Nokia 6267 User Manual

Gabay sa Gumagamit para sa
Nokia 6267
PAHAYAG NG PAGSUNOD Sa pamamagitan nito, ipinapahayag ng NOKIA CORPORATION na itong produktong RM-210 ay sumusunod sa mga mahahalagang itinatakda at mga naaangkop na tuntunin ng Directive 1999/5/EC. May kopya ng Pahayag ng Pagsunod ang matatagpuan sa http://www.nokia.com/phones/ declaration_of_conformity/.
0434
Ang pagkokopya, paglilipat, pamamahagi, o pag-iimbak ng bahagi o lahat ng nilalaman ng dokumentong ito sa anumang anyo nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Nokia ay ipinagbabawal.
Ang Nokia, Nokia Connecting People, Nokia Care, Visual Radio, at Navi ay mga trademark o rehistradong trademark ng Nokia Corporation. Ang Nokia tune ay isang tunog na tanda ng Nokia Corporation. Ang ibang mga pangalan ng produkto at kompanya na binanggit dito ay maaaring mga trademark o tradename ng mga nag-aari sa mga ito.
US Patent No 5818437 at iba pang mga nakabinbing patente. T9 text input software Karapatang­kopya © 1997-2007. Tegic Communications, Inc. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
May kasamang RSA BSAFE cryptographic o security protocol software mula sa RSA Security.
Ang Java ay isang trademark ng Sun Microsystems, Inc.
Ang produktong ito ay lisensiyado sa ilalim ng MPEG-4 Visual Patent Portfolio License (i) para sa personal at di-pangkomersiyong paggamit na may kaugnayan sa impormasyon na inilagay sa code na sumusunod sa MPEG-4 Visual Standard ng isang tagagamit na gumagawa ng isang personal at di-pangkomersiyong aktibidad at (ii) para sa paggamit na may kaugnayan sa MPEG-4 video na ipinagkaloob ng isang lisensiyadong video provider. Walang lisensiyang iginagawad o ipinahihiwatig para sa ibang paggamit. Ang karagdagang impormasyon kabilang ang may kinalaman sa pagtataguyod, panloob at pangkomersiyong paggamit ay maaaring makuha mula sa MPEG LA, LLC. Tingnan ang <http://www.mpegla.com>.
Patakaran ng Nokia ang patuloy na pagpapaunlad. Nasa Nokia ang karapatang gumawa ng mga pagbabago at pagpapahusay sa alinmang produktong inilarawan sa dokumentong ito nang walang paunang paunawa.
HANGGANG SA SUKDULANG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, SA ILALIM NG ANUMANG SITWASYON AY HINDI MAAARING MAGKAROON NG SAGUTIN ANG NOKIA O ANG SINUMAN SA MGA TAGAPAGLISENSYA NITO PARA SA ANUMANG PAGKAWALA NG DATA O NG KITA O NG ANUMANG MGA PINSALANG ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHINATNAN O DI-DIREKTA KAHIT PAANO MAN ITO NAIDULOT.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
i
ANG MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO AY IPINAGKAKALOOB NANG "AS IS" O AYON SA KALAGAYANG IPINAGKALOOB ITO. MALIBAN KUNG KINAKAILANGAN NG NAAANGKOP NA BATAS, WALANG ANUMANG WARRANTY, TAHASAN MANG ISINAAD O IPINAHAYAG, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA IPINAHAYAG NA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIBENTA AT KAANGKUPAN PARA SA ISANG MISMONG LAYUNIN, ANG ISINASAGAWA PATUNGKOL SA KAWASTUHAN, PAGIGING MAASAHAN, O MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO. TAGLAY NG NOKIA ANG KARAPTANG REPASUHIN ANG DOKMENTONG ITO O IURONG ITO ANUMANG ORAS NANG WALANG PAUNANG ABISO.
Ang kakayahang makuha ang mga mismong produkto at application at ang mga serbisyo para sa mga serbisyong ito ay maaaring magkaiba ayon sa rehiyon. Pakisuri sa iyong tagapagbenta ng Nokia para sa mga detalye, at kakayahang makagamit ng mga pagpipilian sa wika.
Ang aparatong ito ay sumusunod sa Directive 2002/95/EC ukol sa pagrerenda ng paggamit ng ilang mga mapanganib na substance sa kagamitang de-koryente at elektroniko.
Mga Pagkontrol sa Pagluwas
Ang aparatong ito ay maaaring magtaglay ng mga kalakal, teknolohiya o software na napapailalim sa mga batas sa pagluwas at mga regulasyon mula sa Estados Unidos at ibang mga bansa. Ang paglihis na kontra sa batas ay ipinagbabawal.
WALANG WARRANTY Ang mga application na mula sa ikatlong partido na ibinigay kasama ang iyong aparato ay binuo at maaaring pinagmamay-arian ng mga tao o samahan na hindi kaugnay sa o walang kinalaman sa Nokia. Hindi ang Nokia ang may-ari ng karapatang-kopya o mga karapatan sa ari-ariang intelektwal sa mga ikatlong-partidong application na ito. Dahil dito, ang Nokia ay walang responsibilidad para sa anumang pagsuporta sa mismong gumagamit o sa pagganap ng mga application na ito, o para sa impormasyong iniharap sa mga application o sa mga materyal na ito. Ang Nokia ay hindi nagkakaloob ng warranty para sa mga application na ito na mula sa ikatlong partido. SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA APPLICATION AY KINIKILALA MO NA ANG MGA APPLICATION AY IDINUDULOT NANG WALANG ANMUMANG WARRANTY, TAHASAN MANG IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG, HANGGANG SA SUKDULANG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS. BUKOD DITO AY KINIKILALA MO NA ANG NOKIA O ANG MGA KASAPI NITO AY HINDI GUMAGAWA NG ANUMANG PABATID O WARRANTY, IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG, KABILANG PERO HINDI LIMITADO SA MGA WARRANTY NG TITULO, KAKAYAHANG IPAGBILI O KAANGKUPAN SA ISANG MISMONG LAYUNIN O NA ANG SOFTWARE AY HINDI LALABAG SA MGA PATENTE, KARAPATANG-KOPYA, MARKANG-KALAKAL O IBANG MGA KARAPATAN NG SINUMANG IKATLONG-PARTIDO.
Isyu 1
ii
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Mga Nilalaman
Para sa iyong kaligtasan................. vi
Pangkalahatang Impormasyon....... ix
Access code, mga............................................. ix
Kodigo ng seguridad.................................... ix
PIN code, Mga............................................... ix
PUK code, mga.............................................. ix
Password ng paghadlang........................... ix
Serbisyong pagtatakda
ng pagsasaayos ............................................... ix
Mga pag-update ng software....................... x
Mag-download ng nilalaman........................ x
Impormasyon sa suporta ng
at pagkontak sa Nokia ................................... xi
1. Pagsisimula................................... 1
I-install ang SIM card at ang baterya ........ 1
Magpasok ng microSD card........................... 2
Alisin ang microSD card ................................. 2
Pagkarga ng baterya........................................ 2
Buksan at isara ang telepono ...................... 3
Pagbukas at pagpatay ng telepono ............. 3
IItakda ang oras, time zone, at petsa...... 3
Serbisyong "plug and play" ........................ 3
Pulseras ng telepono ....................................... 3
Antenna............................................................... 4
2. Ang iyong telepono ..................... 5
Mga pindutan at piyesa.................................. 5
Standby mode.................................................... 6
Mini display .................................................... 6
Pangunahing display.................................... 6
Mode ng aktibong standby......................... 6
Mga tagapahiwatig ...................................... 7
Flight mode (mode sa paglipad)................... 8
Keypad lock (keyguard)................................... 8
Mga pag-andar nang walang SIM card ..... 8
3. Mga function ng tawag............... 9
Magsagawa ng tawag na pang-boses........ 9
Mabilisang pag-dial
(speed dialling)............................................... 9
Pinag-ibayo na pag-dial
gamit ang boses ............................................ 9
Sagutin o tanggihan ang isang tawag.... 10
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Naghihintay na tawag............................... 10
Mga opsyon habang nasa isang tawag na
pang-boses....................................................... 10
Magsagawa ng tawag na pang-video...... 11
Sagutin o tanggihan ang
isang tawag na pang-video......................... 11
Mga opsyon habang nasa isang video na
tawag................................................................. 12
Video sharing o pamamahagi ng video.... 12
4. Magsulat ng teksto.................... 13
Nakasanayang pagpapasok ng teksto...... 13
Mapag-hulang pagpapasok ng
teksto o Predictive text input..................... 13
5. Pumunta sa mga menu ............. 15
6. Pagmemensahe .......................... 16
Mensahe ........................................................... 16
Bumuo ng isang mensahe........................ 16
Mga text message (SMS).......................... 16
Mga mensaheng multimedia (MMS) .... 17
Mga mensaheng flash................................... 18
Magsulat ng mensahe............................... 18
Tumanggap ng mensahe........................... 18
Nokia Xpress audio messaging o
pagmemensahe gamit ang mga tunog .... 19
Bumuo ng mensahe ................................... 19
Tumugon sa isang mensahe..................... 19
Memorya ay puno na.................................... 19
Mga folder........................................................ 19
E-mail application ......................................... 20
Wizard sa Pag-setup ng E-mail.............. 20
Isulat at ipadala ang e-mail .................... 20
Mag-download ng e-mail........................ 21
