PAHAYAG NG PAGSANG-AYON
Kami, ang NOKIA CORPORATION ay nagpapahayag na ang produktong RM-209
na ito ay sumusunod sa mga mahahalagang ipinag-uutos at iba pang maykaugnayang kondisyon ng Direktiba 1999/5/EC.
Ang kopya ng Pahayag ng Pagsang-ayon ay makikita sa
http://www.nokia.com/phones/declaration_of_conformity/.
Ang pagkokopya, paglilipat, pamamahagi o pag-store ng bahagi o lahat ng
nilalaman ng dokumentong ito sa anumang anyo nang walang nakasulat na
pahintulot ng Nokia ay ipinagbabawal.
Ang Nokia, Nokia Connecting People, Xpress-on, XpressPrint at Pop-Port ay mga
tatak-pangalakal o mga rehistradong tatak-pangalakal ng Nokia Corporation.
Ang iba pang pangalan ng produkto at kompanya na nabanggit dito ay maaaring
mga tatak-pangalakal o ngalang-pangalakal ng mga nag-aari sa mga ito.
Ang Nokia tune ay isang tunog na tanda ng Nokia Corporation.
Kasama ang RSA BSAFE cryptographic o security protocol software mula
sa RSA Security.
Ang Java ay isang trademark ng Sun Microsystems, Inc.
Ang produktong ito ay lisensiyado sa ilalim ng MPEG-4 Visual Patent Portfolio
License (i) para sa personal at di-pangkomersiyong koneksiyon na may
kaugnayan sa impormasyon na inilagay sa code na sumusunod sa MPEG-4 Visual
Standard ng isang tagatangkilik na gumagawa ng isang personal at dipangkomersiyong aktibidad at (ii) para sa paggamit na may kaugnayan sa
MPEG-4 video na ipinagkaloob ng isang lisensiyadong video provider. Walang
lisensiya na iginagawad o dapat ipahiwatig para sa anumang ibang paggamit.
Ang karagdagang impormasyon kabilang ang may kaugnayan sa
pagpapalaganap, panloob at pangkomersiyong paggamit ay maaaring makuha
mula sa MPEG LA, LLC. Tingnan ang <http://www.mpegla.com>.
Patakaran ng Nokia ang patuloy na pagpapaunlad. Nasa Nokia ang karapatang
gumawa ng mga pagbabago at pagpapahusay sa anumang produktong
inilarawan sa dokumentong ito nang walang paunang paunawa.
Ang aparato na ito ay sumusunod sa Directive 2002/95/EC ukol sa pagrerenda ng
paggamit ng ilang mga mapanganib na sustansya sa mga kagamitang
de-koryente o elektroniko.
Hindi kailanman dapat managot ang Nokia sa anumang pagkawala ng data o kita
o anumang espesyal, nagkataon, kinahantungan o di-tuwirang mga pinsala
anuman ang naging dahilan.
Ang mga nilalaman ng dokumentong ito ay ipinagkakaloob "as is". Maliban kung
iniaatas ng angkop na batas, walang anumang uri ng mga warantiya, ipinahayag
man o ipinahiwatig, kabilang ang, pero hindi limitado sa, ipinahiwatig na
warantiya ng kakayahang maibenta at kaangkupan sa isang partikular na
layunin, ang ginawa na may kaugnayan sa katumpakan, pagiging maaasahan o
mga nilalaman ng dokumentong ito. Inilalaan ng Nokia ang karapatan nitong na
baguhin ang dokumentong ito o bawiin ito sa anumang oras nang walang
paunang paunawa.
Ang pagkakaroon ng mga partikular na produkto ay depende sa rehiyon.
Mangyaring itanong sa Nokia dealer na pinakamalapit sa inyo.
Ang kagamitang ito ay maaaring magtaglay ng mga kalakal, teknolohiya o
software na napapailalim sa mga batas sa pagluwas at mga regulasyon mula sa
Estados Unidos at ibang mga bansa. Ang paglilihis na kontra sa batas ay
ipinagbabawal.
Ang pagsuporta ng Nokia Care sa web
ay nagdudulot sa iyo ng karagdagang
impormasyon ukol sa aming mga
serbisyong online.
INTERACTIVE DEMONSTRATIONS (MGA
MAPAG-UGNAY NA PAGPAPAHIWATIG)
Alamin kung paano itataguyod ang
iyong telepono sa kauna-unahang
pagkakataon, at kumuha ng dagdagimpormasyon ukol sa mga tampok nito.
Ang Interactive Demonstrations ay
nagbibigay sa iyo ng mga hakbanghakbang na panuto ukol sa paggamit
ng iyong telepono.
GABAY NG GUMAGAMIT
Ang online na Gabay ng Gumagamit ay
naglalaman ng detalyadong
impormasyon sa iyong telepono. Huwag
kalimutang tiyakin ito nang regular
para sa mga bago.
MGA SOFTWARE
Sulitin ang iyong telepono gamit ang
software para sa iyong telepono at PC.
Kinokonekta ng Nokia PC Suite ang
iyong telepono at PC upang maaari
mong mapamahalaan ang iyong
kalendaryo, mga kontak, musika at
larawan, habang nakakadagdag ang
ibang mga application sa paggamit nito.
