Nokia 1600 User Manual

Patnubay sa Gumagamit para sa Nokia 1600
PAHAYAG NG PAGSUNOD Kami, ang NOKIA CORPORATION ay nagpapahayag sa ilalim ng aming tanging pananagutan na ang produktong RH-64 ay sumusunod sa mga probisyon ng sumusunod na Direktiba ng Konseho: 1999/5/EC.
Ang isang kopya ng Pahayag ng Pagsunod say matatagpuan sa http://www.nokia.com/phones/declaration_of_conformity/.
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Ang reproduksyon, paglilipat, pamamahagi o pag-iimbak ng bahagi o lahat ng nilalaman ng dokumentong ito sa anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ng Nokia ay ipinagbabawal.
US Patent No 5818437 at iba pang mga nakabimbing patente. T9 text input software Copyright © 1997-2005. Tegic Communications, Inc. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Ang Nokia, Nokia Connecting People, Xpress-on at Pop-Port ay mga trademark o rehistradong trademark ng Nokia Corporation. Ang ibang mga pangalan ng produkto at kompanya na binanggit dito ay maaaring mga trademark o tradename ng mga nag­aari sa mga ito.
Ang Nokia tune ay isang tunog na tanda ng Nokia Corporation.
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. i
Patakaran ng Nokia ang patuloy na pagpapaunlad. Nasa Nokia ang karapatang gumawa ng mga pagbabago at pagpapahusay sa alinmang produktong inilarawan sa dokumentong ito nang walang paunang paunawa.
Hindi kailanman dapat managot ang Nokia sa anumang pagkawala ng data o kita o anumang espesyal, insidental, binunga o di-tuwirang mga pinsala anuman ang naging dahilan.
Ang mga nilalaman ng dokumentong ito ay ipinagkakaloob "as is". Maliban kung iniaatas ng angkop na batas, walang anumang uri ng garantiya, ipinahayag man o ipinahiwatig, kabilang ang, pero hindi limitado sa, ipinahiwatig na garantiya ng kakayahang maibenta at kaangkupan sa isang partikular na layunin, ang ginawa na may kaugnayan sa katumpakan, pagiging maaasahan o mga nilalaman ng dokumentong ito. May karapatan ang Nokia na baguhin ang dokumentong ito o bawiin ito sa anumang oras nang walang paunang paunawa.
Kung makukuha o hindi ang mga partikular na produkto ay depende sa rehiyon. Mangyaring itanong sa Nokia dealer na pinakamalapit sa inyo.
ANG KAGAMITANG ITO AY MAAARING MAGTAGLAY NG MGA KALAKAL, TEKNOLOHIYA O SOFTWARE NA NAPAPAILALIM SA MGA BATAS AT REGULASYON SA PAGLUWAS MULA SA ESTADOS UNIDOS AT IBANG MGA BANSA. ANG PAGLIHIS NA KONTRA SA BATAS AY IPINAGBABAWAL.
Isyu 1
ii Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Mga nilalaman