Basahin at sagutin ang e-mail ............... 21
Agad na pagmemensahe.............................. 21
Mga pang-boses na mensahe..................... 21
Mga impormasyong mensahe..................... 21
Mga utos na pang-serbisyo......................... 22
Tanggalin ang mga mensahe...................... 22
Mga mensahe sa SIM.................................... 22
Mga setting ng mensahe ............................. 22
Mga pangkalahatang setting.................. 22
Mga text message ...................................... 22
iii
Mga mensaheng multimedia.................. 23
Mga mensaheng e-mail ........................... 24
7. Mga Kontak................................ 25
Hanapin ang isang kontak .......................... 25
I-save ang mga pangalan at numero ng
telepono ........................................................... 25
Mag-save ng mga detalye .......................... 25
Kopyahin o ilipat ang mga kontak............ 25
Baguhin ang mga detalye ng kontak....... 26
Ipagtumbas lahat........................................... 26
Tanggalin ang mga kontak.......................... 26
Mga Business card ........................................ 26
Mga setting..................................................... 26
Mga grupo ....................................................... 27
Mabilisang pag-dial (speed dialling)........ 27
8. Talaan ........................................ 28
Telepono............................................................ 36
Configuration o pagtatakda........................ 36
Seguridad.......................................................... 37
Pangangasiwa ng karapatang digital....... 38
Pag-update ng software ng telepono ...... 39
Ibalik ang mga factory settings ................. 39
10.Operator menu ......................... 40
11.Gallery....................................... 41
Mag-print ng mga imahe ............................ 41
Memory card .................................................. 41
12.Media ........................................ 43
Kamera.............................................................. 43
9. Mga setting ................................ 29
Mga profile...................................................... 29
Mga tema......................................................... 29
Mga tono.......................................................... 29
Pangunahing display..................................... 29
Mini display..................................................... 30
Petsa at oras ................................................... 30
Aking mga shortcut....................................... 30
Kaliwang pindutan sa pagpili ................. 31
Kanang pindutan ng pagpili.................... 31
Pindutan sa paglilipat
o navigation key ......................................... 31
Pindutan ng aktibong standby ............... 31
Voice commands o mga
utos gamit ang boses................................ 31
Kakayahang ikunekta ................................... 31
Teknolohiyang wireless na Bluetooth... 32 Magtatag ng isang
koneksyong Bluetooth .............................. 32
Koneksyong packet data (GPRS)............ 33
Mga setting ng modem............................ 33
Paglilipat ng data....................................... 33
Paglilipat ng data na may
katugma na aparato.................................. 34
Pagtutumbas mula sa
isang katugmang PC.................................. 34
Ipagtumbas mula sa isang server.......... 34
USB data cable............................................ 34
Tawag................................................................ 35
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
iv
Video.................................................................. 43
Music player .................................................... 44
Radyo................................................................. 45
Tagarekord ng boses...................................... 46
Equalizer........................................................... 47
13.Organizer .................................. 48
Alarmang orasan ............................................ 48
Kalendaryo ....................................................... 48
Listahan ng dapat gawin ............................. 49
Mga tala ........................................................... 49
Calculator......................................................... 49
I-format ang memory card ...................... 42
Ikandado ang memory card ..................... 42
Tingnan ang pagkonsumo
ng memorya ................................................. 42
Kumuha ng isang litrato........................... 43
Kumuha ng litrato ng sarili...................... 43
Zoom .............................................................. 43
Mga pagpipilian sa kamera...................... 43
Pagpipilian sa kamera at video, mga.... 43
Magrekord ng isang clip ng video.......... 44
Pagpapatugtog ng mga
track ng musika........................................... 44
Mga pagpipilian sa music player............ 45
I-save ang mga istasyon ng radyo......... 46
Makinig sa radyo ........................................ 46
Voice recorder o Tagarekord
ng boses......................................................... 47
Itigil ang pag-alarma................................. 48
Gumawa ng isang tala
sa kalendaryo............................................... 48
Alarma ng tala............................................. 49
Countdown timer........................................... 50
Stopwatch........................................................ 50
14.Push to talk............................... 51
Mga PTT channel............................................ 51
Bumuo ng channel..................................... 51
Tumanggap ng imbitasyon ...................... 52
Pagbukas at pagsara ng PTT....................... 52
Magsagawa at tumanggap
ng tawag na PTT............................................. 52
Magsagawa ng isang tawag
sa channel .................................................... 53
Gumawa ng pandalawahang-taong
tawag............................................................. 53
Magsagawa ng isang tawag na PTT sa
maraming mga tatanggap....................... 53
Tumanggap ng isang PTT na tawag ...... 53
Mga paghiling sa callback
o ganting tawag............................................. 54
Magpadala ng paghiling ng callback ... 54
Sumagot sa paghiling ng callback ........ 54
Pagdagdag ng pandalawahang-taong
contact.............................................................. 54
Mga setting ng PTT ....................................... 55
Mga setting ng configuration.................... 55
Web.................................................................... 56
15.Mga application........................ 57
Ilunsad ang isang laro.................................. 57
Paglunsad ng isang application................. 57
Mga pagpipilian sa application ................. 57
Pag-download ng isang application ........ 57
16.Mga serbisyong SIM................. 59
17.Web .......................................... 60
Itaguyod ang pagbabasa ............................. 60
Pagkunekta sa isang serbisyo..................... 60
Magbasa ng mga pahina............................. 61
Magbasa sa pamamagitan ng mga
pindutan ng telepono ............................... 61
Direktang pagtawag.................................. 61
Mga bookmark................................................ 61
Tumanggap ng isang bookmark
o tanda.......................................................... 61
Mga setting ng anyo..................................... 62
Mga setting ng seguridad ........................... 62
Mga cookie................................................... 62
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Mga script sa protektadong
kuneksyon ..................................................... 62
Mga setting sa pag-download ................... 62
Inbox ng Serbisyo........................................... 63
Mga setting ng inbox ng serbisyo.......... 63
Cache memory ................................................ 63
Seguridad ng browser................................... 63
Module ng seguridad................................. 64
Mga sertipiko............................................... 64
Pirmang digital............................................ 64
18.Kakayahang ikunekta ng PC.... 66
Nokia PC Suite ................................................ 66
Packet data, HSCSD,
at CSD................................................................ 66
Bluetooth ........................................................ 66
Mga application sa komunikasyong
pang-data......................................................... 66
19.Mga Tunay na Enhancement... 67
Baterya.............................................................. 67
20.Impormasyon tungkol
sa baterya 69
Pagkarga at Pagdiskarga.............................. 69
Mga patnubay sa pagpapatunay
ng baterya ng Nokia...................................... 70
21.Pag-aalaga at pagpapanatili ... 72
22.Karagdagang impormasyong
pangkaligtasan ......................... 73
Indeks ............................................. 77
v

