Nokia 6210 NAVIGATOR User Manual

Gabay sa Gumagamit ng
Nokia 6210 Navigator
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
PAHAYAG NG PAGSUNOD
0434
© 2008 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan. Ang Nokia, Nokia Connecting People, Navi, Visual Radio at Nokia Care, ay mga markang-kalakal o rehistradong markang-kalakal ng Nokia Corporation. Ang Nokia tune ay tatak na tunog ng Nokia Corporation. Ang ibang mga pangalan ng produkto
at kompanya na nabanggit dito ay maaaring mga tatak-pangkalakal ng kani­kanilang may-ari. Ang pagkopya, paglipat, distribusyon, o pag-iimbak ng bahagi o lahat ng mga nilalaman sa dokumentong ito sa anumang anyo nang walang paunang nakasulat na permiso ng Nokia ay ipinagbabawal.
US Patent No 5818437 at iba pang mga nakabinbing patente. T9 text input software Copyright © 1997-2008. Tegic Communications, Inc. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Ang Java™ at lahat ng markang naka-batay sa Java ay mga tatak pangkalakal o rehistradong mga tatak pangkalakal ng Sun Microsystems, Inc.
Mga bahagi ng Nokia Maps software ay © 1996-2008 The FreeType Project. Lahat ng mga karapatan ay nakareserba. Ang produktong ito ay lisensiyado sa ilalim ng MPEG-4 Visual Patent Portfolio License (i) para sa personal at hindi pangkomersiyong paggamit na may kaugnayan sa impormasyon na na-encode bilang pagtalima sa MPEG-4 Visual Standard ng isang mamimili na abala sa isang personal at hindi pangkomersiyong aktibidad at (ii) para sa paggamit na may kaugnayan sa MPEG-4 video na ibinigay ng isang lisensiyadong video provider. Walang lisensiya ang igagawad o ipapahiwatig para
Sa pamamagitan nito, idinideklara ng NOKIA CORPORATION na itong produktong RM-367 ay tumatalima sa mga mahahalagang kinakailangan at iba pang mga nauugnay na probisyon ng Directive 1999/5/EC. Ang kopya ng Declaration of Conformity ay matatagpuan sa http://www.nokia.com/phones/ declaration_of_conformity/.
Kabilang sa produktong ito ang software na lisensiyado mula sa Symbian Software Ltd.© 1998-2008. Ang Symbian at Symbian OS ay mga tatak-pangkalakal ng Symbian Ltd.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
sa anumang iba pang paggamit. Maaaring makuha ang karagdagang impormasyon, kabilang ang nauugnay sa mga paggamit sa promosyonal, internal, at komersyo, sa MPEG LA, LLC. Tingnan ang <http://www.mpegla.com>. Ang Nokia ay nagpapatakbo sa patakaran na patuloy na pagpapaunlad. Nirereserba ng Nokia ang karapa tan na gumawa ng mga pagbabago at pagpapabuti sa alinmang mga produktong naisalarawan sa dokumentong ito nang walang paunang abiso. HANGGANG SA PINAKAMALAWAK NA HANGGANANG PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, HINDI SA ANUMANG PAGKAKATAON ANG NOKIA O SINUMANG MGA TAGAPAGLISENSYA NITO AY MANANAGOT SA ANUMANG PAGKAWALA NG DATA O KITA O ANUMANG ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHINATNAN O MGA HINDI DIREKTANG PINSALA GAANO MAN ANG NAIDULOT. ANG MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO AY IPINAGKAKALOOB NANG “AS IS“. MALIBAN KUNG KAKAILANGANIN NG NAAANGKOP NA BATAS, WALANG GARANTIYA NG ANUMANG URI, INIHAYAG MAN O IPINAHIWATIG, KABILANG NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA NG PAGKAKOMERSYANTE AT KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, AY GINAWA NA MAY KAUGNAYAN SA KATUMPAKAN, PAGKAMAAASAHAN O MGA NILALAMAN NG DOKUMENTONG ITO. NIRERESERBA NG NOKIA ANG KARAPATAN NA BAGUHIN ANG DOKUMENTONG ITO O BAWIIN ITO SA ANUMANG ORAS NANG WALANG PAUNANG ABISO. Ang pagkakaroon ng mga parktikular na produkto at application at serbisyo para sa mga produktong ito ay maaaring mag-iba ayon sa rehiyon. Mangyaring alamin sa iyong Nokia dealer para sa mga detalye, at pagkakaroon ng mga opsyon ng wika.
Mga pangkontrol sa pagluwas Ang aparatong ito ay maaaring maglaman ng mga kalakal, teknolohiya o software na sasailalim sa mga batas at regulasyon sa US at iba pang mga bansa. Ang dibersyong laban sa batas ay ipinagbabawal. Ang mga application na mula sa ikatlong partido na ibinigay kasama ng iyong aparato ay ginawa at maaaring pag-aari ng mga tao o mga entidad na hindi kasapi
sa o may-kaugnayan sa Nokia. Hindi pag-aari ng Nokia ang mga copyright o mga karapatan sa intelektwal na pag-aari sa mga application ng ikatlong-partido. Dahil dito, ang Nokia ay walang anumang pananagutan para sa suporta sa end­user, pagganap ng mga application, o ang impormasyon sa mga application o sa mga materyales na ito. Ang Nokia ay hindi nagkakaloob ng warranty para sa mga application na ito na mula sa ikatlong partido. SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA APPLICATION AY KINIKILALA MO NA ANG MGA APPLICATION AY IDINUDULOT NANG WALANG ANMUMANG WARRANTY, TAHASAN MANG IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG, HANGGANG SA
i
SUKDULANG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS. HIGIT MO PANG TINANGGAP NA ANG NOKIA MAN O ANG MGA KASAPI NITO AY DI GUMAGAWA NG ANUMANG REPRESENTASYON O MGA GARANTIYA, INIHAYAG O IPINAHIWATIG, KABILANG NGUNIT DI LIMITADO SA MGA GARANTIYA NG TITULO, KAKAYAHANG MAIBENTA O KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, O NA ANG MGA APLIKASYON AY DI LALABAG SA ANUMANG MGA PATENTENG IKATLONG-PARTIDO, KARAPATANG-MAGLATHALA, TATAK­PANGKALAKAL, O IBA PANG MGA KARAPATAN.
ii
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.

