Nokia 8600 User Manual

Gabay sa Gumagamit para sa Nokia 8600
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
PAHAYAG NG PAGSUNOD
0434
Karapatang-kopya © 2007 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Ang Nokia, Nokia Connecting People, Xpress-on Navi trademark ng Nokia Corporation. Ang ibang mga pangalan ng produkto at kompanya na binanggit dito ay maaaring mga markang-kalakal o tatak-kalakal ng mga nag-aari sa mga ito.
Ang pagkokopya, paglilipat, pamamahagi o pag-iimbak ng bahagi o lahat ng nilalaman ng dokumentong ito sa anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ng Nokia ay ipinagbabawal.
Ang Nokia tune ay isang tunog na tanda ng Nokia Corporation.
US Patent No 5818437 at iba pang mga nakabimbing patente. T9 text input software Karapatang-kopya © 1997-2007. Tegic Communications, Inc. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
May kasamang RSA BSAFE cryptographic o security protocol software mula sa RSA Security.
Ang Java ay isang markang-kalakal ng Sun Microsystems, Inc.
Ang produktong ito ay lisensiyado sa ilalim ng MPEG-4 Visual Patent Portfolio License (i) para sa personal at di-pangkomersiyong paggamit na may kaugnayan sa impormasyon na inilagay sa code na sumusunod sa MPEG-4 Visual Standard ng isang tagagamit na gumagawa ng isang personal at di-pangkomersiyong aktibidad at (ii) para sa paggamit na may kaugnayan sa MPEG-4 video na ipinagkaloob ng isang lisensiyadong video provider. Walang lisensiya ang iginagawad o ipapahiwatig para sa anumang ibang paggamit. Ang karagdagang impormasyon kabilang ang may kaugnayan sa pagpapalaganap, panloob at pangkomersiyal na paggamit ay maaaring makuha mula sa MPEG LA, LLC. Tingnan ang <http://www.mpegla.com>.
Patakaran ng Nokia ang patuloy na pagpapaunlad. Nasa Nokia ang karapatang gumawa ng mga pagbabago at pagpapahusay sa alinmang produktong inilarawan sa dokumentong ito nang walang paunang paunawa.
HANGGANG SA SUKDULANG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, SA ILALIM NG ANUMANG SITWASYON AY HINDI MAAARING MAGKAROON NG SAGUTIN ANG NOKIA O ANG SINUMAN SA MGA TAGAPAGLISENSYA NITO PARA SA ANUMANG PAGKAWALA NG DATA O NG KITA O NG ANUMANG MGA PINSALANG ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHINATNAN O DI-DIREKTA KAHIT PAANO MAN ITO NAIDULOT.
ANG MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO AY IPINAGKAKALOOB NANG “AS IS” O AYON SA KALAGAYANG IPINAGKALOOB ITO. MALIBAN KUNG KINAKAILANGAN NG NAAANGKOP NA BATAS, WALANG ANUMANG WARRANTY, TAHASAN MANG ISINAAD O IPINAHAYAG, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA IPINAHAYAG NA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIBENTA AT KAANGKUPAN
Sa pamamagitan nito ay ipinapahayag ng NOKIA CORPORATION na itong produktong RM-164 ay sumusunod sa mga mahahalagang itinatakda at mga naaangkop na tuntunin ng Directive 1999/5/EC. May kopya ng Pahayag ng Pagsunod ang matatagpuan sa http://www.nokia.com/phones/declaration_of_conformity/.
TM
, at Pop-Port ay mga trademark o rehistradong
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
i
PARA SA ISANG MISMONG LAYUNIN, ANG ISINASAGAWA PATUNGKOL SA KAWASTUHAN, PAGIGING MAASAHAN, O MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO. TAGLAY NG NOKIA ANG KARAPATANG REPASUHIN ANG DOKMENTONG ITO O IURONG ITO ANUMANG ORAS NANG WALANG PAUNANG ABISO.
Kung makukuha o hindi ang mga partikular na produkto ay depende sa rehiyon. Mangyaring itanong sa Nokia dealer na pinakamalapit sa inyo.
Ang aparatong Nokia na ito ay sumusunod sa Directive 2002/95/EC ukol sa pagrerenda ng paggamit ng ilang mga mapanganib na sangkap sa mga kagamitang de-koryente at elektroniko.
Mga Pagkontrol sa Pagluwas Ang aparatong ito ay maaaring magtaglay ng mga kalakal, teknolohiya o software na napapailalim sa mga batas sa pagluwas at mga regulasyon mula sa Estados Unidos at ibang mga bansa. Ang paglihis na kontra sa batas ay ipinagbabawal.
ii
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