Para sa iyong kaligtasan

Basahin itong mga simpleng patnubay. Ang paglabag sa mga ito ay maaaring mapanganib o labag sa batas. Basahin ang kumpletong patnubay sa gumagamit para sa iba pang impormasyon.
LIGTAS NA PAGBUKAS
Huwag bubuksan ang telepono kapag ang paggamit ng wireless phone ay ipinagbabawal o kapag maaaring maging sanhi ng pagkagambala o panganib.
UNA MUNA ANG KALIGTASAN SA DAAN
Sundin ang lahat ng lokal na batas. Laging tiyakin na malayang magpatakbo ng sasakyan ang iyong mga kamay habang nagmamaneho. Ang unang dapat mong isaaalang­alang habang nagmamaneho ay ang kaligtasan sa daan.
INTERFERENCE (PAGKAKAGAMBALA)
Lahat ng mga aparatong wireless ay maaaring makaranas ng pagkagambala, na makakaapekto sa pagganap.
PATAYIN SA MGA OSPITAL
Sundin ang anumang mga pagrerenda. Patayin ang kagamitan kapag malapit sa kagamitang medikal.
PATAYIN SA SASAKYANG PANG-HIMPAPAWID
Sundin ang anumang mga pagrerenda. Ang mga aparatong wireless ay maaaring maging sanhi ng pagkagambala sa sasakyang panghimpapawid.
PATAYIN KAPAG NAGPAPAGASOLINA
Huwag gagamitin ang aparato sa isang gasolinahan. Huwag gagamitin kapag malapit sa gas o mga kemikal.
PATAYIN KAPAG MALAPIT SA NAGPAPASABOG
Sundin ang anumang mga pagrerenda. Huwag gagamitin ang aparato sa lugar na may ginagawang pagpapasabog.
GAMITIN NANG MAAYOS
Gamitin lamang sa normal na posisyon na ipinaliwanag sa dokumentasyon ng produkto. Huwag gagalawin ang antenna kung hindi kinakailangan.
KWALIPIKADONG PAGKUMPUNI
Tanging ang mga kuwalipikadong tauhan ang maaaring mag-install o magkumpuni ng produktong ito.
MGA PAGPAPAHUSAY AT BATERYA
Gamitin lamang ang mga inaprobahang pagpapahusay at baterya. Huwag ikunekta ang mga produktong hindi katugma.
PANLABAN SA TUBIG
Ang iyong aparato ay walang panlaban sa tubig. Panatilihin itong tuyo.
MGA BACK-UP NA KOPYA
Tandaan na gumawa ng mga pamalit na kopya o mga nakasulat na rekord ng lahat ng mahalagang impormasyon na nakalagay sa iyong aparato.
vi
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
KUMONEKTA SA IBA PANG MGA APARATO
Kapag kumukunekta sa ibang aparato, basahin ang patnubay sa gumagamit nito para sa mga detalyadong tagubiling pangkaligtasan. Huwag ikunekta ang mga produktong hindi katugma.
MGA TAWAG NA EMERGENCY
Tiyaking nakabukas at may serbisyo ang pag-andar ng aparato bilang telepono. Pindutin ang pindutan ng tapusin kung ilang beses kailangan upang alisan ng laman ang display at bumalik sa standby mode. Ipasok ang emergency number, at saka pindutin ang pindutan ng tawag. Ibigay ang iyong lokasyon. Huwag tatapusin ang tawag hanggang sabihan ka na gawin ito.
Tungkol sa iyong aparato
Ang aparatong wireless na inilarawan sa patnubay na ito ay inaprobahan para gamitin sa WCDMA 850 at 2100, EGSM 85 at 900, at GSM 1800 at GSM 1900 network. Makipag-ugnayan sa iyong service provider para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga network.
Kapag ginagamit ang mga katangian sa aparatong ito, sundin ang lahat ng batas at igalang ang mga lokal na gawi, pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng ibang mga tao, kabilang ang mga karapatang-kopya.
Ang mga proteksyon ng karapatang-kopya ay maaaring pumigil sa ilang imahe, musika
(kabilang ang mga ring tone) at ibang nilalaman na makopya, mabago, mailipat o maipasa.
Babala: Upang magamit ang mga katangian sa aparatong ito, bukod sa alarmang orasan, ang aparato ay dapat buksa n. Huwag papaandaring ang aparato kapag ang aparatong wireless ay maaaring maging sanhi ng pagkagambala o panganib.
Mga serbisyo ng network
Upang magamit ang telepono kailangang mayroon kang serbisyo mula sa isang wireless service provider. Karamihan sa mga katangian ay nangangailangan ng espesyal na katangian ng network. Hindi lahat ng katangiang ito ay meron sa lahat ng network; may mga ibang network na nagtatakda ng mga tiyak na kasunduan sa iyong service provider bago makagamit ng serbisyong network. Ang iyong service provider ang magbibigay ng mga dapat sundin at magpaliwanag ng mga dapat bayaran. May mga network na maaaring may mga limitasyon na nakakaapekto kung paano mo magagamit ang mga serbisyong network. Halimbawa, may mga network na maaaring hindi sumuporta sa lahat ng nakaayon-sa-wika na mga character at serbisyo.
Maaaring hiniling ng iyong service provider na huwag paganahin ang mga partikular na katangian o sarhan sa iyong aparato. Kung ganito ang kalagayan, ang mga ito ay hindi lilitaw sa menu ng iyong aparato. Ang iyong aparato ay maaaring magkaroon ng espesyal na pagtatakda tulad ng pagbabago sa pangalan ng menu, pagkasunod-sunod ng menu at mga icon. Makipag-ugnayan sa
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
vii
iyong service provider para sa karagdagang impormasyon.
Ang aparatong ito ay sumusuporta sa mga WAP 2.0 protocol (HTTP at SSL) na gumagana sa mga TCP/IP protocol. Ang ilang katangian ng aparatong ito, tulad ng pagmemensaheng multimedia (MMS), pagbabasa, agad na mensahe, e-mail, presence-enhanced contacts, at pagtutumbas mula sa malayo, pag­download ng nilalaman gamit ang browser o MMS, ay nangangailangan ng suporta ng network para sa mga teknolohiyang ito.
Pinaghahatiang memorya
Ang mga sumusunod na katangian sa aparatong ito ay maaaring makibahagi ng memorya: gallery, mga kontak, mga text message, mga mensaheng multimedia, mga agad na mensahe, e-mail, kalendaryo, tala ng dapat gawin, at mga laro at application na JavaTM , at application ng notepad. Ang paggamit ng isa o higit sa mga katangiang ito ay maaaring magbawas ng memorya para sa natitirang mga katangian na nakikihati sa memorya. Ang iyong aparato ay maaaring magpakita ng mensahe na ang memorya ay puno na kapag tinangka mong gamitin ang katangian na nakikihati sa memorya. Kapag ganito ang nangyari, bago magpatuloy ay tanggalin muna ang ilan sa impormasyon o mga ipinasok sa pinaghahatiang memorya.
Mga enhancement
Ilang praktikal na mga tuntunin tungkol sa mga accessory at enhancement:
• Panatilihin ang mga accessory at
enhancement na hindi maaabot ng maliliit na bata.
• Kapag tinatanggal ninyo ang kurdon ng
power ng anumang accessory o enhancement, mahigpit na hawakan at hilahin ang plug o saksakan, hindi ang kurdon.
• Regular na tiyakin na ang mga
enhancement na nakakabit sa sasakyan ay wastong inilagay at tumatakbo.
• Ang pagkakabit ng anumang
kumplikadong mga enhancement ng kotse ay dapat lamang gawin ng isang kuwalipikadong tauhan.
viii
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Pangkalahatang Impormasyon

