PAHAYAG NG PAGSUNOD
Sa pamamagitan nito, ipinapahayag ng NOKIA CORPORATION na itong produktong
RM-230 ay sumusunod sa mga mahahalagang itinatakda at mga naaangkop na
tuntunin ng Directive 1999/5/EC. May kopya ng Pahayag ng Pagsunod ang
matatagpuan sa http://www.nokia.com/phones/declaration_of_conformity/.
tune at Visual Radio ay mga markang tunog ng Nokia Corporation. Ang ibang mga
pangalan ng produkto at kompanya na binanggit dito ay maaaring mga trademark
o tradename ng mga nag-aari sa mga ito.
Ang pagkokopya, paglilipat, pamamahagi, o pag-iimbak ng bahagi o lahat ng
nilalaman ng dokumentong ito sa anumang anyo nang walang paunang nakasulat
na pahintulot ng Nokia ay ipinagbabawal.
US Patent No 5818437 at iba pang mga nakabinbing patente. T9 text input
software Karapatang-kopya (C) 1997-2007. Tegic Communications, Inc.
Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Ang produktong ito ay lisensiyado sa ilalim ng MPEG-4 Visual Patent Portfolio
License (i) para sa personal at di-pangkomersiyong paggamit na may kaugnayan sa
impormasyon na inilagay sa code na sumusunod sa MPEG-4 Visual Standard ng
isang tagagamit na gumagawa ng isang personal at di -pangkomersiyong aktibidad
at (ii) para sa paggamit na may kaugnayan sa MPEG-4 video na ipinagkaloob ng
isang lisensiyadong video provider. Walang lisensiyang iginagawad o ipinahihiwatig
para sa ibang paggamit. Ang karagdagang impormasyon kabilang ang may
Ang Java™ at lahat ng mga markang nakabatay sa Java ay mga
markang-kalakal o rehistradong markang-kalakal ng Sun
Microsystems, Inc.
kinalaman sa pagtataguyod, panloob at pangkomersiyong paggamit ay maaaring
makuha mula sa MPEG LA, LLC. Tingnan ang <http://www.mpegla.com>.
Patakaran ng Nokia ang patuloy na pagpapaunlad. Nasa Nokia ang karapatang
gumawa ng mga pagbabago at pagpapahusay sa alinmang produktong inilarawan
sa dokumentong ito nang walang paunang paunawa.
HANGGANG SA SUKDULANG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP
NA BATAS, SA ILALIM NG ANUMANG SITWASYON AY HINDI MAAARING
MAGKAROON NG SAGUTIN ANG NOKIA O ANG SINUMAN SA MGA
TAGAPAGLISENSYA NITO PARA SA ANUMANG PAGKAWALA NG DATA O NG KITA O
NG ANUMANG MGA PINSALANG ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHINATNAN O DIDIREKTA KAHIT PAANO MAN ITO NAIDULOT.
ANG MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO AY IPINAGKAKALOOB NANG "AS
IS" O AYON SA KALAGAYANG IPINAGKALOOB ITO. MALIBAN KUNG
KINAKAILANGAN NG NAAANGKOP NA BATAS, WALANG ANUMANG WARRANTY,
TAHASAN MANG ISINAAD O HINDI, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA,
MGA IPINAHAYAG NA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIBENTA AT KAANGKUPAN
PARA SA ISANG MISMONG LAYUNIN, ANG ISINASAGAWA PATUNGKOL SA
KAWASTUHAN, PAGIGING MAASAHAN, O MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG
ITO. TAGLAY NG NOKIA ANG KARAPATANG REPASUHIN ANG DOKUMENTONG ITO O
IURONG ITO ANUMANG ORAS NANG WALANG PAUNANG ABISO.
Ang kakayahang magamit ang mga mismong produkto at application para sa mga
produktong ito ay maaaring magkaiba sa bawat rehiyon. Mangyaring pakitiyak a ng
mga detalye sa iyong tagapagbenta ng produktong Nokia, at upang malaman ang
kakayagang magamit ang mga pagpipilian para sa wika.
Ang aparatong ito ay sumusunod sa Directive 2002/95/EC ukol sa pagrerenda ng
paggamit ng ilang mga mapanganib na substance sa kagamitang de-koryente at
elektroniko.
Mga Pagkontrol sa Pagluwas
Ang aparatong ito ay maaaring magtaglay ng mga kalakal, teknolohiya o software
na napapailalim sa mga batas sa pagluwas at mga regulasyon mula sa Estados
Unidos at ibang mga bansa. Ang paglihis na kontra sa batas ay ipinagbabawal.
WALANG WARRANTY
Ang mga application na mula sa ikatlong partido na ibinigay kasama ang iyong
aparato ay binuo at maaaring pinagmamay-arian ng mga tao o samahan na hindi
kaugnay sa o walang kinalaman sa Nokia. Hindi ang Nokia ang may-ari ng
karapatang-kopya o mga karapatan sa ari-ariang intelektwal sa mga ikatlongpartidong application na ito. Dahil dito, ang Nokia ay walang pananagutan para sa
anumang pagsuporta sa mismong gumagamit o sa pagganap ng mga application
na ito, o para sa impormasyong iniharap sa mga application o sa mga materyal na
ito. Ang Nokia ay hindi nagkakaloob ng warranty para sa mga application na ito na
mula sa ikatlong partido. SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA APPLICATION
AY KINIKILALA MO NA ANG MGA APPLICATION AY IDINUDULOT NANG WALANG
ANUMANG WARRANTY, TAHASAN MANG IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG,
HANGGANG SA SUKDULANG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP
NA BATAS. BUKOD DITO AY KINIKILALA MO NA ANG NOKIA O ANG MGA KASAPI
NITO AY HINDI GUMAGAWA NG ANUMANG PABATID O WARRANTY, IPINAHAYAG O
IPINAHIWATIG, KABILANG PERO HINDI LIMITADO SA MGA WARRANTY NG TITULO,
KAKAYAHANG IPAGBILI O KAANGKUPAN SA ISANG MISMONG LAYUNIN O NA ANG
SOFTWARE AY HINDI LALABAG SA MGA PATENTE, KARAPATANG-KOPYA,
MARKANG-KALAKAL O IBANG MGA KARAPATAN NG SINUMANG IKATLONGPARTIDO.
