensiya ang iginagawad o ipapahiwatig para sa anumang
iba pang paggamitan. Ang karagdagang impormasyon, kabilang yaong
kaugnay sa pagpapalaganap, panloob, at mga paggamit na
pangkomersiyo, ay maaaring makuha mula sa MPEG LA, LLC.
Tignan ang <http://www.mpegla.com>.
Ang Nokia ay nagpapalakad ng patakaran ng patuloy na pagpapaunlad.
Nirereserba ng Nokia ang karapatang gumawa ng mga pagbabago at
pagpapabuti sa alinmang mga produktong isinalarawan sa dokumentong
ito nang walang paunang abiso.
SA ABOT-SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NALALAPAT NA BATAS, SA
ANUMANG KONDISYON HINDI MANANAGOT ANG NOKIA O SINUMANG
TAGALISENSIYA NITO SA ANUMANG PAGKAWALA NG DATA O KITA O
ANUMANG ESPESYAL NA, NAGKATAON, IDINULOT O DI-TUWIRANG MGA
PINSALA PAANOMAN ANG NAGING DAHILAN.
ANG MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO AY IPINAGKALOOB
BILANG “AS IS”. MALIBAN KUNG KINAKAILANGAN NG NALALAPAT NA
BATAS, WALANG ANUMANG URI NG MGA GARANTIYA, IPINAHAYAG
MAN O IPINAHIWATIG, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA,
MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA NG KAKAYAHANG MAIBENTA AT
KAANGKUPAN SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, AY GINAWA NA
KAUGNAY SA KATUMPAKAN, PAGKAMAAASAHAN O MGA NILALAMAN
NG DOKUMENTONG ITO. NIRERESERBA NG NOKIA ANG KARAPATAN NA
BAGUHIN ANG DOKUMENTONG ITO O BAWIIN ITO SA ANUMANG ORAS
NANG WALANG PAUNANG ABISO.
Ang pagkakaroon ng mga partikular na produkto at aplikasyon at serbisyo
para sa mga produktong ito ay maaaring magkaiba-iba bawat rehiyon.
Mangyaring alamin sa iyong Nokia dealer para sa mga detalye, at ang
pagkakaroon ng mga opsyon sa wika.
Ang aparatong ito ay maaaring maglaman ng mga kalakal, teknolohiya o
software na saklaw ng mga batas sa pagluwas at mga regulasyon mula sa
Estados Unidos at ibang mga bansa. Ang paglihis na kontra sa batas ay
ipinagbabawal.
Ang mga ikatlong-partidong aplikasyon na ipinagkaloob kasama ng iyong
aparato ay maaaring nilikha at maaaring pagmamay-ari ng mga tao o
mga nilalang na hindi kasapi sa o kaugnay sa Nokia. Hindi pag-aari ng
Nokia ang mga karapatang-magpalathala o mga karapatan sa
intelektuwal na pag-aari sa mga ikatlong-partidong aplikasyon na ito. Sa
gayon, hindi inaako ng Nokia ang anumang responsabilidad para sa
suporta sa huling gumagamit, ang pagkagumagana ng mga aplikasyon, o
ang impormasyon sa mga aplikasyon o sa mga materyales na ito. Ang
Nokia ay hindi nagbibigay ng anumang garantiya para sa mga ikatlongpartidong aplikasyon. SA PAGGAMIT NG MGA APLIKASYON KINIKILALA
MO NA ANG MGA APLIKASYON AY IBINIGAY NA 'AS IS' NA WALANG
ANUMANG URI NG GARANTIYA, NA IPINAPAHAYAG O IPINABATID, SA
ABOT-SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NALALAPAT NA BATAS.
KINIKILALA MO PA NA ANG NOKIA MAN NI ANG MGA KASAPI NITO AY DI
GUMAGAWA NG ANUMANG MGA REPRESENTASYON O GARANTIYA,
HAYAGAN O IPINABATID, KASAMA NGUNIT DI LIMITADO SA MGA
GARANTIYA NG TITULO, KAKAYAHANG MAIBENTA O KAANGKUPAN PARA
SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, O NA ANG MGA APLIKASYON AY DI
LALABAG SA ANUMANG MGA PATENTE, KARAPATANG-MAGLATHALA,
TATAK-PANGKALAKAL, O IBA PANG MGA KARAPATAN NG IKATLONGPARTIDO.
Basahin ang mga simpleng patnubay na ito. Ang hindi pagsunod
sa mga ito ay maaaring mapanganib o ilegal. Basahin ang
kumpletong patnubay sa gumagamit para sa ibayong
impormasyon.
MAGBUKAS NANG LIGTAS
Huwag bubuksan ang aparato kapag ang paggamit
ng wireless phone ay ipinagbabawal o kapag
maaaring maging sanhi ng pagkagambala o
panganib.
NAUUNA ANG KALIGTASAN SA DAAN
Sundin ang lahat ng lokal na batas. Palaging
panatilihing malaya ang iyong mga kamay para
patakbuhin ang sasakyan habang nagmamaneho.
Ang una mo dapat isaalang-alang habang
nagmamaneho ay kaligtasan sa daan.
PAGKAGAMBALA O INTERFERENCE
Ang lahat na wireless na aparato ay maaaring
madaling maapektuhan nang pagkagambala, na
makakaapekto sa pagganap.
Gumamit lamang ng mga inaprubahang
pagpapahusay at baterya. Huwag ikabit ang mga
hindi kabagay na produkto.
PANLABAN SA TUBIG
Ang iyong aparato ay walang panlaban sa tubig.
Panatilihin itong tuyo.
MGA BACK-UP NA KOPYA
Tandaan na gumawa ng mga kopya ng back-up o
magtabi ng nakasulat na tala ng lahat ng
mahalagang impormasyon naka-imbak sa iyong
telepono.
PAGKONEKTA SA IBA PANG MGA APARATO
Kapag kumukunekta sa anumang ibang aparato,
basahin ang gabay sa gumagamit nito para sa mga
detalyadong tagubiling pangkaligtasan. Huwag
magkabit ng mga hindi kabagay na produkto.
Siguruhing nakabukas ang function na telepono ng
aparato at may serbisyo. Pindutin ang tapos key
nang sin daming beses na kailangan upang alisan ng
laman ang displey at bumalik sa standby mode.
Ipasok ang numero ng emergency, pagkatapos ay
pindutin ang tawag key. Ibigay ang iyong
kinalalagyan. Huwag tatapusin ang tawag
hanggang payagan ka na gawin ito.
■ Tungkol sa iyong aparato
Ang wireless na aparato na inilarawan sa patnubay na ito ay
inaprobahan para gamitin sa GSM 900 at GSM 1800 na mga
network. Makipag-ugnayan sa iyong service provider para sa
higit pang impormasyon tungkol sa mga network.
Kapag ginagamit ang mga katangian sa aparatong ito, sundin
ang lahat ng batas at igalang ang mga lokal na kaugalian,
pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng ibang mga tao,
kabilang ang mga karapatang-maglathala.
Ang mga proteksiyon ng karapatang-maglathala ay maaaring
pumigil sa ilang mga imahe, musika (kabilang ang mga tono ng
ring), at iba pang nilalaman mula sa pagkakakopya, pagbabago,
paglilipat o pagpapasa.
Babala: Para gamitin ang anumang mga katangian sa
aparatong ito, bukod sa alarmang orasan, ang aparato
ay dapat na buksan. Huwag bubuksan ang aparato
kapag ang paggamit ng aparatong wireless ay
maaaring maging sanhi ng pagkagambala o panganib.
■ Mga serbisyo ng network
Para magamit ang telepono, mayroon ka dapat serbisyo mula sa
isang wireless na service provider. Marami sa mga katangian ay
nangangailangan ng mga espesyal na katangian ng network.
Ang mga katangiang ito ay hindi makukuha sa lahat ng mga
network; ang ibang mga network ay maaaring kailanganin kang
gumawa ng tiyak na mga kasunduan sa iyong service provider
bago mo magamit ang mga serbisyo ng network. Ang iyong
service provider ay maaaring bigyan ka ng mga tagubilin at
ipaliwanag kung anong mga singil ang lalapat. Ang ilang mga
network ay maaaring may mga limitasyon na nakaaapekto kung
paano mo magagamit ang mga serbisyo ng network. Halimbawa,
ang ilang mga network ay maaaring hindi sumuporta sa lahat ng
mga depende-sa-wikang mga karakter at mga serbisyo.
Maaaring hiniling ng iyong service provider na huwag
paganahin o huwag buhayin ang ilang mga katangian sa iyong
aparato. Kung oo, ang mga katangiang ito ay hindi lilitaw sa
menu ng iyong aparato. Ang iyong aparato ay maaaring
mayroon ding espesyal na kumpigurasyon tulad ng mga
pagbabago sa mga pangalan ng menu, pagkakasunod-sunod ng
menu, at mga icon. Makipag-ugnayan sa iyong service provider
para sa higit pang impormasyon.
Ang aparatong ito ay sumusuporta sa mga protocol ng WAP 2.0
(HTTP at SSL) na umaandar sa mga protocol na TCP/IP. Ang ilang
mga katangian ng aparatong ito, gaya ng pagmemensaheng
multimedia (MMS), malayuang pagsasabay, at pag-access sa
internet sa browser, ay kinakailangan ng suporta ng network
para sa mga teknolohiyang ito.
Ang kodigo ng seguridad na ibinigay kasama ng telepono ay
pinoprotektahan ang iyong telepono laban sa di-awtorisadong
paggamit. Ang paunang itinakdang code ay 12345.
Ang PIN code na na ibinigay kasama ng SIM card ay
pinoprotektahan ang card laban sa di-awtorisadong paggamit.
Ang PIN2 code na ibinigay kasama ng ilang mga SIM card, ay
kinakailangan ma-access ang ilang mga serbisyo. Kapag
ipinasok mo ang PIN o PIN2 code nang hindi wasto nang tatlong
beses na sunud-sunod, ay hihilingan para sa PUK o PUK2 code.
Kung wala sa iyo ang mga ito, makipag-ugnayan sa iyong lokal
na service provider.
Ang module PIN ay kinakailangan upang ma-access ang
impormasyon sa seguridad na module ng iyong SIM card. Ang
pampirmang PIN ay maaaring kailanganin para sa pirmang
digital. Ang password sa paghadlang ay kinakailangan kapag
ginagamit ang sebisyong paghahadlang ng tawag.
Para sa kakayahang makuha at imposrmasyon sa paggamit ng
mga serbisyo ng SIM card, kontakin ang iyong SIM card vendor.
Maaaring ito ay ang service provider o iba pang vendor.
Laging patayin ang aparato at alisin sa pagkakasaksak ang
charger bago tanggalin ang baterya.
Paalala: Laging patayin ang kuryente at alisin sa
saksak ang charger at anumang iba pang aparato bago
tanggalin ang mga takip. Iwasang mahawakan ang
mga elektronikong bahagi habang pinapalitan ang
takip. Laging itabi at gamitin ang aparato nang
nakakabit ang takip.
1. Pindutin at padausdusin ang likod na takip papuntang itaas
ng telepono para maalis ang takip (1).
2. Para tanggalin ang baterya, angatin ito gaya ng ipinapakita
(2).
3. Maingat na angatin ang sisidlan ng SIM card mula sa
hawakang-daliri ng telepono, at buksan ang takip ng
pantupi (3).
4. Ipasok ang SIM card, upang ang may-tapyas na kanto ay
nasa kaliwang itaas na gilid at ang ginintuang-kulay bahagi
ng kontak ay nakaharap paibaba (4). Isara ang sisidlan ng
SIM card, at idiin ito upang mai-lock ito sa lugar (5).