Mga Nilalaman

Kaligtasan................................................. vii
Tungkol sa iyong aparato.................................................viii
Mga serbisyong pang-network......................................... ix
Pag-alis ng baterya............................................................... x
Suporta ...................................................... xi
Tulong ......................................................................................xi
Impormasyon ng suporta at kontak ng Nokia..............xi
Magsimula ..................................................1
Ipasok ang (U)SIM card at baterya...................................1
Kard ng memory .................................................................... 2
Kargahan ang baterya..........................................................2
Buksan at isara ang aparato ..............................................3
Mga lokasyon ng antenna ..................................................4
Mga setting ng kumpigurasyon.........................................4
Aplikasyon para sa pagsalubong....................................... 5
Settings wizard ......................................................................5
Ang iyong aparato .....................................6
Mga pindutan at piyesa.......................................................6
Standby mode.........................................................................7
Mga tagapagpahiwatig........................................................8
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Screen saver..........................................................................10
Menu.......................................................................................10
Magmarka ng mga aytem sa isang application .........10
Lumipat sa pagitan ng mga application....................... 10
Magsara ng application.....................................................10
Volume control ....................................................................11
I-display ang pag-ikot .......................................................11
Kontrol sa pagpihit ............................................................. 11
Kandado ng teklado (keyguard)......................................11
Remote na pag-lock...........................................................12
Mga access code .................................................................12
Mag-download!...................................................................13
Sarili ko ..................................................................................13
Ikabit ang isang kabagay na headset............................14
Magkunekta ng isang USB data cable..........................14
Mga punsiyon ng tawag..........................15
Magsagawa ng tawag na pang-boses..........................15
Sagutin o tanggihan ang tawag.....................................17
Mga video call......................................................................18
Mga setting ng tawag .......................................................19
Video sharing o pamamahagi ng video.........................20
Log o talaan..........................................................................22
iii
Magsulat ng text.....................................23
Tradisyunal at mapaghulang pagpasok ng text..........23
Pagkopya at pagbura ng teksto.......................................24
Pagmemensahe ........................................25
Magsulat at magpadala ng mga mensahe...................25
Inbox .......................................................................................26
Mga mensaheng serbisyo..................................................26
E-mail .....................................................................................26
Outbox....................................................................................27
Tagabasa ng mensahe........................................................28
Tingnan ang mga mensahe sa SIM card.......................28
Cell broadcast.......................................................................28
Mga serbisyong utos ..........................................................28
Mga setting ng pagmemensahe......................................28
Mga kontak..............................................30
Mag-save at mangasiwa ng mga impormasyon ng
contact ...................................................................................30
Mga grupo ng contact.......................................................30
Magdagdag ng tono ng ring ............................................31
Pagpoposisyon..........................................32
Tungkol sa GPS.....................................................................32
Assisted GPS .........................................................................32
Mag-set up ng koneksyong GPS.....................................33
Mga kahilingan ng posisyon............................................34
Mga Mapa............................................................................. 34
Palatandaan..........................................................................41
GPS data................................................................................41
Gallery.......................................................43
Main view..............................................................................43
Mag-download ng mga file .............................................43
Tingnan ang mga imahe.................................................... 43
Mag-edit ng mga larawan ...............................................44
Mag-edit ng mga video clip.............................................44
Mag-print ng mga imahe .................................................44
Mamahagi nang online .....................................................44
Kamera......................................................47
Kumuha ng mga imahe.....................................................47
Mag-rekord ng mga video clip........................................48
Kumuha ng mga panoramic na imahe..........................48
Media........................................................49
Music player.........................................................................49
Nokia Podcasting ................................................................51
Radyo......................................................................................53
RealPlayer..............................................................................55
Flash Player...........................................................................55
Rekorder o taga-rekord.....................................................56
iv
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Internet.................................................... 57
I-browse ang Web...............................................................57
Paghahanap ..........................................................................60
Pagsasapersonal ...................................... 61
Mga tema ..............................................................................61
Mga profile............................................................................61
Pamamahala ng oras .............................. 62
Orasan.....................................................................................62
Oras at petsa.........................................................................62
Kalendaryo.............................................................................63
Mga aplikasyong pang-opisina ............. 64
Mga aktibong tala...............................................................64
Mga tala.................................................................................64
Calculator ..............................................................................64
Pang-convert ........................................................................64
Mobile na diksyunaryo.......................................................65
Adobe Reader........................................................................65
Quickoffice ............................................................................66
Mga setting............................................. 67
Mga Voice command..........................................................67
Mga setting ng telepono...................................................67
Pananalita..............................................................................69
Pamamahala ng data...............................70
Mag-install o magtanggal ng mga application..........70
File manager.........................................................................72
Mga lisensya.........................................................................72
Device manager...................................................................74
Pagkakakonekta.......................................76
Paglipat o pag-synchronise ng data..............................76
PC Suite..................................................................................76
Pagkakakonektang Bluetooth..........................................76
Koneksiyong USB.................................................................79
Malayuang pagsi-synchronise.........................................79
Push to talk...........................................................................80
Connection manager..........................................................81
Mga Tunay na Enhancement..................82
Baterya...................................................................................83
Nokia Bluetooth Headset BH-902..................................83
Nokia Car Kit CK-300.........................................................83
Nokia Mobile Holder CR-97.............................................83
Impormasyon ng baterya at charger......84
Mga tagubilin sa pagpapatunay ng bateryang
Nokia.......................................................................................85
Pag-aalaga at pagpapanatili ..................87
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
v
Karagdagang impormasyong
pangkaligtasan.........................................89
Mga maliit na bata .............................................................89
Kapaligiran sa pagpapatakbo...........................................89
Mga aparatong medikal ....................................................89
Mga sasakyan.......................................................................90
Mga potensyal na sasabog na kapaligiran...................91
Mga tawag na pang-emergency.....................................92
Certification information (SAR) ......................................92
Indeks........................................................94
vi
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.

Kaligtasan

Basahin ang mga simpleng patnubay na ito. Ang paglabag sa mga ito ay maaaring mapanganib o ilegal. Basahin ang kumpletong patnubay sa gumagamit para sa karagdagang impormasyon.
MAINGAT NA BUKSAN Huwag bubuksan ang
aparato kapag ang paggamit ng wireless na telepono ay ipinagbabawal o kapag maaaring maging sanhi ito ng pagkagambala o panganib.
NAUUNA ANG KALIGTASAN SA DAAN
Sundin ang lahat ng lokal na batas. Laging panatilihing malaya ang iyong mga kamay para paandarin ang sasakyan habang nagmamaneho. Ang unang dapat mong isaalang-alang habang nagmamaneho ay ang kaligtasan sa daan.
PAGKAGAMBALA Ang lahat ng mga
aparatong wireless ay maaaring magkaroon ng pagkagambala, na makakaapekto sa pagganap.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
PATAYIN SA MGA PINAGRERENDAHAN NA LUGAR Ang anumang mga pagrerenda. Isara
ang aparato sa eroplano, malapit sa kasangkapang pangmedikal, langis, mga kemikal, o mga lugar na pinagpapasabugan.
KUWALIPIKADONG SERBISYO Mga
kuwalipikadong tauhan lamang ang maaaring mag-install o magkumpuni ng produktong ito.
MGA ENHANCEMENT AT BATERYA Gamitin
lamang ang mga inaprubahang enhancement at baterya. Huwag ikabit ang mga hindi katugmang produkto.
WATER-RESISTANCE Ang iyong aparato at
hindi water-resistant. Panatilihin itong tuyo.
vii