Basahin itong mga simpleng patnubay. Ang paglabag sa
mga ito ay maaaring mapanganib o labag sa batas.
Basahin ang kumpletong patnubay sa gumagamit para sa
iba pang impormasyon.
LIGTAS NA PAGBUKAS Huwag bubuksan ang
telepono kapag ang paggamit ng wireless
phone ay ipinagbabawal o kapag maaaring
maging sanhi ng pagkagambala o panganib.
UNA MUNA ANG KALIGTASAN SA DAAN
Sundin ang lahat ng lokal na batas. Laging
tiyakin na malayang magpatakbo ng sasakyan
ang iyong mga kamay habang nagmamaneho.
Ang unang dapat mong isaaalang-alang
habang nagmamaneho ay ang kaligtasan sa
daan.
INTERFERENCE (PAGKAKAGAMBALA) Lahat
ng mga aparatong wireless ay maaaring
makaranas ng pagkagambala, na
makakaapekto sa pagganap.
PATAYIN SA SASAKYANG
PANG-HIMPAPAWID Sundin ang anumang
mga pagrerenda. Ang mga aparatong wireless
ay maaaring maging sanhi ng pagkagambala sa
sasakyang panghimpapawid.
PATAYIN KAPAG NAGPAPAGASOLINA
Huwag gagamitin ang aparato sa isang
gasolinahan. Huwag gagamitin kapag malapit
sa gas o mga kemikal.
PATAYIN KAPAG MALAPIT SA
NAGPAPASABOG Sundin ang anumang mga
pagrerenda. Huwag gagamitin ang aparato sa
lugar na may ginagawang pagpapasabog.
GAMITIN NANG MAAYOS Gamitin lamang sa
normal na posisyon na ipinaliwanag sa
dokumentasyon ng produkto. Huwag
gagalawin ang antenna kung hindi
kinakailangan.
Para sa inyong kaligtasan
KWALIPIKADONG PAGKUMPUNI Tanging
ang mga kuwalipikadong tauhan ang maaaring
mag-instala o magkumpuni ng produktong ito.
MGA PAGPAPAHUSAY Gamitin ang mga
pagpapahusay lamang na inaprobahan. Huwag
ikunekta ang mga produktong hindi katugma.
PANLABAN SA TUBIG Ang iyong aparato ay
walang panlaban sa tubig. Panatilihin itong
tuyo.
MGA BACK-UP NA KOPYA Tandaan na
gumawa ng mga pamalit na kopya o mga
nakasulat na rekord ng lahat ng mahalagang
impormasyon na nakalagay sa iyong aparato.
KUMONEKTA SA IBA PANG MGA APARATO
Kapag kumukunekta sa ibang aparato, basahin
ang patnubay sa gumagamit nito para sa mga
detalyadong tagubiling pangkaligtasan.
Huwag ikunekta ang mga produktong hindi
katugma.
MGA TAWAG NA EMERGENCY Tiyaking
nakabukas at may serbisyo ang pag-andar ng
aparato bilang telepono. Pindutin ang
pindutan ng tapusin kung ilang beses
kailangan upang alisan ng laman ang display at
bumalik sa standby mode. Ipasok ang
emergency number, at saka pindutin ang
pindutan ng tawag. Ibigay ang iyong lokasyon.
Huwag tatapusin ang tawag hanggang sabihan
ka na gawin ito.
Tungkol sa iyong aparato
Ang aparatong wireless na inilalarawan sa patnubay na ito
ay inaprubahan para gamitin sa mga network na GSM 850,
900, 1800 at 1900 at UMTS 2100. Kontakin ang iyong
service provider para sa karagdagang impormasyon
tungkol sa mga network.
Kapag ginagamit ang mga katangian sa aparatong ito,
sundin ang lahat ng batas at igalang ang mga lokal na
gawi, pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng ibang
mga tao, kabilang ang mga karapatang-kopya.
Ang mga proteksyon ng karapatang-kopya ay maaaring
pumigil sa ilang imahe, musika (kabilang ang mga ring
tone) at ibang nilalaman na makopya, mabago, mailipat o
maipasa.
Ang iyong aparato ay sumusuporta sa mga koneksyon sa
Internet at iba pang mga paraan ng pagkakakonekta. Tulad
ng mga computer, ang iyong aparato ay maaaring maharap
sa mga virus, malisyosong mensahe at application, at iba
pang mga nakapapahamak na nilalaman. Maging maingat
at magbukas ng mga mensahe, tumanggap ng kahilingang
magpakonekta, magdownload at tumanggap ng
aparato, isiping maglagay ng antivirus software na may
regular na update service at firewall application.
application.
Babala: Upang magamit ang mga katangian sa
aparatong ito, bukod sa alarmang orasan, ang
aparato ay dapat buksan. Huwag papaandaring
ang aparato kapag ang aparatong wireless ay
maaaring maging sanhi ng pagkagambala o
panganib.