MGA SETTING
Ang ilang mga pag-andar ng telepono,
tulad ng multimedia messaging, mobile
browsing at email, ay maaaring
mangailangan na maitakda mo muna
ang mga setting bago mo magamit ang
mga ito. Ipadala ang mga setting na ito
papunta sa iyong telepono nang
walang binabayaran.
*Hindi magagamit sa lahat ng mga telepono.
PAANO KO MAGAGAMIT ANG AKING TELEPONO?
Ang bahagi ng Set Up, sa www.nokia-asia.com/setup, ay tumutulong sa iyong
maihanda ang iyong telepono upang ito ay magamit. Gamayin mo ang mga pagandar at tampok ng telepono sa pamamagitan ng pagsangguni sa bahagi ng
Guides and Demos sa www.nokia-asia.com/guides.
PAANO KO PAGSASABAYIN ANG AKING TELEPONO AT PC?
Sa pamamagitan ng pagkonekta ng iyong telepono sa isang katugmang PC gamit
ang kinakailangang bersyon ng Nokia PC Suite mula sa www.nokia-asia.com/
pcsuite ay nagbibigay-daan sa iyo upang maipagpasabay mo ang iyong
kalendaryo at mga kontak.
SAAN AKO MAKAKAKUHA NG SOFTWARE PARA SA AKING TELEPONO?
Sulitin ang iyong telepono sa pamamagitan ng mga pag-download mula sa
bahaging Software sa www.nokia-asia.com/software.
SAAN AKO MAKAKATAGPO NG MGA SAGOT SA MGA KARANIWANG
KATANUNGAN?
Sumangguni sa bahaging FAQ sa www.nokia-asia.com/faq para sa mga
kasagutan sa iyong mga katanungan sa iyong telepono at sa iba pang mga
produkto at serbisyo ng Nokia.
PAANO KO MASUSUBAYBAYAN ANG MGA BALITANG NOKIA?
Kumuha ng online na suskrisyon sa Nokia Connections sa www.nokia-asia.com/
signup, at maging isa sa mga unang makaka-alam ukol sa mga pinakabagong
produkto, promo at mga darating na kaganapan.
Kung sakaling mangailangan ka pa din ng karagdagang tulong, mangyaring
sumangguni sa www.nokia-asia.com/contactus.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga serbisyo sa pagkumpuni,
pakibisita ang www.nokia-asia.com/repair.
Pakibisita ang www.nokia-asia.com/support para sa mga
detalye.
Basahin ang mga sumusunod na
simpleng patnubay. Ang paglabag sa
mga ito ay maaaring mapanganib o
labag sa batas. Basahin ang
kumpletong patnubay sa gumagamit
para sa higit na impormasyon.
BUKSAN NANG LIGTAS
Huwag bubuksan ang
telepono kung ang
paggamit ng wireless
phone ay ipinagbabawal o
kung maaaring maging
sanhi ng interference o
panganib.
KALIGTASAN SA DAAN
ANG MAHALAGA
Sundin ang lahat ng lokal
na batas. Laging tiyakin na
malayang
nakakapagpatakbo ng
sasakyan ang iyong mga
kamay habang
nagmamaneho. Ang
pangunahing dapat na
isaalang-alang habang
nagmamaneho ay ang
kaligtasan sa daan.
INTERFERENCE
Lahat ng wireless phones
ay maaaring magkaroon
ng interference, na
makakaapekto sa
pagganap.
PATAYIN SA LOOB NG
MGA OSPITAL
Sundin ang anumang mga
restriksiyon. Patayin ang
telepono kapag malapit sa
mga kagamitang medikal.
PATAYIN SA LOOB NG
SASAKYANG
PANGHIMPAPAWID
Sundin ang anumang mga
restriksiyon. Ang wireless
devices ay maaaring
maging sanhi ng
interference sa aircraft.
PATAYIN KAPAG
NAGLALAGAY NG GAS
Huwag gagamitin ang
telepono sa isang
gasolinahan. Huwag
gagamitin kapag malapit
sa gas o mga kemikal.
PATAYIN KUNG MALAPIT
SA PAGPAPASABOG
Sundin ang anumang mga
restriksiyon. Huwag
gagamitin ang telepono sa
lugar na may ginagawang
pagpapasabog.
GAMITIN NANG MAAYOS
Gamitin lamang sa normal
na posisyon na
ipinaliwanag sa
dokumentasyon ng
produkto. Huwag
gagalawin ang antenna
kung hindi kinakailangan.
Mga kuwalipikadong
tauhan lang ang maaaring
magkabit o magkumpuni
ng produktong ito.
MGA PAGPAPAHUSAY AT
BATERYA
Gamitin lamang ang mga
inaprobahang
pagpapahusay at baterya.
Huwag ikunekta ang mga
produktong hindi
magkatugma.
PANLABAN SA TUBIG
Ang iyong telepono ay
walang panlaban sa tubig.
Panatilihin itong tuyo.
MGA PAMALIT NA KOPYA
Tandaan na gumawa ng
mga pamalit na kopya o
magtabi ng nakasulat na
rekord ng lahat ng
mahahalagang
impormasyon na nakalagay
sa iyong telepono.