Access code, mga

Kodigo ng seguridad
Ang kodigo ng seguridad (5 hanggang 10 numero) ay tumutulong na protektahan ang iyong telepono laban sa di-awtorisadong paggamit. Upang baguhin ang code, at iayos ang telepono upang humiling ng code, tingnan ang "Seguridad", sa pahina 37.
PIN code, Mga
Ang kodigo ng personal identification number (PIN) at ang kodigo ng universal personal identification number (UPIN) (4 hanggang 8 na bilang) ay tumutulong upang maprotektahan ang iyong SIM card laban sa di-awtorisadong paggamit. Tingnan ang "Seguridad", sa pahina 37.
Ang PIN 2 code (4 hanggang 4 na bilang) ay maaaring ibigay kasama ng SIM card at kinakailangan para sa ilang function.
Ang module PIN ay kinakailangan upang ma-access ang impormasyon sa security module. Tingnan ang "Module ng
seguridad", sa pahina 64.
Ang pampirmang PIN ay kinakailangan para sa pirmang digital. Tingnan ang "Pirmang
digital", sa pahina 64.
PUK code, mga
Ang personal unblocking key (PUK) code at ang universal personal unblocking key (UPUK) code (may 8 na bilang) ay kinakailangan upang mapalitan ang isang hinahadlangan na PIN code at UPIN code, ayon sa pagkakabanggit. Ang PUK2 code
(8 na bilang) ay kinakailangan upang baguhin ang hinadlangang PIN2 code. Kung ang mga code ay hindi ibinibigay kasama ng SIM card, makipag-ugnayan sa iyong lokal service provider para sa mga code.
Password ng paghadlang
Ang password ng paghadlang (4 na bilang) ay kinakailangan kapag gumagamit ng serbisyo ng paghadlang ng tawag (call barring). Tingnan ang "Seguridad", sa pahina 37.
Serbisyong pagtatakda
ng pagsasaayos
Upang magamit ang ilan sa mga serbisyong pang-network, tulad ng mga serbisyo para sa mobile Internet, MMS, Nokia Xpress audio messaging, o remote Internet server synchronization, kailangan ng iyong telepono ng mga wastong pagtatakda ng pagsasaayos o configuration settings. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kakayahang makakuha, makipag-ugnayan sa iyong network operator, service provider, pinakamalapit na awtorisadong tagapagbenta ng Nokia, o bisitahin ang lugar sa pagsuporta sa Nokia Web site sa www.nokia.com.ph/6267/support.
Kapag natanggap mo ang mga setting bilang mensahe sa pagsasaayos, at ang mga setting ay hindi awtomatikong tinitipon at binubuhay, ang Setting ng kumpigurasyon
natanggap ay ipapakita.
Upang i-save ang mga setting, piliin ang
Ipakita > I-save. Kung kinakailangan, ipasok
ang PIN code na ibinigay ng service provider.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
ix
Upang itapon ang mga natanggap na setting, piliin ang Labas o Ipakita > Alisin.

Mga pag-update ng software

Maaaring bumuo ang Nokia ng mga pag­update ng software na maaaring mag-alok ng mga bagong tampok, mga pinaghusay na pag-andar, o pinagbuting pagganap. Mahihiling mo ang mga pag-update na ito sa pamamagitan ng Nokia Software Updater PC application. Upang pasariwain ang software ng aparato, kailangan mo ang Nokia Software Updater application at ang isang katugmang PC na may Microsoft Windows 2000 o XP na operating system, broadband na internet access, at isang katugmang kable ng data upang ikabit ang iyong aparato sa PC.
Upang makakuha ng karagdagang impormasyon at upang mai-download ang Nokia Software Updater application, bumisita sa www.nokia.com/ softwareupdate o sa iyong lokal na Nokia website.
Kung sinusuportahan ng iyong network ang mga pag-update ng software sa himpapawid, maaari ka ding humiling ng mga pag-update sa pamamagitan ng aparato. Tingnan ang "Telepono", on page 36, Mga update ng tel..
Ang pag-download ng mga pag-update ng software ay maaaring may kasangkot na pagpapadala ng mararaming mga data sa pamamagitan ng network ng iyong service provider. Makipag-ugnayan sa iyong service provider para sa impormasyon ukol sa mga singil para sa pagpapadala ng data.
Tiyakin na ang baterya ng aparato ay may sapat na lakas, o ikabit ang charger bago simulan ang update.
Mahalaga: Gamitin ang mga kagamitan lamang na pinagkakatiwalaan mo at nag­aalay ng sapat na seguridad at proteksyon laban sa nakakapinsalang software.

Mag-download ng nilalaman

Maaari kang makapag-download ng mga bagong nilalaman (halimbawa, mga tema) papunta sa telepono (serbisyong pang­network).
Para sa kakayahang magamit ng iba-ibang serbisyo, mga presyo, at buwis, kontakin ang iyong service provider.
Mahalaga: Gamitin ang mga kagamitan lamang na pinagkakatiwalaan mo at nag­aalay ng sapat na seguridad at proteksyon laban sa nakakapinsalang software.
x
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Impormasyon sa suporta ng at pagkontak sa Nokia

Para sa pinakabagong bersyon ng gabay na ito, mga pag-download, mga serbisyo at karagdagang impormasyon na patungkol sa iyong produktong Nokia, paki-bisita ang www.nokia.com.ph/6267/support o ang iyong lokal na web site ng Nokia. Maaari kang makapag-download ng mga libreng pagtatakda ng pagsasaayos tulad ng MMS, GPRS, e-mail, at iba pang mga serbisyo para sa modelo ng iyong telepono sa www.nokia-asia.com/phonesettings.
Kung sakaling mangailangan ka pa din ng tulong, mangyaring sumangguni sa www.nokia.com.ph/contactus.
Upang suriin ang pinakamalapit na lugar ng Nokia care center para sa mga serbisyo sa pagkukumpuni, maaaring nais mong bisitahin ang www.nokia.com.ph/repair.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
xi

1. Pagsisimula

I-install ang SIM card at ang baterya

Laging patayin ang aparato at tanggalin ang charger bago tanggalin ang baterya.
Para sa kakayahang magamit at impormasyon sa paggamit ng mga serbisyong nasa SIM card, kontakin ang iyong pinagbilhan ng SIM card. Ito ay maaaring ang service provider, network operator, o ibang vendor.
Ang aparatong ito ay nilalayong gamitin nang may bateryang BL-5C. Laging gagamit ng mga orihinal na Nokia na baterya. Tingnan ang "Mga patnubay sa pagpapatunay ng
baterya ng Nokia", sa pahina 70.
Ang SIM card at mga kontak ay madaling mapinsala sa pamamagitan ng mga gasgas o pagbalikuko, kaya mag-ingat kapag hinahawakan, pagpasok, o pagtanggal sa card.
1. Habang nakatalikod ang telepono sa iyo,
padausdusin ang pang-likod na takip at alisin ito mula sa telepono.
3. Upang tanggalin ang SIM card holder, maingat na hilahin ang locking clip o kalsuhan sa pagkandado ng card holder, at buksan ito.
4. Ipasok ang SIM card sa SIM card holder. Tiyakin na ang SIM card ay wastong inilagay at ang ginintuang contact area sa kard ay nakaharap sa ibaba.
5. Isara ang lalagyan ng SIM card, at pindutin ito hanggang sa maisalpak ito sa posisyon.
6. Ibalik ang takip ng baterya.
2. Upang tanggalin ang baterya, angatin ito gaya ng ipinapakita.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
7. Padausdusin ang panlikod na takip sa lugar.
1

Magpasok ng microSD card

1. Buksan ang lalagyan ng memory card
ayon sa ipinapakita.
2. Ipasok ang card papasok sa lalagyan ng
microSD card nang nakatihaya ang kulay-gintong dugtungan, at idiin ito hanggang sa ito ay maisalpak.
3. Isara ang lalagyan ng memory card .
Ang memory card ay hindi kasama sa pakete sa pagkakabenta.
Mahalaga: Huwag tatanggalin ang memory card sa habang pinapatakbo ang card. Ang pag-alis sa card sa kalagitnaan ng isang pag-andar ay maaaring makasira sa memory card at maging sa aparato, at maaaring masira ang data na naka-imbak sa card.
2. Isara ang lalagyan ng memory card.
3. Idiin nang bahagya ang microSD card upang mabuksan ang kandado.
4. Alisin ang microSD card mula sa puwang.

Pagkarga ng baterya

Tiyakin ang model number ng anumang charger bago gamitin sa aparatong ito. Ang aparato na ito ay nilalayong magamit kapag binigyan ng koryente mula sa AC-3, AC-4, AC-5 o CA-70 na charger.
Babala: Gumamit lamang ng mga baterya, charger, at enhancement na inaprobahan ng Nokia para gamitin sa mismong modelong ito. Ang paggamit ng ibang mga klase ay maaaring magpawalang-bisa sa anumang pag-aproba o garantiya, at maaaring maging mapanganib.
Para malaman kung makukuha ang inaprobahang mga enhancement, mangyaring magtanong sa iyong pinagbilhan. Kapag tinatanggal mo ang kurdon ng koryente ng anumang enhancement, mahigpit na hawakan at hilahin ang plug o saksakan, hindi ang kurdon.
1. Ikonekta ang charger sa isang saksakan.