Mga Nilalaman

Para sa iyong kaligtasan................ vii
Ukol sa iyong aparato....................................viii
Mga serbisyo sa network o Network
Services..............................................................viii
Pinaghahatiang memorya ..............................ix
Mga enhancement ........................................... ix
Pangkalahatang impormasyon........ x
Pangkalahatang-tanaw sa mga function.. x
Access code, mga.............................................. x
Kodigo ng seguridad..................................... x
PIN code, mga ................................................ x
PUK code, mga .............................................. xi
Password ng paghadlang ........................... xi
Serbisyong pagtatakda ng pagsasaayos .. xi
Mag-download ng nilalaman....................... xi
1. Pagsisimula................................... 1
I-install ang SIM card at ang baterya ........ 1
Pagkarga ng baterya........................................ 2
Kargahan ang baterya gamit ang
CA-101 data cable........................................ 3
Pagbukas at pagpatay ng telepono ............. 3
IItakda ang oras, time zone, at petsa...... 4
Serbisyong “plug and play” ........................ 4
Pangangasiwa ng karapatang digital ......... 4
Ikabit ang isang headset ................................ 5
Antenna............................................................... 5
2. Ang iyong telepono ..................... 6
Mga pindutan at piyesa.................................. 6
Buksan at isara ang telepono........................ 6
Standby mode.................................................... 6
Display.............................................................. 7
Aktibong standby .......................................... 7
Mga shortcut sa standby mode ................ 8
Mga tagapahiwatig ...................................... 8
Keypad lock (keyguard)................................... 9
Mga pag-andar na walang SIM card....... 10
3. Mga pag-andar sa tawag.......... 11
Tumawag .......................................................... 11
Bilis-dayal..................................................... 11
Pinaghusay na pagdayal na gamit ang
boses............................................................... 11
Sagutin o tanggihan ang isang tawag..... 12
Naghihintay na tawag............................... 12
Mga opsyon habang nasa isang tawag ... 13
4. Pumunta sa mga menu ............. 14
5. Magsulat ng teksto.................... 15
Mapag-hulang pagpapasok ng teksto o
Predictive text input...................................... 15
Nakasanayang pagpapasok ng teksto ...... 16
6. Pagmemensahe ......................... 17
Mga text message o text message
(SMS) ................................................................. 17
Magsulat at magpadala ng
mensaheng SMS ......................................... 17
Basahin at sagutin ang isang
mensaheng SMS ......................................... 18
Mga mensahe sa SIM.................................... 18
Mga mensaheng multimedia...................... 19
Magsulat at magpadala ng mensaheng
MMS............................................................... 19
Pagpapadala ng mensahe......................... 20
Ikansela ang pagpapadala ng
mensahe ....................................................... 20
Basahin at sagutin ang isang
mensaheng MMS........................................ 21
Memorya ay puno na .................................... 21
Mga folder........................................................ 21
Mga mensaheng flash................................... 22
Magsulat ng isang mensaheng flash .... 22
Tumanggap ng isang mensaheng
flash................................................................ 22
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
iii
Nokia Xpress audio messaging o
pagmemensahe gamit ang mga tunog.... 22
Bumuo ng mensaheng audio .................. 22
Tumanggap ng mensaheng audio ......... 23
E-mail application......................................... 23
Setting wizard............................................. 24
Magsulat at magpadala ng e-mail........ 24
Mag-download ng e-mail........................ 24
Basahin at sagutin ang e-mail............... 25
Mga folder ng e-mail................................ 25
Spam filter ................................................... 25
Agad na pagmemensahe ............................. 26
Makipagrehistro sa isang serbisyong
IM ................................................................... 26
Mag-access.................................................. 26
Kumonekta................................................... 27
Mga sesyon .................................................. 27
Magdagdag ng mga contact sa IM ....... 29
Harangan at alisan ng harang ang
mga mensahe .............................................. 29
Mga grupo.................................................... 29
Mga pang-boses na mensahe .................... 30
Mga impormasyong mensahe.................... 30
Mga utos na pang-serbisyo........................ 30
Tanggalin ang mga mensahe ..................... 30
Mga setting ng mensahe............................. 31
Mga pangkalahatang setting.................. 31
Mga text message...................................... 31
Mga mensaheng multimedia .................. 32
Mga mensaheng e-mail ........................... 33
7. Mga Contact............................... 34
Hanapin ang isang contact......................... 34
I-save ang mga pangalan at numero ng
telepono ........................................................... 34
Mag-save ng mga detalye .......................... 34
Kopyahin ang mga contact......................... 35
Baguhin ang mga detalye ng contact ..... 35
Tanggalin ang mga contact........................ 35
Ang aking presence....................................... 35
Mga naka-subscribe na pangalan............. 36
Magdagdag ng mga contact sa
naka-subscribe na pangalan................... 36
Tingnan ang mga naka-subscribe na
pangalan....................................................... 37
iv
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
Alisin ang subscription sa isang
contact........................................................... 37
Mga business card ......................................... 37
Mga setting...................................................... 38
Mga grupo........................................................ 38
Mabibilis na pagdayal................................... 38
8. Talaan ng tawag ........................ 39
9. Mga setting................................ 40
Mga profile ...................................................... 40
Mga tema ......................................................... 40
Mga tono.......................................................... 40
Display............................................................... 41
Sett. ng standby mode .............................. 41
Screensaver .................................................. 41
Powersaver ................................................... 41
Sleep mode ................................................... 42
Tagapahiwatig na ilaw.............................. 42
Laki ng titik................................................... 42
Oras at petsa ................................................... 42
Aking mga shortcut....................................... 42
Kaliwang pindutan sa pagpili.................. 42
Kanang pampiling pindutan .................... 43
Shortcut bar ................................................. 43
Pindutan sa paglilipat o navigation
key................................................................... 43
Voice commands o mga utos gamit
ang boses ...................................................... 43
Kakayahang ikunekta.................................... 44
Teknolohiyang wireless na Bluetooth ... 44
Packet data (GPRS) .................................... 45
Paglilipat ng data ....................................... 46
USB data cable ............................................ 48
Tawag ................................................................ 48
Telepono............................................................ 49
Mga enhancement......................................... 50
Configuration o pagtatakda........................ 50
Seguridad.......................................................... 51
Mga update ng software ng telepono ..... 52
Mga setting .................................................. 52
Humiling ng isang pag-update ng
software ........................................................ 52
Mag-install ng isang pag-update ng
software ........................................................ 52
Ibalik ang mga factory setting................... 53
10.Gallery ....................................... 54
11.Media......................................... 55
Kamera.............................................................. 55
Kumuha ng litrato...................................... 55
Magrekord ng video clip.............................. 55
Mga pagpipilian para sa kamera and
video .............................................................. 56
Media player ................................................... 56
Configuration para sa isang serbisyo
ng streaming................................................ 56
Tagapagpatugtog ng musika...................... 56
Patugtugin ang mga music track .......... 57
Mga setting para sa tagapatugtog
ng musika ..................................................... 57
Radyo ................................................................ 58
I-save mga himpilan ng radyo................ 58
Makinig sa radyo........................................ 58
Tagarekord ng boses ..................................... 59
I-rekord ang tunog .................................... 59
Equaliser........................................................... 59
Pagpapalawak ng stereo.............................. 60
12.Organiser................................... 61
Alarmang orasan............................................ 61
Itigil ang pag-alarma ................................ 61
Kalendaryo....................................................... 61
Gumawa ng isang calendar note........... 62
Alarma ng tala ............................................ 62
Listahan ng dapat gawin............................. 62
Mga tala........................................................... 62
Calculator......................................................... 63
Taga-oras na countdown ............................ 63
Stopwatch........................................................ 64
13.Mga application........................ 65
Ilunsad ang isang laro.................................. 65
Paglunsad ng isang application................. 65
Ilang mga opsyon sa application .............. 65
Pag-download ng isang application ........ 65
Presenter .......................................................... 66
14.Web ........................................... 68
Itaguyod ang pagbabasa.............................. 68
Pagkunekta sa isang serbisyo ..................... 68
Magbasa ng mga pahina.............................. 69
Magbasa sa pamamagitan ng mga
pindutan ng telepono................................ 69
Mga mapagpipilian habang
nagbabasa..................................................... 69
Direktang pagtawag .................................. 69
Mga bookmark ................................................ 70
Tumanggap ng isang bookmark.............. 70
Mga setting ng anyo..................................... 70
Mga setting ng seguridad............................ 71
Cookies........................................................... 71
Mga script sa protektadong
kuneksyon ..................................................... 71
Mga setting sa pag-download ................... 71
Inbox ng serbisyo ........................................... 71
Mga setting ng inbox ng serbisyo.......... 72
Cache memory ................................................ 72
Seguridad ng browser ................................... 72
Module ng seguridad................................. 72
Mga sertipiko............................................... 73
Pirmang digital............................................ 73
15.Mga serbisyong SIM................. 75
16.Kakayahang ikunekta ng PC.... 76
Nokia PC Suite ................................................ 76
EGPRS, HSCSD, at CSD ................................. 76
Mga application para sa komunikasyon
ng data.............................................................. 76
17.Mga Tunay na Enhancement... 77
Baterya.............................................................. 77
Nokia Bluetooth Headset (BH-801).......... 77
Walang-kawad na Nokia Plug-in Car
Handsfree (HF-33W) ..................................... 78
Nokia Bluetooth Speakers (MD-5W) ........ 78
18.Impormasyon tungkol sa baterya 79
Pagkarga at Pagdiskarga.............................. 79
Mga tagubilin sa pagpapatunay ng
baterya ng Nokia............................................ 80
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
v
Pag-aalaga at pagpapanatili......... 82
Karagdagang impormasyong
pangkaligtasan ............................... 83
Mga maliliit na bata ...................................... 83
Kapaligiran sa pagpapatakbo...................... 83
Mga kagamitang pang-medikal ................. 83
Mga sasakyan .................................................. 84
Mga kapaligirang maaaring sumabog...... 85
Mga tawag na emergency ........................... 85
Impormasyon sa Sertipikasyon (SAR)........ 86
Indeks.............................................. 87
vi
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