Mga serbisyo ng network
Upang magamit ang telepono kailangang mayroon kang
serbisyo mula sa isang wireless service provider. Karamihan
sa mga katangian ay nangangailangan ng espesyal na
katangian ng network. Hindi lahat ng katangiang ito ay
meron sa lahat ng network; may mga ibang network na
nagtatakda ng mga tiyak na kasunduan sa iyong service
provider bago makagamit ng serbisyong network. Ang
iyong service provider ang magbibigay ng mga dapat
sundin at magpaliwanag ng mga dapat bayaran. May mga
network na maaaring may mga limitasyon na
nakakaapekto kung paano mo magagamit ang mga
serbisyong network. Halimbawa, may mga network na
maaaring hindi sumuporta sa lahat ng nakaayon-sa-wika
na mga character at serbisyo.
Maaaring hiniling ng iyong service provider na huwag
paganahin ang mga partikular na katangian o sarhan sa
iyong aparato. Kung ganito ang kalagayan, ang mga ito ay
hindi lilitaw sa menu ng iyong aparato. Ang iyong aparato
ay maaaring magkaroon ng espesyal na pagtatakda tulad
ng pagbabago sa pangalan ng menu, pagkasunod-sunod
ng menu at mga icon. Makipag-ugnayan sa iyong service
provider para sa karagdagang impormasyon.
Ang kagamitang ito ay sumusuporta sa WAP 2.0 protocols
(HTTP and SSL) na tumatakbo sa TCP/IP protocols. Ang
ilang katangian ng aparatong ito, gaya ng pag-browse sa
Web, e-mail, push to talk, instant messaging, at
multimedia messaging, ay nangangailangan ng suporta ng
network para sa mga teknolohiyang ito.
Mga enhancement, baterya
at charger
Tiyakin ang model number ng anumang charger bago
gamitin sa kagamitang ito. Ang aparatong ito ay
nilalayong gamitin nang kumukuha ng koryente mula sa
mga charger na AC-3, AC-4, AC-5, DC-4 o sa CA-44
charger adapter.
charger, at pagpapahusay na inaprobahan ng
Nokia para gamitin sa partikular na modelong ito.
Ang paggamit ng ibang mga klase ay maaaring
magpawalang-bisa sa anumang pag-aproba o
garantiya, at maaaring mapanganib.
Para malaman kung makukuha ang inaprobahang mga
pagpapahusay, mangyaring magtanong sa iyong
Tagapagbenta. Kapag tinatanggal mo ang kurdon ng
koryente ng anumang pagpapahusay, mahigpit na
hawakan at hilain ang plug, hindi ang kurdon.
maprotektahan ang iyong SIM card laban sa diawtorisadong paggamit. Tingnan ang “Seguridad”, p. 90.
Ang PIN code ay karaniwang idinudulot nang kasama ang
SIM card.
Ang PIN 2 code (4 hanggang 8 na bilang) ay maaaring
ibigay kasama ng SIM card at kinakailangan para sa ilang
function.
Ang module PIN ay kinakailangan upang mapuntahan ang
impormasyon sa module ng seguridad. Ang module PIN ay
ibinibigay kasama ng SIM card kung ang SIM card ay may
security module sa loob nito.
Ang pampirmang PIN ay kinakailangan para sa pirmang
digital. Ang pampirmang PIN ay ibinibigay kasama ng SIM
card kung ang SIM card ay may security module sa loob
nito.
Mga PUK code
Ang personal unblocking key (PUK) code at ang universal
personal unblocking key (UPUK) code (8 na bilang) ay
kinakailangan upang mapalitan ang isang hinahadlangan
na PIN code at UPIN code, ayon sa pagkakabanggit. Ang
PUK2 code ay kinakailangan upang baguhin ang
hinadlangang PIN2 code.
Pangkalahatang Impormasyon
Kung ang mga code ay hindi ibinibigay kasama ng SIM
card, makipag-ugnayan sa iyong lokal na service provider
para sa mga code.
Password ng paghadlang
Ang password sa paghadlang (4 na bilang) ay
kinakailangan kapag gumagamit ng Paghadlang ng twg..
Tingnan ang “Paghahadlang ng tawag”, p. 94. Makukuha
mo ang numerong ito mula sa iyong service provider.
Kapag may ipinasok kang mali na password sa
paghaharang nang tatalong beses na magkakasunod, ang
password ay hinaharangan. Makipag-ugnayan sa iyong
service provider.
Nokia support at impormasyon
ng contact
Para sa pinakahuling version ng gabay na ito, mga
download, mga serbisyo at karagdagang impormasyon na
may kinalaman sa iyong Nokia product, puntahan ang
www.nokia-asia.com/5700/support o ang iyong lokal na
Nokia web site. Maaari ka ring mag-download ng mga
libreng setting ng configuration gaya ng MMS, GPRS,
e-mail, at iba pang serbisyo para sa iyong modelo ng
telepono sa www.nokia-asia.com/phonesettings.
Sakaling kailanganin mo pa rin ng tulong, sumangguni sa
www.nokia-asia.com/contactus.
Upang mahanap ang pinakamalapit na lugar ng Nokia care
center para sa mga serbisyo sa pagpapanatili, maaaring
naisin mong pumunta sa www.nokia-asia.com/repair.