Alisin ang microSD card

Maaari mong alisin o palitan ang microSD card habang tumatakbo ang telepono nang hindi pinapatay ang telepono.
1. Tiyakin na walang application ang kasalukuyang gumagamit ng micro SD memory card.
2
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
2. Ikonekta ang dulo ng charger sa saksakan ng charger ayon sa ipinapakita. Ang isang CA-44 charger adapter ay maaaring magamit para sa mga mas lumang modelo ng charger.
Kung ang baterya ay ganap na walang­laman, maaaring tumagal ng ilang minuto bago lumitaw ang tagapagpahiwatig ng pagkakarga sa display o bago makatawag.
Ang tagal ng pag-charge ay nakasalalay sa ginagamit na charger. Ang pagkarga ng bateryang BL-5C sa pamamagitan ng AC-4 charger ay umaabot ng humigit­kumulang na 1 oras at 30 minuto habang ang telepono ay nasa standby mode.
Buksan at isara ang
telepono
Mano-mano mong bubuksan at isasara ang telepono. Kapag binuksan mo ang tupi ng telepono, bumubukas ito nang humigit-kumulang 165 degrees. Huwag pupuwersahing bumuka pa ang tupi.
Depende sa tema, may tutunog na tono kapag binuksan at isinara mo ang telepono.

Pagbukas at pagpatay ng

telepono
Kung ang telepono ay humingi ng PIN code o UPIN code, ipasok ang code (ipinapakita bilang ****), at pindutin ang OK.
IItakda ang oras, time zone, at petsa
Ipasok ang lokal na oras, piliin ang time zone ng iyong kinalalagyan batay sa pagkakaiba ng oras kung ihahambing sa Greenwich Mean Time (GMT), at ipasok ang petsa. Tingnan ang "Petsa at oras", sa pahina 30.
Serbisyong "plug and play"
Kapag ibinukas mo ang telepono sa kauna­unahang pagkakataon, at ang telepono ay nasa standby mode, hihilingin kang kunin ang mga configuration settings (pagtatakda ng pagsasaayos) mula sa iyong service provider (ito ay isang serbisyong pang­network). Kumpirmahin o tanggihan ang pagtatanong. Tingnan ang "Serbisyong
pagtatakda ng pagsasaayos", sa pahina ix.

Pulseras ng telepono

Alisin ang panlikod na takip mula sa telepono. Ipasok ang pulseras ayon sa ipinapakita sa litrato. Ibalik ang pang-likod na takip.
Pindutin nang matagal ang pindutan ng tapusin hanggang sa bumukas o sumara ang telepono.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
3

Antenna

Ang iyong telepono ay may panloob na antenna.
Paalala: Tulad ng anumang aparatong nagsasahimpapawid ng radyo, iwasang mahawakan ang antenna kapag di­kinakailangan habang umaandar ang antenna. Halimbawa, iwasang madikit sa cellular antenna habang may tawag sa telepono. Kapag nahawakan ang isang antenna na nagsasahimpapawid o tumatanggap ay naaapektuhan ang kalidad ng komunikasyon ng radyo, at maaaring maging sanhi upang umandar ang aparato sa mas mataas na antas ng lakas kaysa sa kinakailangan, at maaaring makabawas sa tagal na lakas ng baterya.
4
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

2. Ang iyong telepono

Mga pindutan at piyesa

1 Earpiece o pakinigan sa tainga 2 Kamerang CIF 3 Pangunahing display 4 Kaliwa at kanang pampiling pindutan
TM
5 Navi
scroll key; na mula ngayon ay tatawagin dito bilang scroll key
6 Gitnang pampiling pindutan 7 Pindutan ng tawag 8 Pindutan ng tapusin;
magwawakas ng mga tawag (maikling pagpindot sa pindutan) at binubuksan at isinasara ang telepono (matagal na pagpindot sa pindutan)
9 Keypad 10 Isara ang bumper 11 Mini display 12 Music key;
inire-rewind ang kasalukuyang track (pindutin nang matagal) o lumalaktaw sa nakaraang track (maikling pagpindot ng pindutan)
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
13 Patugtugin/i-pause ang music key 14 Loudspeaker
15 Music key;
pinapa-fast forward ang kasalukuyang track (pindutin nang matagal) o lumalaktaw sa susunod na track (maikling pagpindot ng pindutan)
16 Pindutan ng kamera 17 Pindutan sa pagpapahina ng lakas ng
tunog
18 Pindutan sa pagpapalakas ng tunog/
pindutan ng PTT
19 Ilaw na flash ng kamera
20 2-megapixel camera 21 Saksakan ng headset 22 USB port 23 Kabitan ng charger 24 Puwang para sa memory card
5
Babala: Ang scroll key at ang
gitnang pampiling pindutan (6) sa aparatong ito ay maaaring may laman na nickel. Ang scroll key at ang gitnang pampiling pindutan ay hindi dinisenyo upang madikit nang matagal sa balat. Ang patuloy na pagkaharap ng balat sa nickel ay maaaring magdulot ng isang nickel allergy.
Pangunahing display

Standby mode

Kapag ang telepono ay handa nang gamitin , at wala ka pang naipapasok na karakter, ang telepono ay nasa standby mode.
Mini display
1 Tagapagpahiwatig ng network mode 2 Lakas ng signal ng cellular network 3 Katayuan ng pag-charge ng baterya 4 Mga tagapagpahiwatig 5 Pangalan ng network o operator logo 6 Orasan at petsa
1 Tagapagpahiwatig ng network mode 2 Lakas ng signal ng cellular network 3 Katayuan ng pag-charge ng baterya 4 Mga tagapagpahiwatig 5 Pangalan ng network o operator logo 6 Orasan 7 Pangunahing display 8 Kaliwang pindutan sa pagpili;
Punta sa o isang shortcut papunta sa isa
pang function. Tingnan ang "Kaliwang
pindutan sa pagpili", sa pahina 31.
9 Gitnang pampiling pindutan; Menu. 10 Kanang pampiling pindutan;
Pangalan o isang shortcut papunta sa
isang pag-andar na pinili mo. Tingnan ang "Kanang pindutan ng pagpili", sa pahina 31.
Mode ng aktibong standby
Upang paganahin o huwag paganahin ang mode ng aktibong standby, piliin ang
Menu > Mga setting > Panguna. display >
Aktibong standby > Mode, aktib. standby > Bukas o Sarado.
6
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Upang mapuntahan ang mga application sa aktibong standby, mag-scroll muna nang pataas, at pagkatapos ay mag-scroll papunta sa application, at piliin ang Piliin o ang Tingnan. Upang piliin ang isang application o kaganapan, mag-scroll papunta dito at pindutin ang scroll key.
Upang wakasan ang navigation mode sa aktibong standby piliin ang Labas.
Upang patayin ang aktibong standby, piliin ang Opsyon > Sett., aktib. standby > Mode,
aktib. standby > Sarado.
Upang ayusin at palitan ang mode ng aktibong standby, buhayin ang navigation mode, at piliin ang Opsyon > I-personalise
view or Sett., aktib. standby
.
Ang alarm clock ay binuhay.
Ang countdown timer ay tumatakbo.
Tumatakbo ang stopwatch.
, Ang telepono ay nakarehistro sa
isang GPRS o EGPRS na network.
, Naitaguyod na ang isang
koneksyong GPRS o EGPRS.
, Isinuspinde (naka-hold) ang
koneksyong GPRS o EGPRS.
Ang isang koneksyong Bluetooth ay aktibo.
Mga tagapahiwatig
Mayroon kang mga di-nabasang mensahe.
Mayroon kang mga mensaheng hindi naipadala, ikinansela, o nabigong ipadala.
Ang telepono ay nagtala ng isang di-nakuhang tawag.
, Ang iyong telepono ay
nakakunekta sa instant messaging service, at ang availability status ay online o offline.
Nakatanggap ka ng isa o ilang mga instant message.
Ang keypad ng telepono ay nakakandado.
Ang telepono ay hindi nagri-ring para sa isang papasok na tawag o text message.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
, Ang push to talk connection ay
aktibo o sinuspinde.
Kung ikaw ay may dalawang linya ng telepono, ang ikalawang linya ay pinipili.
Lahat ng papasok na tawag ay inililihis sa ibang numero.
Ang loudspeaker ay binubuhay, o ang music stand ay ikinukunekta sa telepono.
Ang mga tawag ay limitado sa isang nakasarang grupo ng tumatawag.
Ang inorasang profile ay pinili.
, , , o
Ang isang headset, handsfree, loopset, o enhancement ng music stand ay nakakunekta sa telepono.
7