Para sa iyong kaligtasan

Basahin itong mga simpleng patnubay. Ang paglabag sa mga ito ay maaaring mapanganib o labag sa batas. Basahin ang kumpletong gabay sa gumagamit para sa karagdagang impormasyon.
BUKSAN NANG LIGTAS
Huwag bubuksan ang telepono kapag ang paggamit ng wireless phone ay ipinagbabawal o kapag maaaring maging sanhi ng pagkagambala o panganib.
KALIGTASAN SA DAAN ANG NAUUNA
Sundin ang lahat ng lokal na batas. Laging tiyakin na malayang magpatakbo ng sasakyan ang iyong mga kamay habang nagmamaneho. Ang unang dapat mong isaaalang­alang habang nagmamaneho ay ang kaligtasan sa daan.
PAGGAMBALA
Lahat ng wireless na telepono ay maaaring magkaroon ng intereference, na makakaapekto sa performance.
PATAYIN SA MGA OSPITAL
Sundin ang anumang mga pagrerenda. Patayin ang telepono kapag malapit sa kagamitang medikal.
PATAYIN HABANG NAKASAKAY SA SASAKYANG PANG-HIMPAPAWID
Sundin ang anumang mga pagrerenda. Ang aparatong wireless ay maaaring maging sanhi ng pagkagambala sa sasakyang panghimpapawid.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
PATAYIN KAPAG NAGLALAGAY NG GAS
Huwag gamitin ang telepono sa isang gasolinahan. Huwag gagamitin kapag malapit sa gas o mga kemikal.
PATAYIN SA MALAPIT SA PAGPAPASABOG
Sundin ang anumang mga pagrerenda. Huwag gagamitin ang telepono sa lugar na may ginagawang pagpapasabog.
GAMITIN NANG MAAYOS
Gamitin lamang sa normal na posisyon na ipinaliwanag sa dokumentasyon ng produkto. Huwag gagalawin kung hindi kinakailangan ang antenna.
KUWALIPIKADONG PAGKUMPUNI
Mga kuwalipikadong tauhan lang ang maaaring mag-install o magkumpuni ng produktong ito.
MGA ENHANCEMENT AT BATERYA
Gamitin lamang ang mga inaprobahang pagpapahusay at baterya. Huwag ikonekta ang mga hindi katugmang produkto.
PANLABAN SA TUBIG
Ang iyong telepono ay walang panlaban sa tubig. Panatilihin itong tuyo.
MGA PAMALIT NA KOPYA
Tandaan na gumawa ng mga pamalit na kopya o mag-ingat ng nakasulat na rekord ng lahat ng mahalagang impormasyon na nakalagay sa iyong telepono.
vii
KUMONEKTA SA IBA PANG MGA APARATO
Kapag kumukunekta sa ibang aparato, basahin ang gabay sa gumagamit nito para sa mga detalyadong tagubiling pangkaligtasan. Huwag ikonekta ang mga hindi katugmang produkto.
MGA TAWAG NA EMERGENCY
Tiyaking nakabukas ang telepono at may linya. Pindutin ang pindutan ng Tapusin kung ilang beses kailangan upang alisan ng laman ang display at bumalik sa screen ng pagsisimula. Ipasok ang emergency na numero, at saka pindutin ang pindutan ng tawag. Ibigay ang iyong lokasyon. Huwag tatapusin ang tawag hanggang sabihan ka na gawin ito.
Ukol sa iyong aparato
Ang wireless na aparato na inilalarawan sa gabay na ito ay naaprubahan para gamitin sa mga network na EGSM 850, 900, 1800, at 1900. Kontakin ang iyong service provider para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga network.
Kapag ginagamit ang mga katangian sa aparatong ito, sundin ang lahat ng batas at igalang ang pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng ibang mga tao.
Ang mga proteksiyon sa karapatang-ari ay maaaring pumigil sa ilang imahe, musika (kabilang ang mga ringtone) at iba pang nilalaman mula sa pagkakakopya, pagbabago, paglilipat o pagpapasa.
Ang iyong aparato ay sumusuporta sa mga koneksyon sa Internet at iba pang mga paraan ng pagkakakonekta. Tulad ng mga computer, ang iyong aparato ay maaaring maharap sa mga virus, malisyosong mensahe at application, at iba pang mga nakapapahamak na nilalaman. Mag-ingat at buksan lamang ang mga mensahe, tanggapin ang mga kahilingang kumonekta, mag-download ng nilalaman, at tumanggap ng mga pag-install mula sa mga pinagkakatiwalaang pagkukunan lamang. Upang mapaghusay ang seguridad ng iyong aparato, pag-isipang mag-install ng antivirus software na may serbisyo sa regular na pag-update at gamit ang isang firewall application.
Babala: Upang magamit ang mga katangian sa aparatong ito, bukod sa alarmang orasan, ang aparato ay dapat buksan. Huwag bubuksan ang aparato kapag ang wireless device ay maaaring maging sanhi ng intereference o panganib.
Mga serbisyo sa network
o Network Services
Upang magamit ang telepono dapat na mayroon kang serbisyo mula sa isang wireless service provider. Marami sa mga katangian sa aparatong ito ay nakadepende sa mga katangian sa wireless network para gumanap. Ang mga serbisyo ng network na ito ay maaaring hindi makuha sa lahat ng network o maaaring kailanganin mong gumawa ng mismong pakikipag-ayos sa iyong service provider bago mo magamit ang mga serbisyo ng network. Maaaring kailanganin ng iyong service provider na bigyan ka ng mga karagdagang tagubilin para sa paggamit ng mga ito at ipaliwanag
viii
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
kung ano ang mga angkop na singil. May mga network na maaaring may mga limitasyon na nakakaapekto kung paano mo magagamit ang mga serbisyo sa network. Halimbawa, may mga network na maaaring hindi sumuporta sa lahat ng character at/o mga serbisyo na nakadepende sa wika.
Maaaring hiniling ng iyong service provider na harangan o hindi ang ilang mga tampok na nasa iyong aparato. Kung ganito nga, ang mga ito ay hindi lilitaw sa menu ng iyong aparato. Ang iyong aparato ay maaaring sadyang isinaayos para sa iyong network provider. Maaaring kasama sa pagsasaayos na ito ang mga pagbabago sa mga pangalan ng menu, pagkakaayos ng menu at mga icon. Makipag-ugnayan sa iyong tagapaglaan ng serbisyo para sa karagdagang impormasyon.
Ang kagamitang ito ay sumusuporta sa WAP
2.0 protocols (HTTP and SSL) na tumatakbo sa TCP/IP protocols. May mga katangian ng kagamitang ito, tulad ng pagmemensaheng multimedia (MMS), pagbabasa, e-mail, instant na mensahe, presence-enhanced contacts, at pagtutumbas mula sa malayo, pag-download ng nilalaman gamit ang browser o MMS, na nangangailangan ng suporta ng network para sa mga teknolohiyang ito.
Pinaghahatiang memorya
Ang mga sumusunod na katangian sa teleponong ito ay maaaring magbahagi ng memorya: gallery, mga contact, mga text message, mga mensaheng multimedia, at mga instant na mensahe, e-mail, kalendaryo, mga tala ng dapat-gawin, mga laro at mga application na Java at tala ng application. Ang paggamit ng isa o higit sa mga katangiang ito ay maaaring
TM
,
magbawas ng memorya para sa natitirang mga katangian na nakikihati sa memorya. Halimbawa, ang pag-save ng maraming application na Java, atbp., ay maaaring gumamit ng lahat ng magagamit na memorya. Ang iyong kagamitan ay maaaring magpakita ng mensahe na ang memorya ay puno na kapag tinangka mong gamitin ang katangian na nakikihati sa memorya. Kapag ganito ang nangyari, bago magpatuloy ay tanggalin muna ang ilan sa impormasyon o mga ipinasok na nagrereserba ng pinaghahatiang memorya. Ang ilan sa mga katangian, tulad ng mga text message, ay maaaring may mismong dami ng memorya na sadyang inilaan sa mga ito bilang karagdagan sa memoryang kahati sa paggamit ang ibang mga katangian.
Mga enhancement
Ilang praktikal na tuntunin tungkol sa mga accessories at mga enhancement:
• Iligpit ang mga accessories at enhancement sa lugar na hindi maaabot ng mga maliliit na bata.
• Kapag tinatanggal ninyo ang kurdon ng power ng anumang accessory o enhancement, mahigpit na hawakan at hilahin ang plug o saksakan, hindi ang kurdon.
• Regular na tiyakin na ang mga enhancement na nakakabit sa sasakyan ay wastong inilagay at tumatakbo.
• Ang pagkakabit ng anumang kumplikadong mga enhancement ng kotse ay dapat lamang gawin ng isang kuwalipikadong tauhan.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
ix