Mga pag-update ng software
Maaaring gumawa ang Nokia ng mga software update na
mag-aalok ng mga bagong tampok, pinaghusay na pagandar o pinag-ibayong pagganap. Maaari mong hilingin
ang mga update na ito sa pamamagitan ng Nokia Software
Updater PC application. Upang ma-update ang software
ng aparato, kailangan mo ang Nokia Software Updater
application at ang isang katugmang PC na may Microsoft
Windows 2000 o XP operating system, broadband internet
access, at isang katugmang data cable upang ikabit ang
iyong aparato sa PC.
Upang makakuha ng karagdagang impormasyon at upang
mai-download ang Nokia Software Updater application,
bisitahin ang www.nokia-asia.com/softwareupdate o ang
iyong lokal na web site ng Nokia.
display, at iangat ang pang-likod na takip (2). Upang
alisin ang baterya, iangat ito ayon sa inilalarawan (3).
baterya
Laging isara ang aparato, at idiskonekta ang charger bago
alisin ang baterya.
Ang teleponong ito ay gumagamit ng mga bateryang
BP-5M.
Para sa availability at impormasyon sa paggamit sa mga
serbisyo ng SIM card, kontakin ang iyong tindero ng SIM
card. Ito ay maaaring ang tagapaglaan ng serbisyo, o ibang
nagbebenta.
1. Upang buksan ang pang-likod na takip ng telepono sa
kauna-unahang pagkakataon, iangat ito gamit ang
plastik na piyesa na ipinapakita sa likod ng telepono (1).
Pagkatapos ay maaari mong alisin ang plastik.
Upang buksan sa susunod ang pang-likod na takip,
pihitin nang pa-iskwala ang ibabang bahagi ng
telepono papunta sa kaliwa o kanan kapag ang mga
pindutan ng numero ng bandang ibaba ay kahanay ng
2. Upang buksan ang lalagyan ng SIM card, padausdusin
ito nang paatras (4), at pagkatapos ay iangat ito (5).
Ipasok ang (U)SIM card sa lalagyan ng SIM card (6).
Tiyakin na naipasok nang maayos ang (U)SIM card at
nakadapa ang mga ginintuang dikitan na nasa card, at
ang kantong may tapyas ay nasa itaas.
Pagsisimula
Isara ang lalagyan ng SIM card (7), at ipausad ito upang
maipinid ito (8).
3. Ibalik ang baterya (9). Ibalik ang pang-likod na takip na
(10) at (11).
MicroSD card slot
Gumamit lamang ng mga katugmang
microSD kard na inaprobahan ng
Nokia para gamitin sa aparatong ito.
Ang Nokia ay gumagamit ng mga
naaprobahang pamantayan ng industriya para sa mga
memory card, ngunit di lahat ng ibang brand ay gagana ng
maayos o lubos na maitutugma sa aparatong ito. Ang hindi
katugmang mga kard ay maaaring makapinsala sa card at
sa aparato at maaaring manira sa mga data na nakatago
sa card.
Panatilihin ang mga microSD card sa hindi maaabot ng
maliliit na bata.
Maaari mong palakihin ang nakalaang memorya sa isang
microSD memory card. Maaari mong ilagay o alisin ang
isang microSD card nang hindi pinapatay ang telepono.
Mahalaga: Huwag alisin ang memory card sa
gitna ng isang operasyon kung ginagamit ang
kard. Ang pagtanggal ng isang card sa gitna ng
isang operasyon ay maaaring makapinsala sa
memory card gayundin sa aparato, at ang data na
naitago ay maaaring masira.
Maglakip ng isang microSD card
Tandaan na ang memory card ay maaaring ibinigay nang
kasama sa telepono, at maaaring nakapasok na.
2. Ipasok sa
puwang
ang
microSD
card nang
nakadapa
ang mga
ginintuang
dikitan (2).
Itulak ang kard ng dahan-dahan upang i-lock ito sa
lugar.
3. Isara nang maigi ang sarahan sa gilid (3).
Alisin ang isang microSD card
1. Buksan ang sarahan sa gilid.
2. Itulak ang kard ng dahan-dahan upang ito'y
matanggal. Alisin ang kard ng memorya at pindutin
'OK' ay ipinapakita. Hugutin nang palabas ang kard, at
piliin ang OK.
3. Isara nang maigi ang sarahan sa gilid.
1
2
Pagkarga ng baterya
1 Isaksak ang charger sa
saksakan ng koryente.
2 Buksan ang sarahan sa
gilid (1) at ikabit ang
charger plug sa
3
charger connector ng
telepono (2).
3 Matapos na mag-charge, isara nang maigi ang sarahan
sa gilid.
Kung ang baterya ay lubos na diskargado, maaaring
tumagal ng ilang minuto bago lumitaw ang indicator ng
pagkaraga sa display o bago makatawag.
Ang tagal ng pagkarga ay depende sa charger at sa
ginagamit na baterya. Ang pagkakarga ng isang bateryang
BP-5M gamit ang AC-5 na charger ay tumatagal ng
humigit-kumulang 80 minuto.
Pindutin nang matagalan ang
pindutan sa pagbukas/pagpatay.
Kung hihingi ang telepono ng PIN
code, ipasok ang PIN code, at piliin
ang OK.
Kung hihingi ang telepono ng lock
code, ipasok ang lock code, at piliin
ang OK. Ang factory setting para
sa lock code ay 12345.
Pagtakda ng oras at petsa
Upang itakda ang tamang time zone, oras, at petsa, piliin
ang bansang iyong kinaroonan, at ipasok ang lokal na oras
at petsa.
Normal na posisyon ng paggamit
Gamitin lamang ang telepono sa normal na posisyon ng
paggamit nito.