Flight mode (mode sa paglipad)

Maari mong patayin ang lahat ng mga pag-andar ng frequency ng radyo at mapupuntahan mo pa din ang mga offline na laro, kalendaryo at numero ng telepono. Gamitin ang flight mode sa mga kapaligirang sensitibo sa radyo—sakay ng sasakyang pang-himpapawid o sa mga ospital. Kapag aktibo na ang flight mode, ipinapakita ang .
Piliin ang Menu > Mga setting > Mga
profile > Flight > Isaaktibo o I-personalise.
Upang patayin ang flight mode, piliin ang anumang iba pang profile.
Sa flight mode ay maaari kang magsagawa ng isang tawag na pang-emergency. Ipasok ang numero ng emergency, pindutin ang pindutan ng tawag, at piliin ang Oo kapag tinanong sa iyo na Lumabas sa flight
profile? Susubukan ng telepono na
magsagawa ng isang tawag na pang­emergency.
Kapag natapos na ang tawag na pang­emergency, awtomatikong babalik ang telepono sa mode ng pangkalahatang profile.
Babala: Sa flight profile hindi ka puwedeng gumawa o tumanggap ng anumang mga tawag, pati mga emergency call, o gumamit ng ibang mga katangian na nangangailangan ng pagsakop ng network. Upang magsagawa ng mga tawag, kailangan mo munang buhayin ang function ng telepono sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga profile. Kung naikandado na ang aparato, ipasok ang lock code. Kung kailangan mong gumawa ng tawag na pang-emergency habang ang
aparato ay nakakandado o nasa flight profile, maaari mo pa ring ipasok ang numerong pang-emergency na nakaprograma sa iyong aparato sa patlang ng lock code at piliin ang ‘Tawag’. Kukumpirmahin ng aparato ang palabas ka na sa flight profile upang simulan ang tawag na pang-emergency.

Keypad lock (keyguard)

Piliin ang Menu o ang I-unlock at pindutin ang * sa loob ng 1.5 na segundo upang ikandado o alisin ang kandado ng keypad.
Kung binuhay ang security keyguard, ipasok ang security code kapag hiniling.
Upang sagutin ang isang tawag kapag ang keyguard ay nakabukas, pindutin ang pindutan ng tawag o buksan ang telepono. Kapag tinapos mo o tinanggihan ang tawag, ang keypad ay awtomatikong magkakandado.
Para sa Keygua rd ng seg., tingnan ang
"Telepono", sa pahinang 36.
Kapag ang keyguard ay ginagamit, ang mga tawag ay maaari pa ring magawa sa opisyal na numerong pang-emergency na nakaprograma sa iyong aparato.

Mga pag-andar nang walang SIM card

Maraming mga pag-andar sa iyong telepono ang maaaring magamit nang hindi nag-i­install ng isang SIM card (halimbawa, paglilipat ng data sa isang katugmang PC o iba pang katugmang aparato). Ang ilang mga pag-andar ay lumilitaw nang madilim sa mga menu at hindi maaaring magamit.
8
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

3. Mga function ng tawag

Magsagawa ng tawag na pang-boses

1. Ipasok ang numero ng telepono, kasama
ang area code. Para sa mga tawag na internasyonal,
pindutin ang * nang dalawang beses para sa international prefix (ang + character ay pumapalit sa international access code) ipasok ang country code, area code na walang nauunang 0, kung kailangan, at ang numero ng telepono.
2. Para tawagan ang numero, pindutin ang
pindutan ng tawag. Upang lakasan o hinaan ang tunog
habang may tawag, pindutin ang mga pindutan ng lakas ng tunog.
3. Upang tapusin ang tawag, o kanselahin
ang pagtatangkang tumawag, pindutin ang pindutan ng tapusin, o isara ang telepono.
Upang hanapin ang pangalan o numero ng telepono na tinipon mo sa Mga contact, tingnan ang "Hanapin ang isang kontak", sa pahina 25. Pindutin ang pindutan ng tawag upang tawagan ang numero.
Upang mapuntahan ang listahan ng mga numerong naidayal, pindutin ang pindutan ng tawag nang isang beses sa standby mode. Upang tawagan ang isang numero, piliin ang isang numero o pangalan, at pindutin ang pindutan ng tawag.
Mabilisang pag-dial (speed dialling)
Pwede kang magtalaga ng isang numero ng telepono sa isa sa mga pindutan ng Bilis-
dayal, mula sa 3 hanggang 9. Tingnan ang
"Mabilisang pag-dial (speed dialling)", sa
pahina 27. Tawagan ang numero sa alinman sa mga sumusunod na paraan:
• Pindutin ang pindutan para sa bilis­dayal, pagkatapos ay pindutin ang pindutan ng tawag.
• Kung ang Bilis-dayal ay nakalagay sa
Bukas, pindutin nang matagal ang
pindutan sa mabilisang pag-dial hanggang sa masimulan ang tawag. Tingnan din ang Bilis-dayal sa "Tawag", sa pahina 35.
Pinag-ibayo na pag-dial gamit ang boses
Maaari kang tumawag sa pamamagitan ng pagbigkas ng boses na naka-save sa listahan ng mga contact ng telepono. Ang mga utos ng boses ay nakabatay sa wika. Upang maitakda ang wika, tingnan ang Wika sa
pagkilala sa "Telepono", sa pahinang 36.
Paalala: Ang paggamit ng voice tags ay maaaring mahirap sa isang maingay na kapaligiran o sa isang emergency, kaya hindi ka dapat umasa lamang sa boses na pagdayal sa lahat ng pagkakataon.
1. Sa standby mode, pindutin nang matagalan ang kanang pampiling pindutan o pindutin nang matagalan ang pindutan sa pagpapahina ng lakas ng tunog. Isang maikling tono ang maririnig, at ang Magsalita na ngayon ay ipapakita.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
9
2. Sabihin nang malinaw ang utos ng boses. Kung ang pagkilala ng boses ay matagumpay, may ipinapakitang listahan ng mga tumutugma. Patutugtugin ng telepono ang utos ng boses na tugma sa nakalagay sa ibabaw ng listahan. Kung ang resulta ay hindi ang wastong resulta, mag-scroll papunta sa isa pang entry.
Ang paggamit ng mga utos ng boses upang magsagawa ng piniling pag-andar ng telepono ay katulad ng pag-dial gamit ang boses. Tingnan ang Mga boses
command sa "Aking mga shortcut", sa
pahina 31.
Sagutin o tanggihan ang
isang tawag
Upang sagutin ang isang papasok na tawag, pindutin ang pindutan ng tawag, o buksan ang telepono. Upang wakasan ang tawag, pindutin ang pindutan ng tawag o isara ang telepono.
Upang wakasan ang isang papasok na tawag, pindutin ang pindutan ng tapusin o isara ang telepono. Upang tanggihan ang isang papasok na tawag habang nakasara ang telepono, pindutin nang matagalan ang isang pindutan para sa lakas ng tunog.
Upang patahimikin ang ringtone, pindutin ang isang pindutan para sa lakas ng tunog habang nakasara ang telepono, o piliin ang
Ptahimik. kapag nakabukas ang telepono.
Habang tumatanggap ng isang tawag nang nakabukas ang telepono, piliin ang
Opsyon > Loudspeaker, Sagutin, o
Tanggihan
.
Naghihintay na tawag
Upang sagutin ang naghihintay na tawag habang may aktibong tawag, pindutin ang pindutan ng tawag. Ang unang tawag ay pinaghihintay. Upang tapusin ang aktibong tawag, pindutin ang pindutan ng Tapusin.
Upang buhayin ang Hintay tawag function, tingnan ang "Tawag", sa pahina 35.
Mga opsyon habang nasa isang tawag na pang­boses
Marami sa mga opsyon na magagamit mo habang nasa isang tawag ay mga serbisyong network. Upang malaman kung makukuha, makipag-ugnayan sa iyong service provider.
Habang tumatawag, piliin ang Opsyon at pumili mula sa mga sumusunod na pagpipilian:
Ang mga pagpipilian para sa tawag ay
I-mute o I-unmute, Mga contact, Menu, I-lock keypad, I-record o Loudspeaker.
Ang mga opsyon sa mga serbisyong pang­network ay Sagutin o Tanggihan,
Paghintayin o Ituloy, Bagong tawag, Idagdag sa kump., Tapusin tawag, Tapus in lahat at ang mga sumusunod:
Ipadala DTMF — upang maipadala ang mga
pagkakasunod-sunod ng tono
Pagpalitin — upang lumipat sa pagitan ng
aktibong tawag at pinapaghintay na tawag.
Ilipat — upang maikonekta ang isang tawag
na naghihintay sa isang aktibong tawag at alisin ang iyong sarili sa pagkakakonekta
Kumperensya — upang gumawa ng isang
pang-kumperensyang tawag
10
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Pribadong tawag —upang pribadong mag-
usap habang may pang-kumperensyang tawag
Babala: Huwag ilalapit ang aparato sa iyong tainga kapag ginagamit ang loudspeaker, dahil ang volume ay maaaring sorbrang malakas.