Para sa inyong kaligtasan .......... v
Pangkalahatang Impormasyon.. ix
Access codes...................................... ix
Pinaghahatiang memorya............... x
1. Pagsisimula.............................. 1
Paano magsisimula........................... 1
Magpasok ng SIM card at
baterya ................................................. 2
Kargahan ang baterya ..................... 3
Pagbukas o pagpatay....................... 4
Palitan ang mga takip ..................... 5
Demo mode......................................... 6
Mga shortcut sa standby mode .... 7
Ikandado ang keypad ....................... 7
2. Call functions.......................... 9
Tumawag ............................................. 9
Gumawa ng conference call............... 9
Muling magdayal ng numero........... 10
Mabilis na pagdayal............................ 10
Sagutin ang isang tawag............. 10
Loudspeaker..................................... 11
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. iii
Mga boses na mensahe (Network
service)............................................... 11
3. Magsulat ng teksto ............... 12
4. Menu functions..................... 15
Mga mensahe................................... 15
Sumulat ng mensahe ......................... 15
Basahin ang isang tekstong
mensahe (Inbox).................................. 17
Mga draft at Mga item
naipadala............................................... 17
Chat (Network service)...................... 17
Mensaheng larawan (Network
service)................................................... 18
Lista ng mga distribusyon ................ 19
Mensaheng nai-screen...................... 20
Tanggalin mga mensahe ................... 20
Message counter................................. 20
Mga setting ng mensahe .................. 20
Editor service command (Network
service)................................................... 23
Mga kontak....................................... 23
Maghanap ng pangalan at numero
ng telepono........................................... 23
Settings para sa mga Kontak........... 24
Mga tawag....................................... 25
Mga listahan ng mga pinakahuling
tawag...................................................... 26
Mga tagaoras ng tawag .................... 26
Message counter ................................. 27
Mga setting ..................................... 27
Mga setting ng tunog ........................ 27
Mga setting ng display ...................... 28
Mga profile............................................ 30
Mga setting ng oras............................ 30
Settings ng tawag............................... 31
Mga setting ng telepono................... 32
Mga setting halaga............................. 33
Setting ng enhancement................... 34
Mga setting ng seguridad................. 35
Setting ng kanang navigation
key............................................................ 37
Ibalik ang factory settings................ 37
Orasan ............................................... 38
Mga paalaala................................... 39
Mga laro ........................................... 39
Mga ekstra ....................................... 40
Calculator .............................................. 40
Pang-convert ........................................ 40
Tagaoras ng countdown .................... 41
Stopwatch ............................................. 41
Composer............................................... 42
Demo mode ........................................... 42
SIM services..................................... 43
5. Impormasyon tungkol sa
baterya....................................... 44
Pagkarga at pagdiskarga .............. 44
Mga patnubay sa pagpapatunay ng
baterya ng Nokia............................. 46
6. Mga Tunay na
Pagpapahusay............................ 49
Power ................................................. 50
Standard Charger (ACP-7)................ 50
Travel Charger (ACP-12) ................... 51
Audio .................................................. 51
Headset HDC-5.................................... 51
7. Pag-aalaga at
pagpapanatili ............................ 52
8. Karagdagang impormasyong
pangkaligtasan .......................... 54
Indeks......................................... 61
iv Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Para sa inyong kaligtasan