Tungkol sa iyong aparato

Ang aparatong wireless na inilarawan sa gabay na ito ay naaprubahan para magamit sa GSM 850, 900, 1800, at 1900 at UMTS 900 at 2100 na mga network. Makipag-ugnayan sa iyong service provider para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga network.
Kapag ginagamit ang mga tampok na ito sa aparato, sundin ang lahat ng batas at igalang ang mga lokal na gawi, pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng iba, kabilang ang mga copyright.
Mapipigilan ng proteksyon sa copyright ang ilang mga imahe, musika, at ibang nilalaman sa pagkopya, pagbabago, o paglipat.
Sumusuporta ang iyong aparato ng ilang mga paraan ng pagkakonekta. Kagaya ng mga computer, maaaring lantad ang iyong aparato sa mga virus at iba pang nakakasamang nilalaman. Gawin ang pag-iingat sa mga mensahe, kahilingan sa pagkakakonekta, pag-browse, at pag­download. Mag-install lamang at gumamit ng mga serbisyo at iba pang software mula sa mga mapagtitiwalaang mapagkukunan na nag-aalok ng sapat na seguridad at proteksyon laban sa nakasasamang software, tulad ng mga application na mga Symbian Signed o pumasa sa pagsubok ng Java Verified™. Isaalang-alang ang pag-install ng antivirus at iba pang
software sa seguridad sa iyong aparato at anumang nakakonektang computer.
Ang iyong aparato ay maaaring mayroong paunang naka­install na mga tanda at link para sa mga internet site ng ikatlong-partido. Maaari mo ring i-access ang mga site ng iba pang ikatlong-partido sa pamamagitan ng iyong aparato. Hindi nakaakibat ang mga site na third-party sa Nokia, at hindi nag-e-endorse o nagpapalagay ng pananagutan ang Nokia para sa kanila. Kung pipiliin mong i-access ang gayong mga site, kailangan mong mag-ingat para sa seguridad o nilalaman.
Babala: Upang gamitin ang anumang mga tampok sa aparatong ito, bukod sa alarmang orasan, ang aparato ay dapat na nakabukas. Huwag paaandarin ang aparato kapag ang paggamit ng wireless na aparato ay maaaring magdulot ng pagkagambala o panganib.
Sinusuportahan ng mga application ng office ang mga pangkaraniwang tampok ng Microsoft Word, PowerPoint, at Excel (Microsoft Office, XP, at 2003). Hindi ang lahat ng mga format ng file ay matitingnan o mababago.
viii
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Tandaan na gumawa ng mga back-up na kopya o magtago ng isang nakasulat na rekord ng lahat ng mahalagang impormasyon na nakalagay sa iyong aparato.
Kapag kumokonekta sa anumang ibang aparato, basahin ang gabay sa gumagamit para sa mga detalyadong tagubiling pangkaligtasan. Huwag ikabit ang mga hindi katugmang produkto.

Mga serbisyong pang-network

Upang magamit ang telepono dapat ay mayroon kang serbisyo mula sa isang wireless service provider. Marami sa mga tampok ay nangangailangan ng mga espesyal na tampok ng network. Ang mga tampok na ito ay hindi makukuha sa lahat ng mga network; maaari kang atasan ng ibang mga network na makipag-ayos mismo sa iyong service provider bago mo makuha ang mga serbisyong network. Ang iyong service provider ay maaaring bigyan ka ng mga tagubilin at maipapaliwanag kung anong mga singil ang lalapat. May mga network na maaaring may mga limitasyon na nakakaapekto kung paano mo magagamit ang serbisyo ng network. Halimbawa, may ilang mga network na maaaring hindi sumuporta sa lahat ng character at/o mga serbisyo na nakasalalay sa wika.
Maaaring hiniling ng iyong service provider na huwag paganahin o huwag buhayin ang ilang mga katangian sa iyong aparato. Kung ganito ang kalagayan, ang mga ito ay hindi lilitaw sa menu ng iyong aparato. Ang iyong aparato ay maaari ding mayroong espesyal na pagsasaayos tulad ng mga pagbabago sa mga pangalan ng menu, pagkakasunod-sunod ng menu, at mga icon. Kontakin ang iyong service provider para sa karagdagang impormasyon.
Ang aparatong ito ay sumusuporta sa mga protocol ng WAP 2.0 (HTTP at SSL) na umaandar sa mga protocol ng TCP/IP. Ang ilang mga tampok ng aparatong ito, tulad ng MMS, pag-browse, at e-mail ay kakailanganin ang suporta ng network para sa mga teknolohiyang ito.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
ix

Pag-alis ng baterya

Laging patayin ang aparato at alisin sa pagkakasaksak ang charger bago tanggalin ang baterya.
x
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.

Suporta

Tulong

Ang iyong aparato ay may context-sensitive na tulong. Upang ma-access ang tulong kapag nakabukas ang aplikasyon, piliin ang Opsyon > Tulong. Upang lumipat sa pagitan ng tulong at ng aplikasyon na nakabukas sa background, pindutin at diinan ang , at pumili mula sa listahan ng mga nakabukas na application.
Upang buksan ang tulong mula sa pangunahing menu, piliin ang > Tulong > Tulong. Pumili ng isang application upang tingnan ang listahan ng mga paksa sa tulong, at piliin ang kaugnay na tekstong tulong. Upang buksan ang listahan ng keyword, piliin ang Opsyon > Hanapin.