Tandaan: Katulad ng ibang
aparato na nagta-transmit ng
radyo, iwasang mahawakan
ang antenna nang hindi
kailangan kapag ang aparato
ay ginagamit. Halimbawa,
iwasang mahawakan ang
cellular antenna kapag
tumatawag. Ang pagkakadikit
sa anumang antenna na
nagsasahimpapawid o
tumatanggap ay nakakaapekto sa kalidad ng
komunikasyon sa radyo at maaaring maging
dahilan upang ang aparato ay gumana sa mas
mataas na antas ng lakas baterya kaysa sa
kailangan, at maaaring sanhi upang mapadali ang
pagkaubos ng baterya.
Bago ka gumamit ng multimedia messaging, instant
messaging, push to talk, application sa e-mail,
synchronization, streaming, at ng browser, dapat ay
mayroon kang mga tamang setting sa pag-configure sa
iyong telepono. Maaaring awtomatikong i-configure ng
iyong telepono ang mga setting sa browser, multimedia
messaging, access point, at streaming batay sa SIM card na
ginamit. Maaari ka ring direktang tumanggap ng mga
setting bilang isang mensahe sa pag-configure, na sinisave mo sa iyong telepono. Para sa karagdagang
impormasyon tungkol sa maaaring pagkagamit, kontakin
ang iyong network operator, tagapaglaan ng serbisyo, o
ang pinakamalapit na awtorisadong Nokia dealer.
Kapag tumanggap ka ng mensahe sa pag-configure, at ang
mga setting ay hindi awtomatikong nai-save at binuhay, ay
ipinapakita ang 1 bagong mensahe. Piliin ang Ipakita
upang buksan ang mensahe. Upang i-imbak ang mga
setting, piliin ang Opsyon > I-save. Maaaring kailanganin
mong ipasok ang PIN code na ibinigay ng inyong
tagapaghatid ng serbisyo.
Pindutan para
Patugtugin/
Ihinto/Itigil,
para sa
pagkuha (20)
Ang Iyong Telepono
Mag-Fast forward, mag-zoom in (21)
Mga lente ng kamera (22)
Flash ng kamera (23)
Mga mode
Ang iyong telepono ay may limang mga mode sa pagandar: mode ng telepono (1), mode ng kamera (2), mode ng
musika (3), mode ng video na tawag (4), at mode ng
panonood ng video (5). Upang magpalipat-lipat sa pagitan
ng mga mode, pihitin ang bandang ibaba ng telepono.
Mayroong maikling pagka-antala bago bubuhayin ang
isang mode. Sa mode ng telepono, huwag susubukang
pihitin ang bandang ibaba ng telepono nang higit sa 90
degrees papunta sa kaliwa o 180 degrees papunta sa
kanan. Kung pupuwersahin mo pang pihitin pa ang
bandang ibaba ng telepono, masisira ang telepono.
Mode ng telepono
Bubuhayin ang telepono kapag ang mga pindutan ng
numero sa bandang ibaba ay kahanay ng display.
Mode ng kamera
Upang buhayin ang mode ng kamera habang nasa mode ng
telepono, pihitin ang bandang ibaba ng telepono nang paiskwala (90 degrees) papunta sa kaliwa upang ang lente ng
kamera ay nakaturo nang palayo sa iyo kapag tumitingin
ka sa display.
Upang kunan ng litrato ang sarili, pihitin ang bandang
ibaba ng telepono nang pa-iskwala (90 degrees) papunta
sa kanan habang nasa mode ng telepono upang ang lente
ng kamera ay nakaturo papunta sa iyo kapag tumitingin ka
sa display.
Mode ng musika
Upang buhayin ang mode ng musika habang nasa mode ng
telepono, pihitin ang bandang ibaba ng telepono nang
patalikod (180 degrees) papunta sa kanan upang maging
kahanay ng display ang mga pindutan na ginagamit upang
kontrolin ang pagpapatugtog ng musika.
Mode ng video na tawag
Habang may mga video na tawag, maipapakita mo ang
iyong mukha sa tinatawagan mo. Pihitin ang bandang
ibaba ng telepono upang ang lente ng kamera ay nakaturo
sa iyo kapag tumitingin ka sa display. Maaari mo ding
pihitin ang lente ng kamera sa salungat na direksyon.
Kapag nanonood ka ng
isang video o ng mga
litrato sa mode ng
telepono, maaari mong
buhayin ang mode ng
panonood ng video.
Pihitin ang bandang ibaba
ng telepono nang paiskwala (90 degrees) sa kaliwa upang ang lente ng kamera
ay nakaturo palayo sa iyo. Sa mode ng panonood ng video,
awtomatikong nagbabago ang display upang maging
pahalang, at habang nanonood ay maaari mong ilapag ang
telepono sa isang mesa, bilang halimbawa.
Upang makita ang susunod o nakaraang mga litrato o
upang i-fast forward o i-rewind ang video, pindutin ang
pindutan ng media para sa fast forward o rewind.
Upang patugtugin o ihinto ang video, pindutin ang
pindutan ng media sa pagpapatugtog/paghinto/pagtigil.
Upang itigil ang video, pindutin nang matagalan ang
pindutan ng media sa pagpapatugtog/paghinto/pagtigil.
Kapag binuksan mo ang telepono, at nakarehistro ito sa
isang network, ang telepono ay nasa standby mode at
nakahandang gamitin.
Upang buksan ang listahan ng mga huling idinayal na
numero, pindutin ang call key.