Basahin itong mga simpleng patnubay. Ang paglabag sa mga ito ay maaaring mapanganib o labag sa batas. Basahin ang kumpletong patnubay sa gumagamit para sa higit na impormasyon.
BUKSAN NANG LIGTAS
Huwag bubuksan ang telepono kapag ang paggamit ng wireless phone ay ipinagbabawal o kapag maaaring maging sanhi ng interference o panganib.
KALIGTASAN SA DAAN ANG NAUUNA
Sundin ang lahat ng lokal na batas. Laging tiyakin na malayang magpatakbo ng sasakyan ang iyong mga kamay habang nagmamaneho. Ang unang dapat mong isaaalang-alang habang nagmamaneho ay ang kaligtasan sa daan.
INTERFERENCE
Lahat ng wireless phones ay maaaring magkaroon ng intereference, na makakaapekto sa pagganap.
PATAYIN SA MGA OSPITAL
Sundin ang anumang mga restriksiyon. Patayin ang telepono kapag malapit sa kagamitang medikal.
PATAYIN SA AIRCRAFT
Sundin ang anumang mga restriksiyon. Ang wireless devices ay maaaring maging sanhi ng interference sa eruplano.
PATAYIN KAPAG NAGLALAGAY NG GAS
Huwag gagamitin ang telepono sa isang gasolinahan. Huwag gagamitin kapag malapit sa gas o mga kemikal.
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. v
PATAYIN SA MALAPIT SA PAGPAPASABOG
Sundin ang anumang mga restriksiyon. Huwag gagamitin ang telepono sa lugar na may ginagawang pagpapasabog.
GAMITIN NANG MAAYOS
Gamitin lamang sa normal na posisyon na ipinaliwanag sa dokumentasyon ng produkto. Huwag gagalawin kung hindi kinakailangan ang antenna.
KUWALIPIKADONG SERBISYO
Mga kuwalipikadong tauhan lang ang maaaring mag-instala o magkumpuni ng produktong ito.
MGA PAGPAPAHUSAY AT BATERYA
Gamitin lamang ang mga inaprobahang pagpapahusay at baterya. Huwag ikunekta ang mga produktong hindi katugma.
PANLABAN SA TUBIG
Ang iyong telepono ay walang panlaban sa tubig. Panatilihin itong tuyo.
MGA PAMALIT NA KOPYA
Tandaan na gumawa ng mga pamalit na kopya o mag-ingat ng nakasulat na rekord ng lahat ng mahalagang impormasyon na nakalagay sa iyong telepono.
PAGKUNEKTA SA IBANG MGA KAGAMITAN
Kapag ikinukunekta sa ibang kagamitan, basahin ang patnubay sa gumagamit para sa mga detalyadong tagubiling pangkaligtasan. Huwag ikunekta ang mga produktong hindi katugma.
vi Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
MGA TAWAG NA EMERGENCY
Tiyaking nakabukas ang telepono at nasa serbisyo. Pindutin ang end key kung ilang beses kailangan upang alisan ng laman ang display at bumalik sa screen ng pagsisimula. Ipasok ang emergency number, at saka pindutin ang call key. Ibigay ang iyong lokasyon. Huwag tatapusin ang tawag hanggang sabihan ka na gawin ito.
Tungkol sa iyong kagamitan
Ang wireless device na inilalarawan sa patnubay na ito ay inaprobahan para gamitin sa mga network na EGSM 900/GSM 1800. Kontakin ang iyong service provider para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga network.
Kapag ginagamit ang mga katangian sa kagamitang ito, sundin ang lahat ng batas at igalang ang pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng ibang mga tao.
Babala: Upang magamit ang mga katangian sa kagamitang ito, bukod sa alarmang orasan, ang kagamitan ay dapat buksan. Huwag bubuksan ang kagamitan kapag ang wireless device ay maaaring maging sanhi ng intereference o panganib.
Network services
Upang magamit ang telepono dapat na mayroon kang serbisyo mula sa isang wireless service provider. Marami sa mga katangian sa kagamitang ito ay nakadepende sa mga katangian sa wireless network para gumanap. Ang network services na ito ay maaaring hindi available sa lahat ng network o maaaring kailanganin mong gumawa ng ispesipikong pakikipag-ayos sa iyong service provider bago mo magamit ang network services. Maaaring kailanganin ng iyong service provider na bigyan ka ng mga karagdagang tagubilin para sa paggamit ng mga ito at ipaliwanag kung ano ang mga angkop na singil. May mga network na maaaring may mga limitasyon na
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. vii
nakakaapekto kung paano mo magagamit ang network services. Halimbawa, may mga network na maaaring hindi sumuporta sa lahat ng karakter at mga serbisyo na nakadepende sa wika.
Maaaring hiniling ng iyong service provider na huwag paganapin ang mga partikular na katangian o huwag isaaktibo ang iyong kagamitan. Kung ganito ang kalagayan, ang mga ito ay hindi lilitaw sa menu ng iyong kagamitan. Ang iyong kagamitan ay maaari ring ginawan ng natatanging configuration. Ang configuration na ito ay maaaring kabilang ang mga pagbabago sa mga pangalan ng menu, kaayusan ng menu at mga icon. Kontakin ang iyong service provider para sa karagdagang impormasyon.
Mga charger at pagpapahusay
Laging patayin ang kagamitan at idiskunekta ang charger bago tanggalin ang baterya. Tiyakin ang model number ng anumang charger bago gamitin sa kagamitang ito. Ang
kagamitang ito ay sadyang ginawa para gamitin kapag sinusuplayan ng power mula sa mga charger na ACP-7 at ACP-12.
Babala: Gumamit lamang ng mga baterya, charger, at pagpapahusay na inaprobahan ng Nokia para gamitin sa partikular na modelong ito. Ang paggamit ng ibang mga klase ay maaaring magpawalang-bisa sa anumang pag-aproba o garantiya, at maaaring mapanganib.
Para malaman kung makukuha ang inaprobahang mga pagpapahusay, mangyaring magtanong sa iyong dealer. Kapag tinatanggal ninyo ang kurdon ng power ng anumang pagpapahusay, mahigpit na hawakan at hilahin ang plug, hindi ang kurdon.
viii Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Pangkalahatang Impormasyon