Pangkalahatang impormasyon

Pangkalahatang-tanaw sa mga function
Ang iyong telepono ay nagkakaloob ng maraming function na magagamit sa araw-araw, tulad ng kalendaryo, orasan, alarmang orasan, radyo, at isang nakapaloob na kamera. Ang iyong telepono ay sumusuporta rin sa mga sumusunod na function:
• Online na serbisyong Plug and play
upang makuha ang mga setting ng configuration. Tingnan ang “Serbisyong
“plug and play””, sa pahina 4, at ang
Serbisyong pagtatakda ng
pagsasaayos”, sa pahina xi.
• Aktibong standby. Tingnan ang
Aktibong standby”, sa pahina 7.
• Pagmemensahe gamit ang tunog o audio
messaging. Tingnan ang “Nokia Xpress
audio messaging o pagmemensahe gamit ang mga tunog”, sa pahina 22.
• Agad na pagmemensahe o instant
messaging. Tingnan ang “Agad na
pagmemensahe”, sa pahina 26.
• E-mail application. Tingnan ang “E-mail
application”, sa pahina 23.
• Pinag-ibayong pag-dayal gamit ang
boses. Tingnan ang “Pinaghusay na
pagdayal na gamit ang boses”, sa
pahina 11 at ang “Voice commands o
mga utos gamit ang boses”,
sa pahina 43.
x
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
• Mga contact na presence-enhanced. Tingnan ang “Ang aking presence”, sa pahina 35.
• Java 2 Platform, Micro Edition (J2ME Tingnan ang “Mga application”, sa pahina 65.
TM

Access code, mga

Kodigo ng seguridad

Ang kodigo ng seguridad o security code (5 hanggang 10 bilang) ay tumutulong na protektahan ang iyong telepono laban sa di-awtorisadong paggamit. Ang nakalagay nang kodigo ay 12345. Upang baguhin ang kodigo, at itakda ang telepono upang humiling ng kodigo, tingnan ang “Seguridad”, sa pahina 51.

PIN code, mga

Ang kodigo ng personal identification number (PIN) at ang kodigo ng universal personal identification number (UPIN) (4 hanggang 8 na bilang) ay tumutulong upang maprotektahan ang iyong SIM card laban sa di-awtorisadong paggamit. Tingnan ang “Seguridad”, sa pahina 51.
Ang PIN 2 code (4 hanggang 4 na bilang) ay maaaring ibigay kasama ng SIM card at kinakailangan para sa ilang function.
Ang module PIN ay kinakailangan upang ma-access ang impormasyon sa security module. Tingnan ang “Module ng
seguridad”, sa pahina 72.
).
Ang pampirmang PIN ay kinakailangan para sa pirmang digital. Tingnan ang “Pirmang
digital”, sa pahina 73.

PUK code, mga

Ang personal unblocking key (PUK) code at ang universal personal unblocking key (UPUK) code (8 na bilang) ay kinakailangan upang mapalitan ang isang hinahadlangan na PIN code at UPIN code, ayon sa pagkakabanggit. Ang PUK2 code (8 na bilang) ay kinakailangan upang baguhin ang hinadlangang PIN2 code. Kung ang mga code ay hindi ibinibigay kasama ng SIM card, makipag-ugnayan sa iyong lokal na service provider para sa mga code.

Password ng paghadlang

Ang password sa paghadlang (4 na bilang) ay kinakailangan kapag gumagamit ng
Serbis. ng hadlang tawag. Tingnan ang
Seguridad”, sa pahina 51.

Serbisyong pagtatakda ng pagsasaayos

Upang magamit ang ilan sa mga serbisyo ng network, tulad ng mga serbisyo ng mobile Internet, MMS, pagmemensahe ng tunog sa Nokia Xpress, o malayuang pagtutumbas ng Internet server, kailangan ng iyong telepono ng tamang setting ng pagsasaayos. Maaari mong matanggap ang mga setting nang direkta bilang isang mensahe sa pagsasaayos. Matapos mong matanggap ang mga setting, i-save ang mga ito sa iyong telepono. Ang iyong service provider ay maaaring magdulot ng isang PIN na
kinakailangan upang mai-imbak ang mga setting. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kakayahang makuha, makipag­ugnayan sa iyong network operator, service provider, pinakamalapit na awtorisadong tagapagbenta ng Nokia, o bisitahin ang lugar ng pagsuporta sa website ng Nokia, www.nokia-asia.com/8600/support.
Kapag natanggap mo ang mga setting bilang mensahe sa pagsasaayos, at ang mga setting ay hindi awtomatikong tinitipon at binubuhay, ang Setting ng kumpigurasyon
natanggap ay ipapakita.
Upang i-save ang mga setting, piliin ang
Ipakita > I-save. Kung hiningi ng telepono
na Ipasok setting ng PIN:, ipasok ang PIN code para sa mga setting, at piliin ang OK. Upang matanggap ang PIN code, kontakin ang service provider na nagbibigay ng mga setting. Kung wala pang mga setting na naka-save, ang mga settings na ito ay tinitipon at inilalagay bilang mga default na setting ng configuration. Kung hindi man, tatanungin ng telepono kung Isaaktibo ang
mga nai-save na setting ng kumpigurasyon?.
Upang itapon ang mga natanggap na setting, piliin ang Labas o Ipakita > Alisin.
Mag-download ng nilalaman
Maaari kang makapag-download ng mga bagong nilalaman (halimbawa, mga tema) papunta sa telepono (serbisyo sa network ). Piliin ang function sa pag-download (halimbawa, sa Gallery). Upang mapuntahan ang function sa pag-download, tingnan ang kaukulang mga paglalarawan ng menu.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
xi
Maaari ka ding makapag-download ng mga pag-update ng software ng telepono (serbisyong pang-network). Tingnan ang “Telepono”, sa pahina 49, Mga update ng
telepono.
Para sa kakayahang magamit ng iba-ibang serbisyo, mga presyo, at buwis, kontakin ang iyong service provider.
Mahalaga: Gamitin ang mga kagamitan lamang na pinagkakatiwalaan mo at nag-aalay ng sapat na seguridad at proteksyon laban sa nakakapinsalang software.
xii
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

1. Pagsisimula

Mahalaga: Ang takip sa display (1) at takip ng keypad (2) ng iyong aparato ay mga piyesang kailangang pag-ingatan na yari sa espesyal na pinatigas na salamin. Gamitin ang mapagprotektang bulsa na balat na kasama sa pakete sa pagbebenta.
I-install ang SIM card at ang baterya
Laging patayin ang aparato at tanggalin ang charger bago tanggalin ang baterya.
Itago ang lahat ng maliliit na SIM card sa lugar na hindi maaabot ng maliliit na bata.
Para sa kakayahang magamit at impormasyon sa paggamit ng mga serbisyong nasa SIM card, kontakin ang iyong SIM card vendor. Ito ay maaaring ang service provider, network operator, o ibang vendor.
Ang aparatong ito ay nilalayong magamit para sa bateryang BP-5M. Laging gagamit ng mga orihinal na Nokia na baterya. Tingnan ang “Mga tagubilin sa
pagpapatunay ng baterya ng Nokia”,
sa pahina 80.
Ang SIM card at mga contact ay madaling mapinsala sa pamamagitan ng mga gasgas o pagbalikuko, kaya mag-ingat kapag hinahawakan, pagpasok, o pagtanggal sa card.
Upang tanggalin ang likod na takip ng telepono, buksan ang slide, pindutin ang pindutan sa pagbukas ng takip (1) at padausdusin ang takip (2) ayon sa ipinapakita.
Alisin ang baterya na tulad ng nakalarawan.
Ipasok nang maayos ang SIM card sa lalagyan.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
1
Ibalik ang baterya nang nakahanay ang kulay-gintong dikitan sa kulay-gintong mga dikitan na nasa puwang ng baterya (1).
Idiin ang baterya pababa sa puwang ng baterya (2).
Padausdusin ang panlikod na takip pabalik sa puwesto nito.