PAGKUNEKTA SA IBANG
MGA KAGAMITAN
Kapag ikinukunekta sa
ibang kagamitan, basahin
ang patnubay sa paggamit
para sa mga detalyadong
tagubiling pangkaligtasan.
Huwag ikunekta ang mga
produktong hindi
magkatugma.
MGA TAWAG NA
EMERGENCY
Tiyaking nakabukas ang
telepono at nasa serbisyo.
Pindutin ang end key kung
ilang beses kailangan
upang alisan ng laman ang
display at bumalik sa screen
ng pagsisimula. Ipasok ang
emergency number, at saka
pindutin ang call key. Ibigay
ang iyong lokasyon. Huwag
tatapusin ang tawag
hanggang sabihan ka na
gawin ito.
■ Tungkol sa iyong
aparato
Ang wireless na aparato na
inilalarawan sa gabay na ito ay
inaprubahan para gamitin sa mga
EGSM 900 at GSM 1800 at 1900 na
network. Makipag-ugnayan sa iyong
service provider para sa karagdagang
impormasyon tungkol sa mga network.
Kapag ginagamit ang mga katangian
sa kagamitang ito, sundin ang lahat ng
batas at igalang ang pagkapribado at
mga lehitimong karapatan ng ibang
mga tao.
Kapag kumukuha o gumagamit ng mga
imahe o video clip, sundin ang lahat ng
mga batas at igalang ang mga lokal na
kaugalian pati na rin ang pagiging
pribado at mga lehitimong karapatan
ng iba, kasama ang mga karapatangari.
mga katangian sa
kagamitang ito, bukod sa
alarmang orasan, ang
kagamitan ay dapat
nakabukas. Huwag bubuksan
ang kagamitan kapag ang
wireless device ay maaaring
maging sanhi ng
intereference o panganib.
■ Mga serbisyo ng
network
Upang magamit ang telepono dapat na
mayroon kang serbisyo mula sa isang
wireless service provider. Marami sa
mga katangian ng kagamitang ito ay
nakadepende sa mga katangian ng
wireless network upang gumana. Ang
Network Services ay maaaring hindi
makukuha sa lahat ng network o
maaaring mangailangan ng
ispesipikong pakikipag-ayos sa iyong
service provider bago mo magamit ang
network services. Maaaring
kailanganin ng iyong service provider
na bigyan ka ng mga karagdagang
tagubilin para sa paggamit ng mga ito
at ipaliwanag kung ano ang mga
angkop na singil. May mga network na
maaaring may mga limitasyon na
nakakaapekto kung paano mo
magagamit ang network services.
Halimbawa, may mga network na
maaaring hindi sumusuporta sa lahat
ng karakter at mga serbisyo na
nakaayon sa ginagamit na wika.
Maaaring hiniling ng iyong service
provider na huwag paganahin o huwag
gawing aktibo ang ilang mga
katangian sa iyong aparato. Kung
magkaganito, ang mga ito ay hindi
lilitaw sa menu ng iyong aparato. Ang
iyong aparato ay maaaring sadyang
isinaayos para sa iyong network
provider. Maaaring kasama sa
pagsasaayos na ito ang mga
pagbabago sa mga pangalan ng menu,
pagkakasunod-sunod ng menu at mga
icon. Makipag-ugnayan sa iyong
service provider para sa karagdagang
impormasyon.
Ang aparatong ito ay sumusuporta sa
mga WAP 2.0 protocols (HTTP at SSL)
na gumagana sa mga TCPP/IP na
protocol. May mga katangian ng
kagamitang ito, tulad ng
pagmemensaheng multimedia (MMS),
pagbabasa, aplikasyon ng e-mail,
instant messaging, pagkakaroon ng
tapagpapahusay na kontak, at
pagpareho mula sa malayo, pagdownload ng nilalaman gamit ang
browser o MMS, na nangangailangan
ng suporta ng network para sa mga
teknolohiyang ito.
■ Shared memory
Ang mga sumusunod na katangian ng
teleponong ito ay ang shared memory:
gallery, mga kontak, mga text na
mensahe, mga mensaheng multimedia,
at mga instant na mensahe, e-mail,
kalendaryo, mga tala ng dapat-gawin,
TM
Java
mga laro at mga aplikasyon, at
aplikasyon ng pagtala. Ang paggamit
ng isa o higit sa mga katangiang ito ay
maaaring magbawas ng memory para
sa natitirang mga katangian na
nakikihati sa memory. Halimbawa, ang
pag-save ng maraming aplikasyon Java
ay maaaring gumamit ng lahat ng
magagamit na memory. Ang iyong
kagamitan ay maaaring magpakita ng
mensahe na ang memory ay puno na
kapag tinangka mong gamitin ang
katangian na nakikihati sa memory.
Kapag ganito pangyayari, bago
magpatuloy ay tanggalin muna ang
ilan sa impormasyon o mga ipinasok na
nagrereserba ng pinaghahatiang
memory. Ang ilan sa mga katangian,
tulad ng mga text message, ay
maaaring may partikular na dami ng
memory na sadyang inilaan sa mga ito
bilang karagdagan sa memory na
kahati sa paggamit ang ibang mga
katangian.