5. Ipasok ang baterya sa puwang na para sa baterya (6).
6. Ipantay ang panlikod na takip sa likod ng telepono.
Padausdusin at itulak ito papunta sa ilalim ng telepono para
mai-lock ito (7).
■ Kargahan ang baterya
Babala: Gumamit lamang ng mga baterya, charger, at
pagpapahusay na inaprobahan ng Nokia para gamitin
sa partikular na modelong ito. Ang paggamit ng iba
pang mga uri ay maaaring magpawalang-bisa sa anumang pagapruba o garantiya, at maaaring mapanganib.
Alamin ang numero ng modelo ng anumang charger bago
gamitin sa aparatong ito. Ang aparatong ito ay nakalaang
gamitin kapag natustusan ng koryente mula sa charger na AC-3.
Ang aparatong ito ay nakalaang gamitin ang bateryang BL-4B.
Para sa pagkamagagamit ng inaprubahang mga pagpapahusay,
mangyaring alamin sa iyong dealer. Kapag inalis mo ang saksak
ng kurd on ng kuryente ng an umang pagpapahusay, mahigpit na
hawakan at hilahin ang plug, hindi ang kurdon.
Paalala: Tulad ng anumang
aparatong nagsasahimpapawid ng
radyo, iwasang hawakan ang
antena kapag di-kinakailangan
kapag ginagamit ang antena.
Halimbawa, iwasang hawakan ang cellular antenna sa
oras ng tawag sa telepono. Ang paghawak sa isang
antenna na nagsasahimpapawid o tumatanggap ay
naaapektuhan ang kalidad ng komunikasyon ng radyo,
at maaaring maging sanhi upang umandar ang
aparato sa mas mataas na antas ng lakas kaysa sa
kinakailangan, at maaaring makabawas sa tagal ng
buhay ng baterya.
Paalala: Huwag
hahawakan ang
saksakang ito sapagkat ito
ay inilalaan para gamitin
ng mga awtorisadong
tagapagkumpuni lamang.
Babala: Ang scroll key sa
aparatong ito ay maaaring may laman na nikel. Ang
patuloy na pagkakadikit ng nikel sa balat ay maaaring
humantong sa isang allergy sa nikel.
■ Pang-pulsong tali
Alisin ang takip ng likod, at ipasok ang pangpulsong tali gaya ng isinasalarawan. Muling
ibalik ang takip ng likod.
■ Binubuksan at pinapatay ang telepono
Para buksan at patayin ang telepono, pindutin at idiin nang
matagal-tagal ang power key. Tingnan ang “Mga pindutan at
Kapag ang telepono ay handa nang gamitin, bago ka magpasok
ng anumang karakter, ang telepono ay nasa standby mode:
• Lakas ng signal ng network (1)
• Antas ng pagkarga ng baterya (2)
• Pangalan ng Network o logo ng
operator (3)
• Ang kaliwang selection key ay Punta (4)
para matanaw mo ang mga function na nasa iyong
pansariling listahan ng mga shortcut. Kapag tinatanaw ang
listahan, piliin ang Opsyon > Piliin opsyon para makita ang
magagamit na mga function na maaari mong idagdag sa
listahan ng opsyon; piliin ang Isaayos > Ilipat at ang
lokasyon para muling ayusin ang mga function ng iyong
listahan ng shortcut.
• Menu (5) and Ngalan (6)
■ Demo mode
Upang simulan ang telepono nang walang SIM card, tanggapin
ang Buksan ang telepono na walang SIM kard?. Gamitin ang mga
katangiang iyon ng telepono na hindi kinakailangan ang SIM
card.
Sa demo mode, maaari pa rin ang mga tawag sa mga opisyal na
numerong pang-emergency na naka-programa sa iyong aparato.
■ Keypad lock
Piliin ang Menu at pindutin ang * nang mabilis para mai-lock
ang keypad para maiwasan ang aksidenteng mga pagpindot sa
key. Para sagutin ang isang tawag kapag naka-on ang keyguard,
pindutin ang tawag key. Kapag tinapos mo o tinanggihan ang
tawag, ang keypad ay mananatiling naka-lock. Para i-unlock,
piliin ang I-unlock, at pindutin ang * nang mabilis.
Piliin ang Menu > Mga setting > Telepono > Awt omat ik na
keyguard > Bukas para i-set ang keypad na awtomatikong
mala-lock pagkatapos nang naitalagang antala ng oras kapag
ang telepono ay nasa standby mode.
Kapag ang keypad lock ay naka-on, ang mga tawag ay maaaring
posible sa opisyal na emergency number na nakaprograma sa
iyong aparato.
Upang gumawa ng isang tawag, ipasok ang numero ng telepono
kabilang ang area code kung kinakailangan. Ang country code ay
dapat na maibilang, kung kinakailangan. Pindutin ang tawag key
para tawagan ang numero. Mag-scroll pakanan upang lakasan o
pakaliwa upang hinaan ang lakas ng tunog ng earpiece o
headset sa oras ng tawag sa telepono.
Para sagutin ang isang papasok na tawag, pindutin ang tawag
key. Para tanggihan ang tawag nang hindi sumasagot, pindutin
ang tapos key o isara ang tupi.
Para sagutin ang papasok na tawag sa pamamagitan ng
pagbukas sa tupi, piliin ang Menu > Mga setting > Tawag >
Sagutin kapag binuksan ang fold > Bukas.
■ Mabibilis na pagdayal
Para magtalaga ng numero sa isang pindutan ng mabilis na
pagdadayal, piliin ang Menu > Mga contact > Mga bilis-dayal,
mag-scroll sa gusto mong numero ng mabilis na pagdadayal
Italaga. Ipasok ang ninanais na numero ng telepono, o piliin ang
Hanapin para mamili ng isang numero ng telepono mula sa
iyong phonebook.
Para buksan ang function na mabilis na pagdayal, piliin ang
Menu > Mga setting > Tawag > Bilis-dayal > Bukas.
Para gumawa ng tawag gamit ang mga pindutan ng mabilis na
pagdadayal, sa standby mode, pindutin at idiin nang matagaltagal ang ninanais na number key.
■ Loudspeaker
Kung magagamit, maaari mong piliin ang Loudsp. o Normal
upang magamit ang loudspeaker o ang earpiece ng telepono sa
oras ng tawag.
Babala: Huwag hahawakan ang aparato na malapit sa
iyong tainga kapag ginagamit ang loudspeaker, dahil
ang lakas ng tunog ay maaaring sobrang lakas.
Maaari kang magpasok ng teksto sa pamamagitan ng
mapanghulang teksto () at tradisyonal na pagpasok ng
() teksto. Para gamitin ang tradisyonal na pagpasok ng
teksto, pumindot ng isang number key (1 hanggang 9) nang
paulit-ulit hanggang sa lumitaw ang nais na karakter.
Para buksan at isara ang mapanghulang pagpasok ng teksto
kapag sumusulat, pindutin at idiin nang matagal-tagal ang #, at
piliin ang Prediction bukas o Prediction sarado.
Kapag ginagamit ang mapanghulang pagpasok ng teksto,
pindutin ang bawat pindutin nang minsan para sa nag-iisang
titik. Kung ang nakadispley na salita ay siyang gusto mo,
pindutin ang 0, at isulat ang susunod na salita. Para palitan ang
salita, pindutin ang * nang paulit-ulit hanggang sa lumabas ang
nais mong salita. Kung ang ? ay nakadispley kasunod ng salita,
ang salita ay wala sa diksiyunaryo. Para idagdag ang salita sa
diksyunaryo, piliin ang I-spell, ipasok ang salita (gamit ang
tradisyonal na pagpapasok ng teksto), at piliin ang I-save.
Mga payo sa pagsulat ng teksto: para magdagdag ng espasyo,
pindutin ang 0. Para mabilis na palitan ang pamamaraan ng
pagpapasok ng teksto, pindutin ang # nang paulit-ulit, at tignan
ang tagapagpahiwatig sa itaas ng displey. Para magdagdag ng
isang numero, pindutin at idiin nang matagal-tagal ang nais na
number key. Para makakuha ng listahan ng mga espesyal na
character kapag ginagamit ang tradisyonal na pagpasok ng
teksto, pindutin ang *; kapag ginagamit ang mapanghulang
pagpasok ng teksto, pindutin at idiin nang matagal-tagal ang *.
Ang mga function ng telepono ay pinangkat sa mga menu. Hindi
lahat ng mga function ng menu o mga bagay ng opsyon ay
inilarawan dito.
Sa standby mode, piliin ang Menu at ang nais na menu at
submenu. Piliin ang Labas o Balik para lumabas sa kasalukuyang
antas ng menu. Pindutin ang tapos key para diretsong makabalik
sa standby mode. Para palitan ang pagtanaw sa menu, piliin ang
Menu > Opsyon > Unang menu view > Lista o Grid.
■ Pagmemensahe
Ang mga serbisyo ng mensahe ay magagamit lamang
kung ang mga ito ay sinusuportahan ng iyong
network o service provider.
Paalala: Maaaring ipahiwatig ng iyong aparato na ang
iyong mensahe ay naipadala sa numero ng sentro ng
mensahe na naka-programa sa iyong aparato.
Maaaring hindi maipahiwatig ng iyong aparato kung
ang mensahe ay natanggap sa binabalak na
patutunguhan. Para sa higit pang mga detalye tungkol
sa mga serbisyong pagmemensahe, makipag-ugnayan sa iyong
service provider.
Mahalaga: Sanaying mag-ingat kapag nagbubukas ng
mga mensahe. Ang mga mensahe ay maaaring
maglaman ng malisyosong software o kung hindi ay
makapipinsala sa iyong aparato o PC.
Mga setting ng pagmemensaheng teksto at
multimedia
Piliin ang Menu > Pagm ensah e > Mga setting ng mensahe >
Teksto ng msgs > Mga message center. Kung ang iyong SIM card
ay sumusuporta sa higit isang sentro ng mensahe, piliin o
idagdag ang isa na gusto mong gamitin. Maaaring kailanganin
mong kunin ang numero ng sentro mula sa iyong service
provider.
Piliin ang Menu > Pagm ensah e > Mga setting ng mensahe >
Mga MMS at mula sa mga sumusunod:
Payagan pagtang-gap ng multimedia—Piliin ang Hindi, Oo, o ang
Sa home network para gamitin ang serbisyo ng multimedia.
Sa Mga setting ng kumpigurasyon—para piliin ang default na
service provider para sa pagkuha ng mga mensaheng
multimedia. Piliin ang Account para makita ang mga account na
ibinibigay ng service provider at para piliin ang isang nais mong
gamitin. Maaari mong tanggapin ang mga setting bilang isang
mensahe sa pagsasaayos mula sa service provider.
Payagan adverts—para piliin kung ipinahihintulot mo ang
pagtanggap ng mga mensahe na tinukoy bilang mga patalastas.
Ang setting na ito ay hindi ipinapakita kung ang Payagan
pagtang-gap ng multimedia ay nakalagay sa Hindi.
Mode na paggawa ng MMS > Restriktado—para i-set ang
telepono na hindi pahintulutan ang uri ng nilalaman na
maaaring hindi suportado ng network o ang aparatong
tumatanggap sa isang mensaheng multimedia. Piliin ang
Malaya para payagan ang gayong mga nilalaman, ngunit ang
aparatong tatanggap ay maaaring hindi matanggap nang wasto
ang mensahe.
Laki ng imahe (restriktado) o Laki ng imahe (malaya)—para
tukuyin ang laki na maaari mong isingit sa isang mensaheng
multimedia kapag ang Mode na paggawa ng MMS ay naka-set
sa Restriktado o Malaya.