Impormasyon ng suporta at kontak ng Nokia

Tingnan ang www.nokia-asia.com/6210/support o ang iyong lokal na Nokia website para sa mga pinakabagong gabay, mga download, at mga serbisyong kaugnay sa iyong produktong Nokia.
Sa Web site, makakakuha ka ng impormasyon ukol sa paggamit ng mga produkto at serbisyo ng Nokia.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Kung kailangan mong makipag-ugnayan sa mga serbisyong Nokia Care, tingnan ang listahan ng lokal na mga contact centres ng Nokia Care sa www.nokia.com/customerservice.
Para sa mga serbisyong pagpapanatili, tingnan ang iyong pinakamalapit na Nokia Care point sa www.nokia-asia.com/repair.
Mga update ng software
Ang Nokia ay maaaring gumawa ng mga update ng software na maaaring maghatid ng mga bagong tampok, mga pinaghusay na function, o pinabuting pagganap. Maaari mong hilingin ang mga update na ito sa pamamagitan ng aplikasyong PC na Nokia Software Updater. Upang i-update ang software ng aparato, kailangan mo ng aplikasyong Nokia Software Updater at isang kabagay na PC na may operating system na Microsoft Windows 2000, XP, o Vista, broadband na­access sa internet, at isang kabagay na kable ng data upang ikonekta ang iyong aparato sa PC.
xi
Upang makakuha ng higit pang impormasyon at upang mai-download ang aplikasyong Nokia Software Updater, bisitahin ang www.nokia-asia.com/softwareupdate o ang iyong local na Nokia web site.
Kung ang mga software update na makukuha sa ere ay suportado ng iyong lokal na network, maaari ka din humiling ng mga update sa pamamagitan ng aparato.
Ang pag-download ng mga software update ay maaaring kasangkutan ng pagpapadala ng malaking data sa pamamagitan ng network ng iyong service provider. Makipag-ugnayan sa iyong service provider para sa impormasyon ukol sa mga singil para sa pagpapadala ng data.
Tiyaking ang baterya ng aparato ay may sapat na lakas o ikabit ang charger bago simulan ang pag-a-update.
xii
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.

Magsimula

Ipasok ang (U)SIM card at baterya
Ang aparatong ito ay gumagamit ng mga bateryang BL-5F.
1. Upang buksan ang takip sa likod ng aparato,
pindutin ang release button sa takip sa likod.
2. Angatin ang takip sa likod para maalis ito.
3. Upang alisin ang baterya, angatin ito magmula sa dulo.
4. I-slide ang (U)SIM card sa lalagyan ng SIM card.
Tiyakin ang may-kulay na gintong bahagi ng pangkontak na nasa card ay nakaharap pababa sa aparato, at ang tinapyasang kanto ay nakaharap papunta sa lalagyan ng card.
Magsimula
5. Ibalik ang baterya.
6. Ibalik ang takip sa likod.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
1
Magsimula

Kard ng memory

Gumamit lamang ng mga kabagay na microSD at microSDHC card na inaprobahan ng Nokia para magamit sa aparatong ito. Gumagamit ang Nokia ng mga inaprubahang pamantayan sa industriya para sa mga memory card, ngunit maaaring hindi lahat ng mga tatak ay ganap na kabagay sa aparatong ito. Ang hindi mga kabagay na card ay maaaring makapinsala sa card at sa aparato at masira ang data na naka-imbak sa card.
Magpasok ng memory card
Tandaan na ang memory card ay maaaring isama sa aparato, at maaaring nakapasok na.
1. Buksan ang pasukan sa puwang ng memory card.
2. Ilagay ang memory card sa puwang na nakaharap
pababa ang bahaging may-kulay ginto. Marahang itulak ang card upang mai-lock ito sa lugar.
3. Isara ang pasukan sa puwang.
Mag-alis ng memory card
Mahalaga: Huwag aalisin ang memory card sa
kalagitnaan ng isang pag-andar kapag ginagamit ang card. Ang pag-aalis ng card sa kalagitnaan ng isang pagpapatakbo ay maaaring makasira sa memory card at maging sa aparato, at maaaring masira ang data na naka-imbak sa card.
1. Sa standby mode, dagliang pindutin ang power key.
2. Mag-scroll sa Alisin memory card, at piliin ang OK >
Oo.
3. Buksan ang pasukan sa puwang ng memory card.
4. Itulak nang marahan ang card upang mapakawalan ito.
5. Hilahin palabas ang card, at piliin ang OK.
6. Isara ang pasukan sa puwang.

Kargahan ang baterya

Ang iyong baterya ay nauna nang nakargahan ngunit ang mga antas ng pagkakakarga ay maaaring mag-iba.
1. Ikonekta ang charger sa saksakan sa dingding.
2
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Magsimula
2. Ikonekta ang charger sa aparato. Maaari mong gamitin
ang iyong aparato habang nagkakarga ito.
3. Kapag ganap na nakargahan ang baterya, idiskonekta
ang charger mula sa aparato, pagkatapos ay sa saksakan sa dingding.
Kung ang baterya ay lubos na walang-laman, maaaring tumagal ng ilang minuto bago lumitaw ang tagapahiwatig ng pagkarga sa displey o bago makatawag.
Ang tagal ng pagkakarga ay depende sa charger at sa ginamit na baterya.

Buksan at isara ang aparato

Pindutin at diinan ang power key.
Kung manghihingi ang aparato ng PIN code, ipasok ang PIN code, at piliin ang OK.
Kung manghihingi ang aparato para sa lock code, ipasok ang lock code, at piliin ang OK. Ang factory setting para sa kodigo ng lock ay 12345.
Itakda ang oras, time zone, at petsa
Ipasok ang lokal na oras, piliin ang time zone ng iyong kinalalagyan batay sa pagkakaiba ng oras kung ih ahambi ng s a Gr eenwic h Me an Time (GM T), at i pas ok ang petsa. Tingnan ang “Oras at petsa”, sa pahina 62.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
3
Magsimula
My Nokia
Ang My Nokia ay isang libreng serbisyo na nagpapadala sa iyo ng mga tip, trick, at suporta sa iyong aparatong Nokia nang regular bilang mga text message. Kung ang My Nokia ay magagamit sa iyong bansa at sinusuportahan ng iyong service provider, aaanyayahan ka ng iyong aparato na sumali sa serbisyong My Nokia pagkatapos na maitakda mo ang oras at petsa.
Piliin ang wika para sa serbisyo. Kung papalitan mo ang wika, ang aparato ay magre-restart. Upang magpatala sa My Nokia, piliin ang Tanggapin at sundin ang mga tagubilin na nasa display.
Upang saka na magpatala sa My Nokia, piliin ang >
Tulong > My Nokia.
4
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.

Mga lokasyon ng antenna

• Cellular antenna (1)
• Bluetooth antenna (2)
• GPS antenna (3) Ang iyong aparato ay maaaring may
mga panloob at panlabas na antenna. Tulad ng anumang aparatong naghahatid ng signal ng radyo, iwasang mahawakan ang bahagi ng antenna nang hindi kinakailangan habang naghahatid ng signal o tumatanggap. Ang pagkakadiit sa gayong antenna ay nakakaapekto sa kalidad ng komunikasyon at maaaring magdulot sa aparato na tumakbo sa mas mataas na antas ng lakas kaysa kinakailangan at maaaring mabawasan ang buhay ng baterya.