■ Mga Pagpapahusay
Ilang praktikal na mga tuntunin
tungkol sa mga accessory at
pagpapahusay:
• Iligpit ang mga accessory at
pagpapahusay sa lugar na hindi
maaabot ng mga maliliit na bata.
• Kapag tinatanggal ninyo ang
kurdon ng koryente ng anumang
accessory o pagpapahusay,
mahigpit na hawakan at hilahin
ang plug, hindi ang kurdon.
• Regular na tiyakin na ang mga
pagpapahusay na nakakabit sa
sasakyan ay wastong inilagay at
tumatakbo.
• Ang pagkakabit ng anumang
kumplikadong mga pagpapahusay
ng sasakyan ay dapat lamang
gawin ng kuwalipikadong tauhan.
Ang code ng seguridad (5
hanggang 10 numero) ay
tumutulong na protektahan ang
iyong telepono laban sa diawtorisadong paggamit. Ang
nakatakdang code ay 12345.
Upang baguhin ang code, at i-set
ang telepono upang hilingin nito
ang code, tingnan ang ”Seguridad”
p. 69.
PIN codes
Ang personal identification
number (PIN) code at ang
universal personal identification
number (UPIN) na code (4
hanggang 8 bilang) ay tumutulong
na protektahan ang iyong SIM
card laban sa di-awtorisadong
paggamit. Tingnan ang
”Seguridad” p. 69.
Ang PIN2 code (4 hanggang 8
bilang) ay maaaring ibigay kasama
ng SIM card at kinakailangan para
sa ilang function.
Ang module PIN ay kinakailangan
upang mapuntahan ang
impormasyon sa security module.
Tingnan ang ”Module ng
seguridad” p. 94.
Ang pang-lagdang PIN ay
kinakailangan para sa pirmang
digital. Tingnan ang ”Digital na
pirma” p. 95.
Mga PUK code
Ang personal unblocking key (PUK)
code at ang universal personal
unblocking key (UPUK) code (8 na
bilang) ay kinakailangan upang
baguhin ang hinarangang PIN
code at UPIN code, ayon sa
pagkakabanggit. Ang PUK2 code (8
na bilang) ay kinakailangan upang
baguhin ang hinarangang PIN2
code. Kung ang mga code ay hindi
ibinibigay kasama ng SIM card,
makipag-ugnayan sa iyong lokal
na service provider para sa mga
code.
Password ng paghadlang
Ang password ng paghadlang (4
digit) ay kailangan kapag
ginagamit ang Serbis., hadlang
Upang magamit ang ilan sa mga
serbisyo ng network, tulad ng mga
serbisyo ng mobile Internet, MMS,
Nokia Xpress audio messaging, o
malayuang pagpapareho ng
Internet server, kailangan ng iyong
telepono ng tamang configuration
settings Para sa karagdagang
impormasyon tungkol sa
pagkakaroon ng mga ito, kontakin
ang iyong network operator,
service provider, pinakamalapit na
awtorisadong Nokia dealer, o
bisitahin ang lugar ng suporta sa
Nokia Web site, www.nokiaasia.com/support.
Kapag natanggap mo ang mga
setting bilang configuration
message, at ang mga setting ay
hindi awtomatikong naisave at
naging aktibo, ang Setting ng
kumpigurasyon natanggap ay
lilitaw.
Para i-save ang mga setting, piliin
ang Ipakita > I-save. Kung
kinakailangan, ipasok ang PIN
code na ibinigay ng service
provider.
Upang itapon ang mga natanggap
na setting, piliin ang Labas o
Ipakita > Alisin.
■ Pag-download ng
nilalaman
Maaari kang mag-download ng
mga bagong nilalaman
(halimbawa, mga tema) papunta
sa telepono (serbisyo ng network).
Maaari ka ding makapagdownload ng mga update ng
software ng telepono (serbisyo ng
network). Tingnan ang ”Ang
Telepono” p. 66, Mga update ng
tel..
Para sa kakayahang makuha ang
ibait-ibang mga serbisyo,
pagpepresyo, at buwis, makipagugnayan sa iyong service provider.
Mahalaga: Gumamit
lamang nga mga serbisyo
na iyong
pinagkakatiwalaan at
nag-aalok ng sapat na
seguridad at proteksiyon
laban sa mapaminsalang
software.
■ Nokia support
Para sa pinakahuling bersiyon ng
gabay na ito, mga download, mga
serbisyo at karagdagang
impormasyon na may kinalaman
sa iyong produktong Nokia,
puntahan ang www.nokiaasia.com/7373/support o ang
iyong lokal na Nokia web site.
Maaari ka ring mag-download ng
mga libreng configuration setting
gaya ng MMS, GPRS, e-mail, at iba
pang serbisyo para sa iyong
modelo ng telepono sa
www.nokia-asia.com/
phonesettings.
Sakaling kailanganin mo pa rin ng
tulong, sumangguni sa
www.nokia-asia.com/contactus.
Para alamin ang pinakamalapit na
lokasyon ng Nokia care center sa
mga serbisyo ng pagpapanatili,
maaari mong puntahan ang
www.nokia-asia.com/repair.
Laging patayin ang aparato at
alisin sa pagkakasaksak ang
charger bago tanggalin ang
baterya.
Itago ang lahat ng mga SIM card
at memory card sa lugar na hindi
maaabot ng maliliit na bata.