Mga mensaheng teksto
Ang iyong aparato ay sumusuporta sa pagpapadala ng mga
mensaheng teksto na higit sa limitasyon ng karakter para sa
nag-iisang mensahe. Ang mga mas mahahabang mensahe ay
ipinapadala bilang isang serye ng dalawa o higit pang mga
mensahe. Ang iyong service provider ay maaaring sumingil nang
naaangkop. Ang mga karakter na gumagamit ng mga accent o
iba pang mga marka, at mga karakter mula sa ilang mga opsyon
ng wika, ay kumukuha ng mas maraming espasyo, na naglilimita
sa bilang mga karakter na maipapadala sa isang mensahe.
Ang tagapagpahiwatig sa itaas ng displey ay ipinapakita ang
kabuuang bilang ng mga karakter na natitira at ang bilang ng
mga mensaheng kinakailangan para sa pagpapadala.
Halimbawa, ang 673/2 ay nangangahulugan na may 673 na
karakter na natitira at ang mensahe ay ipapadala bilang isang
serye ng dalawang mga mensahe.
Ang pagkurap ay nagpapahiwatig na puno na ang memorya
ng mensahe. Bago ka makatanggap ng mga bagong mensahe,
tanggalin ang ilan sa iyong mga lumang mensahe.
Mga mensaheng multimedia
Tanging ang mga aparato na mayroong kabagay na mga
katangian ang maaaring tumanggap at magpakita ng mga
mensaheng multimedia. Ang anyo ng isang mensahe ay
maaaring mag-iba depende sa aparatong tumatanggap.
Ang wireless network ay maaaring limitahan ang sukat ng mga
mensaheng MMS. Kung ang naipasok na larawan ay lumampas
sa limitasyong ito, ito ay maaaring gawing mas maliit ng
aparato para maipadala sa pamamagitan ng MMS.
Ang mensaheng multimedia ay puwedeng maglaman ng teksto,
larawan, at mga klip ng tunog.
Gumawa ng teksto o mensaheng multimedia
Piliin ang Menu > Pagmensahe > Gumawa ng mensahe >
Mensahe. Para magdagdag ng mga tatanggap, mag-scroll sa
Kay: na field, at ipasok ang numero ng tatanggap, o piliin ang
Idagdag para piliin ang mga tatanggap mula sa mga magagamit
na opsyon. Para magdagdag ng mga tatanggap na Cc o Bcc,
piliin ang Opsyon > Dagdag. ttanggap > Cc o Bcc. Para ipasok
ang teksto ng mensahe, mag-scroll sa Teksto: na field, at ipasok
ang teksto. Para magdagdag ng paksa para sa mensahe, piliin
ang Opsyon > Lagyan ng paksa, at ipasok ang paksa. Para
maglakip ng nilalaman sa mensahe, piliin ang Opsyon > Ipasok
at ang ninanais na uri ng paglalakip. Para ipadala ang mensahe,
pindutin ang tawag key.
Ang uri ng mensahe ay awtomatikong napapalitan depende sa
nilalaman ng mensahe. Ang mga pagpapaandar na maaaring
Para gamitin ang saglit na pagmemensahe (IM) (serbisyo ng
network) para magpadala ng maikli, simpleng mga mensaheng
teksto sa mga naka-online na gumagamit, kailangan mong
sumuskribi sa isang serbisyo at mag-log dito. Makipag-ugnayan
sa iyong service provider para sa mga detalye.
Paalala: Depende sa serbisyo ng iyong IM, maaaring
wala kang access sa lahat ng mga katangiang ito na
inilarawan sa gabay na ito, at ang ilang mga icon at
mga display text ay maaaring magkaiba-iba.
Para kumunekta sa serbisyo, piliin ang Menu > Pagmensahe >
Mga instant na mensahe. Piliin ang ninanais na setting ng
kuneksiyon at account, at ipasok ang ID at password ng
gumagamit.
Kapag konektado sa serbisyo, piliin ang Opsyon at ang
sumusunod ay maaaring magamit:
Idagdag contact—para magdagdag ng mga kontak sa listahan ng
iyong kontak
Mga grupo (kung suportado ng network)—para tignan ang
listahan ng mga pampublikong grupo, maghanap para sa grupo,
o lumikha ng isang grupo
Nai-save na kumb.—para tignan ang nai-save na kasaysayan ng
chat
Habang nakakonekta sa serbisyo, ang iyong katayuan, gaya ng
nakikita ng iba, ipinapakita sa isang linya ng katayuan: Status:
Online, Status ko: Busy o Stat.: Lmbs offl. Para palitan ang sarili
mong katayuan, piliin ang Palitan.
Ang iyong mga kontak ay naka-grupo sa Online and Offline na
mga folder sa pamamagitan ng kanilang mga katayuan. Ang
mga natanggap na mensahe o mga imbitasyon sa panahon ng
aktibong sesyon ng IM ay naka-imbak sa Kumbers. na folder.
Para palakihin o ilantad ang isang folder, mag-scroll dito, at
mag-scroll pakanan o pakaliwa.
ay nagpapahiwatig ng isang bagong mensaheng grupo.
ay nagpapahiwatig ng mensaheng pang-grupo na nabasa
na.
ay nagpapahiwatig ng isang bagong saglit na mensahe.
ay nagpapahiwatig ng isang saglit na mensahe na nabasa
Para simulan ang pag-uusap, mag-browse sa ninanais na kontak
sa folder na online o offline, at piliin ang Chat.
Kapag ikaw ay nakatanggap ng saglit na mensahe o imbitasyon
sa standby mode, basahin ito, piliin ang Basahin. Kapag
nagbabasa ng mensahe, para tumugon dito, pindutin ang mga
kaugnay na number key para magpasok ng teksto, at pindutin
ang tawag key para ipadala ito. Kapag nagbabasa ng isang
imbitasyon, para tanggapin ito, piliin ang Tanggap.; para
tanggihan, piliin ang Opsyon > Tanggihan.
Sa panahon ng aktibong sesyon, para mai-save ang usapan,
piliin ang Opsyon > I-save kumbers..
Para harangan ang mga mensahe mula sa ilang kontak, magbrowse sa kontak sa isang folder, at piliin ang Opsyon > I-block
contact. Kapag tumitingin ng folder, para tanggalan ng harang
ang isang kontak, piliin ang Opsyon > Lista ng naharang, magscroll sa ninanais na kontak, at piliin ang I-unblk..
Mensaheng audio
Maaari mong gamitin ang serbisyo ng mensaheng multimedia
upang bumuo at magpadala ng isang mensaheng boses. Ang
serbisyo sa pagmemensaheng multimedia ay dapat na buhayin
bago mo magagamit ang mga mensaheng audio.
Pindutin ang Menu > Pagmensahe > Gumawa ng mensahe >
Mensaheng aud. Bubukas ang tagapag-rekord. Kapag natapos
mo na ang pagre-rekord ng isang mensaheng audio, ipasok ang
numero ng telepono ng tatanggap sa Kay: na field para
maipadala ang mensahe. Para kumuha ng numero ng telepono
mula sa Mga contact, piliin ang Idagdag > Mga contact. Para
tingnan ang mga magagamit na opsyon, piliin ang Opsyon.
Kapag nakatanggap ang iyong telepono ng mga mensaheng
audio, para buksan ang mensahe, piliin ang I-play; o kung higit
sa isang mensahe ang natanggap, piliin ang Ipakita > I-play.
Para pakinggan ang mensahe sa bandang huli, piliin ang Labas.
Pilin ang Opsyon para makita ang mga magagamit na opsyon.
Ang mensaheng audio ay pinapatugtog sa pamamagitan ng
earpiece bilang nakatalaga. Piliin ang Opsyon > Loudspeaker
para piliin ang loudspeaker.
Mga mensaheng boses
Ang voice mailbox ay isang serbisyong network at maaaring
kailanganin mong mag-subscribe dito. Makipag-ugnayan sa
iyong service provider para sa numero ng voice mailbox at para
sa detalyadong impormasyon.
Piliin ang Menu > Pagm ensah e > Mga boses na mensahe.
Ang aplikasyong e-mail ay gumagamit ng kuneksiyong packet
data (serbisyo ng network) para payagan kang ma-access ang
iyong kabagay na e-mail account mula sa iyong telepono. Bago
ka makapagpapadala at makakatanggap ng anumang e-mail,
dapat kang kumuha ng isang e-mail account at ang mga
kinakailangang setting. Maaari mong tanggapin ang mga
setting ng pagsasaayos ng e-mail bilang isang mensahe sa
pagsasaayos. Ang iyong telepono ay sumusuporta sa mga e-mail
server na POP3 at IMAP4.
Para gumawa ng isang e-mail account, piliin ang Menu >
Pagmensahe, mag-scroll sa Mailbox ng e-mail, at piliin ang
Opsyon > Magdagdag mlbox. > Wizard sa e-mail, Manwal na
gawin, o Nai-save na sett..
Para ma-access ang mga setting ng e-mail, piliin ang Menu >
Pagmensahe > Mga setting ng mensahe > Mensaheng e-mail.
Para magsulat ng isang e-mail piliin ang Menu > Pagme nsah e >
Gumawa ng mensahe > E-mail mensahe. Para maglakip ng isang
file sa e-mail, piliin ang Opsyon > Ipasok. Para ipadala ang e-
mail, pindutin ang tawag key. Piliin ang ninanais na account
kung kinakailangan.
Para piliin ang retrieve mode, piliin ang Menu > Pagmensahe >
Mga setting ng mensahe > Mensaheng e-mail > I-edit ang mga
mailbox at ang ninanais na mailbox, at piliin ang Mga setting sa
pag-download > Mode ng pagkuha > Mga header lang, Buong
e-mail, o E-mail text lang (para sa IMAP4 na server lamang).
Para mag-download, piliin ang Menu > Pagmensahe at ang
ninanais na mail box; kumpirmahin ang katanungan para sa
kuneksiyon kung kinakailangan.
Kapag ang mode ng pagkuha ay naka-set sa Mga header lang,
para i-download ang buong e-mail, markahan ang mga
pamuhatan ng ninanais na e-mail sa mailbox, at piliin ang
Opsyon > Kunin markado.
■ Mga Kontak
Maaari kang mag-save ng mga pangalan at numero
ng telepono sa memorya ng telepono at sa memorya
ng SIM card. Ang memorya ng telepono ay maaaring i-save ang
mga kontak na may mga numero at mga bagay ng teksto. Ang
mga pangalan at numerong naka-save sa memorya ng SIM card
ay ipinababatid ng .
Para maghanap ng isang kontak, piliin ang Menu > Mga
contact > Mga pangalan > Opsyon > Hanapin. Mag-scroll sa
listahan ng mga kontak, o ipasok ang unang mga titik ng
pangalan na iyong hinahanap. Para magdagdag ng isang bagong
kontak, piliin ang Menu > Mga contact > Mga pangalan >
Opsyon > Idagdag contact. Para magdagdag ng higit pang mga
detalye sa isang kontak, siguraduhin na ang ginagamit na
memorya ay alinman sa Telepono o Telepono at SIM. Mag-scroll
sa pangalan na gusto mong dagdagan ng bagong numero o
bagay ng teksto, at piliin ang Detalye > Opsyon > Idagdag
detalye.
Para kumopya ng isang kontak, piliin ang Menu > Mga
contact > Mga pangalan > Opsyon > Kopyahin contact. Maaari
mong kopyahin ang mga pangalan at numero ng telepono sa
pagitan ng memorya ng kontak sa telepono at ang memorya ng
SIM card. Ang memorya ng SIM card ay maaaring mag-save ng
mga pangalan ng may iisang numero ng telepono na nakakabit
sa mga ito.