Mga setting ng kumpigurasyon

Bago mo magamit ang multimedia messaging, instant messaging, push to talk, e-mail, synchronization, streaming, at ang browser, dapat mayroon kang wastong mga setting sa pagkukumpigura sa iyong aparato. Maaaring awtomatikong ikumpigura ng iyong aparato ang browser, multimedia messaging, access point, at streaming batay sa SIM kard na ginamit. Kung hindi, maaari mong gamitin ang Sett. wizard na application upang ikumpigura
Magsimula
ang mga setting, o maaari mong matanggap ang mga setting nang direkta bilang mensahe na pangkumpigura, na iyong ise-save sa iyong aparato. Para sa higit pang impormasyon sa pagkakaroon, makipag-ugnayan sa iyong service provider o pinakamalapit na awtorisadong dealer ng Nokia.
Kapag tumanggap ka ng mensahe sa pagkumpigura, at ang mga setting ay hindi awtomatikong nai-save at naiaktibo,
1 bagong mensahe ay ipinapakita. Upang i-save ang mga
setting, piliin ang Ipakita > Opsyon > I-save. Maaaring kailanganin mong magpasok ng isang PIN code na ibinigay ng service provider.

Aplikasyon para sa pagsalubong

Ang Welcome na application ay magsisimula kapag binuksan mo ang iyong aparato sa unang pagkakataon. Sa pamamagitan ng Welcome application, magagamit mo ang mga sumusunod na application:
Sett. wizard — Ikinukumpigura ang mga setting ng
koneksyon. Tingnan ang “Settings wizard”, sa pahina 5.
Sett. ng e-mail — Ikinukumpigura ang mga setting ng
e-mail. Tingnan ang “Mga setting ng e-mail”, sa pahina 29.
Switch — Kinokopya o sini-synchronize ang data mula sa
ibang mga kabagay na aparato.
Tutorial — Alamin ang tungkol sa mga tampok ng iyong
aparato at kung paano gamitin ang mga ito. Upang saka na simulan ang tutorial, piliin ang > Tulong > Tutorial at isang aytem ng tutorial.
Upang saka na buksan ang Welcome, piliin ang >
Tulong > Welcome.

Settings wizard

Ikinukumpigura ng setting wizard na application ang iyong aparato para sa operator at mga setting ng e-mail sa iyong service provider. Ang pagkukumpigura ng iba pang setting ay maaaring posible rin.
Para magamit ang mga serbisyong ito, maaaring kailangan mong kontakin ang iyong network operator o tagapaglaan ng serbisyo para iaktibo ang isang koneksyong data o iba pang serbisyo.
Piliin ang > Mga setting > Sett. wizard.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
5

Ang iyong aparato

Ang iyong aparato

Mga pindutan at piyesa

• Earpiece (1)
• Ikalawang lente ng kamera (2)
• Sensor ng ilaw (3)
•Displey (4)
• Mga kaliwa at kanang pindutan sa pagpili (5)
•Ang Navi mula noon ay tinukoy bilang scroll key, at ilaw ng Navi key sa paligid nito (6)
• Menu key (7)
• I-clear key (8)
• Tawag key (9)
• Power key / end key (10)
• Navigator key na may ilaw ng GPS (11)
• Mga number key (12)
TM
scroll key,
• Pangkonekta ng charger (13)
• Pangkonekta ng headset (14)
• Mga key ng volume (15)
• Camera key (16)
6
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Ang iyong aparato
• Flash ng kamera (17)
• Pangunahing lente ng kamera (18)
• Loudspeaker (19)
• Pangkonektang micro USB (20)
• Puwang ng memory card (21)
• Release button ng takip sa likod (22)
• Mikropono (23) Sa panahon nang pinalawig na paggamit, ang aparato ay
maaaring uminit. Sa karamihang kaso, ang kundisyong ito ay normal. Kung nagsususpetsa ka na hindi gumagana nang maayos ang iyong aparato, dalhin ito sa pinakamalapit na awtorisadong pasilidad ng serbisyo.

Standby mode

Kapag binuksan mo ang aparato, at ito ay rehistrado sa isang network, nasa standby mode ang aparato at nakahanda na para gamitin.
Upang piliin ang view para sa standby mode, piliin ang >
Mga setting > Sett. ng tel. > Pangkalahatan > Personalisasyon > Standby mode > Tema sa standby.
Ilayo ang iyong aparato sa mga magnet o magnetic field dahil ang mga ito ay maaaring magsanhi sa ilang mga appication na maaktiba nang hindi inaasahan.
Mga shortcut sa standby mode
Upang buksan ang isang listahan ng pinakahuling nai-dial na mga numero, pindutin ang call key.
Upang tawagan ang iyong voice mailbox sa standby mode, pindutin ang 1 at ang pindutang pangtawag.
Upang gamitin ang mga voice command o voice dialling, pindutin at diinan ang kanang selection key.
Upang makinig sa mga bagong natanggap na mensahe, pindutin at diinan ang kaliwang selection key hanggang ang Pambasa msg. ay magsimula.
Upang baguhin ang profile, sandaling pindutin ang power key, at pumili ng isang profile.
Upang mabilis na magpalit sa silent profile mula sa alinmang ibang profile, sa standby mode, pindutin at diinan ang #.
Para simulan ang koneksyon sa Web, pindutin at idiin ang 0.
Depende sa piniling tema ng standby, maaari kang pumili ng mga application o mga kaganapan na idadagdag sa isang listahan ng shortcut sa standby mode o sa mga scroll key. Upang piliin ang mga application o mga kaganapan, piliin ang > Mga setting > Sett. ng tel. >
Pangkalahatan > Personalisasyon > Standby mode > Mga shortcut.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
7
Ang iyong aparato
Profile na offline
Upang mabilis na maaktiba ang Offline na profile, sa standby mode, dagliang pindutin ang power key, at piliin ang Offline. Upang huwag galawin ang Offline na profile, dagliang pindutin ang power key, at pumili ng ibang profile.
Kapag aktibo ang Offline na profile, ang lahat ng mga koneksyon sa cellular network ay isinasara. Gayon man, maaari mong gamitin ang iyong aparato nang walang SIM card, at makinig sa radyo o musika gamit ang Music Player. Alalahaning isara ang iyong aparato kapag ipinagbabawal ang paggamit ng wireless na telepono.
Mahalaga: Sa profile na Offline hindi ka puwedeng tumawag o tumanggap ng anumang mga tawag, o gumamit ng ibang mga katangian na nangangailangan ng pagsakop ng cellular network. Maaari pa ding makapagsagawa ng mga tawag papunta sa opisyal na numerong pang­emergency na nakaprograma sa iyong aparato. Para gumawa ng mga tawag, kailangan mo munang isaaktibo ang punsyon ng telepono sa pagpapalit ng mga profile. Kung ang aparato ay nai-lock, ipasok ang lock code.
8
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.