Access codes

Para sa mga detalye tungkol sa access codes at sa paggamit sa mga ito, tingnan ang "Mga setting ng seguridad" sa pahina 35.
Security code: Ang code na ito, ibinibigay kasama ng telepono, ay tumutulong na protektahan ang iyong telepono laban sa di­awtorisadong paggamit. Ang nakalagay nang code ay 12345.
PIN code: Ang code na ito, ibinibigay kasama ng SIM card, ay tumutulong na protektahan ang iyong card laban sa di-awtorisadong paggamit.
Upang i-set ang telepono upang humiling ng PIN code tuwing ito ay bubuksan, sa standby mode, piliin ang Menu > Mga setting > Mga
setting ng seguridad > PIN code hiling, ipasok ang PIN code, at piliin ang Bukas.
Kung tatlong beses na magkakasunod na nagkamali kayo sa pagpasok ng PIN code, ang SIM card ay hinahadlangan. Dapat ninyong ipasok ang PUK code upang alisin ang harang ng SIM card at gumawa ng bagong PIN code.
PIN2 code: Ang code na ito ay ibinibigay na may kasamang mga SIM card ay kinakailangan upang ma-access ang mga partikular na serbisyo, tulad ng settings ng halaga ng tawag. Kung tatlong magkakasunod na
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. ix
beses na nagkamali ka sa pagpasok ng PIN 2 code, ang PIN2 code may
hadlang ay lilitaw sa display, at hihingin sa iyo ang PUK2 code.
Baguhin ang security code, PIN code at PIN2 code sa Palitan access code sa Mga setting ng seguridad menu (tingnan ang "Mga setting ng
seguridad" sa pahina 35). Panatilihing lihim ang mga bagong code at
nasa sa isang lugar na ligtas at hiwalay sa inyong telepono.
PUK code at PUK2 code: Ang mga code na ito ay maaaring ibinibigay kasama ng SIM card. Kung hindi, kontakin ang inyong lokal na service provider.

Pinaghahatiang memorya

Ang mga sumusunod na katangian sa kagamitang ito ay maaaring makibahagi sa memorya: Mga mensahe, Mga kontak, at Komposer. Ang paggamit ng isa o higit sa mga katangiang ito ay maaaring magbawas ng memorya para sa natitirang mga katangian na nakikibahagi sa memorya. Halimbawa, ang pag-save ng maraming tekstong mensahe ay maaaring gumamit ng lahat ng magagamit na memorya. Ang iyong kagamitan ay maaaring magpakita ng mensahe na ang memorya ay puno na kapag tinangka mong gamitin ang katangian na nakikihati sa memorya. Kapag ganito ang nangyari, bago magpatuloy ay tanggalin muna ang ilan sa impormasyon o mga ipinasok na nakaimbak sa pinaghahatiang memorya. Ang ilan sa mga katangian, tulad ng Mga kontak ay maaaring may partikular na dami ng memorya na sadyang inilaan sa kanila bilang karagdagan sa memoryang ginagamit din ng ibang mga katangian.
x Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Pagsisimula

1. Pagsisimula

Paano magsisimula

Ang mga display indicator na inilarawan sa ibaba ay ipapakita kapag ang telepono ay handa nang gamitin at walang mga karakter na ipinasok. Ang kalagayang ito ay tinatawag na standby mode.
• Lakas ng signal ng cellular network (1)
• Bar ng baterya na nagpapabatid ng antas ng pagkarga (2)
• Kasalukuyang function ng dalawang selection keys (3)
• Selection keys (4)
Ang function ng selection keys ay depende sa teksto na ipinapakita sa display sa itaas nito.
• Scroll keys (5)
• Call key (6)
• Dumadayal ng numero ng
telepono.
• Sumasagot sa tawag
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. 1
Pagsisimula
• End key (7)
Ang matagal na pagdiin ay nagbubukas o nagpapatay sa telepono.
Ang saglit na pagdiin ay nagtataas sa isang aktibong tawag o lumalabas mula sa anumang function.
• Keypad (8)

Magpasok ng SIM card at baterya

Itago ang lahat ng maliliit na SIM card sa lugar na hindi maaabot ng maliliit na bata.
Para sa availability at impormasyon sa paggamit ng SIM card services, kontakin ang iyong SIM card vendor. Ito ay maaaring ang service provider, network operator, o ibang vendor.
Ang teleponong is ginawa para gamitin na may bateryang BL-5C.
1. Pindutin ang release button ng panlikod na takip (1), buksan ang panlikod na takip, at tanggalin ito (2, 3).
2 Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Pagsisimula
2. Angatin ang baterya mula sa finger grip, at tanggalin ito (4). Mainggat na angatin ang SIM card holder mula sa finger grip ng telepono (5).
3. Ipasok ang SIM card, siguraduhin na ang may-tapyas na kanto ay nasa pang-itaas na kanang panig at ang ginintuang kontak ay nakaharap sa ibaba (6).
4. Sarhan ang SIM card holder (7), at diinan ito upang ikandado sa lugar.
5. Ipasok ang baterya (8, 9).