Upang gamitin ang mga boses na command o pagdayal na
boses, pindutin at pigilin ang kanang pampiling key.
Upang palitan ang profile, pindutin ang pindutan ng
bukas/patay, at pumili ng profile.
Upang simulan ang koneksyon sa web, pindutin ng
matagalan ang 0.
Aktibong standby
Kapag ang aktibong standby ay pinagana, maaari mong
gamitin ang display upang mabilis na mapuntahan ang
mga madadalas na gamitin na application. Upang
magpasya kung ipapakita ang active standby, piliin ang
Menu > Mga setting > Sett. ng tel. > Pangkalahatan >
Personalisation > Standby mode > Aktibong standby >
Bukas o Sarado.
Upang mapuntahan ang mga application sa aktibong
standby, mag-scroll sa application, at piliin ito. Sa aktibong
standby, ang mga default na application ay ipinapakita sa
itaas ng lugar ng aktibong standby, at ang kalendaryo, mga
Ang Iyong Telepono
gagawin, at mga kaganapan sa player ay nakalista sa
ibaba. Upang pumili ng application o event, mag-scroll
dito, at piliin ito.
Offline profile
Ang Offline profile ay nagbibigay-daan sa iyo upang
magamit mo ang telepono nang hindi kumokonekta sa
isang network. Habang ang Offline profile ay aktibo,
nakasara ang koneksyon sa wireless network, ayon sa
ipinapahiwatig ng sa lugar ng tagapahiwatig ng lakas
ng signal. Ang lahat ng mga senyas ng wireless RF signals
papunta sa o mula sa iyong telepono ay iniiwasan, at
magagamit mo ang iyong aparato nang walang (U)SIM
card. Gamitin ang offline mode sa mga kapaligirang
sensitibo sa mga senyales ng radyo—halimbawa sakay ng
mga sasakyang panghimpapawid o sa mga ospital. Maaari
kang makinig sa musika gamit ang music player habang
aktibo ang offline profile.
Upang umalis sa Offline profile, pindutin ang pindutan sa
pagbukas/pagpatay, at pumili ng iba pang profile.
Mahalaga: Sa offline na profile, hindi ka
maaaring tumawag o tumanggap ng anumang
tawag, o gumamit ng iba pang katangian na
nangangailangan ng cellular network coverage.
Ang mga tawag ay maaaring posible sa opisyal na
numero ng emergency na nakaprograma sa iyong
aparato. Upang tumawag, kailangan mo munang
gawing aktibo ang function ng telepono sa
pamamagitan ng pagpapalit ng mga profile. Kung
ang aparato ay nai-lock, ipasok ang lock code.
Mga tagapahiwatig
Ang telepono ay konektado sa isang UMTS na
network.
Ang telepono ay konektado sa isang GSM na
network.
Ang telepono ay nasa offline mode at hindi
konektado sa isang cellular network. Tingnan
ang “Offline profile”, p. 24.
Nakatanggap ka ng isa o higit pang mga
mensahe sa Inbox folder sa Messaging.
Nakatanggap ka ng bagong e-mail sa iyong
remote mailbox.
May mga mensaheng naghihintay na maipadala
sa Outbox. Tingnan ang “Outbox”, p. 46.
Ikaw ay may mga hindi nasagot na tawag.
Tingnan ang “Mga di katagalang tawag”, p. 36.
Ipinapakita kapag ang Uri ng tunog ay
nakatakda sa Tahimik at ang Tunog alerto ng
msg. at ang Tono alerto ng e-mail ay
nakatakda sa Sarado. Tingnan ang “Mga
profile”, p. 72.
Ang keypad ng telepono ay nakakandado.
Tingnan ang “Keypad lock (keyguard)”, p. 27.
Ang loudspeaker ay isinaaktibo.
May alarma na aktibo.
Ang pangalawang linya ng telepono ay
ginagamit. Tingnan ang Linyang gamit sa
“Tawag”, p. 93.
/
Lahat ng tawag sa telepono ay inililihis sa iyong
call mailbox o sa ibang numero. Kung ikaw ay
may dalawang linya ng telepono, ang indicator
sa paglihis ay para sa unang linya at
para sa ikalawa.
May headset na nakakonekta sa telepono.
May loopset na nakakonekta sa telepono.
Ang koneksyon sa Bluetooth headset ay nawala.
/ May data call na aktibo.
Ang GPRS packet data connection ay aktibo.
ang nagpapakita na ang koneksiyon ay
nakaantala at ang na koneksiyon ay libre.
May aktibong koneksyon ng packet data bilang
bahagi ng isang network na sumusuporta sa
EGPRS. ang nagpapakita na ang koneksyon
ay nakaantala at angna koneksyon ay libre.
Ang mga icon ang nagpapakita na ang EGPRS ay
magagamit sa network, ngunit ang iyong
aparato ay hindi nangangahulugang
gumagamitng EGPRS sa paglipat ng data.
Ang koneksyon ng UMTS packet data connection
ay aktibo. Ang ay nagpapakita na ang
koneksyon ay nakaantala at ang na
koneksyon ay magagamit.
Ang Bluetooth ay nakabukas.
Ang data ay tina-transmit gamit ang Bluetooth.
Tingnan ang “Bluetooth na koneksyon”, p. 102.
Isang infrared na koneksyon ang aktibo. Kapag
ang infrared ay aktibo, ngunit walang
koneksyon, ang indicator ay kumukurap.
Isang USB na koneksyon ang aktibo.
Ang iba pang indicator ay maaari ring ipakita. Para sa mga
indicator ng push to talk, tingnan ang “Push to talk”,
p. 105.