Maaari kang magpadala at tumanggap ng impormasyon ng
kontak ng tao mula sa isang kabagay na aparato na
sumusuporta sa pamantayan ng vCard bilang isang business
card. Para magpadala ng isang business card, hanapin ang
kontak na siyang impormasyon na nais mong ipadala, at piliin
ang Detalye > Opsyon > Ipadala bus. card > Sa multimedia, Sa
msg. teksto o Sa Bluetooth. Kapag nakatanggap ka ng business
card, piliin ang Ipakita > I-save para i-save ang business card sa
memorya ng telepono. Para itapon ang business card, piliin ang
Labas > Oo.
Piliin ang Menu > Mga contact > Mga setting at mula sa
sumusunod:
Memorya na ginagamit—para piliin ang SIM card o memorya ng
telepono para sa iyong mga kontak.
View ng Mga contact—para piliin kung paano ang mga pangalan
at numero sa mga kontak ay ipinapakita.
Status ng memorya—para tingnan ang libre pa at nagamit nang
kapasidad ng memorya.
■ Tala
Itinatala ng telepono ang mga tawag na di-nakuha,
nakuha at mga naidayal na tawag kung ang network
ay sumusuporta dito at ang telepono ay nakabukas at nasa loob
ng lugar ng serbisyong network.
Maaari mong tingnan ang petsa at ang oras ng tawag, i-edit o
burahin ang numero ng telepono mula sa listahan, o i-save ang
numero sa Mga contact, o ipadala ang mensahe sa numero.
Para tingnan ang impormasyon sa iyong mga tawag, piliin ang
Menu > Log > Di-nasagot na tawag, Natanggap na tawag, or
Mga idinayal na numero. Para matignan ang huling hindi nakuha
at natanggap na mga tawag at mga numerong naidayal nang
magkasunod-sunod, piliin ang Log ng tawag. Para matingnan
ang mga contact na kamakailan-lamang ay pinakahuli mong
pinadalhan ng mga mensahe, piliin ang Mga tatang gap ng msg..
Piliin ang Menu > Log > Durasyon ng tawag, Counter ng packet
data, o Konek. pack. data timer para sa tinatantyang
impormasyon ukol sa iyong kamakailan-lamang na pakikipagusap.
Paalala: Ang aktwal na singil para sa mga tawag at
serbisyo mula sa inyong service provider ay maaaring
mag-iba, depende sa mga katangian ng network,
rounding off para sa pagsingil, mga buwis at iba pa.
Para tanggalin ang mga listahan ng mga pinakahuling tawag,
piliin ang I-clear mga lista ng log. Hindi mo maaaring mulingibalik ang operasyong ito.
Maari mong maisaayos ang iba’t-ibang mga setting
ng telepono sa menu na ito. Para i-reset ang ilan sa
mga setting ng menu sa kanilang mga orihinal na halaga, piliin
ang Menu > Mga setting > Ibalik sa set. ng factory.
Mga profile
Ang iyong telepono ay may iba-ibang grupo ng setting na
tinatawag na mga profile kung saan pwede mong ipasadya ang
mga tono ng telepono para sa ibat-ibang kaganapan at mga
kapaligiran.
Piliin ang Menu > Mga setting > Mga profile, ang ninanais na
profile, at Isaaktibo para i-aktibo ang piniling profile, I-
personalise para isapersonal ang profile, o Inorasan para i-set
ang pagpapawalang-bisa ng oras para sa aktibong profile. Kapag
ang oras na nai-set para sa profile ay nawalan ng bisa, ang
nakaraang profile na hindi inorasahan ay magiging aktibo.
Piliin ang Menu > Mga setting > Mga tono, at palitan ang
anumang magagamit na mga opsyon para sa aktibong profile.
Ang iyong telepono ay sumusuporta sa mga MP3 format na ring
tone. Maaari mo din i-set ang iyong mga nai-rekord bilang mga
ring tone.
Para i-set ang telepono na magri-ring lamang sa napiling grupo
ng tumatawag, piliin ang Alerto para sa:.
Mga shortcut ko
Sa mga pansariling shortcut, madali mong maa-access ang
madalas gamiting mga function ng telepono. Piliin ang Menu >
Mga setting > Mga shortcut ko at mula sa mga sumusunod na
opsyon:
Kanan selection key o Kaliwa selek. key—para ilaan ang isang
function ng telepono sa kanan o kaliwa ng pagpipiliang key
Nabigasyon key—para piliin ang mga function ng shortcuts para
sa scroll na key. Mag-scroll sa nais na scroll key, piliin ang
Palitan o Italaga at isang function mula sa listahan.
displey ay namamatay kapag walang function ng telepono ay
ginamit para sa ilang yugto ng panahon.
Para baguhin ang mga setting ng mini displey, piliin ang
Menu > Mga setting > Maliit na display.
Mga setting ng oras at petsa
Para palitan ang mga setting ng oras, sona ng oras at petsa,
piliin ang Menu > Mga setting > Petsa at oras > Orasan, Petsa, o
Awto-update ng petsa at oras (serbisyo ng network).
Kapag naglalakbay sa ibang sona ng oras, piliin ang Menu >
Mga setting > Petsa at oras > Orasan > Sona ng oras at ang sona
ng oras ng iyong kinalalagyan batay sa pagkakaiba ng oras kung
ibabatay sa Greenwich Mean Time (GMT) o Universal Time
Coordinated (UTC). Ang oras at petsa ay nakatakda alinsunod sa
sona ng oras at ginagawang maipakita ng iyong telepono ang
wastong oras ng pagpapadala ng mga natanggap na mga
mensaheng teksto o multimedia. Halimbawa, ang GMT -5 ay
nagpapahiwatig ng sona ng oras para sa New York (USA), 5 oras
sa kanluran ng Greenwich/London (UK).
Gamitin para sa India (New Delhi) ang GMT +5.5, para sa
Thailand/Indonesia/Vietnam ang GMT +7, para sa Singapore/
Malaysia/Pilipinas ang GMT +8, para sa Australia (Sydney) ang
GMT +10, at para sa New Zealand ang GMT +12.
Pagkakakunekta
Teknolohiyang wireless na Bluetooth
Sa ilang mga bansa, maaaring may mga pagtatakda sa paggamit
ng mga aparatong Bluetooth. Alamin sa iyong dealer at mga
lokal na awtoridad.
Ang kagamitang ito ay sumusunod sa Bluetooth Specification
2.0 na sumusuporta sa mga sumusunod na profile: hands-free,
headset, object push, file transfer, dial-up networking,
synchronization connection, at serial port. Para masiguro ang
pagka-magagamit sa pagitan ng iba pang mga aparato na
sumusuporta sa teknolohiyang Bluetooth, gumamit ng mga
pagpapahusay na inaprobahan ng Nokia para sa modelong ito.
Alamin sa mga gumagawa ng iba pang mga aparato para
tiyakin ang kanilang pagka-mabagay sa aparatong ito.
Maaaring may mga pagtatakda sa paggamit ng teknolohiyang
Bluetooth sa ilang lokasyon. Alamin sa iyong mga lokal na
awtoridad o service provider.
Ang mga katangiang gumagamit ng teknolohiyang Bluetooth, o
nagpapahintulot sa gayong mga katangian na tumakbo sa
background habang ginagamit ang iba pang mga katangian, ay
nagtataas ng pangangailangan sa lakas ng baterya at
binabawasan ang buhay ng baterya.
Ang teknolohiyang Bluetooth ay nagpapahintulot sa iyo na
ikunekta ang telepono sa isang kabagay na aparatong Bluetooth
sa loob ng 10 metro (32 piye). Dahil ang mga kagamitang
gumagamit ng teknolohiyang Bluetooth ay nakikipagkomunikasyon na gamit ang radio waves, ang iyong telepono at
ang iba pang mga aparato ay hindi kailangang nasa tuwirang
linya ng paningin, bagaman ang kuneksyon ay maaaring
magkaroon ng pagkagambala mula sa mga sagabal tulad ng
mga dingding o mula sa iba pang mga aparatong elektroniko.
Piliin ang Menu > Mga setting > Pagkaka konek > Bluetooth at
mula sa mga sumusunod:
Bluetooth > Bukas o Sarado—para i-aktibo o ide-aktibo ang
function na Bluetooth. ay ipinapahiwatig na ang Bluetooth
ay aktibado.
Enhancement audio hanapin—para maghanap ng kabagay na
mga aparatong audio na Bluetooth.
Magkapares na mga aparato—para maghanap sa anumang
aparatong Bluetooth sa nasasakupan. Piliin ang Bago para ilista
ang anumang aparatong Bluetooth sakop sa nasasakupan.
Pumili ng aparato at Pares. Magpasok nang napagkasunduang
passcode ng Bluetooth ng aparato (hanggang sa 16 na karakter)
para ipares ang aparato sa iyong telepono. Dapat mo lamang
ibigay ang passcode na ito kapag kumukunekta ka sa aparato sa
unang pagkakataon. Ang iyong telepono ay kumukunekta sa
aparato, at maaari mong simulan ang paglipat ng data.
Mga aktibong aparato—para alamin kung aling kuneksiyong
Bluetooth ang kasalukuyang aktibo.
Bisibilidad ng aking telepono o Pangalan ng telepono ko—para
tukuyiin kung papaano ipinapakita ang iyong telepono sa ibang
mga aparatong Bluetooth.
Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa seguridad, isara ang
function na Bluetooth, o i-set ang Bisibilidad ng aking
telepono sa Nakatago. Laging tumanggap lamang ng
komunikasyong Bluetooth mula sa iba na iyong sinasangayunan.
GPRS
Ang General Packet Radio Service (GPRS) (serbisyong network)
ay isang tagadala ng data na nagbibigay-daan sa pag-access
nang wireless sa mga data network gaya ng Internet. Ang mga
aplikasyon na maaaring gumamit ng GPRS ay MMS, pagbrowse, at pag-download ng mga aplikasyong Java.
Bago mo magamit ang teknolohiyang GPRS, makipag-ugnayan
sa iyong network operator o service provider para sa
pagkamagagamit ng at suskrisyon sa serbisyong GPRS. I-save
ang mga setting ng GPRS para sa bawat aplikasyon na
ginagamit sa pamamagitan ng GPRS. Para sa impormasyon
tungkol sa pagpepresyo, makipag-ugnayan sa iyong network
operator o service provider.
Piliin ang Menu > Mga setting > Pagkaka konek > Packet data >
Koneksyon ng packet data. Piliin ang Laging online para i-set ang
telepono na awtomatikong magrerehistro sa isang GPRS
network kapag binuksan mo ang telepono. Piliin ang Kapag
kailangan, at ang pagrehistro at koneksyon ng GPRS ay
napanatili kapag kailanganin ito ng aplikasyong gumagamit ng
GPRS at isinasara kapag tinapos mo ang aplikasyon.
Paglilipat ng data
Pinahihintulutan ng iyong telepono ang paglipat ng data
(halimbawa, kalendaryo, mga kontak ng data, at mga tala) sa
isang kabagay na PC, isa pang kabagay na aparato, o isang
malayuang server ng internet (serbisyo ng network).
Maglipat ng listahan ng kontak
Para kopyahin o ipagsabay ang data mula sa iyong telepono, ang
pangalan ng aparato at ng mga setting ay dapat nasa listahan
ng mga kontak na ililipat.
Para magdagdag ng isang bagong paglipat ng kontak sa listahan
(halimbawa, isang teleponong mobile), piliin ang Menu > Mga
setting > Pagkaka konek > Paglipat data > Opsyon > Idagdag
contact > Sync ng telepono o Kopyang telepono, at ipasok ang
Para sa pagsasabay gumamit ng teknolohiyang wireless na
Bluetooth na kuneksiyon. Ang iba pang aparato ay dapat na iaktibo para sa pagtanggap ng data.