Kargahan ang baterya

1. Ikabit ang charger sa isang saksakang ac sa dingding.
2. Ikabit ang plug mula sa charger patungo sa base ng telepono. Ang battery indicator bar ay magsisimula sa pag-iskrol.
Kung Hindi nagcha-charge ay ipinakita, maghintay sandali, tanggalin ang charger, muli itong isaksak, at muling subukin. Kung hindi pa rin makapagkarga, kontakin ang iyong dealer.
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. 3
Pagsisimula
3. Kapag ang baterya ay lubos na nakargahan, ang bar ay tumitigil sa pag­iskrol. Tanggalin ang charger mula sa telepono at sa saksakang ac.

Pagbukas o pagpatay

Pindutin at huwag bitiwan ang end key para sa ilang segundo.
Babala! Huwag bubuksan ang telepono kapag ang paggamit ng wireless phone ay ipinagbabawal o kapag ito ay maaaring maging sanhi ng interference o panganib.
Gamitin lamang ang telepono sa normal na posisyon ng paggamit nito.
Ang iyong telepono ay may panloob na antenna.
Paalala: Katulad ng ibang radio transmitting device, huwag hahawakan nang hindi kinakailangan ang antenna kapag ang telepono ay nakabukas. Ang pagsagi sa antenna ay nakakaapekto sa kalidad ng tawag at maaaring maging dahilan upang ang kagamitan ay tumakbo sa antas ng power na mas mataas sa kailangan. Ang pag-iwas na masagi ang antenna habang ginagamit ang kagamitan ay nagpapataas ng pagganap ng antenna at ng buhay ng baterya.
4 Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Paalala: Iwasang masagi ang konektor
na ito dahil ito ay sensitibo sa electrostatic discharge.

Palitan ang mga takip

Paalala: Laging patayin ang power at idiskunekta ang charger at anumang ibang kagamitan bago tanggalin ang takip. Iwasang sumagi sa mga elektronikong sangkap habang nagpapalit ng takip. Laging itago at gamitin ang kagamitan na nakakabit ang mga takip.
1. Diinan ang release button ng panlikod na takip (1), buksan ang panlikod na takip, at tanggalin ito (2, 3).
2. Maingat ng tanggalin ang pangharap na takip (4).
Pagsisimula
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. 5
Pagsisimula
3. Ipasok ang keymat sa bagong pangharap na takip (5).
4. Itapat ang tuktok ng pangharap na takip sa tuktok ng telepono at diinan ang pangharap na takip upang ikandado ito sa lugar (6,7).

Demo mode

Maaari mong tingnan kung paano ginagamit ang mga partikular na katangian ng iyong telepono. Upang ma-access and demo, gamitin ang isa sa dalawang paraan:
• Kung ang SIM card ay hindi nakakabit, piliin ang Demo.
Mga basic—Upang tingnan ang demo ng Tumawag, Sumagot tawag,
Ipadla txt. msg., o Mgtakda alarm.
Iba pa—Upang tingnan ang demo ng Speaking clock, Ang tono ng ring,
o Mga tema
Mga laro—Upang laruin ang mga laro sa iyong telepono
6 Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Pagsisimula
• Kung ang SIM card ay nakainstala, piliin ang Menu > Mga ekstra >
Demo > Mga basic o Iba pa; o, puwede mong ma-access ang demo
mode sa pamamagitan ng pag-iskrol sa standby mode.

Mga shortcut sa standby mode

Mag-iskrol paitaas upang ma-access ang Mga tawag.
Mag-iskrol paibaba upang ma-access ang mga pangalan at numero na pinamamalagi sa Mga kontak.
Mag-iskrol pakanan upang magsulat ng mensahe.
Mag-iskrol pakanan upang ma-access ang demo mode.
Pindutin at huwag bitiwan ang * upang isaaktibo ang nagsasalitang orasan.
Pindutin nang isang beses ang call key upang ma-access ang listahan ng mga idinayal na numero. Mag-iskrol sa pangalan o numero na gusto mo, at upang tawagan ang numero, pindutin ang call key.