Mga tagapagpahiwatig

Mga icon
o — Ang aparato ay nakakonekta sa isang UMTS
o GSM network.
— Inaktiba ang HSDPA (serbisyo ng network) sa UMTS
network.
— Ang aparato ay nasa sa Offline na profile at hindi
nakakonekta sa isang cellular network.
— Nakapasok ang memory card sa aparato.
— Mayroon kang hindi pa nababasang mga mensahe
sa inbox sa Pagmemensahe.
— Mayroon kang bagong e-mail sa iyong remote na
mailbox.
— Mayroon kang mga mensahe sa outbox na
naghihintay na maipadala.
— Mayroon kang mga hindi nasagot na tawag.
Uri ng tunog ay naitakda sa Tahimik and Tunog alerto
ng msh. at Tono alerto ng e-mail ay naitakda sa Off.
— Naka-lock ang keypad ng aparato.
— Nakaaktiba ang loudspeaker.
— Aktibo ang alarma.
Ang iyong aparato
— Inililihis ang lahat ng tawag sa aparato sa ibang
numero.
o — Nakakonekta ang isang headset o loopset sa
aparato.
o o — Aktibo ang koneksyon ng GPRS packet data, o naghihintay ang koneksyon, o magagamit ang koneksyon.
o o — Aktibo ang koneksyon ng GPRS packet data sa isang bahagi ng network na sinusuportahan ang EGPRS, o naghihintay ang koneksyon, o magagamit ang koneksyon. Maaaring hindi gamitin ng iyong aparato ang EGPRS sa pagsasalin ng data.
o o — Aktibo ang koneksyon ng UMTS packet data, o naghihintay ang koneksyon, o magagamit ang koneksyon.
o — Nakabukas ang pagkakakonektang Bluetooth, o ipinapadala ang data gamit ang teknolohiyang Bluetooth.
— Aktibo ang koneksyong USB.
— Aktibo ang GPS receiver
Ang iba pang mga tagapagpahiwatig ay maaari ring ipakita.
Pahiwatig na ilaw
Ilaw ng GPS
Kukurap ang ilaw ng GPS kapag sinusubukan ng iyong aparato na makapagtaguyod ng koneksyong GPS, at mananatiling nakabukas kapag naitaguyod ang koneksyong GPS. Kapag isinara mo ang application gamit ang koneksyong GPS, mabilis na kukurap ang ilaw nang ilang beses.
Ilaw ng Navi key
Maaari mong itakda na kumurap nang mabagal ang ilaw ng Navi key upang ipahiwatig kapag binuksan ang aparato. Magbubukas ang ilaw nang ilang segundo sa pagitan ng humigit kumulang 20 segundo. Upang aktibahin ang ilaw ng kalagayan, piliin ang > Mga setting > Sett. ng tel. >
Pangkalahatan > Personalisasyon > Standby mode > Ilaw ng katayuan > On.
Mga nakaligtaang kaganapan
Mabagal na kukurap ang ilaw ng Navi key nang ilang minuto pagkatapos ng isang nakalitaang kaganapan, tulad ng hindi nasagot na tawag.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
9
Ang iyong aparato

Screen saver

Upang itakda ang mga setting ng screen saver, piliin ang
> Mga setting > Sett. ng tel. > Pangkalahatan >
Personalisasyon > Pakita > Screen saver. Upang itakda ang
yugto ng timeout pagkatapos na maaktiba ang screen saver, piliin ang Screen saver time-out. Upang itakda kung gaano katagal na aktibo ang screen saver, piliin ang Tagal
ng screen saver.

Menu

Sa menu maaari mong magamit ang mga function sa iyong aparato. Upang ma-access ang main menu, piliin ang .
Para buksan ang isang aplikasyon o folder, mag-scroll dito at pindutin ang scroll key.
Kung babaguhin mo ang pagkakaayos ng mga function sa menu, maaaring mag-iba ang pagkakaayos mula sa default na ayos na naisalarawan sa patnubay ng gumagamit na ito.
Upang baguhin ang view ng menu, piliin ang Opsyon >
Baguhin view ng Menu at ang uri ng view.
10
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.

Magmarka ng mga aytem sa isang application

Upang markahan o alisan ng marka ang isang aytem sa mga application, tulad ng imahe o video clip sa Gallery, pindutin ang #. Upang magmarka o alisan ng marka ang ilan-ilang magkakasunod na aytem, pindutin at diinan ang
#, at mag-scroll.

Lumipat sa pagitan ng mga application

Upang lumipat sa pagitan ng mga application, gawin ang isa sa mga sumusunod:
• Piliin ang Opsyon > Ipakita bukas na app. at ang
application.
• Pindutin at diinan ang . Mag-scroll sa isang aplikasyon, at piliin ito.

Magsara ng application

Upang magsara ng application o ng folder, piliin ang Balik at Lumabas hangga’t ilang beses kinakailangan upang makabalik sa standby mode, o piliin ang Opsyon >
Lumabas.
Ang iyong aparato
Ang pag-iwan sa mga aplikasyong gumagana sa background ay nagdaragdag sa konsumo sa lakas ng baterya at nagpapahina sa baterya.

Volume control

Para baguhin ang volume ng earpiece o loudspeaker habang tumatawag o kapag nakikinig sa isang file na audio, pindutin ang mga key ng volume. Upang iaktiba o idiaktiba ang loudspeaker sa oras ng isang tawag, piliin ang Loudsp. o ang Handset.
Babala: Huwag ilalapit ang aparato malapit sa iyong tainga kapag ginagamit ang loudspeaker, sapagkat maaaring lubhang napakalakas ng tunog.

I-display ang pag-ikot

Ang iyong aparato ay may accelerometer na nakararamdam sa galaw ng mga aparato.
Upang paikutin nang awtomatiko ang nilalaman ng display kapag pinihit mo ang aparato sa kaliwang gilid nito, o pabalik sa patayong posisyon nito, piliin ang > Mga
setting > Sett. ng tel. > Pangkalahatan > Setng ng sensor > Mga sensor On. Ang ilang mga application at
tampok ay maaaring hindi sinusuportahan ang umiikot na nilalaman ng display.

Kontrol sa pagpihit

Upang mapatahimik ang mga tawag at ii-snooze ang mga alarma sa pamamagitan ng pagpihit sa aparato para ang display ay nakaharap pababa > Mga setting > Sett. ng
tel. > Pangkalahatan > Setng ng sensor > Mga sensor > On. Piliin ang Pagkontrol ng pagpihit, at markahan Pagtahimik ng tawag at ang Pag-snooze ng alrma.