Sa menu, maari kang mag-access sa mga function sa iyong
telepono. Upang mapuntahan ang main menu, pindutin
ang pindutan ng menu; na mula ngayon ay tatawagin dito
bilang "piliin ang Menu".
Upang buksan ang application o folder, mag-scroll dito, at
pindutin ang scroll key.
Upang baguhin ang view ng menu, piliin ang Menu >
Opsyon > Baguhin view ng menu at ang uri ng view.
Kung binago mo ang pagkakaayos ng mga function sa
menu, ang ayos ay maaaring mag-iba sa default na ayos na
nakasaad sa gabay sa gumagamit na ito.
Upang isara ang isang application o folder, piliin ang Balik
at Lumabas nang ilang beses hangga't kailangan upang
makabalik sa standby mode, o piliin ang Opsyon > Labas.
Upang ipakita at lumipat sa pagitan ng mga bukas na mga
application pindutin nang matagalan ang Menu. Ang
window ng paglipat sa application ay bubukas,
magpapakita ng lista ng mga bukas na application. Magscroll sa isang application, at piliin ito.
Upang markahan o alisin ang marka sa mga application,
pindutin ang #. Upang markahan o alisin ang marka ng
ilang magkakasunod na aytem, pindutin nang matagal #,
at mag-scroll pataas o pababa.
Ang pag-iwan sa mga application na gumagana sa
background ay nagdaragdag sa konsumo sa lakas ng
baterya at nagpapahina sa baterya.
Welcome application
Ang application na Welcome ay magsisimula kapag
binuksan mo ang iyong telepono sa unang pagkakataon. Sa
Welcome na application, maaari mong magamit ang mga
sumusunod na application:
Tutorial—Pag-aralan ang tungkol sa mga katangian ng
iyon telelpono at kung paano gamitin ang mga ito.
Sett. wizard—Ayusin ang mga setting ng koneksyon.
Ilipat—Kopyahin o ibagay ang mga data mula sa ibang
mga katugmang telepono.
Upang buksan ang Welcome sa susunod, piliin ang Menu
> Aplikasyon > Welcome.
Tutorial
Ang tutorial ay nagtataglay ng pagpapakilala sa mga
katangian ng telepono at isang tutorial upang turuan ka
kung paano gamitin ang telepono. Ang tutorial ay
awtomatikong magsisimula kapag pinaandar mo ang iyong
telepono sa unang pagkakataon. Para ikaw mismo ang
magsimula ng tutorial, piliin ang Menu > Tutorial at isang
tutorial na aytem.
Tulong
Ang iyong aparato ay may context-sensitive na tulong.
Maaari mong i-access ang tulong mula sa isang
application o mula sa pangunahing menu.
Upang mapuntahan ang tulong kapag may bukas na
application, piliin ang Opsyon > Tulong. Upang lumipat sa
pagitan ng tulong at ng application na bukas sa
background, piliin at pindutin ng matagal ang Menu. Piliin
ang Opsyon at pumili mula sa mga sumusunod na
pagpipilian:
Lista ng paksa—upang tingnan ang listahan ng mga
nakahandang paksa sa wastong kategorya
Lista tulong kategorya—upang tingnan ang isang listahan
ng mga kategorya ng tulong
Hanapin sa keyword—upang maghanap ng mga paksa ng
tulong gamit ang mga keyword
Upang buksan ang tulong mula sa pangunahing menu,
piliin ang Menu > Aplikasyon > Tulong. Sa listahan ng
mga kategorya ng tulong, piliin ang gustong application
upang matingnan ang listahan ng mga paksa sa tulong.
Upang lumipat sa pagitan ng listahan ng kategorya ng
tulong, na ipinababatid ng , at listahan ng mga
keyword, na ipinababatid ng , mag-scroll pakaliwa
o pakanan. Upang i-display ang mga nauugnay na text ng
tulong, piliin ito.
Pagkontrol ng lakas ng tunog
Upang baguhin ang volume ng earpiece o loudspeaker
habang tumatawag o kapag nakikinig sa isang file na
audio, pindutin ang mga key ng volume.
Upang buhayin ang loudspeaker habang may tawag, piliin
ang Loudsp..
Upang patayin ang loudspeaker habang tumatawag, piliin
ang Handset.
Babala: Huwag ilapit ang aparato sa iyong tainga
kapag ginagamit ang loudspeaker, dahil ang
volume ay maaaring napakalakas.
Keypad lock (keyguard)
Upang iwasan ang di-sinasadyang pagkakapindot, maaari
mong ikandado ang keypad.
Upang ikandado ang keypad sa mode ng telepono, pindutin
ang kaliwang pindutan na pampili at piliin ang * sa loob ng
1.5 segundo. O di kaya’y itakda ang telepono upang
awtomatiko nitong ikakandado ang keypad makalipas ang
isang naturang palugit na oras, piliin ang Menu > Mga
setting > Sett. ng tel. > Pangkalahatan > Seguridad >
Telepono at SIM kard > Tagal autolock, keypad > Takda
ng gumagamit at ang nais na oras ng palugit.
Upang ikandado ang keypad sa mode ng musika, pindutin
nang mabilisan ang pindutan sa pagbukas/pagpatay, at
piliin ang I-lock ang keypad.
Upang buksan ang keypad sa mode ng telepono, piliin ang
I-unlock, at pindutin ang * sa loob ng 1.5 segundo.
Upang buksan ang keypad sa mode ng musika, piliin ang
I-unlock > OK.