Pagkarga ng baterya

Tiyakin ang model number ng anumang charger bago gamitin sa aparatong ito. Ang aparatong ito ay nilalayong gamitin nang binibigyan ng koryente mula sa isang AC-6 o DC-6 micro USB charger.
Babala: Gumamit lamang ng mga baterya, charger, at enhancement na inaprobahan ng Nokia para gamitin sa mismong modelong ito. Ang paggamit ng ibang mga klase ay maaaring magpawalang-bisa sa anumang pag-aproba o garantiya, at maaaring maging mapanganib.
Para malaman kung makukuha ang inaprobahang mga enhancement, mangyaring magtanong sa iyong pinagbilhan. Kapag tinatanggal mo ang kurdon ng koryente ng anumang enhancement, mahigpit na hawakan at hilahin ang plug o saksakan, hindi ang kurdon.
1. Ikonekta ang charger sa isang saksakan.
2
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
2. Ikabit ang dulo ng micro USB charger sa
saksakan ng micro USB socket sa bandang kanang-ibaba ng iyong telepono.
Kung ang baterya ay ganap na walang-laman, maaaring tumagal ng ilang minuto bago lumitaw ang tagapagpahiwatig ng pagkakarga sa display o bago makatawag.
Ang tagal ng pag-charge ay nakasalalay sa ginagamit na charger. Ang pagkarga ng bateryang BP-5M sa pamamagitan ng AC-6 charger ay tumatagal ng humigit-kumulang na 2 oras at 15 minuto habang ang telepono ay nasa standby mode.
Kargahan ang baterya gamit ang CA-101 data cable
bersyong 6.83. Magpunta sa www.nokia-asia.com/8600/support para sa karagdagang impormasyon.
1. Ikabit ang dulo ng CA-101 sa saksakan ng micro USB socket sa bandang kanang-ibaba ng iyong telepono.
2. Ikabit ang CA-101 sa iyong PC o laptop.
USB data cable ay kunektado. Piliin ang mode. ay lilitaw sa screen ng display ng
iyong telepono.
3. Piliin ang OK at ang Default na mode.
Kakargahan ng AC-6 ang baterya nang lubhang mas mabilis kaysa sa CA-101. Inirerekumendang gamitin ang AC-6 kapag kailangan ng maiikling panahon sa pagkarga.
Pagbukas at pagpatay ng
telepono
Ang CA-101 data cable, na kasama sa pakete sa pagbebenta, ay ginagamit para sa paglilipat ng data at sa dahan-dahang pagkarga ng baterya habang ito ay nakakabit sa isang PC o laptop.
Tingnan ang “USB data cable”, sa pahina 48
para sa karagdagang impormasyon. Kailangan mong i-download ang Nokia PC Suite 6.83 upang gamitin para sa iyong aparato. Maaaring makapagdagdag ng mga nai-update na bersyon pagkatapos ay
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
Babala: Huwag bubuksan ang telepono kapag ang paggamit ng wireless phone ay ipinagbabawal o kapag maaaring maging sanhi ng interference (pagkagambala) o panganib.
Upang buksan o patayin ang telepono,
pindutin nang matagal ang pindutan sa pagbukas/pagpatay.
3
Kung ang telepono ay humingi ng PIN o UPIN code, ipasok ang code (ipinapakita bilang ****), at pindutin ang OK.
IItakda ang oras, time zone, at petsa
Ipasok ang lokal na oras, piliin ang time zone ng iyong kinalalagyan batay sa pagkakaiba ng oras kung ihahambing sa Greenwich Mean Time (GMT), at ipasok ang petsa. Tingnan ang “Oras at petsa”, sa pahina 42.

Serbisyong “plug and play”

Kapag ibinukas mo ang telepono sa kauna-unahang pagkakataon, at ang telepono ay nasa standby mode, hihilingin kang kunin ang mga configuration settings (pagtatakda ng pagsasaayos) mula sa iyong service provider (ito ay isang serbisyo sa network ). Kumpirmahin o tanggihan ang pagtatanong. Tingnan ang “Kunek. sa suport.
ng serb.”, sa pahina 50, at sa “Serbisyong
pagtatakda ng pagsasaayos”, sa pahina xi.

Pangangasiwa ng karapatang digital

Ang mga may-ari ng nilalaman ay maaaring gumamit ng iba't-ibang uri ng mga teknolohiya ng digital rights management (DRM) o pangangasiwa ng karapatang digital upang maprotektahan ang kanilang ari-ariang intelektwal, kabilang ang mga karapatang-kopya. Ang aparatong ito ay gumagamit ng iba't-ibang mga uri ng DRM software upang mapasok ang nilalamang protektado ng DRM. Gamit ang aparatong ito ay mapupuntahan mo ang nilalaman na protektado ng WMDRM 10, OMA DRM 1.0
forward lock, at OMA DRM 2.0. Kung ang ilang mga DRM software ay nabigong maprotektahan ang nilalaman, maaaring hilingin ng mga may-ari ng nilalaman na mapawalang-bisa ang kakayahan ng ganoong DRM software na mapasok ang bagong nilalaman na protektado ng DRM. Ang pagpapawalang-bisa ay maaari ding maging hadlang sa muling pagpapabisa ng ganoong nilalaman na protektado ng DRM na naroroon na sa iyong aparato. Ang pagpapawalang-bisa ng ganoong DRM software ay hindi nakakaapekto sa paggamit ng nilalamang protektado ng iba pang mga uri ng DRM o ang paggamit ng nilalamang di-protektado ng DRM.
Ang nilalaman na protektado ng DRM o pangangasiwa ng karapatang digital ay may kasamang kaugnay na susi sa pagpapabuhay na tumutukoy sa iyong mga karapatan na magamit ang nilalaman. Kung ang iyong aparato ay may nilalaman na protektado ng OMA DRM, upang kapwa mai-back up ang nilalaman, ay gamitin ang tampok na backup ng Nokia PC Suite. Kung ang iyong aparato ay may nilalamang protektado ng WMDRM, ang parehong susi sa pagpapabuhay at ang nilalaman ay mawawala kung ang memorya ng aparato ay nai-format. Maaari mo ding mawala ang mga susi sa pagpapabuhay at ang nilalaman kung sakaling ang mga file na nasa iyong aparato ay masira. Ang pagkawala ng mga susi sa pagpapabuhay o sa nilalaman ay maaaring makalimita sa iyong kakayahan na gamitin ulit ang parehong nilalaman sa iyong aparato. Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ang iyong tagapaglaan ng serbisyo.
4
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

Ikabit ang isang headset

Upang kumonekta ng isang HS-47 stereo headset, HS-40, HS-60, o HS-81 headset sa iyong aparato, kailangan mong gamitin ang micro USB-Nokia AV audio adapter AD-55. Ikabit ang AD-55 adaptor sa iyong aparato at headset papunta sa adaptor ayon sa ipinapakita.