Kandado ng teklado (keyguard)

Upang i-lock ang keypad kapag isinara mo ang slide, piliin ang > Mga setting > Sett. ng tel. > Pangkalahatan >
Pag-handle slid. > Pag-aktibo ng keyguard > Baguhin > Bkas pag snasara sld..
Upang itakda ang aparato na awtomatikong ila-lock ang keypad matapos ang ilang sandali, piliin ang > Mga
setting > Sett. ng tel. > Pangkalahatan > Seguridad > Telepono at SIM card > Tagal autolock, keypad > Tukoy ng gumagamit at ang nais na oras.
Ang pagbubukas sa slide ay ma-a-unlock ang keypad. Upang i-unlock ang keypad kapag isinasara ang slide, pindutin ang kaliwang selection key at piliin ang OK sa loob ng 1.5 segundo.
Kapag naka-lock ang aparato o keypad, ang mga tawag ay maaaring posible sa opisyal na numerong pang-emergency na nakaprograma sa iyong aparato.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
11
Ang iyong aparato

Remote na pag-lock

Maaari mong i-lock ang iyong aparato at memory card nang malayuan gamit ang isang text message. Upang paganahin ang remote na pagla-lock at upang tukuyin ang nilalaman ng text message na gagamitin, piliin ang > Mga setting > Sett. ng tel. >
Pangkalahatan > Seguridad > Telepono at SIM card > Remote pag-lock ng tel. > Pinagana. Ipasok ang nilalaman
ng text message (5 hanggang 20 character), tiyakin ito, at ipasok ang lock code.

Mga access code

Upang itakda kung paano ginagamit ng iyong aparato ang mga access code, piliin ang > Mga setting > Sett. ng
tel. > Pangkalahatan > Seguridad > Telepono at SIM card.
Kodigo ng lock
Tinutulungan ng lock code (5 digits) na i-lock ang iyong aparato. Ang naka-preset na code ay 12345. Palitan ang code, panatilihing sekreto ang bagong code at sa nasa ligtas na lugar na hiwalay sa iyong aparato.
Upang palitan ang lock code, piliin ang > Mga setting >
Sett. ng tel. > Pangkalahatan > Seguridad > Telepono at SIM card > Lock code. Upang aktibahin ang awtomatikong
pag-lock ng iyong aparato, piliin ang Tagal, autolock ng
tel. > Tukoy ng gumagamit.
Kung makalimutan mo ang code at naka-lock ang iyong aparato, mangangailangan ng serbisyo ang iyong aparato at maaaring lumapat ang mga karagdagang singil. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Nokia Care Center.
Kapag naka-lock ang aparato o keypad, ang mga tawag ay maaaring posible sa opisyal na numerong pang-emergency na nakaprograma sa iyong aparato.
Mga PIN code
Tumutulong ang personal identification number (PIN) code o ang universal personal identification number (UPIN) code (4 hanggang 8 digit) na protektahan ang iyong SIM card. Karaniwang ibinibigay ang (U)PIN code kasama ng SIM card. Itakda ang aparato na hilingin ang code sa tuwing bubuksan ang aparato, piliin ang > Mga setting > Sett.
ng tel. > Pangkalahatan > Seguridad > Telepono at SIM card > Hiling ng PIN code > On.
Ang PIN 2 code ay maaaring ibigay kasama ng SIM card at kinakailangan para sa ilang function.
Ang module PIN ay kinakailangan upang ma-access ang impormasyon na nasa module ng seguridad. Ang PIN sa pagpirma ay kinakailangan para sa digital na pirma. Ibinibigay ang module PIN at ang PIN sa pagpirma kasama
12
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Ang iyong aparato
ng SIM card kung may module ng seguridad ang SIM card sa loob nito.
Mga PUK code
Kinakailangan ang personal unblocking key (PUK) code o ang universal personal unblocking key (UPUK) code (8 digit) upang baguhin ang naka-block na PIN code at UPIN code, nang magkakasunod. Kinakailangan ang PUK2 code upang baguhin ang naka-block na PIN2 code.
Kung kinakailangan, makipag-ugnayan sa iyong lokal na service provider para sa mga code.
Password sa paghadlang
Kinakailangan ang password sa paghahadlang (4 digits) kapag ginagamit ang paghahadlang sa tawag. Makukuha mo ang numerong ito mula sa iyong service provider. Kapag ang password ay hinadlangan, kontakin ang iyong service provider.

Mag-download!

Mag-download! (serbisyong network) ay isang mobile na naglalaman ng pamimiling magagamit sa iyong aparato.
Sa Download! ikaw ay maaring tumuklas, sumilip, bumili, mag-download, at mag-upgrade ng nilalaman, serbisyo, at mga application. Ang mga item ay iniuuri sa ilalim ng mga katalogo at folder na ibinigay ng iba’t-ibang mga service provider. Ang mga makukuhang nilalaman ay depende sa iyong service provider.
Piliin ang > Internet > I-download!.
Mag-download! gamitin ang mga serbisyo ng iyong network upang magamit ang pinaka up-to-date na nilalaman. Para sa impormasyon sa karagdagang mga aytem na makukuha sa pamamagitan ng Download!, kontakin ang iyong service provider, o ang tagatustos o tagagawa ng aytem.

Sarili ko

Maaari kang mag-install ng mga application sa iyong aparato. Upang magamit ang mga application, piliin ang
> Aplikasyon > Sarili ko.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
13
Ang iyong aparato
Mahalaga: I-install at gamitin lamang ang mga
application at iba pang software mula sa mga pinagkakatiwalaang pinagkukunan, tulad ng mga application na Symbian Signed o nakapasa sa pagsusuri na Java Verified
TM
.
Ikabit ang isang kabagay na headset
Huwag ikabit ang mga produkto na lumilikha ng senyas dahil ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa aparato. Huwag magkonekta ng anumang pinagmumulan ng boltahe sa Nokia AV Connector.
Kapag nagkokonekta ng anumang panlabas na aparato o anumang headset, maliban sa mga naaprobahan ng Nokia para gamitin sa aparatong ito, sa Nokia AV Connector, pakinggan nang husto ang lakas ng volume.
Magkunekta ng isang USB data cable
Ikunekta ang kabagay na USB data cable sa kabitan ng USB.
Upang piliin ang default na mode ng koneksyon ng USB o palitan ang aktibong mode, piliin ang > Mga setting >
Koneksyon > USB > Mode ng USB koneksyon at ang
ninanais na mode. Para i-set kung ang default mode ay awtomatikong nabuhay, piliin ang Itanong pagkonekta >
Hindi.
14
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.