Ikandado ang keypad

Ang keypad lock ay tumutulong na pigilan ang mga key na aksidenteng mapindot.
Upang ikandado ang keypad, sa standby mode, piliin ang
Menu, at pindutin ang * nang mabilis, upang alisan ng
kandado, piliin ang I-unlck, at pindutin ang * nang mabilis.
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. 7
Pagsisimula
Upang awtomatikong paganahin ang keylock, tingnan ang "Mga setting ng
telepono" sa pahina 32.
Kapag ang keypad lock ay ginagamit, ang mga tawag ay maaaring posible sa opisyal na emergency number na nakaprograma sa iyong kagamitan.
Ipasok ang emergency number, at pindutin ang call key. Ang emergency number na ipinasok mo ay maaaring hindi ipakita sa screen.
8 Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Call functions

2. Call functions

Tumawag

1. Idayal ang numero ng telepono at ang area code kung kailangan.
Upang gumawa ng mga tawag na international, mabilis na pindutin ang * nang dalawang beses, idagdag ang country (o region) code at saka ang area code (tanggalin ang nauunang 0 kung kailangan).
Upang tanggalin ang huling numerong ipinasok, piliin ang I-reset.
2. Pindutin ang call key upang tawagan ang numero. Mag-iskrol pakanan upang itaas o ibaba ang volume ng earpiece o headset habang nasa isang tawag.
3. Pindutin ang end key upang tapusin ang tawag (o upang kanselahin ang pagtatangkang tumawag).

Gumawa ng conference call

Ang conference call (Network service) ay nagpapahintulot sa hanggang limang tao na lumahok sa iisang tawag.
1. Upang tumawag sa isang bagong kalahok, piliin ang Opsyon > Bagong
tawag; select I-reset upang alisan ng laman ang screen kung kailangan.
Ipasok ang emergency number na gusto mo, at pindutin ang call key.
2. Kapag sinagot ang bagong tawag, idagdag ito sa conference call sa pamamagitan ng pagpili sa Opsyon > Kumperensiya.
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. 9
Call functions

Muling magdayal ng numero

Upang muling idayal ang isa sa pinakahuling dalawampung numero ng telepono na tinawagan mo o tinangkang tawagan, pindutin ang call key nang isang beses sa standby mode, mag-iskrol sa numero ng telepono o pangalan na gusto mo, at pindutin ang call key.

Mabilis na pagdayal

Sa standby mode, piliin ang Menu > Mga kontak > Mga bilis-dayal at ang isa sa mga sumusunod na opsyon:
Bukas o Isarado upang buksan o patayin ang mabilis na pagdayal
I-edit upang i-edit ang listahan ng mabilis na pagdayal
Mag-iskrol upang piliin ang number key na gusto mo (2 to 9), at piliin ang I-assign; piliin kung gusto mong magtalaga sa tawag o sa SMS, at piliin ang pangalang gusto mo.
Upang idayal ang isang numero na ginagamit ang mabilis na pagdayal, pindutin at huwag bitiwan ang kaugnay na itinalagang number key sa standby mode.

Sagutin ang isang tawag

Kapag may isang papasok na tawag, pindutin ang call key upang sagutin ito. Upang tanggihan ang tawag nang hindi sumasagot, pindutin ang end key.
10 Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Call functions

Loudspeaker

Kung available, maaari mong piliin ang Loudsp. o Hands. upang gamitin ang loudspeaker o ang earpiece ng telepono habang nasa isang tawag.
Babala: Huwag hahawakan ang kagamitan na malapit sa iyong tainga kapag ginagamit ang loudspeaker, dahil ang volume ay maaaring sorbrang malakas.

Mga boses na mensahe (Network service)

Upang tanggapin ang iyong voice mailbox number, kontakin ang iyong service provider. Upang tawagan ang iyong voice mailbox, pindutin at huwag bitiwan ang 1 sa standby mode. Maaaring kailangan mong ipasok ang numero kapag tumatawag sa unang pagkakataon. Upang baguhin ang numero ng voice mailbox, tingnan ang "Settings para sa mga Kontak" sa pahina 24.
Upang ilihis ang mga tawag sa iyong voice mailbox, tingnan ang "Settings
ng tawag" sa pahina 31.
Copyright © 2005 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. 11
Loading...
+ 51 hidden pages