Antenna

Ang iyong aparato ay may panloob na antenna na matatagpuan sa bandang ibaba ng aparato. Gamitin ang telepono nang nakabukas ang slide upang maiwasang madikit sa lugar ng antenna.
Paunawa: Katulad ng ibang aparato sa pagpapadala na gumagamit ng mga senyales ng radio, huwag hahawakan nang hindi kinakailangan ang antenna kapag ang telepono ay nakabukas. Ang pagsagi sa antenna ay nakakaapekto sa kalidad ng tawag at maaaring maging dahilan upang ang aparato ay tumakbo sa antas ng lakas na mas mataas sa kailangan. Ang pag-iwas na masagi ang antenna habang ginagamit ang kagamitan ay nagpapataas ng pagganap ng antenna at ng buhay ng baterya.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
5

2. Ang iyong telepono

Mga pindutan at piyesa

1. Butas para sa pulseras
2. Earpiece o pakinigan sa tainga
3. Mga pindutan ng lakas ng tunog
4. Loudspeaker
5. Display
6. Navi™ key
7. Kanang pampiling pindutan
8. Pindutan ng Tapusin at Bukas/Sara
9. Keypad
10. Pindutan sa pagbubukas ng takip
ng baterya
11. Mikropono
12. Saksakang micro USB charger
13. Pindutan ng Tawag
14. Kaliwang pindutan sa pagpili

Buksan at isara ang telepono

Upang mabuksan ang telepono itulak paakyat ang slide gamit ang tab na matatagpuan sa ibabaw lamang ng Navi™ key.
Upang maisara ang telepono, itulak ang tab nang pababa sa nakasarang posisyon.
Upang masagot ang mga tawag sa pamamagitan ng pagbukas ng slide at upang wakasan ang mga tawag sa pamamagitan ng pagsara ng slide, tingnan ang Pag-handle
ng slide call in “Tawag”, sa pahina 48.

Standby mode

Kapag ang telepono ay handa nang gamitin, at wala pa kang naipapasok na character, ang telepono ay nasa standby mode.
6
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

Display

1 Lakas ng signal ng cellular network
2 Katayuan sa pag-charge ng baterya
3 Mga tagapagpahiwatig
4 Pangalan ng network o ang operator
logo
5 Orasan
6 Pangunahing screen
7 Ang pag-andar ng kaliwang pampiling
pindutan ay para sa Punta sa o bilang isang shortcut papunta sa iba pang pag-andar. Tingnan ang “Kaliwang
pindutan sa pagpili”, sa pahina 42.
8 Ang pag-andar ng gitnang pampiling
pindutan ay Menu
9 Ang pag-andar ng kanang pampiling
pindutan ay Ngalan o isang shortcut papunta sa isa pang pag-andar. Tingnan ang “Kanang pampiling pindutan”, sa pahina 43.
Ang mga iba't-ibang operator ay maaaring may sariling pangalan para sa operator upang mapuntahan ang isang Web site na para sa operator mismo.

Aktibong standby

Sa aktibong standby mode ay mayroong listahan ng mga piniling tampok ng telepono at impormasyon sa screen na direkta mong mapupuntahan sa standby mode. Upang huwag paandarin ang mode ng aktibong standby, piliin ang Menu > Mga setting >
Display > Sett. ng standby mode > Aktibong standby > Aktibong standby ko. Mag-scroll
pataas o pababa upang buhayin ang paglilipat-lipat sa listahan. Upang masimulan ang tampok, piliin ang Piliin; o upang magpakita ng impormasyon, piliin ang Tingnan. Ang mga kaliwa at kanang pindutan sa simula at wakas ng isang linya ay nagpapahiwatig na kailangan ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng pag-scroll sa kaliwa o sa kanan. Upang wakasan ang navigation mode sa aktibong standby, piliin ang Labas.
Upang isaayos at palitan ang mode ng aktibong standby, buhayin ang mode ng navigation at piliin ang Opsyon > Aktibong
standby > Aktibong standby ko > Opsyon at
pumil sa mga sumusunod na opsyon:
I-personalise—Maglaan o magpalit ng mga
tampok ng telepono sa standby mode.
Isaayos—Ilipat ang puwesto ng mga tampok
sa standby mode.
Pinapagana aktib. stndby.—Piliin ang mga
pindutan upang mabigyang-daan ang standby navigation mode. Upang palitan ang mga setting, tingnan ang “Sett. ng standby
mode”, sa pahina 41.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
7
Upang patayin ang active standby mode piliin ang Opsyon > Aktibong standby >
Sarado; o piliin ang Menu > Mga setting > Display > Sett. ng standby mode > Aktibong standby > Sarado.

Mga shortcut sa standby mode

• Upang mapuntahan ang listahan ng mga idinayal na numero, pindutin ang pindutan ng tawag nang isang beses. Mag-scroll sa numero o pangalan na gusto mo, at upang tawagan ang numero, pindutin ang pindutan ng tawag.
• Upang mabuksan ang web browser, pindutin nang matagal ang 0.
• Upang matawagan ang iyong voice mailbox, pindutin nang matagal ang 1.
• Gamitin ang navigation key bilang isang shortcut. Tingnan ang “Aking mga
shortcut”, sa pahina 42.
• Sa camera mode pindutin ang mga pindutan ng lakas ng tunog upang mag-zoom in o zoom out.
• Upang mabuksan ang Nokia web site, pindutin nang matagalan ang *.
• Upang magpalipat-lipat ng mga tawag kapag ang ika-1 at ika-2 na linya ay aktibo, pindutin ang #.

Mga tagapahiwatig

Mayroon kang mga di-nabasang mensahe sa Inbox na folder.
Mayroon kang di-naipadala, kinansela o nabigong maipadala na mga mensahe sa Outbox na folder.
Ang telepono ay nagtala ng isang di-nakuhang tawag.
, Ang iyong telepono ay
nakakunekta sa instant messaging service, at ang katayuan sa availability ay online o offline.
Nakatanggap ka ng isa o maraming agad na mensahe at nakakunekta ka sa serbisyo sa agad na pagmemensahe.
Ang keypad ng telepono ay nakakandado.
Ang telepono ay hindi nagri-ring para sa isang papasok na tawag o text message.
Ang orasang alarma ay nakalagay sa Bukas.
Ang countdown timer ay tumatakbo.
Ang stopwatch ay tumatakbo sa background.
8
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
Ang telepono ay nasa flight mode.
, Ang telepono ay nakarehistro sa
isang GPRS o EGPRS na network.
, Naitaguyod ang isang koneksyong
GPRS o EGPRS.
, Ang koneksyong GPRS o EGPRS ay
suspendido (pinapaghintay), halimbawa kung may papasok o papalabas na tawag sa isang EGPRS dial-up connection.
Ang isang koneksyong Bluetooth ay aktibo.
Kung ikaw ay may dalawang linya ng telepono, ang ikalawang linya ay pinipili.
Lahat ng papasok na tawag ay inililihis sa ibang numero.
Binuhay ang loudspeaker.
Ang mga tawag ay limitado sa isang nakasarang grupo ng tumatawag.
Ang inorasang profile ay pinili.
May nakakabit sa telepono na enhancement para sa headset o handsfree.

Keypad lock (keyguard)

Upang maiwasan ang aksidenteng mapindot ang mga pindutan, piliin ang Menu, at pindutin ang * sa loob ng 3.5 segundo upang ikandado ang keypad. Kapag bukas na ang slide, isara ang slide at piliin ang I-lock.
Upang alisan ng kandado ang keypad, piliin ang I-unlock, at pindutin ang * sa loob ng
1.5 segundo. Kung ang Keyguar d ng
seguridad ay nakalagay sa Bukas, ipasok ang
kodigo ng seguridad kung kinakailangan.
Upang buksan ang keypad habang nakasara ang slide, piliin ang I-unlock > OK, o buksan ang slide upang awtomatikong mai-unlock ang keypad.
Upang sagutin ang isang tawag kapag ang keyguard ay nakabukas, pindutin ang pindutan ng tawag. Kapag tinapos mo o tinanggihan ang tawag, ang keypad ay awtomatikong magkakandado.
Para sa Keyguard ng seguridad, tingnan ang “Telepono”, sa pahina 49.
Kapag ang keyguard ay ginagamit, ang mga tawag ay maaaring posible sa opisyal na emergency number na nakaprograma sa iyong kagamitan.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
9
Mga pag-andar na
walang SIM card
Maraming mga pag-andar ng iyong telepono ang maaaring magamit nang hindi nag-i-install ng isang SIM card (halimbawa, ang paglilipat ng data gamit ang isang katugmang PC o iba pang katugmang aparato). Pansinin na kapag ginamit mo ang telepono nang walang SIM card ang ilang mga function ay lumilitaw nang madilim sa mga menu at hindi maaaring gamitin. Ang pagtutumbas nang gamit ang isang malayuang internet server ay hindi maaaring gawin nang walang isang SIM card.
May mga network na nag-aatas na ang isang may-bisang SIM card ay maipasok nang wasto sa aparato.
10
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