Para sa kakayahang makuha at
impormasyon sa paggamit ng mga
serbisyo sa SIM card, makipagugnayan sa iyong tagapagbenta
ng SIM card. Ito ay maaaring ang
service provider, network operator,
o ibang tagapagbenta.
Ang kagamitang ito ay para
gamitin sa pamamagitan ng
bateryang BL-4B. Palaging
gumamit ng orihinal na mga
baterya ng Nokia. Tingnan ang
”Mga patnubay sa pagpapatunay
ng baterya ng Nokia” p. 101.
Ang SIM card at mga kontak nito
ay madaling mapinsala sa
pamamagitan ng mga gasgas o
pagyupi, kaya mag-ingat sa
paghawak, pagpasok, o
pagtanggal ng card.
Upang tanggalin ang takip sa likod
ng telepono, idiin at ipausad ang
takip (1).
Alisin ang baterya na tulad ng
nakalarawan (2). Buksan ang
sisidlan ng SIM card (3).
Ipasok nang maayos ang SIM card
sa sisidlan nito (4). Isara ang
lalagyan ng SIM kard (5), at
ipausad ito upang i-lock ito (6) sa
lalagyan.
Ibalik ang baterya (7). Pagmasdan
ang mga kontak ng baterya.
Padausdusin ang takip sa likod
pabalik sa dating lugar nito (8, 9).
Itago ang lahat ng
memory card na
microSD sa lugar na
hindi maaabot ng mga maliliit na
bata.
Patayin ang telepono, at alisin ang
takip sa likod at baterya ng
telepono.
Ipadausdos ang lalagyan ng
memory card upang ito'y i-lock (1)
at buksan ang lalagyan ng card (2).
Ipasok ang memory card sa
lalagyan ng card na ang bahagi ng
kontak ng kard ay nakaharap
paibaba (3), at isara ang lalagyan
ng card (4).
Ipadausdos ang lalagyan ng card
upang ito'y i-lock (5).
Ibalik ang baterya at isara ang
takip sa likod ng telepono.
Gamitin lamang ang mga
katugmang microSD card sa
aparatong ito. Ang iba pang mga
memory card, tulad ng mga
Reduced Size MultiMedia card, ay
hindi kasya sa slot ng microSD
card at hindi katugma sa
aparatong ito. Ang paggamit ng
di-katugmang memorya card ay
maaaring makapinsala sa memory
card gayon din sa kagamitan, at
ang data na nakaimbak sa
di-katugmang card ay maaaring
masira.
Gumamit lamang ng mga microSD
card na inaprubahan ng Nokia
para magamit sa aparatong ito.
Ginagamit ng Nokia ang mga
inaprubahang pamantayan sa
industriya para sa mga memory
card ngunit hindi lahat ng iba
pang mga tatak ay maaaring
gumana nang maayos o maging
ganap na katugma sa aparatong
ito.
■ Kargahan ang baterya
Tiyakin ang model number ng
anumang charger bago gamitin sa
aparatong ito. Ang aparatong ito
ay nilalayong gamitin kapag
isinaksak ng koryente sa isang
AC-3 na charger.
ng mga baterya, charger,
at pagpapahusay na
inaprobahan ng Nokia
upang gamitin sa
partikular na modelong
ito. Ang paggamit ng
ibang mga klase ay
maaaring magpawalangbisa sa anumang pagapruba o warranty, at
maaaring mapanganib.
Para malaman kung makukuha
ang inaprubahang mga
pagpapahusay, mangyaring
magtanong sa iyong dealer. Kapag
tinatanggal mo ang kurdon ng
koryente ng anumang
pagpapahusay, mahigpit na
hawakan at hilahin ang plug, hindi
ang kurdon.
1. Ikunekta ang charger sa isang
saksakan sa dingding.
2. Ikunekta ang tingga ng charger
sa saksakan na nasa ilalim ng
iyong telepono.
Kung ang baterya ay lubos na
walang-laman, maaaring tumagal
ng ilang minuto bago lumitaw ang
tagapahiwatig ng pag-charge sa
display o bago makapagsagawa ng
pagtawag.
Ang tagal ng pagkarga ay depende
sa ginagamit ng charger. Ang
pagkarga ng bateryang BL-4B sa
pamamagitan ng AC-3 charger ay
tumatagal ng humigit-kumulang
na 2 oras at 20 minuto habang ang
telepono ay nasa standby mode.
■ Buksan at isara ang
telepono
Upang buksan ang telepono,
ibiling sa kanan ang itaas na
bahagi (1) o sa kaliwa hanggang
ito ay mag-lock sa lugar.
Upang isara ang telepono, ibiling
ang itaas na bahagi sa kabilang
direksiyon (2).
Mahalaga: Kapag
binubuksan ang telepono,
ibiling ang itaas na bahagi
ng 180 degrees sa kaliwa
o kanan. Huwag ibiling
ang itaas na bahagi ng
higit sa 180 degrees. Kung
iyong sapilitang ibiling
ang itaas na bahagi ng
higit pa sa 180 degrees sa
Upang patayin ang isang tono na
tutunog kapag iyong binuksan at
isinara ang telepono, tingnan ang
”Mga tono” p. 57.
