Mahalaga: Para sa mahalagang impormasyon tungkol sa ligtas na paggamit ng iyong device at
baterya, basahin ang impormasyong “Para sa iyong kaligtasan” at “Kaligtasan ng Produkto” sa
naka-print na gabay para sa user, o sa www.nokia.com/support bago mo gamitin ang device.
Alamin kung paano magsimula sa iyong bagong device, basahin ang naka-print na gabay para
sa user.
Huwag kumonekta sa mga produktong naglalabas ng signal, dahil maaari nitong masira ang
device. Huwag magkakabit ng anumang pinagmumulan ng boltahe sa connector ng audio. Kung
magkakabit ka ng panlabas na device o headset, bukod sa mga naaprubahan para gamitin sa
device na ito, sa connector ng audio, bigyan ng pansin ang lakas ng volume.
Magnetic ang mga piyesa ng device. Maaaring mahila sa device ang mga materyal na gawa sa
metal. Huwag maglagay ng mga credit card o iba pang magnetic stripe card malapit sa device
nang matagal, dahil maaaring masira ang mga card.
ILAGAY ANG SIM AT MGA MEMORY CARD
Ilagay ang mga card sa TA-1394, TA-1397
1. Buksan ang tray ng SIM card: itulak ang pin na pambukas ng tray sa butas ng tray at hilahin
ang tray palabas.
2. Ilagay ang nano-SIM sa slot ng SIM sa tray nang nakaharap sa ibaba ang contact area.
3. Kung mayroon kang memory card, ilagay ito sa slot ng memory card.
1. Buksan ang memory card tray: itulak ang pin na pambukas ng tray sa butas ng tray at hilahin
ang tray palabas.
2. Ilagay ang memory card sa slot ng memory card sa tray.
3. Itulak ang tray pabalik.
Mahalaga: Huwag alisin ang memory card kapag ginagamit ito ng isang app. Kapag ginawa ito,
maaaring masira ang memory card at ang device at masira ang data na nakaimbak sa card.
Tip: Gumamit ng mabilis at hanggang 512 GB na microSD memory card mula sa isang kilalang
manufacturer.
1. Magsaksak ng compatible na charger sa saksakan.
2. Ikabit ang cable sa iyong tablet.
Sinusuportahan ng iyong tablet ang USB-C cable. Maaari mo ring i-charge ang iyong tablet mula
sa isang computer gamit ang isang USB cable, ngunit maaaring mas matagalan ito.
Kung sagad ang pagka-discharge ng baterya, maaaring abutin nang ilang minuto bago lumabas
ang indicator ng pag-charge.
I-ON AT I-SET UP ANG IYONG TABLET
I-on ang iyong tablet
1. Para i-on ang iyong tablet, pindutin nang matagal ang power key hanggang sa bumukas ang
tablet.
2. Sundin ang mga tagubiling ipapakita sa screen.
I-LOCK O I-UNLOCK ANG IYONG TABLET
I-lock ang iyong mga key at screen
Para i-lock ang iyong mga key at screen, pindutin ang power key.
I-unlock ang mga key at screen
Pindutin ang power key, at mag-swipe pataas sa screen. Kung hiniling, ibigay ang mga
karagdagang kredensyal.
GAMITIN ANG TOUCH SCREEN
Mahalaga: Iwasang magasgas ang touch screen. Huwag na huwag gagamit ng aktwal na pen,
lapis, o iba pang matulis na bagay sa touch screen.
Mabilis na i-slide ang iyong daliri sa mosyon na papitik pataas o pababa sa screen, at iangat ang
iyong daliri. Para ihinto ang pag-scroll, i-tap ang screen.
Mag-zoom in o out
Maglagay ng 2 daliri sa ibabaw ng isang item, tulad ng mapa, litrato, o web page, at i-slide
palayo o palapit sa isa’t isa ang iyong mga daliri.
Awtomatikong magro-rotate ang screen kapag ipinihit mo ang tablet nang 90 degrees.
Para i-lock ang screen sa portrait mode, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen, at i-tap
ang Awtomatikong i-rotate .
Mag-navigate gamit ang mga galaw
Para i-on ang paggamit ng pag-navigate gamit ang galaw, i-tap ang Mga Setting > System >
Mga Galaw > Pag-navigate ng system > Pag-navigate gamit ang galaw .
• Para makita ang lahat ng iyong app, mag-
swipe pataas mula sa .
• Para pumunta sa home screen, magswipe pataas mula sa ibaba ng screen.
Mananatiling nakabukas sa background
ang app na ginamit mo.
• Para makita kung aling mga app ang
nakabukas sa iyo, mag-swipe pataas mula
sa ibaba ng screen nang hindi iniaangat
ang iyong daliri hanggang sa makita mo
ang mga app, at pagkatapos ay iangat ang
Mag-navigate gamit ang mga key
Para i-on ang mga key sa pag-navigate, i-tap ang Mga Setting > System > Mga Galaw >
Pag-navigate ng system > Pag-navigate gamit ang 3 button .
iyong daliri.
• Para lumipat sa ibang nakabukas na app,
i-tap ang app.
• Para isara ang lahat ng nakabukas na app,
i-tap ang I-CLEAR LAHAT .
• Para bumalik sa nakaraang screen kung
nasaan ka, mag-swipe mula sa kanan o
kaliwang gilid ng screen. Natatandaan ng
tablet mo ang lahat ng app at website na
binisita mo mula noong huling beses na
na-lock ang iyong screen.
• Para makita ang lahat ng iyong app, i-swipe
pataas ang home key .
• Para pumunta sa home screen, i-tap ang
home key. Mananatiling nakabukas sa
background ang app na ginamit mo.
• Para makita kung aling mga app
ang nakabukas sa iyo, i-tap ang
.
• Para lumipat sa ibang nakabukas na app,
mag-swipe pakanan at i-tap ang app.
• Para isara ang lahat ng nakabukas na app,
i-tap ang I-CLEAR LAHAT .
• Para bumalik sa nakaraang screen kung
nasaan ka, i-tap ang . Natatandaan ng
tablet mo ang lahat ng app at website na
binisita mo mula noong huling beses na
na-lock ang iyong screen.
Loading...
+ 25 hidden pages
You need points to download manuals.
1 point = 1 manual.
You can buy points or you can get point for every manual you upload.