3. Mga pag-andar sa tawag

Tumawag

1. Ipasok ang numero ng telepono, kasama ang area code.
Para sa mga tawag na internasyonal, pindutin ang * nang dalawang beses para sa international prefix (ang + character ay pumapalit sa international access code) ipasok ang country code, area code na walang nauunang 0, kung kailangan, at ang numero ng telepono.
2. Upang tawagan ang numero, pindutin ang pindutan ng tawag.
3. Upang tapusin ang tawag, o kanselahin ang pagtatangkang tumawag, pindutin ang pindutan ng tapusin.
Upang hanapin ang pangalan o numero ng telepono na tinipon mo sa Mga contact, tingnan ang “Hanapin ang isang contact”, sa pahina 34. Pindutin ang pindutan ng tawag upang tawagan ang numero.
Upang mapuntahan ang listahan ng mga numerong naidayal, pindutin ang pindutan ng tawag nang isang beses sa standby mode. Upang matawagan ang numero, pumili ng isang numero o pangalan na nais mo, at pindutin ang pindutan ng tawag.
Bilis-dayal
Pwede kang magtalaga ng isang numero ng telepono sa isa sa mga pindutan ng bilis-dayal, mula sa 2 hanggang 9. Tingnan ang “Mabibilis na pagdayal”, sa pahina 38.
Tawagan ang numero sa alinman sa mga sumusunod na paraan:
• Pindutin ang pindutan para sa bilis-dayal, pagkatapos ay pindutin ang pindutan ng tawag.
• Kung ang Bilis-dayal ay naka-Bukas, pindutin at huwag bitiwan ang isang pindutan sa bilis-dayal hanggang magsimula ang tawag. Tingnan ang
Bilis-dayal sa “Tawag”, sa pahina 48.

Pinaghusay na pagdayal na gamit ang boses

Makakatawag ka sa telepono sa pamamagitan ng pagbigkas ng pangalan na naimbak sa listahan ng mga contact ng telepono. May utos ng boses na awtomatikong idinadagdag sa lahat ng mga entry sa listahan ng mga contact ng telepono.
Kung ang isang application ay nagpapadala o tumatanggap ng data gamit ang packet data na koneksyon, tapusin ang application bago mo gamitin ang pagdayal gamit ang boses.
Ang mga utos ng boses ay nakabatay sa wika. Upang maitakda ang wika, tingnan ang Wika playback ng boses sa “Telepono”, sa pahina 49.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
11
Paalala: Ang paggamit ng voice
tags ay maaaring mahirap sa isang maingay na kapaligiran o sa isang emergency, kaya hindi ka dapat umasa lamang sa boses na pagdayal sa lahat ng pagkakataon.
1. Sa standby mode, pindutin nang matagalan ang kanang pampiling pindutan o pindutin nang matagalan ang pindutan na pampahina ng lakas ng tunog. Isang maikling tone ang maririnig, at ang Magsalita na ngayon ay ipapakita.
Kung gumagamit ka ng headset, pindutin nang matagal ang headset key upang simulan ang boses na pagdayal.
2. Sabihin nang malinaw ang utos ng boses. Kung ang pagkilala ng boses ay matagumpay, may ipinapakitang listahan na may mga tumutugma. Patutugtugin ng telepono ang utos ng boses na tugma sa nakalagay sa ibabaw ng listahan. Makalipas ang humigit-kumulang 1.5 segundo, idinadayal ng telepono ang numero. Kung hindi tama ang resulta, mag-scroll papunta sa isa pang entry, at magpasyang idayal ang entry.
Ang paggamit ng mga utos ng boses upang isagawa ang isang napiling function ng telepono ay katulad ng pagdayal ng boses. Tingnan ang Mga
boses na command sa “Aking mga
shortcut”, sa pahina 42.

Sagutin o tanggihan ang isang tawag

Upang sagutin ang isang tawag, pindutin ang pindutan ng tawag, o buksan ang telepono. Upang wakasan ang tawag, pindutin ang pindutan ng tapusin, o isara ang telepono.
Upang tanggihan ang isang papasok na tawag, pindutin ang pindutan ng tapusin, o piliin ang Ptahimik. > Tnggihan.
Upang huwag patunugin ang ringtone, piliin ang Ptahimik..
Payo: Kung ang Ilipat kung busy na function ay binuhay upang ilihis ang mga tawag, (halimbawa papunta sa iyong voice mailbox) ang pagtanggi sa papasok na tawag ay naglilihis din sa tawag. Tingnan ang “Tawag”, sa pahina 48.
Kung ang isang katugmang headset na may pindutan ng headset ay nakakabit sa telepono, pwede mong sagutin at tapusin ang isang tawag sa pamamagitan ng pagpindot sa pindutan ng headset.

Naghihintay na tawag

Upang sagutin ang naghihintay na tawag habang may aktibong tawag, pindutin ang pindutan ng tawag. Ang unang tawag ay pinaghihintay. Upang tapusin ang aktibong tawag, pindutin ang pindutan ng Tapusin.
Upang buhayin ang Hintay tawag na function, tingnan ang “Tawag”, sa pahina 48.
12
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

Mga opsyon habang nasa isang tawag

Marami sa mga pagpipilian na magagamit mo habang nasa isang tawag ay mga serbisyong network. Para malaman ang kakayahang magamit ang mga ito, makipag-ugnayan sa iyong service provider.
Habang tumatawag, piliin ang Opsyon at pumili mula sa mga sumusunod na pagpipilian:
Ang mga pagpipilian sa pagtawag ay I-mute o I-unmute, Mga contact, Menu, I-lock
keypad, Rekord, Lawdspeaker o Handset.
Ang mga opsyon sa mga serbisyo sa network ay Sagutin o Tanggihan, Paghintayin o
Ituloy, Bagong tawag, Idagdag sa kumperensya, Tapusin tawag, Tapusin lahat
at ang sumusunod:
Ipadala DTMF—upang maipadala ang mga
pagkakasunod-sunod ng tono
Pagpalitin—upang lumipat sa pagitan ng
aktibong tawag at pinapaghintay na tawag
Ilipat—upang maikonekta ang isang tawag
na naghihintay sa isang aktibong tawag at alisin ang iyong sarili sa pagkakakonekta
Kumperensya—upang gumawa ng tawag na
pang-kumperensya na nagpapahintulot ng hanggang limang tao na lumahok sa tawag na pang-kumperensya
Pribadong tawag—upang pribadong
mag-usap habang may tawag na pang-kumperensya
Babala: Huwag ilalapit ang aparato sa iyong tainga kapag ginagamit ang loudspeaker, dahil ang volume ay maaaring sorbrang malakas.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
13

4. Pumunta sa mga menu

Ang telepono ay nag-aalay sa iyo ng maraming mga function, na nakagrupo sa mga menu.
1. Upang mapuntahan ang menu, piliin
ang Menu.
Upang palitan ang pagtanaw ng menu, piliin ang Opsyon > Unang menu view >
Lista, Grid, Grid na may mga label o Tab.
Upang maisaayos ang menu, mag-scroll sa menu na nais mong mailipat, at piliin ang Opsyon > Isaayos > Ilipat. Mag-scroll sa kung saan mo gustong mailipat ang menu, at piliin ang OK. Upang mai-save ang pagbabago, piliin ang Tapos > Oo.
2. Mag-scroll sa loob ng menu, at pumili ng
submenu (halimbawa, Mga setting).
3. Kung ang piniling menu ay naglalaman
ng mga submenu, piliin ang gusto mo (halimbawa, Tawag).
4. Kung ang piniling menu ay nagtataglay
ng iba pang mga submenu, ulitin ang hakbang 3.
5. Piliin ang setting na gusto mo.
6. Upang bumalik sa naunang antas ng
menu, piliin ang Balik. Upang lumabas ng menu, piliin ang Labas.
14
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