■ Buksan at isara ang
telepono
Babala: Huwag bubuksan
ang telepono kapag ang
paggamit ng wireless na
telepono ay
ipinagbabawal o kapag
maaaring maging sanhi ng
pagkagambala o
panganib.
Pindutin ng matagal ang power
key. Tingnan ang ”Mga pindutan at
mga bahagi” p. 22. Kapag humingi
ang telepono ng PIN o ng UPIN
code, ipasok ang code (ipinapakita
bilang ****), at piliin ang OK.
I-set ang oras at petsa
Ipasok ang lokal na oras, piliin ang
time zone ng iyong kinalalagyan
alinsunod sa pagkakaiba ng oras
kung ihahambing sa Greenwich
Mean Time (GMT), at ipasok ang
petsa. Tingnan ang ”Oras at petsa”
p. 59.
Isaksak at paganain ang
serbisyo
Kung iyong binuksan ang iyong
telepono sa kauna-unahan
pagkakataon, at ang telepono ay
nasa standby mode, ipapakuha sa
iyo ang mga setting ng
kumpigurasyon mula sa iyong
service provider (network service).
Kumpirmahin o tanggihan ang
katanungan. Tignan ang
"Kumonek. sa suporta," p. 68, at
”Serbisyo ng mga configuration
settings” p. 15.
■ Antenna
Ang iyong telepono ay may
panloob na antenna.
Paalala: Katulad ng ibang
radio transmitting na
aparato, huwag
hahawakan ang antenna
nang hindi kailangan
kapag ang aparato ay
nakabukas. Ang pagsagi sa
antenna ay nakakaapekto
sa kalidad ng tawag at
maaaring maging dahilan
upang ang kagamitan ay
gagana sa malakas na
koryente na mas mataas
kaysa sa kinailangan. Ang
pag-iwas na masagi ang
Ang iyong telepono ay may ilang
katangian upang makatipid sa
lakas ng baterya sa standby mode
kapag ang telepono ay hindi
aktibo. Ang mga katangiang ito ay
maaaring gawing aktibo o hindi.
Tingnan ang Power sa ver at Sleep
mode sa ”Display” p. 58.
Katayuan ng pagkakarga ng
baterya (2)
Mga palatandaan (3)
Pangalan ng network o logo ng
operator (4)
Orasan (5)
Pangunahing screen (6)
Ang gamit ng kaliwang left
selection key (7) ay Punta sa o ang
shortcut sa ibang gamit. Tingnan
ang ”Kaliwang selection key” p. 59.
Ang gamit ng gitnang selection
key (8) ay Menu.
Ang gamit ng kaliwang left
selection key (9) ay Musika o ang
shortcut sa ibang gamit. Tingnan
ang ”Kanang selection key” p. 59.
Ang mga pagkakaiba-iba ng
operator ay maaaring may
pangalan na natatangi sa operator
upang mapuntahan ang Web site
ng partikular na operator.
Aktibong standby
Sa mode ng aktibong standby ay
magkakaroon ng listahan sa
screen ng mga piling tampok ng
telepono at impormasyon na
maaari mong direktang
mapuntahan. Upang buksan o
patayin, piliin ang Menu > Mga
Sa standby mode, mag-scroll
pataas o pababa upang buhayin
ang paglilipat-lipat sa listahan at
piliin ang Piliin o Tingnan. Ang
kaliwa at kanang arrow sa umpisa
at sa dulo ng linya ang
palatandaan na may iba pang
impormasyon na makukuha sa
pamamagitan ng pag-scroll sa
kaliwa o kanan. Upang wakasan
ang mode sa paglilipat-lipat sa
aktibong standby, piliin ang Labas.
Upang ayusin at palitan ang mode
ng aktibong standby, gawing
aktibo ang navigation mode at
piliin ang Opsyon at mula sa mga
magagamit ng mga opsyon.
Mga shortcuts sa standby
mode
• Upang mapuntahan ang
listahan ng mga idinayal na
numero, pindutin ang pindutan
sa pagtawag nang isang beses.
Mag-scroll sa numero o
pangalan na gusto mo; at
upang tawagan ang numero,
pindutin ang pindutan sa
pagtawag.
• Upang buksan ang web
browser, pindutin ng matagal
ang 0.
• Upang tawagan ang iyong
voice mailbox, pindutin ng
matagal ang 1.
• Gamitin ang scroll key bilang
isang shortcut. Tingnan ang
”Ang aking mga shortcuts”
p. 59.
Mga Palatandaan
(indicator)
Mayroon kang hindi pa
nababasang mensahe sa
Inbox folder.
Mayroon kang mga
mensaheng hindi pa
naipapadala, nakansela o
nabigong ipadala sa
Outbox folder.
Ang telepono ay nagtala
ng isang di-nasagot na
tawag.
/ Ang iyong telepono ay
nakakunekta sa instant
messaging service, at ang
katayuan ng kakayahang
makuha ay online o
offline.
Nakatanggap ka ng isa o
maraming mga instant
message.
Ang keypad ng telepono
ay naka-lock.
Hindi tutunog ang
telepono para sa papasok
na tawag o mensaheng
text.
Kung ikaw ay may
dalawang linya ng
telepono, ang ikalawang
linya ang pinipili.