Para simulan ang paglilipat ng data, piliin ang Menu > Mga
setting > Pagkaka konek > Paglipat data at ang ililipat na kontak
mula sa listahan bukod sa Sync ng server o Sync sa PC. Ayon sa
mga setting, ang napiling data ay nakopya o naipagsabay.
Pagsasabay mula sa isang kabagay na PC
Para maipagsabay ang data mula sa kalendaryo, mga tala at
kontak, i-install sa PC ang Nokia PC Suite software ng iyong
telepono. Gamitin ang wireless na teknolohiyang Bluetooth para
sa pagsasabay, at simulan ang pagsasabay mula sa PC.
Pagsasabay mula sa isang server
Para gamitin ang isang malayuang server ng Internet, magsubscribe sa isang serbisyo ng pagsasabay. Para sa higit pang
impormasyon at mga kinakailangang setting para sa serbisyong
ito, makipag-ugnayan sa iyong service provider.
Para simulan ang pagsasabay mula sa iyong telepono, piliin ang
Menu > Mga setting > Pagkaka konek > Paglipat ng data >
Ang kabagay na pagpapahusay ng mobile ay ipinakikita lamang
kung ang telepono ay nakakunekta o naikunekta dito.
Piliin ang Menu > Mga setting > Mga enhancemnt at ang
magagamit na pagpapahusay. Kung magagamit, maaari mong
piliin ang Awtomatikong sasagutin para mai-set ang telepono
na sagutin ang isang papasok na tawag nang awtomatiko. Kung
ang Alerto ng papasok na tawag ay naka-set sa Beep 1 beses
lang o Sarado, ang awtomatikong pagsagot ay hindi gagamitin.
Mga setting ng pagsasaayos
Ang ilang mga serbisyo ng network ay kailangan ng pagsasaayos
ng mga setting sa iyong telepono. Kunin ang mga setting mula
sa iyong SIM card o isang service provider bilang mensahe sa
pagsasaayos, o mano-manong ipasok ang iyong mga pansariling
setting.
Select Menu > Mga setting > Kumpigu rasyon at mula sa
sumusunod:
Mga default na setting ng kumpig.—para tignan ang listahan ng
mga service provider na naka-imbak sa telepono (ang
nakatalagang service provider ay naka-highlight)
Iaktibo default sa lahat aplikasyon—para i-set ang aplikasyon na
gamitin ang mga setting mula sa nakatalagang service provider
Piniling access point—para pumili ng iba pang access point.
Karaniwan ang access point mula sa iyong network operator ay
siyang gagamitin
Kumonekta sa ta galaan ng serbis.—para mai-download ang mga
setting ng pagsasaayos mula sa iyong service provider
Para ipasok, tingnan, at i-edit ang mga setting nang manumano, piliin ang Menu > Mga setting > Kumpigu rasyon >
Setting ng per sonal na kumpig.
■ Menu ng operator
Ang menu na ito ay pinahihintulutan kang ma-access ang isang
portal sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng iyong network
operator. Ang menu na ito ay tiyak sa operator. Ang pangalan at
ang icon ay depende sa operator. Maaaring isapanahon ng
operator ang menu na ito sa pamamagitan ng mensahe ng
serbisyo. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa
iyong network provider.
Sa menung ito, maaari mong pamahalaan ang mga
tema, grapiko, naka-rekord, at mga tono. Ang mga file
na ito ay nakaayos sa mga folder.
Ang iyong telepono ay sumusuporta sa digital rights
management (DRM) system upang protektahan ang nakamit na
nilalaman. Laging tiyakin ang mga tuntunin sa paghahatid ng
anumang nilalaman at susi sa aktibasyon bago kunin ang mga
ito, dahil maaaring may bayad ang mga ito.
Piliin ang Menu > Gallery > Mga tema, Mga graphic, Mga tono,
Musika file, Recording, at Tanggap file.
■ Media
Kamera at video
Puwede kang kumuha ng mga imahe o magrekord ng mga video
clip sa pamamagitan ng built-in na kamera.
Kumuha ng retrato
Ang iyong aparato ay sumusuporta sa pagkuha ng imahe sa
resolution na 640x480 pixels.
Para gamitin ang function na imaheng hindi gumagalaw, piliin
ang Menu > Media > Kamera, o kung ang function na video ay
nakabukas, mag-scroll pakaliwa o pakanan. Para kumuha ng
imahe, piliin ang Kunan.
Piliin ang Opsyon para i-set ang Night mode bukas kung hindi
maliwanag, Self-timer para i-set ang sariling pag-ooras, Seq. ng
img. bukas para kumuha ng mga imahe sa mabilis na sunud-
sunod, o Mga setting > Oras ng preview sa imahe para i-set ang
preview mode at oras.
Magrekord ng video clip
Para gamitin ang function na video, piliin ang Menu > Media >
Kamera > Opsyon > Video, o kung ang function na kamera ay
nakabukas, mag-scroll pakaliwa o pakanan. Para simulan ang
pagrekord ng video, piliin ang I-record. Para itigil sandali ang
pagrekord, piliin ang Ihinto; para ipagpatuloy ang pagrekord,
piliin ang Ituloy; para ihinto ang pagrekord, piliin ang Itigil.
Para i-set ang haba ng video clip na makukunan mo, piliin ang
Menu > Media > Kamera > Opsyon > Mga setting > Haba ng
Maaari kang mag-rekord ng mga piraso ng pananalita, tunog o
isang aktibong tawag. Ito ay kapaki-pakinabang para sa pagrekord ng isang pangalan at numero ng telepono para maisulat
ito kinalaunan.
Piliin ang Menu > Media > Recorder at ang virtual na buton ng
rekord sa displey para magsimulang mag-rekord. Para simulan
ang pagrekord sa oras ng isang tawag, piliin ang Opsyon >
I-record. Kapag nag-rekord ka ng isang tawag, hawakan ang
telepono sa normal na puwesto na malapit sa iyong tainga. Ang
pagrekord ay isini-save sa Gallery > Recording. Para makinig sa
pinakahuling pagrekord, piliin ang Opsyon > I-play huli nai-rec..
Para ipadala ang huling nai-rekord gamit ang mensaheng
multimedia, piliin ang Opsyon > Ipadala huli na-rec.
Radyo
Ang FM na radyo ay dumedepende sa isang antena maliban sa
antena ng aparatong wireless. Ang isang kabagay na headset o
pagpapahusay ay kailangang ikabit sa aparato para gumana
nang wasto ang radyong FM.
Babala: Makinig sa musika sa katamtamang antas.
Ang patuloy na pagkakalantad sa malakas na tunog
ay maaaring makapinsala sa iyong pandinig.
Piliin ang Menu > Media > Radyo, o sa standby mode, pindutin
at diinan ang *.
Kung iyo nang naiimbak ang mga istasyon ng radyo, mag-iskrol
pataas o pababa para magpalipat-lipat sa pagitan ng mga
nakaimbak na istasyon, o pindutin ang mga kaukulang key ng
numero ng lokasyon ng memorya ng gustong istasyon.
Para maghanap ng kalapit na istasyon, pindutin at diinan ang
key ng pag-iskrol pakaliwa o pakanan.
Para iimbak ang istasyon kung saan ka nakatono, piliin ang
Opsyon > I-save istasyon.
Para baguhin ang lakas ng tunog, piliin ang Opsyon > Volum e.
Para maiwan ang radyong tumutugtog sa background, pindutin
ang tapos key. Para patayin ang radyo, pindutin at idiin ang key
ng pagputol.
Alarmang orasan, kalendaryo at listahan
ng dapat gawin
Para magamit ang alarmang orasan, piliin ang Menu >
Organiser > Alarm clock at mula sa mga sumusunod:
Alarma:—para italaga ang alarma sa bukas o patay
Oras ng alarma:—para itakda ang oras para sa alarma
Pag- ulit :—para itakda ang telepono para alertuhan ka sa mga
piniling araw ng linggo
Tono ng alarma:—para piliin o iangkop sa iyong gusto ang tono
ng alarma
Snooze time-out:—para itakda ang oras ng pahinga para sa
alerto ng snooze
Ang telepono ay magpaparinig ng tonong pang-alerto, at
pakikisap-kisapin nito ang Alarma! at ang kasalukuyang oras sa
displey, kahit na ang telepono ay patay. Piliin ang Itigil upang
patigilin ang alarma. Kung iyong hahayaan ang telepono na
patuloy na magparinig ng alarma hanggang isang minuto o
piliin ang I-snoz., ang alarma ay titigil sa loob ng panahong
iyong itinakda, at saka magpapatuloy.
Kung ang oras ng alarma ay naabot habang nakasara ang
aparato, ang aparato ay kusang bubukas at magsisimulang
patunugin ang tonong pang-alarma. Kapag iyong piliin ang
Itigil, ang aparato ay magtatanong kung gusto mong
paganahin ang aparato para sa mga tawag. Piliin ang Hindi
para isara ang aparato o Oo para tumawag at tumanggap ng
mga tawag. Huwag pipiliin ang Oo kapag ang paggamit ng
walang-kableng telepono ay maaaring maging sanhi ng
pagkagambala o panganib.
Piliin ang Menu > Organiser > Kalendaryo. Ang kasalukuyang
araw ay ipinababatid ng isang kuwadro. Kung may anumang
mga tala na nakalaan para sa araw, ang araw ay isinusulat sa
makakapal na titik. Para tingnan ang tala para sa araw, piliin ang
Tingnan. Para tanggalin ang lahat ng mga tala sa kalendaryo,
piliin ang buwanan o lingguhang pagtanaw, at piliin ang
Opsyon > Tanggal lahat tala. Ang iba pang mga maaaring
pagpilian ay ang pagbubuo, pagtatanggal, pagbabago, at
paglilipat ng isang tala; pagkopya ng isang tala sa iba pang
araw; o direktang pagpapadala ng isang tala sa iba pang
katugmang kalendaryo sa telepono, bilang isang mensaheng
teksto o isang kalakip.
Piliin ang Menu > Organiser > Lista ng gawain. Ang listahan ng
dapat gawin ay naka-displey at pinagsusunod-sunod ayon sa
priyoridad. Piliin ang Opsyon, at maaari kang magdagdag,
magtanggal, o magpadala ng isang tala; magmarka ng tala
bilang nagawa na; o pagsunud-sunurin ang listahan ng dapat
gawin ayon sa huling-araw.
■ Mga aplikasyon
Ang software ng iyong telepono ay maaaring may
kasamang ilang mga laro at mga aplikasyong Java na
sadyang idinisenyo para sa teleponong Nokia na ito.
Para tingnan ang dami ng memorya na magagamit para sa pagiinstala ng laro at aplikasyon, piliin ang Menu > Mga aplik. >
Opsyon > Status ng mem. Para maglunsad ng isang laro o
aplikasyon, piliin ang Menu > Mga aplik. > Mga laro, o
Koleksyon. Mag-iskrol sa isang laro o aplikasyon at piliin ang
Buksan. Para mag-download ng isang laro o ng isang
aplikasyon, piliin ang Menu > Mga aplik. > Opsyon > Mga
download > Download ng laro o Apli. download. Ang iyong
telepono ay sumusuporta sa J2ME
Tiyaking ang aplikasyon ay katugma ng iyong telepono bago ito
i-download.
Mahalaga: Mag-instala lamang ng mga aplikasyon
mula sa mga nag-aalay ng sapat na proteksyon laban
sa mapaminsalang software.
Tandaan na kapag nag-download ng aplikasyon, ito ay
maaaring iimbak sa menu ng Gallery sa halip na sa menu ng
Mga aplik..