5. Magsulat ng teksto

Pwede kang magpasok ng teksto, halimbawa, kapag nagsusulat ng mga mensahe, na ginagamit ang traditional o predictive text input (mapag-hulang pagpapasok ng teksto). Kapag nagsulat ka ng teksto, may mga lumalabas na tagapahiwatig ng teksto sa tuktok ng display. Ang ay nagpapahiwatig ng nakasanayang pagpasok ng teksto. Ang
ay nagpapahiwatig ng mapaghulang pagpasok ng teksto. Ang predictive text input o mapag-hulang pagpapasok ng teksto ay nagpapahintulot sa iyo na mabilis na magsulat ng teksto na ginagamit ang keypad ng telepono at isang nakapaloob na diksiyunaryo. Maaari kang magpasok ng isang titik sa pamamagitan ng isang pagpindot.
Ang , , o ay lilitaw katabi ng tagapagpahiwatig ng paglalagay ng teksto, ipinababatid ang laki ng mga titik. Upang palitan ang character case, pindutin ang #.
Ang ay nagpapahiwatig ng mode ng numero. Upang lumipat mula sa letter mode patungo sa number mode, pindutin nang matagal ang #, at piliin ang Mode ng
numero.
Upang i-set ang wika sa pagsusulat habang nagsusulat ng teksto, piliin ang Opsyon > Panulat na wika. O, pindutin nang matagalan ang # at piliin ang Panulat na wika.
Mapag-hulang pagpapasok ng teksto o Predictive text input
Upang buksan ang mapaghulang pagpasok ng teksto, text input, piliin ang Menu >
Pagmemensahe > Gawa ng mensahe. Piliin
ang uri ng mensahe at piliin ang Opsyon >
Prediction bukas.
Payo: Upang mabilis na buksan o sarhan ang predictive text input kapag nagsusulat ng teksto, pindutin ang # nang dalawang beses, o piliin at huwag bibitiwan ang Opsyon.
1. Simulan ang pagsusulat ng salita na
ginagamit ang mga pindutan ng 2 hanggang 9. Pindutin ang bawat pindutan nang isang beses lamang para sa isang letra. Ang mga ipinasok na letra ay ipapakita na may salungguhit.
Sisimulan ng telepono na hulaan ang salitang isinusulat mo. Pagkatapos mong ipasok ang ilang letra, at kung itong mga ipinasok na letra ay hindi isang salita, ang telepono ay magtatangkang humula ng mas mahahabang salita. Tanging ang mga ipinasok na letra ang ipapakita na may salungguhit.
Upang magpasok ng isang espesyal na character, pindutin at idiin ang *, o piliin ang Opsyon > Ipasok ang simbolo. Mag-scroll sa isang character, at piliin ang Gamitin.
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
15
Upang magsulat ng mga tambalang salita, ipasok ang unang bahagi ng salita; upang kumpirmahin ito pindutin ang navigation key nang pakanan. Isulat ang susunod na bahagi ng salita at kumpirmahin ang salita.
Upang magpasok ng full stop, pindutin ang 1.
2. Kapag natapos ka na sa pagsusulat ng salita at ito ay wasto, upang kumpirmahin ito, pindutin ang 0 upang magdagdag ng puwang.
Kung ang salita ay hindi wasto, pindutin ang * nang paulit-ulit, o piliin ang
Opsyon > Mga katugma. Kapag ang
salitang gusto mo ay lumitaw, piliin ang salita.
Kung ang ? na character ay ipinakita pagkalampas ng salita, ang salitang balak mong isulat ay wala sa diksiyonaryo. Upang idagdag ang salita sa diksyunaryo, piliin ang I-spell. Kumpletuhin ang salita (na ginagamit ang nakasanayang pagpapasok ng teksto), at piliin ang I-save.

Nakasanayang pagpapasok ng teksto

Upang buksan ang mapaghulang pagpasok ng teksto, piliin ang Opsyon > Prediction
sarado.
Pindutin ang isang pindutan ng numero, 1 hanggang 9, nang paulit-ulit hanggang lumitaw ang nais na character. Hindi lahat ng character na makukuha sa ilalim ng pindutan ng numero ay nakalimbag sa pindutan. Ang mga character na magagamit ay depende sa wikang pinili para sa pagsusulat.
Kung ang kasunod na letrang gusto mo ay nasa pindutan na katulad ng kasalukuyan, maghintay hanggang ang cursor ay lumitaw, o saglit na pindutin ang alinman sa mga scroll key at ipasok ang letra.
Ang pinakakaraniwang mga pananda o punctuation marks at mga espesyal na character ay magagamit sa ilalim ng pindutan ng numero na 1. Para sa mas maraming mga character, pindutin ang *.
16
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.

6. Pagmemensahe

Pwede kang magbasa, magsulat, magpadala at mag-save ng mga text message, mensaheng multimedia, e-mail, audio, flash at mga postcard. Ang lahat ng mga mensahe ay inaayos ayon sa mga folder.

Mga text message o text message (SMS)

Gamit ang short message service (SMS) ay maaari kang magpadala at tumanggap ng mga text message o text message, at tumanggap ng mga mensahe na naglalaman ng mga litrato (serbisyo sa network ).
Bago ka magpadala ng anumang text message o mensaheng e-mail sa SMS, kailangan mo munang i-save ang numero ng iyong message centre. Tingnan ang “Mga setting ng mensahe”, sa pahina 31.
Upang malaman ang kakayahang magamit ang serbisyong SMS e-mail at upang mag-subscribe sa serbisyo, makipag-ugnayan sa iyong service provider. Upang i-save ang isang e-mail address sa
Mga contact, tingnan ang “Mag-save ng
mga detalye”, sa pahina 34.
Ang iyong aparato ay sumusuporta sa pagpapadala ng mga text message nang higit sa sukdulang bilang ng mga character para sa iisang mensahe. Ang mas mahahabang mensahe ay ipapadala bilang isang serye ng dalawa o higit na mensahe. Maaari kang singilin ng iyong service provider ayon sa naangkop. Ang mga
character na gumagamit ng mga accent at ibang mga marka, at mga character mula sa ilang opsyon na wika tulad ng Chinese, ay kumukuha ng mas maraming espasyo na naglilimita sa bilang mga character na maipapadala sa isang mensahe.
Ang isang tagapahiwatig na nasa itaas ng display ay nagpapakita ng kabuuang bilang ng mga character na natitira at ang bilang ng mga mensaheng kinakailangan para sa pagpapadala. Halimbawa, ang ibig sabihin ng 673/2 ay mayroon pang 673 characters na natitira at ang mensahe ay ipapadala bilang isang serye ng dalawang mga mensahe.

Magsulat at magpadala ng mensaheng SMS

1. Piliin ang Menu > Pagmemensahe >
Gawa ng mensahe > Mensaheng teksto.
2. Ipasok ang numero ng telepono o e-mail address ng tatanggap sa Kay: na patlang. Upang makuha ang isang numero ng telepono e-mail address mula sa Mga
contact, piliin ang Idagdag > Contact.
Upang ipadala ang mensahe sa maraming mga tatanggap, idagdag ang mga nais na contact nang paisa-isa. Upang ipadala ang mensahe sa mga tao sa isang pangkat, piliin ang Grupo ng
contact at ang nais na pangkat. Upang
makuha ang mga contact kung saan ay kamakailan-lamang ay nagpadala ka ng
Copyright © 2007 Nokia. All rights reserved.
17
Loading...
+ 75 hidden pages