Lahat ng papasok na
tawag ay inililihis sa ibang
numero.
Ang mga loudspeaker ay
ginagawang aktibo, o ang
music stand ay
ikinokonekta sa telepono.
Ang mga tawag ay
limitado sa isang
ekslusibong grupo ng
tumatawag.
Ang inorasang profile ay
pinili.
, , , o
Ang isang headset,
handsfree, loopset, o
pagpapahusay ng music
stand ay nakakonekta sa
telepono.
■ Flight mode
Maaari mong patayin ang lahat ng
mga pag-andar na gumagamit ng
radio frequency ngunit maaari mo
pa ding magamit ang mga larong
offline, ang kalendaryo at
mapuntahan ang mga numero sa
telepono. Gamitin ang flight mode
sa mga kapaligirang sensitibo sa
senyales ng radyo—sa pagsakay ng
mga sasakyang panghimpapawid
o sa mga ospital. Kapag aktibo ang
flight mode, ang ay lilitaw.
Piliin ang Menu > Mga setting >
Mga profile > Flight > Isaaktibo o
I-personalise.
Upang patayin ang flight mode,
piliin ang anumang iba pang
profile.
Sa flight mode, maaari kang
makagawa ng isang emegency na
tawag. Ipasok ang emergency
number, pindutin ang pindutan ng
pagtawag, at piliin ang Oo kapag
natanong Lumabas sa flight
profile? Susubukan ng teleponong
magtatag ng emergency call.
■ Keypad lock
(keyguard)
Upang maiwasan ang mga hindi
sinasadyang pagpindot, piliin ang
Keyguard ng seg. ay naiset sa
Bukas, ipindot ang security code
kung hinihiling ito.
Upang sagutin ang isang tawag
kapag ang keyguard ay nakabukas,
pindutin ang pindutan ng tawag.
Kapag tinapos mo o tinanggihan
ang tawag, ang keypad ay
awtomatikong magkakandado.
Para sa Awtomatik keyguard at
Keyguard ng seg., tingnan ang
”Ang Telepono” p. 66.
Kapag ang keypad lock ay
gumagana, maaari pa ring
tumawag sa opisyal na emergency
number na nakaprograma sa iyong
aparato.
■ Mga kakayahan nang
walang SIM card
Maraming mga function ng iyong
telepono ang maaaring magamit
nang hindi nag-i-install ng isang
SIM card (halimbawa ang
paglilipat ng data gamit ang isang
katugmang PC o iba pang
katugmang aparato). Ang ilang
mga function ang lilitaw na
malabo sa mga menu at hindi
maaaring magamit.
Para sa isang emergency call, may
ilang network ang
nangangailangan ng isang maybisang SIM card na naipasok nang
wasto sa aparato.
1. Ipindot ang numero ng
telepono, kasama ang area
code.
Para sa mga pandaigdig na
tawag, pindutin ang * nang
dalawang beses para sa
pandaigdig na prefix (ang + na
karakter ang pumapalit sa
pandaigdig na access code) at
saka ipindot ang country code,
area code na walang nauunang
0, kung kailangan, at ang
numero ng telepono.
2. Upang tawagan ang numero,
pindutin ang pindutan ng
tawag.
Upang baguhin ang volume sa
isang tawag, pindutin ang mga
volume key.
3. Upang tapusin ang tawag o
kanselahin ang pagtatangkang
tumawag, pindutin ang
pindutan na end, o isara ang
telepono.
Upang hanapin ang isang
pangalan o numero ng telepono na
nai-save mo Mga contact,
tingnan ang ”Paghanap ng isang
kontak” p. 51. Pindutin ang
pindutan ng tawag upang
tawagan ang numero.
Upang makuha ang listahan ng
naidayal na mga numero, pindutin
ang pindutan ng tawag nang isang
beses sa standby mode. Upang
tawagan ang numero, piliin ang
isang numero o pangalan, at
pindutin ang pindutan ng tawag.
Mabilis na pagdayal
Magtakda ng numero ng telepono
sa isa sa mga key ng mabilis na
pagdayal, 2 hanggang 9. Tingnan
ang ”Mabibilis na pagdayal” p. 54.
Tawagan ang numero sa alinman
sa mga sumusunod na paraan:
• Pindutin ang isang pindutan ng
mabilis na pagdayal, at saka
ang pindutan ng tawag.
• Kung ang Bilis-dayal ay
nakaset sa Bukas, pindutin ng
matagal ang isang key ng
mabilis na pagdayal hanggang
magsimula ang tawag. Tingnan
ang Bilis-dayal sa ”Pagtawag”
p. 65.
Pinahusay na voice dialing
Makakatawag ka sa pamamagitan
ng pagbigkas ng pangalan na
naka-save sa listahan ng mga
kontak sa telepono. Ang mga pagutos sa pamamagitan ng boses ay
depende sa wika. Upang itakda
ang wika, tingnan ang Wika sa
pagkilala sa ”Ang Telepono” p. 66.
Paalala: Ang paggamit ng
mga tag ng boses ay
maaaring mahirap gawin
sa isang maingay na
kapaligiran o sa isang
emergency, kaya hindi ka
dapat umasa lamang sa
pagdayal na gamit ang
boses sa lahat ng mga
pagkakataon.