■ Web
Maaari mong puntahan ang iba’t-ibang mga
serbisyong mobile ng Internet sa pamamagitan ng
tagabasa ng iyong telepono. Tingnan ang kakayahang makuha
ang mga serbisyong ito, ang presyo at mga buwis sa iyong
network operator o service provider.
Mahalaga: Gamitin lamang ang mga kagamitang
pinagkakatiwalaan mo at nag-aalay ng sapat na
seguridad at proteksyon laban sa mapaminsalang
software.
Siguraduhin na ang mga setting ng serbisyo ay naka-imbak at
isinaaktibo.
Para makakonekta sa serbisyo, buksan ang pahina ng
pagsisimula (bilang halimbawa, ang pahina ng tahanan ng
service provider), piliin ang Menu > Web > Home, o sa standby
mode, pindutin at diinan ang 0. Para marating ang isang tanda,
piliin ang Menu > Web > Mga tanda. Kung ang tanda ay hindi
gumaganap sa kasalukuyang aktibong setting ng serbisyo,
isaaktibo ang isa pang hanay ng mga setting ng serbisyo at
subukang muli. Para marating ang huling URL, piliin ang
Menu > Web > Huling web adr.. Upang ipasok ang address ng
serbisyo, piliin ang Menu > Web > Pumunta sa address.
Para huminto sa pagbabasa at para putulin ang koneksiyon,
pindutin at diinan ang key ng pagputol.
Pagkatapos mong kumonekta sa isang serbisyo, maaari mo nang
basahin ang mga pahina nito. Ang gawain ng mga pindutan ng
telepono ay maaaring magkakaiba sa iba't ibang serbisyo.
Sundin ang mga tekstong gabay sa displey ng telepono.
Tandaan na kung ang GPRS ang pinili bilang tagadala ng datos,
ang tagapahiwatig ay ipapakita sa kaliwang tuktok ng
displey habang nagbabasa. Kung tumanggap ka ng tawag o
mensaheng teksto, o tumawag habang nasa isang koneksiyong
GPRS, ang tagapahiwatig ay ipapakita sa kaliwang tuktok ng
displey upang ipabatid na ang koneksyon ng GPRS ay suspindido
(pinapaghintay). Matapos ang isang tawag, ang telepono ay
nagtatangkang muling kumonekta sa koneksyong GPRS.
Ang iyong kagamitan ay maaaring may mga tandang dati nang
naka-instala at mga link para sa mga ikatlong-partidong site ng
internet. Maaari ka ring makarating sa ibang mga ikatlongpartidong site sa pamamagitan ng iyong aparato. Ang mga
ikatlong-partidong site ay hindi apilyado sa Nokia, at ang Nokia
ay hindi nag-eendorso o mananagot sa kanila. Kung iyong
piniling makarating sa mga ganoong site, dapat kang gumawa
ng mga pag-iingat para sa seguridad o nilalaman.
Mga setting ng anyo ng tagabasa
Sa standby mode, piliin ang Menu > Web > Mga setting > Mga
setting ng anyo. Piliin ang Pag-wrap ng teksto > Bukas para
payagang magpatuloy ang teksto sa susunod na linya. Kapag
pinili mo ang Sarado, ang teksto ay paiikliin. Piliin ang Mga
imahen ipakita > Hindi, at anumang mga larawan lumalabas sa
pahinang hindi naipakikita. Mga alerto > Alerto sa di-ligtas na
koneksyon > Oo Para iayos ang telepono upang mag-alerto
kapag ang isang ligtas na koneksyon ay naging di-ligtas habang
binabasa. Para italaga ang telepono sa pag-alerto kapag ang
isang protektadong pahina ay nagtataglay ng di-protektadong
aytem, piliin ang Alerto para sa mga di-ligtas na bagay > Oo.
Ang mga alertong ito ay hindi gumagarantiya sa isang ligtas na
koneksyon. Para piliin ang set ng karakter para sa pagpapakita
ng mga pahina ng tagabasa na hindi nagtataglay ng
impormasyong iyon o para piliin kung laging gagamitin ang UTF8 encoding kapag nagpapadala ng isang adres ng web sa isang
katugmang telepono, piliin ang Pag-eencode ng karakter.
Mga Cookie at memorya ng cache
Ang cookie ay isang datos na tinitipon ng site sa memorya ng
cache ng tagabasa sa iyong telepono. Ang datos ay maaaring
ang iyong impormasyon bilang gumagamit o ang iyong mga
kagustuhan sa pagbabasa. Ang cookie ay iniiimbak hanggang sa
maalisan mo ng laman ang memorya ng cache. Para hayaan o
hadlangan ang telepono mula sa pagtanggap ng mga cookies,
piliin ang Menu > Web > Mga setting > Mga setting ng
seguridad > Mga cookie > Payagan o Tanggihan.
Ang cache ay isang lokasyon ng memorya na ginagamit upang
pansamantalang mag-imbak ng datos. Kung sinubukan mong
puntahan o napuntahan mo ang kumpidensyal na impormasyon
na nangangailangan ng mga password, alisin ang laman ng
cache matapos ang bawat paggamit. Ang impormasyon o mga
serbisyong napuntahan mo ay pinamamalagi sa cache. Para
basyuhin ang cache, piliin ang Menu > Web > I-clear ang
lalagyan.
Inbox ng serbisyo
Ang telepono ay maaaring tumanggap ng mga mensahe ng
serbisyo (serbisyo ng network) (mga itinulak na mensahe) na
ipinadadala ng iyong service provider. Para basahin ang
mensaheng ito ng serbisyo, piliin ang Ipakita. Kung pinili mo ang
Labas, ang mensahe ay nalilipat sa Serbisyong inbox. Para itakda
ang telepono sa pagtanggap ng mga mensahe ng serbisyo, piliin
ang Menu > Web > Mga setting > Mga setting ng serbisyo
inbox > Mga serbisyong mensahe > Bukas.
Seguridad ng tagabasa
Ang mga katangiang pangseguridad ay maaaring kinakailangan
sa ilang serbisyo, tulad ng pagbabangko o pamimili nang online.
Para sa mga ganoong koneksiyon ay kailangan mo ng mga
sertipiko ng seguridad at posibleng isang security module na
maaaring makuha sa iyong SIM card. Para sa karagdagang
impormasyon, tawagan ang iyong tagapaglaan ng serbisyo.
Ang iyong aparato ay pinatatakbo ng isang bateryang
nakakargahang muli. Ang baterya ay maaaring kargahan at
diskargahan nang daan-daang ulit, ngunit mawawalan din ito
ng lakas. Kapag ang mga oras ng pakikipag-usap at standby ay
kapansin-pansing mas maikli sa karaniwan, palitan ang baterya.
Gumamit lamang ng mga bateryang aprubado ng Nokia, at
muling kargahan ang iyong baterya sa mga charger na aprubado
ng Nokia at itinalaga para sa aparatong ito.
Kung ang pamalit na baterya ay ginagamit sa unang
pagkakataon o kung ang baterya ay matagal nang hindi
nagagamit, maaaring kailangang ikonekta ang charger at saka
kalasin ito at muling ikonekta ito upang simulan ang
pagkakarga.
Hugutin ang charger mula sa saksakan ng kuryente at mula sa
aparato kapag hindi ginagamit. Huwag iiwan ang lubos nang
nakargahang baterya na nakakonekta sa isang charger, dahil
ang sobrang pagkakarga ay nagpapaikli ng buhay nito. Kung
iiwang hindi ginagamit, ang bateryang lubos na kinargahan ay
manghihina rin sa tagal ng panahon.
Kung ang baterya ay ganap nang walang-laman, maaaring
tumagal ng ilang minuto bago lumitaw ang tagapagpahiwatig
ng pagkakarga sa display o bago makatawag.
Gamitin lamang ang baterya para sa sinasadyang layunin.
Huwag gagamit ng anumang charger o baterya na may pinsala.
Huwag i-short circuit ang baterya. Ang aksidenteng short circuit
ay pwedeng mangyari kapag ang metalikong bagay tulad ng
barya, klip, o panulat ay naging sanhi ng deretsong kuneksyon
ng positibo (+) at negatibong (-) mga terminal ng baterya. (Ang
mga ito ay may anyong mga piraso ng bakal sa baterya.) Ito
ay maaaring mangyari, bilang halimbawa, kapag nagdadala ka
ng ekstrang baterya sa iyong bulsa o pitaka. Ang pag-short
circuit ng mga terminal ay maaaring makapinsala sa baterya o
sa bagay na ikinukonekta.
Ang pag-iwan sa baterya sa maiinit o malalamig na lugar, tulad
ng isang nakasarang kotse kapag tag-init o taglamig, ay
magbabawas ng kapasidad at buhay ng baterya. Laging sikapin
na panatilihin ang baterya sa pagitan ng 15°C at 25°C (59°F at
77°F). Ang aparato na may mainit o malamig na baterya ay
maaaring pansamantalang hindi umandar, kahit na kapag ang
baterya ay lubos na nakargahan. Ang pagganap ng baterya ay
mas lalong limitado sa mga temperatura na lubhang maginaw.
Huwag itapon ang mga baterya sa apoy dahil maaaring
sumabog ang mga ito. Ang mga baterya ay maaari ring sumabog
kung nasira. Itapon ang mga baterya alinsunod sa mga lokal na
regulasyon. Mangyaring iresaykel kapag posible. Huwag
itatapon bilang basura sa bahay.
Huwag kakalasin o gigilingin ang mga cells o baterya. Sa
pagkakataong may pagtagas mula sa baterya, huwag hahayaang
dumikit ang tumagas na likido sa balat o mga mata. Kung
sakaling may ganoong pagtagas, agad na banlawan ang iyong
balat o mga mata ng tubig, o humingi ng tulong medikal.
Mahalaga: Ang mga oras ng battery talk at standby ay
mga tantiya lamang at depende sa lakas ng signal,
mga kondisyon ng network, mga gamit na katangian,
edad ng baterya at kondisyon, mga temperatura kung
saan nahayag ang baterya, gamit sa digital mode, at
marami pang ibang mga bagay. Ang haba ng oras na
gamit ang isang aparato sa mga tawag ay
makaaapekto sa oras ng standby nito. Gayundin, ang
haba ng oras na ang aparato ay naka-on at nakastandby ay makaaapekto sa oras ng pakikipag-usap
nito.
■ Mga tagubilin sa pagpapatunay sa
baterya ng Nokia
Laging gamitin ang orihinal na mga bateryang Nokia para sa
iyong kaligtasan. Para tiyakin na orihinal na bateryang Nokia
ang makukuha mo, bilhin ito mula sa isang awtorisadong
tagapagbenta ng Nokia, hanapin ang logo ng Nokia Original
Enhancements sa pakete at siyasatin ang hologram na tatak
gamit ang mga sumusunod na hakbang:
Ang matagumpay na pagkumpleto ng lahat ng hakbang ay hindi
isang garantiya ng pagiging tunay ng baterya. Kung may dahilan
para maniwala ka na ang iyong baterya ay hindi isang tunay na
orihinal na baterya ng Nokia, huwag mo itong gagamitin kaagad
at dalhin ito sa pinakamalapit na awtorisadong sentro ng
serbisyo o mangangalakal ng Nokia para sa tulong. Sisiyasatin
ng iyong awtorisadong kumpunihan ng Nokia o mangangalakal
ang baterya upang matiyak kung ito ay tunay. Kung hindi
mapatunayan na tunay ang baterya, ibalik ang baterya sa
binilhan.
1. Kapag tumitingin sa hologram sa
tatak, dapat mong makita ang simbolo
ng Nokia connecting hands mula sa
isang anggulo at ang logo ng Nokia
Original Enhancements kapag
tumitingin mula sa ibang anggulo.