Kapag ang keypad lock ay gumagana, ang mga tawag ay
maaaring posible sa opisyal na emergency number na
nakaprograma sa iyong aparato.
Pagkabit ng isang katugmang
headset
Huwag
ikabit ang
mga
produkto na
lilikha ng
output
signal dahil
ito ay maaaring makakapinsala sa aparato. Huwag ikabit
ang anumang voltage source sa Nokia AV connector.
Kapag nagkakabit ng anumang mga panlabas na aparato o
anumang headset maliban sa mga inaprobahan ng Nokia
upang magamit sa aparatong ito, ang Nokia AV connector,
bigyan ng pansin ang mga antas ng volume.
Pagkonekta ng isang USB data
cable
Upang itakda ang default
na mode sa pagkonekta sa
USB, piliin ang Menu >
Mga setting > Koneksyon
> USB > USB na mode at
ang nais na mode. Upang
itakda kung awtomatikong
binubuhay ang default na
mode, piliin ang Itanong pagkonekta > Hindi.
2
1
Pagkabit ng isang wrist strap
Ikabit ang pulseras
ng sa pulso ayon sa
paglalarawan.
kasama ang area code. Pindutin ang i-clear key para
alisin ang isang numero.
Para sa mga tawag sa ibang bansa, pindutin ang * nang
dalawang beses para sa internasyonal na prefix (ang +
na karakter ang pumapalit sa internasyonal na access
code), at ipasok ang country code, area code (alisin ang
nauunang zero kung kailangan), at numero ng
telepono.
2 Upang tawagan ang numero, pindutin ang call key.
Upang baguhin ang volume habang tumatawag,
pindutin ang mga volume key.
3 Upang tapusin ang tawag, o kanselahin ang
pagtatangkang tumawag, pindutin ang pindutan ng
tapusin.
Upang makatawag mula sa Contact, piliin ang Menu >
Contact. Mag-scroll sa gustong pangalan; o ipasok ang
mga unang letra ng pangalan, at mag-scroll sa gustong
pangalan. Upang tawagan ang numero, pindutin ang call
key.
Upang tawagan ang iyong mailbox ng tawag (serbisyong
network), pindutin nang matagalan ang 1 sa standby
mode. Kailangan mong itakda ang numero ng mailbox
bago ka makatawag sa iyong mailbox. Tingnan ang
“Mailbox, tawag”, p. 87.
Upang matawagan ang huling naidayal na numero,
pindutin ang call key sa standby mode. Ang listahan ng
huling 20 numero na iyong tinawagan o tinangkang
tawagan ay ipapakita. Mag-scroll sa gusto mong numero,
at pindutin ang call key.
Upang gumawa ng push to talk na tawag, tingnan ang
“Push to talk”, p. 105.
Mabilisang pag-dial (speed dialling)
Maaari kang magtalaga ng isang numero ng telepono sa
isa sa mga key sa mabilisang pagdayal 2 hanggang 9.
Tingnan ang “Maglaan ng mga pindutan para sa
mabilisang pagdayal”, p. 53, o “Mabilisang pag-dial (speed
dialling)”, p. 88.
Tumawag sa isang numero ng bilis-dayal sa alinman sa
mga sumusunod na paraan:
Mga function sa pagtawag
• Pindutin ang key sa mabilisang pagdayal, pagkatapos
ay ang call key.
• Kung ang Mabilis na pagdayal ay nakalagay sa Bukas,
pindutin nang matagalan ang pindutan ng bilis-dayal
hanggang sa masimulan ang tawag. Upang maitakda
ang Mabilis na pagdayal sa Bukas, piliin ang Menu >
Mga setting > Sett. ng tel. > Telepono > Tawag >
Mabilis na pagdayal > Bukas.
Pagdayal gamit ang boses
Ang isang tag ng boses ay awtomatikong naidadagdag sa
lahat ng mga entry sa Contact.
Gumamit ng mahahabang pangalan, at iwasan ang
magkakatulad na pangalan para sa mga magkakaibang
numero.
Pagsasagawa ng isang tawag idinayal gamit
ang boses
Ang mga voice tag ay mga napakasensitibo sa ingay sa
kapaligiran. Gumamit ng mga voice tag sa isang tahimik na
kapaligiran.
Tandaan: Ang paggamit ng mga voice tag ay
maaaring mahirap sa maingay na kapaligiran o sa
oras ng emergency, kaya hindi ka dapat umasa
lamang sa voice dialing sa lahat ng pagkakataon.
1 Sa standby mode, pindutin at pigilin ang kanang
selection key. Isang maikling tone ang maririnig, at ang
Magsalita ay ipapakita.
Kung gumagamit ka ng tugmang headset sa headset
key, pindutin at pigilin ang headset key.
2 Bigkasin nang malinaw ang voice command.
Ipapatugtog ng telepono ang voice command ng
pinakakatugma. Pagkalipas ang 1.5 segundo, ida-dayal
ng telepono ang numero; kung ang resulta ay hindi
tama, bago mag-dayal piliin ang Susunod at magscroll sa ibang entry.
Ang paggamit ng mga voice command upang isagawa ang
isang function ng telepono ay katulad sa voice dialing.
Tingnan ang “Voice commands o mga utos gamit ang
boses”, p. 87.
Magsagawa ng kumperensyang
tawag (serbisyong network)
1 Tumawag sa unang kalahok.
2 Upang tumawag sa isa pang kalahok, piliin ang Opsyon
> Bagong tawag. Ang unang tawag ay awtomatikong
pinapaghintay.
3 Upang samahan ang unang kalahok sa kumperensyang