1. Sa standby mode, pindutin ng
matagal ang kanang selection
key o pindutin ng matagal ang
pindutan sa pagpapahina ng
lakas ng tunog. Isang maikling
tono ang papatugtugin, at ang
Magsalita na ngayon ay
lilitaw.
2. Sabihin nang malinaw ang
pag-uutos sa pamamagitan ng
boses. Kung naging
matagumpay ang pagkilala sa
boses, lilitaw ang isang
listahan na may mga katugma.
Pagaganahin ng telepono ang
pag-uutos sa pamamagitan ng
boses ng katugma sa unahan
ng listahan. Kung ang resulta
ay hindi tama, mag-scroll sa
ibang entry.
Ang paggamit ng mga pagutos sa pamamagitan ng boses
upang isagawa ang isang
napiling function ng telepono
ay katulad ng pagdayal ng sa
pamamagitan ng boses.
Tingnan ang Mga boses
command sa ”Ang aking mga
shortcuts” p. 59.
■ Ang pagsagot o di
pagsagot ng isang
tawag
Upang sagutin ang isang papasok
na tawag, pindutin ang pindutan
ng tawag, o buksan ang telepono.
Upang tapusin ang tawag,
pindutin ang pindutan na end, o
isara ang telepono.
Upang di sagutin ang isang
papasok na tawag, pindutin ang
pindutan na end. Upang patayin
ang pagtugtog ng isang ring tone,
piliin ang Ptahimik..
Ang naghihintay ng tawag
Upang sagutin ang naghihintay na
tawag habang nasa isang aktibong
tawag (serbisyo ng network),
pindutin ang pindutan ng tawag.
Ang unang tawag ay
pinapaghintay. Upang tapusin ang
aktibong tawag, pindutin ang
pindutan ng end.
Marami sa mga pagpipilian na
magagamit mo habang nasa isang
tawag ay mga serbisyo ng
network. Para malaman ang
kakayahang magagamit, makipagugnayan sa iyong service provider.
Habang nasa isang tawag, piliin
ang Opsyon at mula sa mga
sumusunod na opsyon:
Ang mga opsyon sa pagtawag ay
ang mga I-mute o I-unmute, Mga
contact, Menu, I-lock keypad, I-
record, Linaw ng boses,
Loudspeaker o Handset.
Ang mga opsyon sa mga serbisyo
ng network ay ang mga Sagutin o
Tanggihan, Paghintayin o Ituloy,
Bagong tawag, Idagdag sa kump.,
Tapusin tawag, Tapusin lahat, at
ang mga sumusunod:
Ipadala DTMF — upang ipadala
ang mga string ng tono
Pagpalitin — upang lumipat sa
pagitan ng aktibong tawag at
pinapaghintay na tawag
Ilipat — upang ikonekta sa
naghihintay na tawag sa aktibong
tawag at idiskonekta ang iyong
sarili
Kumperensya — upang magtatag
ng isang tawag na kumperensiya
Pribadong tawag — upang
pribadong mag-usap sa isang
kumperensiyang tawag
Babala: Huwag
masyadong ilapit ang
kagamitan sa iyong tainga
kapag ginagamit ang
loudspeaker, dahil ang
volume ay maaaring
sobrang malakas.
Upang ipindot ng teksto
(halimbawa kapag nagsusulat ng
mga mensahe) gamitin ang
nakasanayang pagpapasok ng
teksto o ang mapaghulang
pagpapasok ng teksto. Kapag
gumagawa ng isang text, ipindot
ng matagalan ang Opsyon upang
magpalipat-lipat ng
nakasanayang pagpindot ng text
na ipinapakita ng , at ang
mapaghulang pagpagawa ng text,
na ipinapakita ng . Hindi
lahat ng mga wika ay gagamit ng
mapaghulang pagpapasok ng text.
Ang mga laki ng titik ay
ipinapakita ng , , at .
Upang baguhin ang laki ng
karakter, pindutin ang #. Upang
palitan ang letter mode upang
maging number mode, na
ipinapakita ng , pindutin nang
matagalan ang #, at piliin ang
Mode ng numero. Upang lumipat
mula sa number mode patungo sa
letter mode, pindutin nang
matagalan ang #.
Para i-set ang wika sa pagsusulat,
piliin ang Opsyon > Panulat na
wika.
■ Tradisyonal na input
ng text
Pindutin ang isang numero key, 1
hanggang 9, ng paulit-ulit
hanggang lumitaw ang nais na
karakter. Ang mga character na
magagamit ay depende sa wikang
pinili para sa pagsusulat. Kung ang
kasunod na titik na gusto mo ay
nasa pindutan na kapareho ng
kasalukuyang pindutan,
maghintay hanggang ang cursor
ay lumitaw, o ilipat ang joystick at
saka ipasok ang titik. Ang
pinakakaraniwang bantas
(punctuation marks) at mga
espesyal na karakter ay nasa
number key 1.
■ Ang predictive text
input
Ang predictive text input ay batay
sa isang nakapaloob na
diksiyunaryo kung saan maaari
kang magdagdag ng mga bagong
salita.
1. Simulan ang pagbuo ng salita
gamit ang mga key na 2
hanggang 9. Pindutin ang
bawat key nang isang beses
lamang para sa isang titik.