Mga punsiyon ng tawag

Mga punsiyon ng tawag
Upang isaayos ang volume sa oras ng isang tawag, pindutin ang mga volume key.
Magsagawa ng tawag na pang-boses
1. Sa standby mode, ipasok ang numero ng telepono,
kasama ang area code. Pindutin ang i-clear key para alisin ang isang numero. Para sa mga internasyonal na tawag, pindutin ang * ng dalawang beses para sa internasyonal na prefix (ang + na karakter ang pumapalit sa internasyonal na access code), at ipasok ang country code, area code (alisin ang nauunang zero kung kailangan), at numero ng telepono.
2. Para tawagan ang numero, pindutin ang tawag key.
3. Para tapusin ang tawag, o kanselahin ang
pagtatangkang tumawag, pindutin ang tapos key. Upang piliin kung tatapusin ang mga tawag kapag isasara ang slide, piliin ang > Mga setting > Sett. ng
tel. > Pangkalahatan > Pag-handle slid. > Pagsara ng slide > Baguhin > Tapusin aktibo twg. or Ituloy aktibong twg.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Upang magsagawa ng tawag mula sa Contacts, piliin ang
> Mga contact. Mag-scroll sa ninanais na pangalan, o ipasok ang mga unang titik ng pangalan, at mag-scroll sa ninanais na pangalan. Para tawagan ang numero, pindutin ang tawag key.
Upang tawagan ang kada-dial palang na numero mula sa standby mode, pindutin ang call key.
Speed dialling
Ang speed dialling ay isang mabilis na paraan na tawagan ang madalas na gamitin ang mga numero mula sa standby mode. Kailangan mong magtalaga ng isang numero ng telepono sa mga speed dialling key 2 hanggang 9 (ang 1 ay nakareserba para sa voice call mailbox), at itakda ang
Bilis dayal sa On.
Upang magtalaga ng numero ng telepono sa isang speed dialling key, piliin ang > Mga setting > Bilis dayal. Mag-scroll sa pangkat ng contact, at pindutin ang scroll key. Upang baguhin ang number, Italaga ang Opsyon >
Baguhin.
Upang aktibahin ang speed dialling, piliin ang > Mga
setting > Sett. ng tel. > Telepono > Tawag > Bilis dayal > On.
15
Mga punsiyon ng tawag
Upang tawagan ang isang numero ng speed dialling, pindutin at diinan ang speed dialling key hanggang sa magsimula ang tawag.
Call mailbox
Upang tawagan ang iyong voice mailbox (serbisyo ng network), mula sa standby mode, pindutin at diinan ang 1. Maaari kang magkaroon ng mga mailbox ng tawag para sa mga voice call at maramihang linya ng telepono.
Upang tukuyin ang numero ng mailbox ng tawag kung walang naitakdang numero, piliin ang > Mga setting >
Mailbx, twg.. Mag-scroll sa Voice mailbox, at ipasok ang
kaukulang numero ng mailbox. Upang palitan ang numero ng mailbox ng tawag, piliin ang Opsyon > Baguhin ang
numero. Para sa numero ng mailbox ng tawag, makipag-
ugnayan sa iyong service provider.
Voice dialling
Ang voice tag ay awtomatikong idinadagdag sa lahat ng entrada sa Contacts. Gumamit ng mahahabang pangalan, at iwasan ang magkakatulad na pangalan para sa magkakaibang numero.
Magsagawa ng tawag na voice dialling
Ang mga voice tag ay sensitibo sa ingay sa background. Gamitin ang mga voice tags sa isang tahimik na kapaligiran.
Paalala: Ang paggamit ng mga voice tag ay maaaring mahirap sa isang maingay na kapaligiran o sa panahon ng emergency, kaya hindi ka dapat umasa lamang sa voice dialling sa lahat ng pagkakataon.
1. Sa standby mode, pindutin at idiin nang matagal-tagal
ang kanang pagpipiliang key. Kung ikaw ay gumagamit ng kabagay na headset sa headset key, pindutin at idiin nang matagal-tagal ang headset key.
2. Kapag ipinakita ang Magsalita, bigkasin nang malinaw
anag voice command. Ipini-play ng aparato ang voice command na pinakatugma. Pagkatapos ng 1.5 na segundo, ida-dial ng aparato ang numero, kung hindi tama ang resulta, pumili ng ibang entry bago mag-dial.
16
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
Mga punsiyon ng tawag
Magsagawa ng isang tawag kumperensiya
Sinusuportahan ng iyong aparato ang mga conference call (serbisyo ng network) sa pagitan ng anim na kalahok kabilang ang iyong sarili.
1. Tumawag sa unang kalahok.
2. Para magsagawa ng isang tawag sa isa pang kalahok,
piliin ang Opsyon > Bagong tawag.
3. Upang gumawa ng conference call kapag sinagot ang
bagong tawag, piliin ang Opsyon > Kumperensya. Upang magdagdag ng isa pang tao sa conference call, ulitin ang step 2, at piliin ang Opsyon >
Kumperensya > Isama sa kumperensya.
4. Para tapusin ang tawag kumperensiya, pindutin ang
tapos key.

Sagutin o tanggihan ang tawag

Upang sagutin ang tawag, pindutin ang call key.
Para huwag patunugin ang ringtone, piliin ang Tahimik.
Para tanggihan ang tawag, pindutin ang tapos key, o piliin ang Opsyon > Tanggihan. Kung iyong naaktiba ang
Paglihis tawag > Kung busy, ang pagtanggi sa tawag ay
ililihis ang tawag.
Upang magpadala ng text message bilang tugon sa tumatawag imbes na sagutin ang tawag, piliin ang
Opsyon > Ipadala ang mensahe. Upang aktibahin ang
pagtugon sa text message at i-edit ang mensahe, piliin ang
> Mga setting > Sett. ng tel. > Telepono > Tawag >
Tanggihan twg. sa msh. at Mensaheng text.
Upang tukuyin kung sasagutin nang awtomatiko ang mga tawag kapag bubuksan ang slide, piliin ang > Mga
setting > Sett. ng tel. > Pangkalahatan > Pag-handle slid. > Pagbukas ng slide > Baguhin > Sagutin papasok twg. o Tawag ay di nasagot
Naghihintay na tawag
Sa oras ng isang tawag, para sagutin ang naghihintay na tawag, pindutin ang tawag. Ang unang tawag ay pinaghihintay. Upang magpalipat-lipat sa pagitan ng dalawang tawag, piliin ang Palitan. Para tapusin ang aktibong tawag, pindutin ang tapos key.
Upang aktibahin ang function na call waiting (serbisyo ng network), piliin ang > Mga setting > Sett. ng tel. >
Telepono > Tawag > Call waiting > Buhayin.
Karapatang-maglathala © 2008 Nokia. Ang lahat ng karapatan ay nakareserba.
17
Loading...
+ 81 hidden pages