2. Kapag inianggulo mo ang
hologram sa kaliwa, kanan, ibaba at
itaas na mga bahagi ng logo, dapat
mong makita ang 1, 2, 3, at 4 na
tuldok sa bawat panig ayon sa
pagkakasunod-sunod.
3. Kaskasin ang tabi ng tatak upang
ihantad ang kodigo na may 20 na
bilang, halimbawa ay
12345678919876543210. Baligtarin
ang baterya para ang mga numero ay
humarap sa itaas. Ang 20-bilang na
kodigo ay nagsisimula sa numero sa
hanay sa itaas na sinusundan ng
hanay sa ilalim.
4. Kumpirmahin na ang 20-bilang na
kodigo ay tunay sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga tagubilin sa
www.nokia-asia.com/batterycheck.
Para bumuo ng isang mensaheng teksto ay ipasok ang 20-bilang
na kodigo, bilang halimbawa, 12345678919876543210, at
ipadala sa +44 7786 200276.
Para bumuo ng isang mensaheng teksto, gawin ang mga
sumusunod:
• Para sa mga bansa sa Asya Pasipiko, hindi kasama ang India:
Ipasok ang 20-bilang na kodigo, bilang halimbawa,
12345678919876543210, at ipadala sa +61 427151515.
• Para sa India lamang: Ipasok ang salitang “Battery” kasunod
ang may 20 na bilang na kodigo ng baterya, bilang
halimbawa, Battery 12345678919876543210, at ipadala sa
May mga ipapataw na pambansa at pandaigdig na singil ng
operator.
Dapat kang makatanggap ng mensahe na nagpapabatid kung
ang kodigo ay magagawang patunayan.
Paano kung ang iyong baterya ay hindi isang tunay na
baterya?
Kung hindi mo makumpirma na ang iyong bateryang Nokia na
may hologram sa tatak ay tunay na bateryang Nokia,
mangyaring huwag gamitin ang baterya. Dalhin ito sa
pinakamalapit na awtorisadong tagapagkumpuni ng Nokia o
mangangalakal para sa tulong. Ang paggamit ng baterya na
hindi inaprubahan ng gumawa ay maaaring mapanganib at
maaaring magresulta sa mahinang pagganap at pinsala sa iyong
kagamitan at sa mga pagpapahusay. Mapapawalang-saysay din
ito sa anumang pag-apruba o garantiya ng kagamitan.
Para makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa orihinal na
mga bateryang Nokia bisitahin ang www.nokia-asia.com/
batterycheck.
Maraming bagong pagpapahusay na
magagamit para sa iyong telepono. Piliin
ang mga pagpapahusay na tumutugon sa
iyong mga mismong pangangailangang
pangkomunikasyon.
Ang ilan sa mga pagpapahusay ay detalyadong inilarawan sa
ibaba.
Para malaman kung makukuha ang mga pagpapahusay,
mangyaring magtanong sa iyong mangangalakal.
Ilang praktikal na mga tuntunin tungkol sa mga aksesorya at
pagpapahusay.
• Iligpit ang mga aksesorya at pagpapahusay sa lugar na hindi
maaabot ng mga maliliit na bata.
• Kapag tinatanggal ninyo ang kurdon ng koryente ng
anumang aksesorya o pagpapahusay, mahigpit na hawakan
at hilahin ang plug, hindi ang kurdon.
• Regular na tingnan kung ang mga pagpapahusay na
nakakabit sa sasakyan ay wastong nakalagay at tumatakbo.
• Ang pag-iinstala ng anumang kumplikadong mga
pagpapahusay ng sasakyan ay dapat lamang gawin ng
kuwalipikadong tauhan.
Gamitin lamang ang mga baterya, charger at pagpapahusay na
inaprubahan ng gumawa ng telepono. Ang paggamit ng ibang
mga uri ay maaaring magpawalang-bisa sa anumang pagapruba o garantiya sa iyong telepono, at maaaring mapanganib.
■ Baterya
Pinakamahusay na Pagganap
UriTagal ng
Pakikipag-usap*
BL-4Bhanggang sa 7
oras
* Ang pagkakaiba-iba sa mga oras ng pagpapatakbo ay maaaring
mangyari depende sa SIM card, mga setting ng network at
paggamit, estilo ng paggamit at mga kapaligiran. Ang paggamit
ng FM radio at nakapaloob na hands-free ay makakaapekto sa
talktime at standby.
Sa kagamitang handsfree at napapalitang ear loops para gawing
personal ang iyong headset, ang Nokia Bluetooth Headset BH100 ay isang ideyal na aksesoryang pang-araw-araw.
■ Nokia Mini Speakers (MD-4)
Ang natutuping munting speaker set na ito ay nakapaghahatid
sa iyo ng hanggang sa 30 oras ng mabuting tunog gamit ang
apat na bateryang AAA. Ikonekta lamang ang iyong katugmang
telepono at mag-jam sa iyong mga track o radyong FM.
Ang carrying case na ito na street-stylish white ay umaangkop
sa pinakangmakukuhang disenyong monoblock ng Nokia sa
pamilihan. Alsadong die-cut para sa isang munting bagay na
ekstra sa paningin, pinoprotektahan nito ang iyong telepono
mula sa mga dumi at gasgas.
Ang iyong aparato ay isang produktong may superyor na disenyo
at pagkakayari at dapat alagaan. Ang mga sumusunod na
mungkahi ay makatutulong sa iyo na protektahan ang iyong
saklaw ng garanitya.
• Panatilihing tuyo ang aparato. Ang biglang pagbaba ng
temperatura, humidity at lahat ng uri ng likido o halumigmig
ay maaaring maglaman ng mga mineral na aagnas sa sirkito
ng kury ente. Ku ng mabas a ang iyong kagamitan, tanggalin
ang baterya at hayaang matuyo ang kagamitan nang lubos
bago ibalik ito.
• Huwag gagamitin o itatago ang aparato sa maalikabok,
maruruming lugar. Maaaring masira ang mga gumagalaw at
elektronikong bahagi nito.
• Huwag ilalagay ang aparato sa maiinit na lugar. Ang
matataas na temperatura ay makapagpapaikli ng buhay ng
mga elektronikong aparato, nakakasira ng mga baterya, at
nakapipilipit o nakakalusaw ng mga plastik.
• Huwag ilalagay ang aparato sa malalamig na lugar. Kapag
ang aparato ay bumalik sa normal na temperatura nito,
maaaring mabuo ang halumigmig sa loob ng aparato at
masira ang mga elektronikong circuit board.
• Huwag tatangkaing buksan ang aparato sa paraang iba sa
itinatagubilin sa patnubay na ito.
• Huwag ibabagsak, pupukpukin o kakalugin ang aparato. Ang
di-maingat na paghawak ay makakasira ng panloob na
circuit boards at pinong mechanics.
• Huwag gagamit ng mababagsik na kemikal, panlinis na
solvent, o matatapang na detergent upang linisin ang
aparato.
• Huwag pipintahan ang aparato. Ang pintura ay makakabara
sa mga bahaging gumagalaw at makakapigil sa wastong
paggamit.
• Gumamit ng malambot, malinis, tuyong tela upang linisin
ang anumang mga lente, tulad ng mga lente ng kamera,
proximity sensor, at light sensor.
• Gamitin lamang ang ipinagkaloob o isang aprubadong
pamalit na antenna. Ang mga di-awtorisadong antenna,
pagbabago o pagkakabit ay makasisira sa aparato at
maaaring lumalabag sa mga regulasyong nauukol sa
aparatong pang-radio.
• Laging gumawa ng pang-back-up na kopya ng datos na
nais mong panatilihin, tulad ng mga kontak at tala sa
kalendaryo.
• Upang mai-reset ang aparato nang pana-panahon para sa
pinakasulit na pagganap, ay patayin ng aparato at alisin ang
baterya.
Ang lahat ng mungkahi sa itaas ay para sa iyong aparato,
baterya, charger o anumang pagpapahusay. Kung ang isang
aparato ay hindi gumagana nang maayos, dalhin ito sa
pinakamalapit na awtorisadong pasilidad ng kumpunihan para
sa makumpuni.
Ang iyong aparato at ang mga pagpapahusay nito ay maaaring
may maliliit na bahagi. Panatilihing hindi ito maaabot ng mga
maliliit na bata.
■ Kapaligiran sa pagpapatakbo
Ang kagamitang ito ay nakatutugon sa mga patnubay sa
pagkahantad sa RF kapag ginagamit sa normal na posisyon na
nakasandig sa tainga o kapag nakaposisyon nang hindi
kukulangin sa 2.2 centimeters (7/8 pulgada) ang layo mula sa
katawan. Kapag ang carry case, clip sa sinturon o holder ay
ginamit para sa paggamit na suot sa katawan, hindi dapat ito
magtaglay ng metal at dapat na iposisyon ang aparato sa
nabanggit na distansiya sa itaas mula sa iyong katawan. Upang
makapag-transmit ng mga data file o mga mensahe, kailangan
ng aparato ng mahusay na koneksyon sa network. Sa ilang kaso,
ang paghahatid ng mga tipon ng datos o mga mensahe ay
maaaring maantala hanggang ang nasabing koneksyon ay
maaaring makuha. Siguraduhin na ang mga tagubilin sa itaas
tungkol sa distansiya ay sinusunod hanggang makumpleto ang
paghahatid.
May mga bahagi ng kagamitan na magnetiko. Ang mga
metalikong materyal ay maaaring maakit sa aparato. Huwag
ilalagay ang credit card o ibang magnetikong storage media sa
malapit sa aparato, dahil ang impormasyong iniimbak doon ay
maaaring mabura.
■ Mga kagamitang medikal
Ang operasyon ng anumang kagamitang nagsasahimpapawid ng
senyales ng radyo, kabilang ang mga teleponong walang-kable,
ay maaaring makagambala sa pagganap ng mga walang-sapat
na proteksyong aparatong medikal. Kumunsulta sa isang
manggagamot o tagagawa ng medikal na aparato upang
malaman kung ang mga ito ay may sapat na pansanggalang sa
panlabas na RF energy o kung mayroon kang mga katanungan.
Isara ang iyong aparato sa mga pasilidad sa pangangalaga ng
kalusugan kapag may mga regulasyong nakapaskil sa mga lugar
na ito na nag-uutos sa iyo na gawin ito. Ang mga ospital o
pasilidad sa pangangalaga ng kalusugan ay maaaring
gumagamit ng kagamitan na maaaring sensitibo sa panlabas na
RF energy.
Inirerekomenda ng mga tagabuo ng mga aparatong medikal na
magkaroon ng di-bababa sa mga 15.3 sentimetro (6 pulgada) na
palugit sa pagitan ng isang aparatong walang-kable at isang
nakatanim na aparatong medikal, tulad ng isang pacemaker o ng
isang nakatanim na cardioverter defibrillator, upang maiwasan
ang maaaring pagkagambala sa aparatong medikal. Ang mga
taong may ganoong mga aparato ay dapat na:
• Palaging panatilihin na ang aparatong walang-kable ay higit
sa mga 15.3 sentimetro (6 pulgada) ang layo mula sa
aparatong medikal kapag nakabukas ang aparatong walangkable.
• Huwag ilalagay ang aparato sa bulsa sa dibdib.
• Itapat ang aparatong walang-kable sa tainga upang
mabawasan nang husto ang posibilidad na magkaroon ng
pagkagambala.
• Agad na patayin ang aparatong walang-kable kung
mayroong anumang kadahilanan upang maghinala na may
nagaganap na pagkagambala.