Magsagawa ng tawag na pang-video

Halimbawa, habang pinapatakbo, tulad ng kapag may isang aktibong video na tawag o koneksyon ng highspeed data, minsan ay magiging mainit ang aparato kapag hinawakan. Kadalasan, ito ay normal, at hindi ito diperensya. Kung naghihinala ka na hindi gumagana nang maayos ang aparato, dalhin ito sa pinakamalapit na awtorisadong kumpunihan para ito ay mapaayos.
Kapag nagsasagawa ka ng isang tawag na pang-video, maaari kang magpadala ng isang real-time video sa tatanggap ng tawag. Ang imahe ng video na nakuha ng kamerang VGA sa harap na nasa iyong telepono ay ipapakita sa tatanggap ng video na tawag.
Upang makapagsagawa ng pang-video na tawag, kailangan mo ng isang USIM card at dapat ay nakakonekta ka sa isang WCDMA network. Para malaman ang kakayahang makuha at suskrisyon sa mga serbisyong pang-data, makipag-ugnayan sa iyong network operator o service provider. Ang isang tawag na pang-video ay maisasagawa lamang sa pagitan ng dalawang mga partido. Ang pang-video na tawag ay maaaring maisagawa patungo sa isang katugmang telepono o isang ISDN client. Ang mga pang-video na tawag ay hindi maisasagawa habang aktibo pa ang isang tawag na pang-boses, video o data.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
1. Upang umpisahan ang isang pang-video na tawag, ipasok ang numero ng telepono sa standby mode, o piliin ang
Mga contact, at pumili ng isang contact.
2. Pindutin nang matagal-tagal ang pindutan ng tawag, o piliin ang
Opsyon > Video call. Ang pag-uumpisa
ng isang video na tawag ay maaaring tumagal nang ilang sandali. Ang Video
call at ang isang animation ay
ipinapakita. Kung hindi matagumpay ang tawag (halimbawa, ang mga tawag na pang-video ay hindi suportado ng network, o ang tumatanggap na aparato ay hindi naaangkop) ay tatanungin ka kung nais mong subukan ang isang karaniwang tawag o sa halip ay magpadala ng mensahe.
Payo: Upang lakasan o hinaan ang tunog habang may tawag, pindutin ang mga pindutan ng lakas ng tunog.
Ang video na tawag ay aktibo kapag nakakakita ka ng dalawang mga imahe ng video at nadirinig mo ang tunog sa pamamagitan ng loudspeaker. Maaaring tanggihan ng tumatanggap ng tawag ang pagpapadala ng video, kung ganoon ay maaari kang makakita ng isang pirming imahe o isang kulay-abo na larawan sa background. Madirinig mo ang tunog.
3. Upang tapusin ang tawag, pindutin ang pindutan ng tapusin.
Sagutin o tanggihan ang
isang tawag na pang­video
Kapag dumating ang isang pang-video na tawag, ang Video Call ay ipinapakita sa display.
11
1. Pindutin ang pindutan ng pagpapadala upang sagutin ang pang-video na tawag.
Kapag pinili mo ang Oo, ang imahe na kinukuha ng kamera sa iyong telepono ay ipinapakita sa tumatawag. Kapag pinili mo ang Hindi, o wala kang ginawa, ang pagpapadala ng video ay hindi binubuhay, at may maririnig kang tunog. May ipinapakitang graphic, na nagpapahiwatig na hindi naipadala ang video. Maaari mong paandarin o huwag paandarin ang pagpapadala ng video sa anumang oras habang nagsasagawa ng pang-video na tawag.
2. Upang wakasan ang tawag na pang­video, pindutin ang pindutan ng tapusin.
Kahit na tinanggihan mo ang pagpapadala ng video habang may pang-video na tawag, ang tawag ay sisingilin pa din bilang isang pang-video na tawag. Suriin ang pagpepresyo sa iyong network operator o service provider.
Mga opsyon habang nasa
isang video na tawag
Habang may video na tawag, piliin ang
Opsyon at pumili mula sa mga magagamit
na pagpipilian.

Video sharing o pamamahagi ng video

Habang may video na tawag, maaari mong ipakita sa tumatanggap ng tawag kung ano ang kasalukuyang natatanaw sa iyong kamera. Upang mai-share ang video ay kailangang may katugmang aparatong mobile ang tatanggap ng tawag, at may isang SIP address sa iyong phone book. Kung wala doon ang SIP address ng tatanggap, ipasok ito.
Piliin ang Opsyon > Pagbabahagi video. Magpapadala ng paanyaya ang telepono, at ipapakita ang Padala imbita kay . Kung pumayag ang tatanggap, ipapakita ang
Simulang ibahagi ang video? . Piliin ang Oo,
at sisimulan ng telepono na magpadala ng video. Pinapalabas sa loudspeaker ang audio o mga tunog.
Upang i-pause ang pamamahagi ng video, piliin ang Ihinto. Ang gitnang pampiling pindutan ay nagiging Ituloy.
Upang ipagpatuloy ang pamamahagi ng video ay pindutin ang Ituloy. Ang gitnang pampiling pindutan ay nagiging Ihinto.
Upang wakasan ang isang sesyon sa pamamahagi ng video, piliin ang Itigil. Ang Pagbabahagi ng video ay natapos ay ipinapakita sa parehong kalahok.
Upang suriin ang pagkakaroon at mga gastos, at mag-subscribe sa serbisyo, makipag-ugnayan sa iyong network operator o service provider.
12
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

4. Magsulat ng teksto

Pwede kang magpasok ng teksto, halimbawa, kapag nagsusulat ng mga mensahe, na ginagamit ang traditional o predictive text input (mapag-hulang pagpapasok ng teksto). Kapag nagsusulat ka ng text, piliin nang matagalan ang Opsyon upang magpalipat-lipat sa pagitan ng nakasanayang paraan ng pagpasok ng teksto, na ipinapahiwatig ng , at ng predictive text input, na ipinapahiwatig ng
. Hindi lahat ng mga wika ay
sinusuportahan ng predictive text input. Ang mga sukat ng character ay
ipinapahiwatig ng , , at ng . Upang palitan ang character case, pindutin ang #. Upang lumipat mula sa mode ng titik patungo sa mode ng numero na ipinapahiwatig ng , pindutin nang matagal ang #, at piliin ang Mode ng
numero. Para lumipat sa pagitan ng mode ng
titik at ng numero, pindutin nang matagalan ang #.
Upang itakda ang wika sa pagsusulat habang nagsusulat ng teksto, piliin ang
Opsyon > Panu lat n a wik a.

Nakasanayang pagpapasok ng teksto

Pindutin ang isang pindutan ng numero, 1 hanggang 9, nang paulit-ulit hanggang lumitaw ang nais na character. Ang mga karakater na available ay depende sa wikang pinili para sa pagsusulat. Kung ang kasunod na letrang gusto mo ay nasa pindutan na katulad ng kasalukuyan, maghintay hanggang ang cursor ay lumitaw, at ipasok
ang letra. Ang pinakakaraniwang bantas o punctuation marks at mga espesyal na character ay magagamit sa ilalim ng pindutan ng 1.

Mapag-hulang pagpapasok ng teksto o Predictive text input

Ang predictive text input ay batay sa isang nakapaloob na diksyunaryo kung saan pwede ka ring magdagdag ng mga bagong salita.
1. Simulan ang pagsusulat ng salita na
ginagamit ang mga pindutan ng 2 hanggang 9. Pindutin ang bawat pindutan nang isang beses lamang para sa isang letra. Ipapakita ng telepono ang * o ang letra kung ito ay may kahulugan bilang isang salita kapag nakahiwalay. Ang mga ipinasok na letra ay ipapakita na may salungguhit.
2. Kapag natapos ka na sa pagsusulat ng
salita at ito ay wasto, upang kumpirmahin ito, pindutin ang 0 upang magdagdag ng puwang.
Kung hindi pa wasto ang salita, pindutin ang * nang paulit-ulit, at piliin ang salita mula sa listahan.
Kung ang ? na character ay ipinakita pagkalampas ng salita, ang salitang balak mong isulat ay wala sa diksiyonaryo. Upang idagdag ang salita sa diksyunaryo, piliin ang I-spell. Kumpletuhin ang salita na ginagamit ang nakasanayang paraan ng pagpasok ng text, at piliin ang I-save.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
13
Upang magpasok ng mga tambalang salita, ipasok ang unang bahagi ng salita, mag-scroll pakanan upang kumpirmahin ito. Isulat ang huling bahagi ng salita at kumpirmahin ang salita.
3. Simulang isulat ang susunod na salita.
14
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

5. Pumunta sa mga menu

Ang telepono ay nag-aalay sa iyo ng maraming mga function, na nakagrupo sa mga menu.
1. Upang mapuntahan ang menu, piliin ang
Menu.
Upang palitan ang pagtanaw ng menu, piliin ang Opsyon > Unang menu view >
Lista, Grid o Grid na may label, o Tab.
Upang muling ayusin ang menu, piliin ang Opsyon > Isaayos. Mag-scroll sa menu na nais mong ilipat, at piliin ang
Ilipat. Mag-scroll sa kung saan mo
gustong mailipat ang menu, at piliin ang
OK. Upang mai-save ang pagbabago,
piliin ang Tapos > Oo.
2. Mag-scroll sa loob ng menu, at pumili ng submenu (halimbawa, Mga Setting).
3. Kung ang piniling menu ay naglalaman ng mga submenu, piliin ang gusto mo, halimbawa, Tawag.
4. Kung ang piniling menu ay nagtataglay ng iba pang mga submenu, ulitin ang hakbang 3.
5. Piliin ang setting na gusto mo.
6. Upang bumalik sa naunang antas ng menu, piliin ang Balik. Upang lumabas ng menu, piliin ang Labas.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
15

6. Pagmemensahe

Pwede kang magbasa, magsulat, magpadala at mag-save ng mga text message, mensaheng multimedia, at mensaheng e-mail, mensaheng audio at mensaheng flash. Lahat ng mensahe ay inaayos sa mga folder.

Mensahe

Bumuo ng isang mensahe
Ang pagbuo ng isang mensahe ay isang text message ayon sa default ngunit awtomatiko itong nagbabago upang maging isang mensaheng multimedia kapag nagdagdag ng mga file.
Mga text message (SMS)
Sa pamamagitan ng short message service (SMS), maaari kang magpadala at tumanggap ng mga mensaheng teksto o text message, at tumanggap ng mga mensahe na naglalaman ng mga litrato (serbisyong pang-network).
Bago ka makapagpadala ng anumang text message o mensaheng e-mail na SMS, kailangan mong i-save ang numero ng iyong message center. Tingnan ang "Mga setting
ng mensahe", sa pahina 22.
Upang malaman ang availability ng SMS e-mail service at upang mag-subscribe sa serbisyo, kontakin ang iyong service provider. Upang i-save ang isang e-mail address sa Mga contact, tingnan ang "Mag-
save ng mga detalye", sa pahina 25.
Ang iyong aparato ay sumusuporta sa pagpapadala ng mga text message nang
16
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
higit sa sukdulang bilang ng mga character para sa iisang mensahe. Ang mga mas mahahabang mensahe ay ipinapadala bilang isang serye ng dalawa o higit pang mga mensahe. Maaari kang singilin ng iyong service provider ayon sa naangkop. Ang mga character na gumagamit ng mga accent at ibang mga marka, at mga character mula sa ilang opsyon na wika, ay kumukuha ng mas maraming espasyo na naglilimita sa bilang mga character na maipapadala sa isang mensahe.
May tagapahiwatig sa tuktok ng display ang nagpapakita ng kabuuang bilang ng mga character na natitira at ang bilang ng mga mensaheng kinakailangan para sa pagpapadala. Halimbawa, ang 673/2 ay nangangahulugan na mayroon pang 673 characters at ang mensahe ay ipapadala bilang isang serye ng dalawang mga mensahe.
Magsulat at magpadala ng isang text message
1. Piliin ang Menu > Messaging >
Gumawa msg. > Mensahe.
2. Magpasok ng isa o higit pang mga numero ng telepono sa Kay: na patlang. Upang kunin ang isang numero ng telepono mula sa isang memorya, piliin ang Idagdag.
3. Isulat ang iyong mensahe sa Teksto: na patlang.
Upang bumuo ng isang template ng mensahe, mag-scroll pababa at pindutin ang Ipasok.
4. Upang ipadala ang mensahe, piliin ang
Ipadala, o pindutin ang pindutan ng
tawag.
Basahin at sumagot sa isang text message
1. Upang tingnan ang naghihintay na mensahe, piliin ang Ipakita. Upang makita ito sa ibang pagkakataon piliin ang Labas.
Upang basahin ang mensahe sa ibang pagkakataon, piliin ang Menu >
Messaging > Inbox.
2. Upang tumugon sa isang mensahe, piliin ang Sagutin. Isulat ang mensahe sa pagsagot. Upang magdagdag ng isang file, mag-scroll pababa at piliin ang Ipasok.
3. Upang ipadala ang mensahe, piliin ang
Ipadala, o pindutin ang pindutan ng
tawag.
Mga mensaheng multimedia (MMS)
Tanging ang mga aparato na nag-aalay ng mga katugmang katangian ang puwedeng tumanggap at magpakita ng mga mensaheng multimedia. Ang anyo ng isang mensahe ay maaaring iba depende sa aparatong tumatanggap.
Ang isang mensaheng multimedia ay maaaring maglaman ng ilang mga attachment.
Para malaman ang kakayahang magamit at upang mag-subscribe sa multimedia messaging service (MMS, serbisyong network), kontakin ang iyong service provider.
Magsulat at magpadala ng mensaheng multimedia
Ang wireless network ay maaaring maglimita sa sukat ng mga mensaheng MMS. Kung ang ipinasok na larawan ay lumampas sa limitasyong ito, ito ay maaaring gawing mas maliit ng aparato para maipadala sa pamamagitan ng MMS.
1. Piliin ang Menu > Messaging >
Gumawa msg. > Mensahe.
2. Magpasok ng isa o higit pang mga numero ng telepono o e-mail address sa Kay: na patlang. Upang kunin ang isang numero ng telepono o e-mail address mula sa isang memorya, piliin ang Idagdag.
3. Isulat ang iyong mensahe. Upang magdagdag ng isang file, mag-scroll pababa at piliin ang Ipasok.
4. Upang tingnan ang mensahe bago ito ipinadala, piliin ang Opsyon >
I-preview.
5. Upang ipadala ang mensahe, piliin ang
Ipadala, o pindutin ang pindutan ng
tawag.
Pagpapadala ng mensahe
Ang mga proteksiyon sa karapatang-ari ay maaaring pumigil sa ilang imahe, musika (kabilang ang mga ring tone) at iba pang nilalaman mula sa pagkakakopya, pagbabago, paglilipat o pagpapasa.
Upang maipadala ang mensahe piliin ang
Ipadala. Isine-save ng telepono ang
mensahe sa Outbox na folder, at nagsisimula ang pagpapadala.
Copyright © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
17
Loading...
+ 65 hidden pages