• Basahin at sundin ang mga tagubilin mula sa tagabuo ng
nakatanim sa kanila na aparatong medikal.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan ukol sa
paggamit ng iyong aparatong walang-kable nang mayroong
nakatanim na aparatong medikal, kumunsulta sa iyong
tagapangalaga ng kalusugan.
Mga Hearing aid
May mga kagamitang dihital na walang-kable na maaaring
makagambala sa ilang mga hearing aid. Kung magkaroon ng
pagkagambala, sumangguni sa iyong service provider.
■ Mga sasakyan
Ang RF signals ay maaaring makaapekto sa mga hindi wasto ang
pagkakainstala o hindi sapat ang pananggalang na mga
sistemang elektroniko sa mga sasakyang de-motor tulad ng mga
sistemang electronic fuel injection, electronic antiskid (antilock)
braking systems, electronic speed control systems, at air bag
systems. Para sa karagdagang impormasyon, itanong sa
tagagawa, o mga kinatawan nito, ng iyong sasakyan o anumang
kagamitan na idinagdag.
Ang mga kuwalipikadong tauhan lamang ang dapat
magserbisyo sa aparato, o mag-instala ng aparato sa isang
sasakyan. Ang maling instalasyon o serbisyo ay maaaring
mapanganib at maaaring magpawalang-bisa sa anumang
garantiya na nauukol sa aparato. Regular na tiyakin na ang
lahat ng mga kagamitang walang-kable sa iyong sasakyan ay
maayos na nakakabit at umaandar. Huwag mag-iimbak o
magdadala ng mga likidong maaaring magsiklab, mga gas o
materyal na sumasabog sa kinalalagyan ng aparato, ang mga
bahagi nito, o mga pagpapahusay. Para sa mga sasakyang may
air bag, tandaan na ang mga air bag ay pumipintog nang may
malakas na puwersa. Huwag maglalagay ng mga bagay,
kabilang ang ikinabit o nabubuhat na aparatong walang-kable
sa lugar na nasa itaas ng air bag o sa lugar na bukahan ng air
bag. Kung ang kagamitang walang-kable sa loob ng sasakyan ay
hindi tamang ikinabit at pumintog ang air bag, maaaring
magresulta sa malubhang pinsala.
Ang paggamit sa iyong aparato habang nagpapalipad ng aircraft
ay ipinagbabawal. Isara ang iyong aparato bago sumakay sa
aircraft. Ang paggamit ng walang-kableng teledevices sa isang
sasakyang panghimpapawid ay maaaring mapanganib sa pagandar ng sasakyang panghimpapawid, makagagambala sa
network ng walang-kableng telepono at maaaring labag sa
batas.
Isara ang iyong aparato kapag nasa anumang lugar na may
maaaring sumabog na kapaligiran, at sundin ang lahat ng tanda
at tagubilin. Ang mga lugar na pangkaraniwang papayuhan ka
na patayin ang makina ng iyong sasakyan ay kasama sa mga
kapaligirang maaaring sumabog. Ang mga siklab sa mga
nasabing lugar ay maaaring maging sanhi ng pagsabog o sunog
na nagreresulta sa pinsala sa katawan o maging ng pagkamatay.
Isara ang aparato sa mga lugar na lagayan ng gatong tulad ng
malapit na mga istasyon ng gasolina at serbisyo. Sundin ang
mga takda sa paggamit ng kagamitang radyo sa mga himpilan,
imbakan, at lugar ng pamamahagi ng gatong; mga planta ng
kemikal; o kung saan may ginagawang pagpapasabog. Ang mga
lugar na may atmosperang maaaring sumabog ay madalas, pero
hindi laging may malinaw na marka. Nabibilang dito ang mga
ibabang deck sa mga bangka, mga pasilidad sa paglilipat ng
kemikal o pag-iimbak at mga lugar kung saan ang hangin ay
may mataas na kemikal o partikulo gaya ng butil, alikabok, o
pulbos na metal. Dapat mong kumunsulta sa mga tagagawa ng
sasakyang gumagamit ng liquefied petroleum gas (gaya ng as
propane o butane) para matukoy kung ang aparatong ito ay
ligtas gamitin sa kanilang bisinidad.
kabilang ang kagamitang ito, ay tumatakbo na
gumagamit ng mga signal ng radyo, walang-kableng
network, mga network ng landline, at mga gawaing
ang nagprograma ay ang gumagamit. Dahil dito, ang
pagkonekta sa lahat ng kondisyon ay hindi
magagarantiyahan. Hindi ka dapat umasa lang sa
anumang walang-kableng aparato para sa
mahahalagang komunikasyon tulad ng mga
kagipitang medikal.
Upang gumawa ng tawag ng kagipitan:
1. Kung ang aparato ay sarado, buksan ito. Alamin kung may
sapat na lakas ng signal.
Maaaring hingin ng ilang network na isang balidong SIM
kard ang naipasok ng wasto sa aparato.
2. Pindutin ang key ng pagputol kung ilang beses kailangan
upang alisan ng laman ang displey at ihanda ang aparato
para sa mga tawag.
3. Ipasok ang opisyal na numero sa kagipitan para sa iyong
kasalukuyang lokasyon. Ang mga numero sa kagipitan ay
nag-iiba depende sa lokasyon.
4. Pindutin ang key ng pagtawag.
Kung may mga partikular na katangian na ginagamit, maaaring
kailanganin mo munang isara ang mga katangiang ito bago ka
gumawa ng tawag ng kagipitan. Sumangguni sa patnubay na ito
o sa iyong service provider para sa karagdagang impormasyon.
Kapag gumagawa ng tawag ng kagipitan, tandaang ibigay lahat
ng kailangang impormasyon na tumpak hangga't maaari. Ang
iyong aparatong walang-kable ay maaaring tanging paraan ng
komunikasyon sa pinangyarihan ng aksidente. Huwag tatapusin
ang tawag hanggang payagan ka na gawin ito.
Ang aparatong mobile na ito ay nakatutugon sa mga
alituntunin para sa pagkalantad sa radio waves.
Ang iyong aparatong mobile ay isang nagpapadala at
tumatanggap ng mga signal ng radyo. Ito ay dinisenyo upang
hindi malampasan ang mga limitasyon para sa pagkalantad sa
mga radio waves na iminumungkahi ng mga pang-internasyonal
na patnubay. Ang mga alituntunin na ito ay binuo ng
independenteng organisasyon sa agham na ICNIRP at kabilang
dito ang mga palugit na pangkaligtasan na idinisenyo upang
masigurado na mapoprotektahan ang lahat ng mga tao, maging
anuman ang kanilang edad at kalagayan sa kalusugan.
Ang mga patnubay sa pagkaharap para sa mga aparatong
mobile ay gumagamit ng yunit ng pagsukat na tinatawag na
Specific Absorption Rate o SAR. Ang limitasyon ng SAR na
nakasaad sa mga patnubay ng ICNIRP ay 2.0 watts/kilogram
(W/kg) na naka-average sa bawat 10 gramo ng laman ng tao.
Ang mga pagsusuri para sa SAR ay isinasagawa na ginagamit
ang batayan na posisyon sa paggamit na ang telepono ay
naghahatid sa pinakamataas na sertipikadong antas sa lahat ng
sinuring frequency bands. Ang aktwal na antas ng SAR ng isang
aparato ay maaaring mababa sa pinakamataas na halaga
sapagkat ang aparato ay idinisenyo upang gamitin lamang ang
lakas na kinakailangan upang maabot ang network. Ang
halagang iyon ay nagbabago depende sa ilang bilang ng mga
katangian tulad ng gaano ka kalapit sa isang base station ng
network. Ang pinakamataas na halaga ng SAR alinsunod sa mga
alituntunin ng ICNIRP para sa paggamit ng aparato sa may
tainga ay 0.97 W/kg.
Ang paggamit ng mga aksesorya at pagpapahusay ng aparato ay
maaaring maghatid ng mga ibang halaga ng SAR. Ang mga
halaga ng SAR ay maaaring magbago depende sa mga
pangangailangan sa pag-uulat at pagsusuri ayon sa bansa at sa
hanay ng network. Ang karagdagang impormasyon sa SAR ay
maaaring maibigay sa ilalim ng impormasyon ukol sa produkto
sa www.nokia-asia.com.
*Ang mga halaga ng SAR ay maaaring mag-iba depende sa mga
iniaatas ng bansa sa pag-uulat at ng network band. Para sa
impormasyon sa SAR sa ibang mga rehiyon mangyaring tingnan
ang impormasyon sa produkto sa www.nokia.com.
Kalendaryo 45
Kamera 40
Kapaligiran sa
pagpapatakbo 67
Keyguard 8
L
Listahan ng dapat gawin 46
Loudspeaker 10
M
Mabilis na pagdadayal 9
Magsimula nang walang SIM
card 7
Magsulat ng teksto 11
Mensaheng teksto, mga 15
Menu ng mga setting
displey 31
tupi 30
77
Page 93
Mga access code xiii
Mga aparatong medikal 68
Mga aplikasyon 46
Mga eksplosibong
atmospera 72
Mga koneksiyon sa
Internet 47
Mga kontak 24
Mga mensahe 13
audio 21
e-mail 23
flash 18
IM. 19
multimedia 16
Mga menu ng setting
mga tono 29
Mga patnubay sa
pagpapatunay ng bateryang
Nokia 56
Mga pindutan at piyesa 5
Mga profile 28
Mga setting ng menu
mga tawag 30
wika 30
Mga setting ng
pagpapahusay 38
Mga setting ng
pagsasaayos 38
Mga shortcut 29
Mga Tagabasa 47
memorya ng cache 50
mga cookie 50
mga tanda 48
Mga tawag na emergency 73
Mga Tunay na
Pagpapahusay 60
N
Nokia Bluetooth Headset
(BH-100) 62
Nokia Mini Speakers
(MD-4) 62
Nokia Universal Carrying Case
(CP-141) 63
O
Oras at petsa 31
P
Pag-aalaga at
pagpapanatili 64
Pag-install ng SIM card 1
Paglilipat ng data 36
Pang-pulsong tali 6
Pang-rekord ng boses 42
Password xiii
Ang pagsuporta ng Nokia Care sa web ay nagdudulot sa iyo ng karagdagang
impormasyon ukol sa aming mga serbisyong online.
Pakibisita ang www.nokia.com.ph/support para sa mga detalye.
INTERACTIVE DEMONSTRATIONS
(MGA MAPAG-UGNAY NA PAGPAPAHIWATIG)
Alamin kung paano itataguyod ang iyong telepono sa kauna-unahang
pagkakataon, at kumuha ng dagdag-impormasyon ukol sa mga
tampok nito. Ang Interactive Demonstrations ay nagbibigay sa iyo ng
mga hakbang-hakbang na panuto ukol sa paggamit ng iyong
telepono.
GABAY NG GUMAGAMIT
Ang online na Gabay ng Gumagamit ay naglalaman ng detalyadong
impormasyon sa iyong telepono. Huwag kalimutang tiyakin ito nang
regular para sa mga bago.
MGA SOFTWARE
Sulitin ang iyong telepono gamit ang software para sa iyong telepono
at PC. Kinokonekta ng Nokia PC Suite ang iyong telepono at PC upang
maaari mong mapamahalaan ang iyong kalendaryo, mga kontak,
musika at larawan, habang nakakadagdag ang ibang mga application
sa paggamit nito.
MGA SETTING
Ang ilang mga pag-andar ng telepono, tulad ng multimedia
messaging, mobile browsing at email*, ay maaaring mangailangan na
maitakda mo muna ang mga setting bago mo magamit ang mga ito.
Ipadala ang mga setting na ito papunta sa iyong telepono nang
walang binabayaran.